Share

Chapter Five

“Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin?”

“Wala na kasi akong maisip na ibang paraan ate para bigyan mo ako ng pera. Alam kong hindi mo ako bibigyan ng pera dahil kakapadala mo lang sa amin last time, pero ipinangsugal lang ni nanay 'yong pera. Wala na kasi akong pambili ng gatas at gamot ng anak ko. Matagal na rin po akong huminto ng pag-aaral ate.”

Hindi ko na napigilang umiyak dahil lahat ng pangarap ko para sa kapatid ko ay hindi na matutupad. 'Yong kapatid kong inaasahan kong mag-aahon sa amin sa kahirapan ay nasira na rin ang kinabukasan. 

“Bubuo-buo ka ng pamilya tapos hindi mo naman pala kaya! Hindi ka man lang ba nag-isip? All this time akala ko nag-aaral ka pa, kung hindi ko pa nakasalubong 'yong kaklase ko dati hindi ko pa malalaman na may anak ka na pala! Tang ina sobrang taas ng expectation ko sa’yo alam mo ba ‘yon? Pinag-aral naman kita at sinusuportahan ko lahat ng pangangailangan mo sa school pero pinili mo pa rin na sirain ang buhay mo!”

“Ate kaya hindi ko sinabi sa’yo dahil alam ko pong ganyan ang magiging reaction mo at alam kong magagalit ka po sa akin.”

“Galit na galit talaga ako dahil ikaw na ‘yong inakala kong mag-aahon sa pamilya natin sa kahirapan kaso dumagdag ka pa sa sakit ng ulo ko!”

May problema na nga ako kaninang umaga dumagdag pa siya. Tang ina hindi na ako nauubusan ng problema. 

“Tapos nagsinungaling ka pa para padalhan kita ng pera. Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko makahanap lang ng pera na ipapadala sa’yo na akala ko ay para sa tuition mo talaga pero hindi naman pala. Sa totoo lang kaya mo namang diskartehan ‘yan eh, pero tang ina ako pa rin pala aasahan mo! Walang mangyayari sa buhay mo nyan kung puro ka asa sa akin.”

“Ate, patawad talaga. Sorry kung na-dissapoint kita.”

“Ano pa bang magagawa ko? Nangyari na eh.”

Kahit ilang beses ko pa siyang sigawan at murahin ngayon wala na akong magagawa. May bata nang nabuo and he really need to take responsibility for the child. 

“Alagaan mo na lang ng mabuti ‘yang anak mo at maging mabuti kang ama. Huwag mo nang gayahin ‘yong tatay nating walang kwenta, huwag mo nang hayaang mangyari sa pamilya mo ‘yong nangyari sa pamilya natin. Don’t repeat the same mistake.” After that I hang up the phone. 

Right after the call napasalampak na lang ako sa lupa at muling humagulhol ng iyak. I don’t know kung kaya ko pa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano bang kasalanan ko sa past life ko at pinaparusahan ako ng mundo. Sobrang malas ko ba talaga? 

Light nga ang pangalan ko pero sobrang dilim naman ng buhay ko. So contradicting!

Pagkatayo ko ay parang umikot ang paningin ko kaya muntikan na akong ma-out of balance hanggang sa maramdaman ko na lang na may mga bisig nang nakaakap sa akin at nasalo ako kaagad. Sa amoy pa lang ng pabango ay alam ko na kaagad kung sino ito kaya parang nagkakarera na naman ang mga kabayo sa aking puso.

Hindi nga ako nagkamali, It was Lance who catched me. 

I looked at him and he’s also looking at me. Our eyes met and our eyes locked like magnets for minutes and when I came back to my senses, I broke it off.

“Thank you.” I just said avoiding his looks. 

“Did you cry? What happened?” Tanong niya na parang nangungusap ang kanyang mga mata at may bahid ng pag-aalala ang kanyang mga mukha. 

We just met each other last night and I think hindi niya na kailangan pang malaman ang mga problema ko sa buhay. 

“Don’t mind me, Im okay. I just want to be alone.”

“You know what? Hindi mo kailangang magmukmok mag-isa kung may problema ka, you should enjoy.”

What? Is he crazy? Enjoying while having problems? That’s ridiculous.

“May problema na nga, mag-eenjoy pa.”

“Whats wrong about it? Atleast gumagaan ang problema kapag nag-eenjoy ka, hindi mo naiisip ang mga problema mo. Walang magagawa ang pagmumukmok dahil mas lalo mo lang naiisip ‘yong mga problema mo.”

He have a point nga naman. The more na nagmumukmok ako ay mas lalo ko lang maiisip ang mga problema ko. Hindi naman siguro masamang mag-enjoy just for once right? Forgetting all the problems for a little while. 

“Lets go out, I know some place wherein you can enjoy yourself and forget your problems for a little while.” He said with a beaming smile revealing his cheek dimples. 

Seeing his smile hindi ko rin maiwasan na mapangiti. His smile is like a virus that can make me smile also. 

“Bakit ba ang bait-bait mo sa akin?” Hindi ko na napigilan na maitanong sa kanya.

I don’t deserve his kindness. Hindi pa nga ako nakakabawi sa tulong niya sa akin kagabi.

He just shrugged his shoulders as an answer to my question. 

“Alam mo naman na ang trabaho ko ang magbenta ng katawan? You already know na nagwo-work ako sa bar na ‘yon and you’re still nice to me. Hindi ka ba nandidiri sa akin?” A tear fell from the corner of my eyes. 

Our eyes met and he is looking directly into my eyes and he cupped my face, wiping the tears at the corner of my eyes. 

“Bakit ako mandidiri sa'yo? Kung nandidiri ako sa'yo edi sana hindi kita tinulungan kagabi diba?Yes aware ako na you’re working there and kung ano yung pinapasok mo roon, but its not a reason for me not to help you and not to be kind to you.”

Napaawang ang aking mga bibig sa mga sagot niyang ‘yon. 

“Ramdam kong mabuti kang tao at ramdam kong hindi mo naman talaga ginusto ‘yon. Minsan kapag gipit na gipit na talaga ang isang tao, sa patalim na kumakapit.”

So he thought of me as a good person that’s why he helped me? I didn’t expect that there are still people like him existing with a great mindset. He didn’t judge me because he feels na kinakailangan ko lang talagang gawin ‘yon. 

“Thank you Lance, salamat dahil hindi mo ako jinudge. Hindi ko alam kung deserve ko ba 'yong kabaitan mo kasi kakakilala lang naman natin sa isa’t isa kagabi. I just want you to know that Im so grateful that I have met you. Thank you for helping me and for making me feel better today.”

He caressed my face and wipe the tears falling on my face. 

“Its my pleasure to help you, so stop crying and lets have some fun. Ang problema tinatawa lang yan okay? Lets go and I’ll bring you somewhere.” and he pinched my cheeks before holding my hands. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status