Share

Kabanata 5

My brows furrowed a bit and pursed my lips. He's too much to handle. What kind of a jerk! Hindi ako sumunod sa gusto niya. I went to my friends instead. I will not be fazed by his looks or his actions!

"You're supposed to be masaya, 'di ba?" Natasha sarcastically said. I glared at her when she tried to take a picture.

"Stop it, Natasha! I'm not in the mood." Padarag akong umupo sa tabi ni Lewisse na tahimik lamang na ngumangatngat ng bigas. Kinakalabit pa nito ang kaniyang Lola para bigyan ngunit umiiling lang ang matanda. Samantalang ang Lolo niya ay tahimik lang din na kumakain ng bigas habang nagmamasid sa paligid. May pinagmanahan si Lewisse!

"Smile! Three, two, one!" sigaw na naman ni Natasha. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang ngumiti.

Hahanapin ko na sana kung nasaan si Kiz pero namataan ko sila ni Jordan sa isang sulok. Seryosong nakatingin lang ang kaibigan ko sa tumatawang Jordan. What's really their score?

"Why are you so nakasimangot ba? Look at your picture, you look like multo." Naiinis na saad ni Natasha. Ang arte! Tawagin ko kaya rito ang pinsan ko nang manahimik naman siya?

"I told you, I'm not in the mood."

"Can you set aside your broken heart? Hello! It's your graduation day! You should be happy. All your hardships are worth it!" Pampalubag loob nito. Pero may point siya.

Bakit ko ba hinahayaang sirain na lang palagi ni Harley ang araw ko? Kung ako nga, parang hangin lang sa kaniya. Ako lang ang talo rito. Luging lugi na nga!

"Fine! Why don't we find a guy na lang, 'di ba? Sasaya pa ako." Ngiting asong yaya ko sa kaniya ngunit agad siyang ngumiwi.

I know, it's bad but I want to move on real quick. And to do that, kailangan ko ng panakip butas... just like before. But this time, totoong magmo-move on  na ako. No turning back.

"Duhh? Are you for real? Saan ka makakahanap ng guy today? They are all busy with their parents, 'no. Gusto mo bang ipakilala ka nila agad sa magulang nila? Pwedeng tomorrow na lang?" She rolled her eyes, feeling disgusted. 

"You're no fun. Watch and learn." I winked at her. Tumayo ako at nagsimula ng maghanap ng prospect. I'm taking this seriously, huh?

Ipinilig ko ang aking ulo, then stretched my arms. I put a friendly smile on my face and started walking. Mabilis kong inililibot ang mga mata sa paligid. I need to be in a hurry, baka magsimula na ang ceremony mamaya. Mas lalo akong mawawalan ng lalaki. Lol! I sound like a desperate one.

But after walking around, napagod na ako at lahat-lahat, wala pa rin akong nahanap. Halatang malapit na ring mag-umpisa ang ceremony dahil sa idinagdag na mga robot sa paligid, it's for additional security. The gates of the University are automatically closed na rin. And the graduation music that never aged started playing. Lol!

I snapped my fingers to call the robot waiter. May hawak silang tray pero walang laman. You need to manipulate the screen on their chest.

Nang dumating siya sa harap ko ay agad akong nag-order ng isang boteng tubig. Then after submitting it, umilaw 'yong tray at may lumabas na tubig na order ko.

"Thank you!" saad ko sa kaniya, nag-bow ito bago umalis.

"Hey, are you looking for someone?" A low husky voice interrupted me while walking.

Babalik na kasi sana ako kina Natasha, at doon na lang inumin ang hawak kong tubig. I surveyed the man in front of me. He's a chinito, medyo matangos ang ilong, manipis at mapulang labi, matangkad, kinda skinny, and a paper white skin. He look like a Korean.

"Not really. How about you? Are you a student here? Parang ngayon lang kita nakita?" Mahabang litanya ko. Though, he's not really my type, I still find him cute.

"I'm a transferee. I transfered a year ago. I always see you roaming around, hindi mo lang ako pinapansin." He chuckled. I bit my lower lip to hide my smile.

"Haha! Sorry. Siguro marami lang akong iniisip tuwing nakikita mo ako."

"Araw-araw? Well, siguro nga. Araw-araw, iba-iba ang kasama mo, eh." Mukhang may idadagdag pa sana siya pero pinigilan niya ang sarili.

"Hmm? What do you mean, iba-iba? I'm with my friends everyday." Tinaasan ko siya ng kilay, pinag-krus ang aking mga braso, at sumandal sa pader na nasa likod ko.

"No, I mean... your boys." Maingat niyang saad na ikinatawa ko. Natawa na rin siya, mukha kasi itong takot na takot kanina habang sinasabi 'yon. Mukha ba akong nangangain ng tao?

"Well, are you stalking me?" biro ko na agad naman niyang ikinailing. He's touching his lips, hiding his smile.

"Hindi, ah. Nagkataon lang na kung saan ako tumatambay araw-araw, doon din ang punta niyo."

"Wala ka namang nakitang masamang ginagawa namin? Baka you have our pictures or videos?" paratang ko. Well, I don't have to worry. Hanggang kiss lang mga gunggong na 'yon.

"If my eyes can take a video or picture, paniguradong memory full na 'to." Pareho kaming natawa sa sinabi niya. He's so funny.

Maybe, I need to change my preferences? This time, I'll try cute and funny guys? Lol!

"Do you want me to give you a new memory card?" I joked. Kung saan saan na napupunta ang usapan namin.

