Share

Found and Lost
Found and Lost
Author: fairyxbetch

Chapter One

Light’s POV

Alex calling…

Anong kailangan na naman nitong kapatid ko? Manghihingi na naman siguro ng pera.

“Oh anong kailangan mo?”

Punyeta sinasabi ko na nga ba eh! Manghihingi na naman ng pera. Pero ano? 5k?! kakapadala ko lang sa kanila last time tapos nanghihingi na naman ngayon. Ang laki pa ng perang hinihingi akala siguro nila nagtatae lang ako ng pera rito eh.

“Ano? 5k?!”

“Yes po ate.”

“Gago ka ba? Saan mo naman gagamitin ‘yang 5k na hinihingi mo? Sobrang laki ng halagang hinihingi mo Alex nakakaloka ka! Anong akala mo madali lang kumita ng pera rito kaya hingi lang kayo nang hingi? Diba kakapadala ko lang sa inyo no’ng nakaraan? Grabe naman kayo.”

Sobrang hirap humanap ng pagkakakitaan. Hindi lang nila alam kung anu-ano na ang pinapasok kong trabaho para lang maibigay ko sa kanila ang pangangailangan nila.

“Ate kailangan ko lang talaga kasi pambayad ‘yon ng tuition ko. Hindi kasi ako makakapag-exam kapag hindi ako nakapagbayad.”

“Iyong pera na ipinadala mo ate last time, ipinangsugal lang ni nanay. Kilala mo naman si nanay diba? Gumagawa na nga lang ako ng paraan para may makain kami rito.”

Tang ina hindi pa rin pala itinitigil ng nanay namin ‘yong pagsusugal niya. ‘Yong perang pinaghihirapan ko, ipinangsusugal lang pala ng nanay ko ang sarap talagang magwala.

“Pasensya ka na ate kung humihingi na naman ako ng pera sa iyo. Hindi ko naman kasi kayang bayaran ‘yong gano’n kalaking halaga at ikaw na lang ang nagpapaaral sa akin, kaya ikaw na lang talaga ang inaasahan ko ate.”

“Tang ina talaga ng nanay natin hindi pa rin pala niya itinitigil ang pagsusugal niya nakakagago! Ang hirap-hirap kumita ng pera rito tapos gano’n lang ang ginagawa niya sa mga perang ipinapadala ko. Huwag kang mag-alala gagawan ko ng paraan ang tuition mo at kapag nakagawa na ako ng paraan ipapadala ko na lang sa iyo ‘yong pera.”

“Salamat po ate mag-iingat ka po palagi dyan.”

Ibinaba ko na ang telepono at nagsimula na namang manakit ang ulo ko dahil may bagong bayarin na naman akong iisipin. Hays hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera.

Tang ina talagang buhay ‘to nakakasawa na… Hindi naman ako pwedeng sumuko dahil ako na lang ang inaasahan ng pamilya namin. Kung susukuan ko sila, paano na sila? Tapos kung magwaldas lang sila ng pera gano’n na lang.

I grew up na sobrang salat sa buhay. Broken family na kasi kami dahil iniwan na kami ng magaling naming tatay no’ng mga bata pa lang kami ni Alex. Wala kaming natanggap na sustento at suporta sa tatay namin simula no’ng iniwan niya kami kaya sobrang hirap ng pamumuhay namin. Tapos ang nanay pa namin ay isang sugarol at hindi ito kumikilos para buhayin kaming magkapatid.

Ang kahirapan ang nag-udyok sa akin na magtrabaho sa murang edad pa lamang. Ako na ang nagpapaaral sa kapatid ko dahil hindi naman ito kayang pag-aralin ng nanay ko at wala naman itong pake kung makapag-aral kami o hindi. Sinikap ko talagang magtrabaho para mapag-aral si Alex dahil umaasa ako na kahit siya na lang ang mag-ahon sa pamilya namin sa kahirapan.

Rumaraket ako bilang model sa isang local na agency pero hindi pa rin sapat ang kinikita ko rito at madalang lang din ang photoshoots, kapag tinatawagan lang ako kaya sinusubukan ko pa ring humanap ng pagkakakitaan.

The hardest decision I ever made ay ang pasukin ko ang trabahong pagbebenta ng katawan. Yes ibinebenta ko ang sarili ko para kumita ng pera. Labag man ito sa loob ko pero wala na akong ibang choice dahil sa ganitong klase ng trabaho lang ako madaling makakakita ng pera. No one knows even my family dahil ayaw kong malaman nila na sa ganitong klase ng trabaho nanggagaling ang mga perang ipinapadala ko sa kanila.

I have so many dreams in life but I stopped dreaming because I know from the start that my life is f*cked up and the world is so cruel to me…

Napatigil ako sa pagmumuni muni nang makatanggap ako ng text kay mamasang.

From: Mamasang

Hoy kailangan kita rito mamayang gabi, hinahanap hanap ka na ng mga customers mo. Huwag na huwag mo akong ipapahiya may nagpa-reserve na sa iyo umayos ka. Pinagbigyan na kitang umabsent ng ilang araw dahil sa walang kwentang mga photoshoot mo na ‘yan.

I guess it’s the only way para makakita ako ng pera, wala na rin akong maisip na ibang paraan kaya papatusin ko na lang rin ‘to. Malalagot din ako kay mamasang kapag hindi ako pumunta mamaya.

To: Mamasang

Yes po pupunta po ako mamaya. Kailangan na kailangan ko rin po kasi ng pera para sa tuition ng kapatid ko.

From: Mamasang

Mabuti kung gano’n, sinasabi ko talaga sa iyo huwag mo akong ipapahiya at malalagot ka talaga sa akin kapag hindi ka pumunta.

***

Kinagabihan ay kaagad akong nagtungo sa bar. Sobrang dami ng tao ngayon at amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo. Tila nakakabingi rin ang musika at hagikhikan ng mga tao rito. Kaagad kong hinanap at nilapitan si mamasang.

“Akala ko aabsent ka na naman eh! Sumayaw ka na muna sa stage habang hinihintay ang customer mo.”

“Sige po.”

This is also one thing I hate going here. Kahit ayaw kong sumayaw sa harap ng maraming tao, I know mamasang will scold me kapag hindi ko ito ginawa. Nandidiri ako sa sarili ko everytime na sumasayaw ako ng malaswa sa harap ng maraming tao, pero its part of the job eh. Ganitong uri ng trabaho ang pinasok ko kaya I have no choice but to follow.

While dancing in the middle of the dancefloor, kitang kita ko kung paano ako pagpantasyahan ng mga kalalakihan. Not to brag about my looks but I have a round brown eyes that can caught someone’s attention, a long wavy hair, flawless skin at maganda rin ang hubog ng aking katawan, kaya tuwang-tuwa ang mga kalalakihan habang pinagmamasdan akong gumiling sa kanilang harapan.

I’m about to take off my clothes nang hilain ako kaagad ni mamasang, umalma naman ang mga customers kaya nagpaumanhin naman ito sa mga nanonood.

“Nandoon na ‘yong customer sa private room at naghihintay. Umayos ka huwag na huwag mo talaga akong ipapahiya. Big time pa naman ang customer at sobrang laki kung magbayad kaya galingan mo ang performance mo.”

Magpapalit na sana ako ng damit nang matanggap ko ang text ng kasamahan ko sa modelling agency na kailangan daw ako roon. Hindi ako pwedeng umalis dito dahil malalagot ako kay mamasang, kaya sinabihan ko na lang siya na sabihin na nasa clinic ako ngayon at masama ang aking pakiramdam kaya hindi ako makakapunta.

Hays nakaka-frustrate naman!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status