Share

Kabanata 10

Game of Love

Yumi's POV

Hapong-hapo akong naupo sa mahabang sofa pag-uwi namin ng bahay. Nakakapagod kasi sobra, may mga ilang photoshoot pa kasi kaming tinapos pagkatapos nag-guesting pa sa isang TV show. Tapos na nga ang contract ko, pinapagod pa nila ako ng ganito. Humiga ako at ipinatong ang paa ko kay Kevin, sinimulan n'ya naman itong hilutin.

"Yumi, may sasabihin sana ako sa 'yo," sabi sa 'kin ni Kevin.

"Ano?"

"About sa new contract mo."

Napaupo ako dahil sa sinabi ni Kevin, tinitigan ko s'yang maigi.

"Nakapili ka na ba ng new agency na may magandang offer? Saang bansa tayo lilipat?"

"Oo sana, alam mo kasi Yumi maganda ang offer nila. Nag-email sa 'kin 'yong isang Creative Director. Actually, no'ng una nagpa-audition sila pero wala silang napili para maging model."

"Model for what ba 'yan?"

"Image model ng Mall, lahat ng products nila ipo-promote mo plus magkakaroon din ng TV commercial at mapi-feature ka sa isang magazine. Ang bongga pa rito kasama sa top 10 ang pamilya nila sa pinakasikat. At wag ka, ang may-ari ng Mall sobrang gwapo at most influential businessman in the world."

"Wow bongga nga, sige sabihin mo pipirma ako ng kontrata sa kanila."

"Kaya lang Yumi ano eh..."

"Ano?"

"Ano nga kasi..."

"Ano  kasi..."

Sa bwisit ko, sinipa ko si Kevin kaya nalaglag ito sa sofa. Ayaw pa kasi sabihin eh.

"Siraulo naman neto eh!" reklamo ni Kevin habang hawak ang nasaktan n'yang puwet.

"Sabihin mo na kasi!" sabi ko kay Kevin. S'ya ay tumayo at naupo sa katapat na sofa.

"Sa Philippines 'yong offer."

"P-Philippines?" nanlaki sa gulat ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Kevin. Ang daming lugar na pwede naming puntahan, bakit sa Pilipinas pa.

"Oo."

"No way!"

"Pero Yumi!"

"Alam mo namang ayaw ko nang bumalik sa Pilipinas hindi ba!" mariing tanggi ko. Ayaw ko nang bumalik sa Pilipinas. Ayaw ko nang bumalik pa ang sugat ng kahapon.

"Bakit ba ang ingay n'yo? Baka marinig kayo ng mga bata akalain nag-aaway kayo." Narinig namin ang boses ni Mario nakauwi na pala s'ya. Sinaway n'ya kami dahil medyo napalakas na ang pagsasagutan namin ni Kevin. Naupo si Mario sa isang sofa katapat ko katabi s'ya ni Kevin.

"Ito kasing si Yumi eh, ayaw tanggapin 'yong offer sa Pilipinas," sumbong ni Kevin kay Mario.

"As in, Philippines?" paniniguradong tanong ni Mario na sinadyang ulitin para ma-klaro kung tama ang pagkarinig n'ya.

"Oo, bakit?" sabay naming tanong ni Kevin sa kanya.

"May gusto rin sana akong sabihin sa inyo. Ako rin, I'm going back to the Philippines." Biglang akong napaayos ng upo dahil sa sinabi ni Mario.

"Seryoso ka, Mario?" tanong ko kay Mario.

"Alam mo namang matagal ng hinihiling ni Daddy na bumalik ako sa Pilipinas Yumi. Hindi ba? Gusto n'yang tumulong ako sa business ng pamilya namin. Isa pa, matanda na si Daddy. Gusto kong tuparin ang hiling n'ya."

"Pero kaya mo bang muling makita sila? Imposibleng hindi kayo magkita lalo na't iisang kompanya kayo magta-trabaho. Lalo na ako Mario, hindi ko pa sila kayang makita."

"Yumi, kailangan nating kayanin. Babalik tayo sa Pilipinas, dapat na siguro nating harapin ang mga problema. Hindi ka pa ba nagsasawa? Pitong taon na tayong nagtatago sa kanila ni hindi tayo nakapagpaliwanag sa kanila kung ano ba talaga ang totoong nangyari." Sa sinabi ni Mario bigla akong napa-isip. May punto naman s'ya, hindi kami nakapagpaliwanag ng maayos sa kanila kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Dahil hindi naman nila kami binigyan ng pagkakataon para depensahan ang mga sarili namin. Ayaw ko ng maulit pa ang nakaraan, halos magmakaawa kami ni Mario pero pinagtabuyan lang nila kami.

"Hindi ko kayang humarap sa kanila, ayaw kong bumalik sa Pilipinas," nakayuko kong sabi.

"Ganito na lang, be professional Yumi. Pupunta ka sa Pilipinas para sa work. Hindi ba? Ito na lang ang isipin mo. Gano'n din ako, trabaho ang iisipin ko para hindi tayo masyadong maapektuhan. Ayaw ko nang magtago." Tumahimik ako saglit para makapag-isip at pumayag na rin. Tama naman si Mario. Wala kaming kasalanan. Kung may dapat mang manghingi ng tawad, sila 'yon at hindi kami. Tama na ang pitong taon na pagtatago, haharapin ko na sila.

"Sige, payag na akong bumalik sa Pilipinas pero paano ang kambal? Paano kung malaman ng mga tao na may anak ako? Ayaw kong pati sila ay madamay. Kung ako lang sasalo ng lahat ng issue tatanggapin ko pero ang kambal ayaw ko na madamay pa sila."

