Share

Kabanata 9

Game of Love

Hawak ng team nila Danika at Alan ang case ni Regine, ang rising star model na natagpuan sa condo unit n'ya na wala ng buhay. Sina SPO1 Danika Prachom at SPO2 Alan Philipe ang naka-assign na mag-imbestiga sa kaso ni Regine. Pumasok si Alan sa opisina ni Danika dala-dala n'ya ang result ng autopsy. 

"Na sa 'kin na ang result ng autopsy," sabi ni Alan. Lumapit s'ya kay Danika at hinila ang sigarilyo sa bibig nito. Inihinulog sa sahig at tinapakan pagkatapos pinitik n'ya ang bibig ni Danika.

"Aray naman!"

" Sabi ko sayo, tigilan mo na paninigarilyo! "

"Tsk! Patingin nga ng result!"

Binasa ni Danika saglit ang resulta ng autopsy. 

"Lumalabas na hindi ni-rape si Regine. Wala ring anumang bagay na ninakaw sa condo n'ya. Ang ibig sabihin ba? Ang motibo ng killer ay patayin lamang s'ya?" 

"Pero imposible eh, grabe ang ginawang pangto-torture sa kanya," sabi ni Alan.

Si Regine kasi nang matagpuan, may busal sa bibig. May marka sa leeg na parang sinakal ng kung ano. Lamog-lamog ang katawan, bali-bali ang buto idagdag pa ang napakaraming pasa at ang pinaka nakakatakot dito, pinagkasya s'ya sa loob ng maleta ng walang anumang saplot.

Pero ang lumalabas, ayon sa otopsiya. Hindi naman s'ya ni-rape. Malinis din ang record ni Regine, wala s'yang kagalit o anumang atraso. Kaya naman, nagtataka sila kung ano talaga ang motibo ng killer. Napatingin sila sa pinto ng may biglang kumatok. Binuksan ito ni Alan, may isang police na nagbigay ng files. Pumasok ulit si Alan.

"Ano naman 'yan?" tanong ni Danika pagpasok ni Alan.

"Same case nang pagpatay kay Regine."

Isa-isa itong inilabas ni Alan at idinikit sa white board, limang picture ng ibat-ibang tao pero pare-pareho ng kaso kung paano pinatay.

"At s'ya ang pang-anim," dugtong pa ni Alan. Isinabit ang last picture sa white board. Ito ang kaso ni Regine. 

"Nag-uumpisa na akong kabahan sa mga nangyayari, parang hindi na tao ang gagawa nito. Masyado halang ang kaluluwa! Isa s'yang demonyo!" mariing sambit ni Danika.

"Ayon sa mga private investigator natin, maaaring serial killer ang may gawa nito."

"May lead ba kung anong itchura ng killer?"

"Mahirap ma-identify dahil sa mga nakalipas na taon ibat-ibang mukha ang ginagamit ng killer."

"You mean, nagpaparetoke s'ya?"

"Ganun na nga, kaya itong killer na ito hindi mahuli-huli puro model din ang target n'ya. Lahat ng mga babae na 'yan puro model, " turo ni Alan sa mga pictures na nakadikit sa white board.

"Ano kaya kung isa-isahin natin ang mga pamilya ng mga biktima baka may malaman tayong pwedeng magturo kung sino ang killer?"

"Gano'n na nga ang gagawin natin, maghati tayo. Kailangan nating mahanap ang tunay na salarin bago pa ito madagdagan. "

Tumayo si Danika at nag-unat.

"So, ano? Tara,umpisahan na natin."

"Lets go!"

Ngunit bago pa man nila umpisahan ang imbestigasyon, humahangos ang isang pulis na kasama nila.

"Mam Danika!"

"Bakit, may problema ba?" tanong ni Danika.

"May emergency po, may lalaking magpapakamatay. Tatalon sa rooftop ng building."

"Ano pang hinihintay natin? Lets go!" anas ni Danika sabay nagtakbuhan na sila papunta sa building kung nasaan ang lalaking nagtatangkang magpakamatay.

*************

"Teka lang sir!" patakbong sigaw ni Danika papalapit sa lalaki nang makita ang sitwasyon do'n. Nakatayo kasi 'to sa railings sa gilid ng rooftop. Napakalakas pa naman ng hangin, pwede s'yang ma-out of balance at malaglag ano mang oras.

"Sir, kumalma ka lang..." sigaw ni Alan.

"Kumalma? Bakit? Naranasan mo na ba ang magmahal, masaktan at iwan ng taong mahal mo?" anas ng lalaki.

"Walangyang 'to, humugot pa." natatawang bulong ni Danika kay Alan.

"Umayos ka nga, baka marinig ka n'yan. Yari tayo!"

"Baka nga mauna ko pang itulak 'yan kaysa sa tumalon s'ya."

"Anong pinagbubulungan n'yo?"

