Share

Chapter Four

Nagulat ako nang makatanggap ako ng text sa kasamahan ko sa isang modelling agency ng ganito kaaga. It was the one who texted me last night. 

From: Nica

Pinapapunta ka rito ngayon, bilisan mo at may importante silang sasabihin sa’yo. 

Ano namang sasabihin nila sa akin?

To: Nica

About saan? May photoshoot ba today?

From: Nica

Wag ka ng magtanong bilisan mo na lang at pumunta ka na dito nang malaman mo diba?

Luh attitude ka sis?

Kaagad akong nagbihis at naligo kahit sobrang aga pa dahil baka importante talaga ‘yong sasabihin sa akin. Pero bago ako nagtungo doon ay ipinadala ko muna sa kapatid ko 'yong pera na tulong ni Lance. 

Pagkarating ko sa agency ay nakita ko na kaagad ang boss ko at kasama nito si Nica. 

“Magandang umaga po. Ano po 'yong importante niyo daw pong sasabihin sa akin?” Nakangiti kong bati sa boss ko. 

Pero hindi ito ngumiti pabalik sa akin. Bakit parang masama ang timpla niya? Kinakabahan tuloy ako. 

“Starting now we won't no longer contact you and you will not work here from now on.” 

Huh? Bakit anong ginawa ko? Is that because I refuse to come last night?

Nakita ko ang pagngisi sa akin ni Nica. 

“Bakit po? Hindi po ba nasabi sa inyo ni Nica na masama ang pakiramdam ko kagabi at nasa clinic po ako?”

“May sakit nga ba talaga? O kaya hindi nakapunta kagabi dahil may ibang ginawa?” Sabat ni Nica at binibigyan ako ng mapang-asar na ngiti. 

“Nica saw you last night and it doesn’t look like you’re in a clinic.”

Nagsisimula na akong pagpawisan sa kaba. What did she saw last night? Did she saw me in the bar? F*ck please no!

“Nica saw you last night na may naghatid sa iyo kagabi.”

Dahil lang nakita akong may naghatid sa akin kagabi tatanggalin na ako. What the heck?! 

“Rason na po ba ‘yon para tanggalin niyo ako as your model? Tito ko po ‘yon at inihatid lang ako kagabi.” Paliwanag ko. 

Tumawa si Nica sa sinabi ko kaya binigyan ko ito ng masamang tingin. Jealous people will really bring you down talaga. 

“Patawa ka rin eh noh? Tito mo? Pero bakit hinalikan mo? Ano kayo incest?” She said giving me a disgust look. 

The next thing she did ay nang ilapit niya sa mukha ko ang isang litrato. The picture of me kissing Lance last night. 

“Sobrang laki ng project kagabi and we really need you last night. Rejecting the biggest offer and not able to come last night means you don’t want to work in this company anymore. Sorry but you lose this job.” My boss said bago niya ako nilampasan, sinundan naman siya ni Nica kaya naiwan na lang akong mag-isa. 

It looks like wala na akong magagawa sa desisyon ng boss ko. I have no choice but to accept that I lose this job. I lose the most decent job I ever had. Tang ina ito na nga lang ang matino kong trabaho, nawala pa. Nakakapanghina.

Umalis ako ng agency na mabigat ang aking pakiramdam at laylay ang aking dalawang balikat. 

Habang naglalakad ako pauwi ay nakasalubong ko 'yong dating classmate ko. 

“Hi classmate naaalala mo pa ba ako?” Bati niya sa akin. 

Hindi naman ako makakalimutin na tao kaya I still remember those people from the past. 

“Oo naman Joyce. Kamusta?”

“Okay lang naman. Big time ka na yata ngayon ha.” Sabay tapik niya sa balikat ko.

How I wish. Nawalan pa nga ako ng trabaho ngayon eh. 

“Sana nga totoo ‘yang sinasabi mo eh kaso hindi. I’ve been struggling to work harder for my family.”

“Okay lang 'yan tiyaga lang talaga, ako nga rin todo kayod para masuportahan ang pamilya ko. By the way nakita ko 'yong kapatid mo no'ng nakaraan. Alex ba pangalan no'ng kapatid mo?”

