Share

Kabanata 2

"I didn't do anything. Kusa siyang lumuhod!" Matigas kong saad kay Harley. Talagang sinadya pa niya ako sa aking kwarto para lamang kumprontahin.

"Hindi 'yon ang sinabi niya! Pinaluhod mo raw siya sa harap mo!" His loud voice echoed inside my room.

"Why would I do that?" I spoke slowly, pilit na nilalabanan ang inis na nararamdaman.

Nakaupo lamang ako sa kama habang nakapamaywang siyang nakatayo sa harap ko, magkasalubong din ang kilay nito.

"Hindi ko alam! Sinabi mo pa talaga sa kaniyang nililigawan na kita! That will never happen, Zimry!" He gasped.

Anong pinagsasabi ni Angel sa kaniya? Ni hindi ko nga siya nakausap nang mabuti!

"Paniwalaan mo ang gusto mo," I gave up.

Kahit anong gawin kong pag-eexplain, hindi naman 'yan maniniwala sa akin. He stood quiet for a moment.

But I almost screamed when he stormed out of the room.

I let out a heavy sigh. Sometimes I feel like, no matter how much I try, no matter how much I give, I will never be good enough for him.

Nagpagulong-gulong ako sa kama habang sumisigaw. No one will hear me anyway. 

Bumangon na lamang ako nang umayos ang aking pakiramdam. Babalik na muna ako sa apartment.

"Sunday pa lang bukas, ha? Aalis ka na agad?" tanong ni Mommy nang nagpaalam ako.

Dad and Harley are away. Nasa bukid daw ang mga ito. Classmates kami ni Harley ngunit mas gusto niyang pag-aralan ang agriculture. Kaya mas lalong naging magaan ang loob ni Daddy sa kaniya.

"I need to go, Mom. May final practice pa po kami mamaya para sa parent's night." Niyakap ko siya nang tumango ito.

"Okay. Take care," saad nito at niyakap din niya ako pabalik.

Malapit na ang aming graduation kaya kabi-kabilaan ang practice namin. Isa para sa parent's night. Mayroon din para sa graduation ceremony.

Si Daddy ang aattend para kay Harley sa parent's night dahil sa mismong graduation day pa uuwi ang magulang niya.

"Ayan na pala si Harley! Hindi ba't nagpaalam ka rin kanina dahil may practice ka? Magsabay na kaya kayo ni Zimry?" Mariin akong napapikit sa suhestiyon ni Mommy. And she's smiling like an idiot. Hmmm?

"Kung kaya niya po akong hintayin. Maliligo pa po ako." Sagot naman ng isa. As if, hindi siya nanggagalaiti sa akin kanina. 

"Hindi na po. Dadaan pa ako sa apartment, Mommy." I firmly said before walking away. Wala na rin naman silang nagawa nang tinalikuran ko sila.

No way! Hindi pa ako handang humarap sa lalaking 'yon... baka maiyak lang ako sa sama ng loob.

---

"Zimry, baby!" I almost rolled my eyes when Johan greeted me. Halos patalon pa itong yumakap sa akin.

"Bitawan mo ako o isisigaw ko ang sikreto mo?" bulong ko sa kaniya kaya agad siyang bumitaw. 

"Ang harsh mo naman sa akin. Kaya kita gusto e!" malakas pa niyang saad kaya may nagtilian sa mga ka-klase namin. Bwisit!

Hindi ko na lamang siya pinansin at dumeretso sa mga kaibigan ko. I was smiling while walking, ngunit nasamid ako sa sariling laway nang mapansing may nakatingin nang masama sa akin.

Harley.

Ganito ba ito kagalit sa akin kaya kung makatitig siya'y para niya akong papatayin?

Para na tuloy akong ewan habang naglalakad.

"Are you fine?" salubong ni Kiz sabay hawak sa braso ko.

"Thanks. Of course!" sagot ko nang makaupo ng matiwasay.

"Ipapakilala na kaya ako ni Zimry sa mga magulang niya bukas?" pagpapapansin na naman ni Johan na nasa gitna namin.

Nasa field kaming lahat, pabilog kaming nakaupo habang si Johan ang nasa gitna. Siya kasi ang chairman namin sa room, ito rin ang leader para sa presentation na gagawin bukas.

Halos lahat na ng tao sa University ang nakakaalam sa pagkagusto ko kay Harley. Ipinagkalat ito ni Angel.

Though, 'yung iba'y hindi naniniwala dahil hindi naman ako parang aso kung habulin si Harley.

"Sige, magdamit ka ng maayos nang maipakilala na kita." Patol ko kay Johan. Nagsigawan na naman ang mga ulol kong ka-klase. Nakiki-ride lang naman ang mga 'yan.

"Yes! Sinabi mo 'yan, ha?" arte pa nito. Akala mo kung sinong matipuno.

"Oo naman. Baka gusto mong ipakilala pa kita sa buong angkan ko?" I winked at smiled at him sweetly.

Pilit kong itinago ang tawa nang makita ang reaksyon niya. Poor, Johan!

"Zimry, can you please stop your games? Hindi ka na ba talaga magbabago? Lahat na lang ba ng lalaki, lalandiin mo?" Biglang singit ni Harley sa usapan. Namumula ito, at mabilis ang paghinga.

What the heck?