"Ah sir, wala. Ang sabi namin wag mong sayangin ang buhay mo dahil lang sa babae. Makakahanap ka rin ng kapalit n'ya," paliwanag ni Danika.

"Ayaw ko! Hindi ako mabubuhay ng wala s'ya!" 

Unti-unting lumalapit sa kanya si Danika. 

"Teka, anong gagawin mo?" nagtatakang tanong ni Alan kay Danika.

"Ito lang ang tanging paraan para matapos na 'to. Marami pa tayong gagawin na mas importante pa kaysa rito," sabi ni Danika at pumunta sa tabi ng lalaki. Wala man lang pakeilam sa ano mang disgrasya na pwedeng mangyari.

"D-diyan ka lang!" 

Umakyat si Danika sa railings at naupo sa tabi ng lalaki.

"Ang ganda pala ng view dito, perfect para magpakamatay."

"Ano bang gagawin mo?"

"Sasamahan kitang tumalon, kung may dapat mang tumalon sa 'ting dalawa. Ako yata 'yon."

"B-bakit naman?"

"Alam mo ba na namatay ang papa ko ng dahil sa 'kin, na-depress naman ang mama ko nabaliw s'ya at nagpakamatay. Ang masaklap pa, isinama n'ya pa ang nakababata kong kapatid. Kaya ngayon, nag-iisa na lang ako," nagbuntonghininga muna si Danika bago itinuloy ang sasabihin.

"Ikaw iniwan ka lang ng babaeng mahal mo hindi naman s'ya namatay. Pinagpalit ka lang, dapat nga matuwa ka pa at least makikita mo pa rin s'ya. Bakit hindi ka na lang maging masaya para sa kanya? Eh ako, 'yong mga taong mahal ko kahit kailan hindi na sila babalik pa. Kaya tara, sasamahan na kitang tumalon."

"H-hindi deserve mong mabuhay. H-hindi pa huli ang lahat para sa 'yo. "

"Ikaw rin naman deserve mong mabuhay, lahat tayo may karapatang mabuhay. So, paano? Tara, sabay tayo na umalis dito," iniabot ni Danika ang kamay n'ya sa lalaki ngunit bago pa man magdampi ang palad nila, nadulas s'ya at nalaglag. Bumulusok sila pababa.

"Hindi!" sigaw ni Danika.

Sa taas ng building kahit pa na may air bed sa ibaba, mababali pa rin ang buto ng sinumang malalaglag dito. Kaya naman, hindi na nagdalawang isip si Danika. Tumalon s'ya para sundan 'yong lalaki, nag-dive s'ya pababa para ma-control ang hangin at hindi bumulusok pababa.

Ilang segundong nakalipas, nasambot ni Danika ang lalaki. Mahigpit s'yang niyakap nito, dahil sa bigat nilang dalawa ay hindi na nakontrol ni Danika ang hangin kaya naman dire-diretsong bumulusok sila pababa.

Gamit ang harness na nakakabit sa tagiliran ni Danika, pinindot n'ya ito. Tumalsik ang harness, mabilis itong kumapit sa palapag ng building. Ngayon naman ang kailangan nilang harapin ay ang impact ng paghampas sa salamin ng building, hinihila kasi sila nito. 

Umabot sila sa ika-sampung palapag ng building pabulusok at hahampas sila sa fiberglass wall, medyo matigas ito at pwede silang masugatan. And in a second, when both of them were about to stumble. Danika forced herself to turn around, in such a way she will be the one who slam at the wall. She embrace the man tightly toward herself. As she momentarily turn around that's the reason why she's the one who hit the fiberglass wall. Paghampas nila, nagkalat ang mga bubog sa paligid nagpaikot-ikot sila sa loob.

"Aray!" daing ni Danika. Tumama kasi ang ulo n'ya sa may pader kaya kamot ulo s'ya.

Kaagad namang tumayo si Danika para puntahan ang lalaki at tanungin kung okay lang ba s'ya.

Nagdatingan na rin ang iba pang mga police at tinulungan sila.

"Tinakot mo ako!" takbo ni Alan sa kanya sabay chineck ang buong katawan n'ya. 

"Bakit ka naman matatakot, multo ba ako?"

"Pilosopo ka talaga!" binatukan s'ya ni Alan nang mahina.

"Tara sa hospital, pagamot mo 'yang mga sugat mo," sabi ni Alan.

Marami kasing sugat si Danika gawa ng mga bubog kanina.

"Hospital? Hindi ba pwede sa fast-food na lang tayo pumunta? Gutom na ako."

"Hospital muna tayo tapos pagkain na."

"Yehey, hehe."  

Natatawa na lang si Alan. Minsan kasi may pagka-isip bata rin itong si Danika. Inakbayan s'ya nito palabas ng building, ni hindi man lang ininda ang mga sugat sa katawan parang wala lang nangyari.

***************************

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status