Bakit niya naman naitanong ang kapatid ko? 

“Oo si Alex. Why?”

“Wala naman nakasalubong ko lang kasi no'ng nakaraan, binata na pala. Grabe parang dati ang totoy niya pang tingnan tuwing nanonood siya sa mga practice natin.”

Akala ko naman kung anong meron sa kapatid ko pero grabe rin kasi pinagbago ng itsura ni Alex. 

“Oo nga eh nagmature na rin ‘yon at ang bilis lang talaga ng panahon.”

“Sa bagay pero nagulat lang ako na may anak na pala ‘yong kapatid mo na ‘yon. When I saw him last time kasama niya yung wife niya at ‘yong baby nila.”

Huminto ang aking puso sa paghinga at tila nabingi ako sa aking narinig. Anong pinagsasabi niya? Baka nagkakamali lang siya. 

“Huh? Wala pang anak at asawa si Alex baka namamalik mata ka lang. Nag-aaral pa ‘yon si Alex at wala pa sa isip niya ang bumuo ng pamilya.” I defended my brother. 

Kakapadala ko pa nga lang ng pambayad ng tuition ni Alex kanina and he promised me na magtatapos muna siya ng pag-aaral bago bumuo ng pamilya. I know my brother won't disappoint me kaya imposible 'yong sinasabi niya. 

“Hindi ako pwedeng magkamali. We’ve been classmates for so long and kilala ko na rin ang kapatid mo kaya I know that its him. When I called him by his name he just smiled at me.”

Hindi ko na kinakaya pa ang mga naririnig ko kaya kaagad na akong nagpaalam sa kanya. I want to confirm it from Alex mismo. 

I called Alex immediately. I want to confirm it from him. Sana nagkakamali lang talaga si Joyce. 

“Hello ate natanggap ko na po ‘yong pera. Bakit ka nga po pala napatawag?”

“Alex may hindi ka ba inaamin sa akin?” Walang paligoy-ligoy kong tanong. 

Nagkaroon ng katahimikan pagkatanong ko sa kanya. Nanahimik ang kabilang linya. 

“Ate… Ano pong aaminin ko?” Rinig na rinig ko ang panginginig ng kanyang boses. 

“Wag mong sabihing hindi mo alam ang tinutukoy ko?”

And now he’s struggling to answer my question. 

“Totoo ba? Totoo bang may anak ka na?!” hindi ko na napigilan na mapataas ang boses ko.

“Ate,sorry.”

And with that answer he clearly confirmed na totoo nga, halong galit at poot ang aking nararamdaman sa sagot niyang ‘yon. He really made me dissapointed. 

“Tang ina Alex! Diba nangako ka sa akin? Diba nangako ka na magtatapos ka muna ng kolehiyo bago ka bubuo ng pamilya? Anong nangyari sa pangako mong ‘yon?!”

“Ate… Im sorry if I failed to keep my promise. Sinubukan ko namang tuparin 'yong pangako ko pero sa hindi inaasahang pangyayari naging mapusok kami at nakabuo ng bata.”

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gusto kong sumabog sa galit kasi parang feeling ko lahat ng effort at pagod ko ay nasayang. 

“Eh ‘yong pinadala ko sa iyo? Totoo bang ipinambayad mo ‘yon ng tuition mo?”

Pero hindi ako sinagot nito kaya mas lalong uminit ang ulo ko. 

“Sumagot ka! Alex tinatanong kita kung 'yong pinadala kong pera ay ipinambayad mo ba talaga para sa tuition mo? Sagutin mo ang tanong ko!”

“Ate hindi po, sorry sa pagsisinungaling.”

Doon na ako napamura at napasigaw ng malakas sa sobrang galit. I can hear his sobs sa kabilang linya and he kept on apologizing to me. 

Tang ina nagpakahirap at nagkumahog akong maghanap ng pera kagabi para may maipadala sa kanya pero hindi naman pala talaga para sa tuition niya 'yong pera. Nakakagago!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status