Share

Kabanata 1

I don't understand my strong fascination for Harley. Everytime I stare at him, I always admire him more and more. Dati, kuntento na ako sa pasulyap-sulyap lang sa kaniya. Pero napagod na ako sa ganoong senaryo araw-araw. I want him to notice me, to know that I'm existing, and of course, to love me.

My eyes wandered in the sea of people inside our University.

"I know that smile, Zimry!" puna sa akin ni Lewisse. Nakapalumbaba lang silang dalawa ni Kiz sa harap ko.

"What?" I smirked devilishly.

"Hey, girls!" bati ni Natasha sa amin na kararating lang, at umupo sa tabi ko.

Nasa Athena grounds kami, our favorite tambayan. Kiz, Lewisse, and I are classmates, we're graduating students. Habang si Natasha ay third year pa lamang at pareho kami ng kurso, Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management.

"Hindi ko nga alam kung galit si Harley e. Napatitig lang siya roon sa mga pictures tapos umalis. Sinundan nga siya ni Angel sa room, nagmamakaawa, kaya lang hindi niya ito pinapansin."

"Malandi rin pala si Angel, 'no?"

"Kawawa naman si Harley."

Sunod-sunod na usapang naririnig namin sa bawat estudyanteng naglalakad. Most of them are our classmates.

Ngumuso ako para pigilan ang sarili sa pag-ngiti nang malawak.

Ang tatlong kasama ko ay mariing nakatingin sa akin. As if I did something suspicious.

"Zimry?" Sabay-sabay nilang tawag sa akin. I just rolled my eyes.

"Oo na. Just shut your mouth!" Right after I admitted it, I received different reactions from them.

Kiz frowned. Lewisse is pinching the bridge of her nose. And Natasha gave me a bitchy smile, she's the supportive one. Lol!

Sila lamang ang nakakaalam kung gaano ako kabaliw kay Harley. Well, Nowelle, our other friend, Natasha's sister, didn't know anything about it. She's busy with her wounded heart. Ayaw kong dumagdag pa sa iniisip niya. Baka mas lalo lang siyang tumunganga araw-araw.

Harley is my childhood crush. My first love. My first boyfriend when we were in grade school. Sa Manila na ito nag-aral noong High School. Ngunit bumalik din noong first year college na kami. Bumalik siya ngunit may kasamang iba. He's with Angel, his love.

He met Angel in Manila. They're in an open relationship, sa katunayan nga'y agad pinayagan si Angel na sumama kay Harley rito sa Tuguegarao para rito na rin mag-aral.

Ngunit hindi pumayag ang mga magulang ni Harley na magsama sila sa iisang bubong. Kaya nagdo-dorm si Angel dito sa University.

Four years na silang magkarelasyon. Masyado na silang matagal, dapat na silang maghiwalay. Nang maging akin na muli si Harley. Lol! I sound so desperate.

I have an IT professional friend who's working in our University. Nagpagawa ako sa kaniya ng poster. Five pictures of Angel kissing different boys. Of course, hindi nila malalaman na edited 'tong mga 'to.

We have a large electronic bulletin boards in our department, doon niya ito ipinalabas.

My Dad and Harley's Dad are best friends. His family migrated in Canada. Ibinilin siya sa amin pansamantala dahil ayaw naman nitong sumama sa kanila. Isang taon na siyang nakatira sa bahay.

Tuwing weekends lang naman kami nagkikita sa bahay dahil nasa apartment ako tuwing weekdays.

At first, we're just civil at each other. Hindi ko nga siya pinapansin noong mga nagdaang taon. Ngingitian niya lang ako kung magkakasalubong kami, tapos ayun na. Bihira lang kami kung mag-usap.

Hindi ko alam kung anong nagyari't biglang lumalim ang pagkagusto ko sa kaniya. I did everything for him to notice me. Ngunit mas lalo lamang siyang lumalayo sa akin.

Sinabi pa niyang tigilan ko siya dahil ayaw niyang bigyan ng rason si Angel para magselos.

Life sucks.

I was that person who was never chosen. I was each and every character, but never a pick. Until I was, because today is different. Harley will definitely choose me now. I'm sure of that.

My entire high school and early college was fun. Marami akong ka-fling. I never had a serious relationships. I don't want commitment though.