Lingid sa kaalaman ng iba na may anak na ako. Halos karamihan sa mga pinipirmahan kong kontrata sa modeling world ay bawal ang may anak o asawa kaya naman todo pag-iingat at todo ang tago na ginagawa namin sa kambal. Walang nakakaalam na may anak ako bukod sa pamilya ko. Kaya naman malaking issue kapag nalaman ng mga tao lalo na ng mga reporters ang tungkol sa kambal. Ayaw kong pati sila madamay sa gulo.

"Don't worry mayro'n akong private property sa Pilipinas. Secured ang lahat do'n, walang makakapasok na kahit sinong reporters. Safe ang kambal do'n, family property namin 'yon."

Tumingin ako kay Kevin, saglit na nag-isip kalauna'y nagsalita.

"Beks sige na, sabihin mo tatanggapin natin 'yong offer. Teka? Ano nga pa lang pangalan ng Mall at may-ari?" tanong ko kay Kevin.

"Ang alam ko Kugi---" Hindi na natuloy ni Kevin ang sasabihin n'ya dahil muling nagsalita si Mario. Kaya naman napatingin kami sa kanya.

"Hindi naman tayo sabay-sabay na babyahe pabalik ng Pilipinas para makaiwas na rin sa mga tao. Mauuna ako tapos kayo ni Kevin ang sunod. Ang  pang huli sila Nanay at kambal kasama si Arah."

Si Arah ang matagal na naming kasambahay at s'ya rin ang nag-aalaga sa kambal.

"Mas mabuti pa nga para iwas gulo," sabi ni Kevin.

"Payapa tayong lahat na makakarating ng Pilipinas," sang-ayon ni Kevin.

Pakiramdam ko kapag bumalik kami sa Pilipinas babalik din ang nakaraan na pinipilit kong tinatakbuhan. Ang masalimuot na nakaraan na muntik ng magwakas sa buhay ko at ng kambal. Dahil din dito nawala ang Tatay, dahil sa hayop na trahedyang nagpabago ng lahat.

**********************

Malalim na ang gabi, masama pa ang lagay ng panahon. Malakas ang ulan at panay ang kulog at kidlat. Pawis na pawis ako habang hinahabol ang hininga, pilit nilalabanan ang bangungot na paulit-ulit na dumadalaw sa 'kin.

Nakita ko ang sarili ko na nakatali sa isang kahoy habang nakatayo. Duguan at sugatan, pilit kumakawala pero hindi ko kaya. Bawat sigaw na lumalabas sa bibig ko, walang lumalabas hindi ako makagalaw at nahihirapan akong huminga.

Rinig na rinig ko ang malakas na ulan sa labas, kulog at kidlat na lalong nakadagdag sa takot ko. Maya-maya pa, may nakita akong isang imahe ng lalaki papalapit ng papalapit sa 'kin nakakatakot ang itsura n'ya.

"Ang akala mo ba mahal ka ni Barry!  Kung mahal ka n'ya, nasaan sya?" sigaw ng lalaki sabay sampal ng malakas sa 'kin. Ramdam na ramdam ko kung gaano kasakit ang sampal n'ya na halos nagpatalsik ng mukha ko. Dahil dito, medyo nahilo ako.

"Hahayaan ka lang n'yang mamatay!" dilat na dilat s'ya na para bang lulong na lulong sa ipinagbabawal na gamot.

"Pag pinatay kita ngayon, makakaganti na rin ako kay Barry!" sabi n'ya sabay tutok ng baril sa 'kin. Bigla akong napatingin sa sinapupunan ko, hindi ako pwedeng mamatay. Paano ang mga anak ko? Wala silang kasalanan, ako na lang. Ako na lang ang patayin n'ya.

"Hayop ka! Huwag mong sasaktan ang anak ko!" Napatingin ako sa taong dumating. Ang tatay, bakit s'ya nandito?

"Tay! Ano pong ginagawa n'yo dito? Umalis na kayo!" sigaw ko pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Ang mga sumunod na eksena na nakita ko. Duguan at halos wala ng buhay ang Tatay. Nakaluhod s'ya sa harap ng masamang lalaki at nagmamakaawa para sa buhay ko.

"Parang awa mo na buntis ang anak ko. Ako na lang ang patayin mo!" pagmamakaawa ni Tatay pero tumawa lang na parang demonyo ang lalaki.

"Buntis? Edi ayos pala mas lalo akong makakaganti nito kay Barry."

Kitang-kita ko kung paanong pinagbabaril ng lalaki ang Tatay at sa isang saglit nawalan na s'ya ng buhay.

"Taaaaaay!" malakas na sigaw ko pero katulad kanina walang ano mang boses na lumalabas sa bibig ko.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nagulat na lang ako nang biglang may sumabog at nilamon ng apoy ang buong paligid. Nawawalan na ko ng pag-asa, iniisip ko ang mga bata sa sinapupunan ko. Nagdasal ako nang taimtim na sana ay may himala. Dinggin ang aking panalangin na may dumating na tulong para iligtas kami ng mga bata sa sinapupunan ko.

Nang biglang...

"Yumi! Yumi!" rinig ko na boses ng isang lalaki. Nanlalabo ang mga mata ko, pilit kong inaaninag kung kaninong boses ito. At nang luminaw na ang paningin ko, nakita ko si Mario tumatakbo s'ya papunta sa 'kin. Ngunit bago pa man s'ya makalapit sa 'kin, tuluyan na akong nawalan na ulirat.

**************************************

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status