Handa na sana akong sigawan siya pabalik ngunit mabilis itong nakalapit sa akin at hinila palayo.

"Bitiwan mo nga ako!" pagpupumiglas ko ngunit parang wala itong naririnig.

Pinakawalan niya lamang ako nang tuluyan na kaming nakalayo. Ngunit huli na nang mapansing nasa building kami ng  Med Tech, kung saan naroon si Angel.

Napailing na lamang ako nang makitang humahangos na lumapit si Angel sa amin. Mabilis naman siyang dinaluhan ni Harley nang makalapit siya.

"A-angel..." tawag niya rito ngunit hinawi lamang ng babae ang kamay ni Harley at sa akin ito dumeretso.

"Malandi ka! Hindi mo ba talaga titigilan ang boyfriend ko?" sigaw nito at sinampal ako nang malakas. 

I caress my cheek before glaring at her. 

Mag-asawang sampal ang ibinalik ko sa kaniya. Hinablot ko pa ang buhok nito para mas mailapit siya sa akin.

"Don't. you. dare. mess. up. with. me." Marahas ko siyang binitawan at sasampalin pa sana siya ngunit nahawakan ni Harley ang kamay ko.

"Stop it!" Halos mapaaray ako sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

Hindi ba niya nakitang si Angel ang nauna? F*ck!

"Siya ang nauna!" sigaw ko.

"I don't care. Sinaktan mo siya!" sigaw niya pabalik at marahas akong binitawan.

---

"Mga lalaki talaga, dalawa na nga ang ulo hindi pa ginagamit." Wala sa sariling saad ko bago itinungga ang bote ng alak. 

"One more, please?" utos ko sa robot na nasa tabi ko.

Nasa rooftop ng apartment kaming lima. We're just celebrating, bukas na kasi ang graduation namin. Actually, ako lang talaga ang umiinom ngayon. Sinamahan lang nila ako.

"Why we always choose and chase the wrong person while we always ignore the one who keeps on chasing us and the one who truly loves us?" Natasha eyed Nowelle, she's not in her usual self... again.

Nakatulala lang siya sa kawalan, ni hindi niya napapansing kinakain na ni Lewisse ang pagkain niya. Mukhang hindi lang ako ang may problema sa love life.

"Puro kasi kayo love, anong mapapala niyo riyan?" sinamaan ko ng tingin si Lewisse. Punong puno ba naman ng pagkain ang bunganga. Ang baboy!

"You're so kadiri, Lewisse! Eww..." Diring-diri siyang itinuro ni Natasha. Inabutan naman ito ni Kiz ng tissue para mapunasan ang nagkalat na ketsup sa bibig niya.

Nagkakagulo na silang tatlo pero si Nowelle, tulala pa rin. Hayy nako!

"Nowelle," tawag ko rito ngunit hindi pa rin siya gumagalaw. Baka naging robot na ito, ha? Tsk!

"I'll just go to the comfort room," paalam ko kahit na mukhang hindi nila ako narinig.

I was about to open the door of the comfort room here in rooftop when I heard the announcement from the speaker.

"You have visitor, Zimry."

We don't have robot guard here but Zech, Kiz's twin brother, and Nowelle's lover, installed a scanner on our door. Pagtapak pa lamang ng tao sa harap ng pintuan nami'y malalaman na nito ang pakay ng tao.

Hindi na ako tumuloy sa banyo, dumeretso na lamang ako sa elevator para makababa na.

But who will visit me? Lalo na't mag-aala una na ng madaling araw.

Pagkatingin ko sa mini monitor namin para tingnan ang nasa labas ay mabilis na kumunot ang aking noo.

Anong ginagawa niya rito?

I opened the door fiercely, tumambad ang galit nitong mukha sa akin.

"What are you doing here, Angel?" taas noo't kilay kong tanong. She just stared at me, then laughed after a minute.

"Napakatapang mo naman, Zimry. Hahangaan na sana kita kung hindi ka lang mang-aagaw." Pinag-krus niya ang kaniyang kamay.

"Naunang naging akin si Harley," malamig kong tugon.

"Pero akin na siya ngayon! Matagal na kayong wala! P*tang-ina naman, Zimry!" halos maputol na ang litid nito sa kakasigaw.

"Stop shouting. Tulog na ang mga tao." Pambabalewala ko sa sinabi niya.

"Wala akong ebidensya pero alam kong ikaw ang nagpakalat 'nung pictures ko!" hinampas ko ang kamay nitong dumuduro sa akin

"Umuwi ka na habang may pasensya pa ako sa iyo."

"Malandi!" sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit natigilan siya nang hinarangan siya ng mga kaibigan ko.

"What are you saying?" maangas ngunit pabebeng tanong ni Natasha. Lapit siya nang lapit dito habang paatras naman nang paatras si Angel.

"Stop it, Natasha." Awat ko kay Natasha ngunit hindi ito huminto. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang may minamaniobrang remote si Lewisse.

Oh my gosh!

Rinig na lamang namin ang malakas na sigaw ni Angel nang mahulog siya sa kanal.

Kaya pala siya pinapaatras ni Natasha, si Lewisse naman ang nagbukas sa takip ng kanal.

"Zimry!" biglang lumakas ang kabog ng aking dobdib nang marinig ang boses na iyon. Lagot!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status