Minsan magugulat na lang ako, may haharang na babae at sasabihing mang-aagaw ako. But I didn't. Mga boyfriend nila ang naghahabol sa akin, ine-entertain ko lang. Tsk, poor girls!

I just did that to ease my pain. I don't know if I still love him. Ngunit sa tuwing nakikita ko siyang kasama ang kaniyang nobya'y nasasaktan ako.

Nang tumuntong kami sa third year college, I found out that I still love him. Tinigilan ko ang mga kabaliwan ko. At nagpakagaga kay Harley. Funny me!

I'm aware that he has girlfriend but who cares? I'm Zimry Callueng, the unstoppable.

"Good morning, Harley!" I greeted him with all smile.

Today is Saturday. Kaya nandito ako sa bahay. Nasa hapag na kaming lahat. Tahimik lang kami habang kumakain.

"Harley, may bisita ka. Angel daw." Lahat kami'y natigil nang marinig sa speaker ang anunsyo ng aming robot guard.

"Excuse me," paalam ni Harley.

"Ano ba, Harley! Niloko ka niya. Huwag mong sabihing babalikan mo pa ang babaeng 'yan?" pigil ko sa kaniya ngunit tiningnan niya lamang ako bago mabilis na umalis.

What the hell?

Akala ko ba, wala na sila? Hindi ba naging matagumpay ang ginawa kong pagpapalabas ng mga pictures ni Angel kahapon?

"What do you mean, Anak?" tanong ni Daddy. Should I tell him? Baka malaman lang nilang ako ang may kagagawan 'nun.

"Ask Harley, Dad." tipid ko na lamang na sagot.

He gave me a serious look ngunit hindi na rin naman nag-usisa pa.

Tapos na kaming kumain ngunit hindi pa bumabalik si Harley. Inis akong nagmartsa palabas para tingnan sila.

"Babe, please. Hindi ko magagawa ang bagay na 'yon. Kilala mo ako!" I heard Angel's voice. Nagtago ako sa posteng malapit sa gawi nila.

Nakatayo lang silang dalawa sa harap ng gate. Pilit na hinahawakan ni Angel si Harley ngunit umiiwas ito.

"Akala ko rin, kilala kita. Hindi pala," malamig na sagot sa kaniya ni Harley. I can't help but to smile.

"Gan'yan ba kababa ang tingin mo sa akin?" umarko ang kilay ko nang umiyak si Angel. Kita sa tinataguan kong nanigas si Harley dahil sa nakikita ngunit pinili niyang huwag itong lapitan.

"Umalis ka na. We're done!" saad niya 'saka tumalikod.

Lumabas na ako sa tinataguan ko at sinalubong siya. Natigil ito nang bahagya nang makita ako ngunit dumeretso lang ulit sa paglalakad.

Para lang talaga akong hangin sa kaniya.

"Harley,"

"Shut up, Zimry." He walked fast as if I'm going to chase him. 

Hindi na lang ako nagsayang ng panahon para habulin siya. Nagpasya na lamang akong tingnan ang labas, baka naroon pa si Angel.

At hindi nga ako nagkakamali, nakasalampak ito sa sahig at tahimik na umiiyak.

"Why are you still here?" nakapamaywang akong humarap sa kaniya.

Gulat itong humarap sa akin. Her lips were trembling while her eyes are full of tears. 

"Please, kailangan kong makausap si Harley." Bigla itong lumuhod sa harap ko habang patuloy na umiiyak. 

I was caught off guard. Sisitahin ko na sana siya ngunit nagulat ako nang biglang may sumigaw sa likod ko.

"Angel? Anong ginagawa mo, Zimry!" marahas akong inilayo ni Harley kay Angel 'saka niya ito pinatayo.

Nag-aalab na mga mata ang binigay niya sa akin. He pursed his lips tightly.

"Iuuwi na kita." Pinunasan niya ang mukha ni Angel. Hinalikan pa niya ang noo nito pagkatapos.

"Mag-uusap tayo mamaya!" saad nito sa akin bago marahang hinila si Angel patungo sa sasakyan nito.

My mouth was wide open while staring at them, hanggang sa nawala na sila sa paningin ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status