"But do you know that there's someone who's always following you every time you're with your flavor of the day?" This time, he looks serious.

"What? It sounds creepy, huh?" sino naman kaya 'yon? Wala pa namang nagtatangka sa buhay ko except sa mga girlfriend ng ka-date ko.

"I think, he's your classmate. I heard a lot about him especially my girl classmates. Hmmm... Harley?" Kunot noong wika nito. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o maiinis sa sinasabi niya.

Ayaw ko ng marinig ang pangalan ng lalaking 'yon.

"Ah! Don't worry about him. Pinapabantay lang siguro ako ni Daddy sa kaniya. He's a family friend." I explained na tinanguan naman niya.

"Kaya pala lagi niyang hinaharangan ang mga lalaking nakakasama mo." Ang chismoso naman ng taong 'to.

I'm looking for fling, pero ka-chismisan ang nahanap ko. Tsk!

"Well, I have to go na. Magsisimula na yata ang ceremony. See you around!" I waved my hand and turned my back to him. Pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan.

"Yes?" Medyo iritang saad ko.

Ngunit bigla siyang natulala sa likod ko. Nabitawan din niya ang pagkakahawak sa kamay ko. 

"S-sorry." Biglang saad niya at mabilis na umalis. Problema 'nun?

Babalik na rin sana ako sa upuan ko ngunit may nagsalita sa likod ko. And I know who it is. Alam ko, dahil biglang ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.

"Kanina si Johan, ngayon iba naman." Malamig na saad niya. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya. Takot na salubungin ang ano mang reaksyon galing sa kaniya.

Ngunit hinigit niya ang braso ko para mapaharap ako sa kaniya.

"What the f*ck is your problem, Harley!" Madiin kong saad. I want to shout at him but afraid to call everyone's attention.

"Sino 'yon?" Nanghahamon na tanong niya. He watched me with dark domineering eyes. His lips twitched. I sensed annoyance.

I sighed heavily and stared back at him for a few seconds.

"Wala ka ng paki-alam kung sino 'yon. Why don't you mind your f*cking business?" Ni hindi ko nga alam kung sino 'yong kausap ko kanina. Nakalimutan kong itanong!

"Bakit ba hindi ka mapakali sa iisang lalaki, Zimry? Dapat sa'yo, itinatali." I saw his jaw moved dramatically slow.

"What?" I glared at him, prepared to fire. But I saw Angel coming our way. She's staring at me seriously.

Napailing na lang ako at mabilis na umalis. Narinig ko pa ang tawag sa akin ni Harley pero hindi ko na pinansin. Magsama kayong dalawa, ang sakit niyo sa bangs!

----

"Bye, girls. Sabihan ko na lang si Nowelle na hindi kayo makakasama sa graduation ceremony niya bukas. Let's see each other the day after tomorrow." Paalam ni Kiz sa amin ni Lewisse pagkatapos ng ceremony.

Hayy! After long long hours, natapos din. I'm so exhausted! I badly want to sleep now.

"Oo. May simpleng party kasi sa bahay bukas. Ingat na lang kayo. Bye, Tita Kezia and Tito Zach. Thank you po sa gifts." I still tried to be cheerful habang nagpapaalam sa parents ni Kezia. 

"You're welcome, iha. Congratulations again! Ingat kayo sa pag-uwi, huh?" Nakangiting saad naman ni Tita Kezia. Tinanguan lang ako ni Tito Zach na kapit na kapit sa baywang ni Tita. Nang-iinggit yata ang mga 'to! 

"Kayo rin po. Salamat po sa robot. Kaso, paano po ba 'to gamitin? Hehehe!" Iwinagayway ni Lewisse ang mini robot na regalo sa amin. Ang alam ko ay may ganito na si Nowelle, regalo ni Zech sa kaniya noon.

Kinurot ko ang puwet ni Lewisse para tumigil. Nakakahiya, pwede naman kaming magpaturo kay Nowelle. Tsk!

"Aray naman. Huhu!" Umarte pa itong umiiyak. Natatawa tuloy sina Tita sa kaniya. Tito whispered something to Tita, tapos kinurot naman siya ni Tita sa tagiliran.

Hayyy! Sana all!

"Duh, Lewisse? There's instruction naman diyan, eh. You don't know how to magbasa?" nakasimangot na sambit ni Natasha. Nagtatampo, siya lang kasi ang walang robot na natanggap. Bakit naman siya bibigyan, hindi pa naman siya graduate? Sarap hampasin!

"Ga-graduate ba ako kung hindi ko alam magbasa? Nako, Natasha. Nasaan ang utak mo? Halla! Baka nahulog mo sa kung saan. Gusto mo, tulungan kitang maghanap?" napatampal na lang ako sa noo ko dahil sa mga pinagsasabi ng gagang 'to. Hindi ko alam kung sarcastic ba ang mga sinasabi niya o natatanga na naman siya.

"You want me to hampas you?" Lalapitan na niya sana si Lewisse ngunit biglang humarang ang pinsan ko, Dan. Mas lalo tuloy nairita si Natasha.

"Tita, mauna na po kami. Kanina pa po kasi naghihintay sina Mommy sa labas eh." Paalam ko dahil siguradong hahaba na naman ang usapan.

Nasa parking lot pa rin kami ng University habang sina Mommy ay nasa labas na. Nagpaalam lang ako saglit para makausap sina Kiz at makapagpasalamat sa parents niya.

"Couz, sasabay ka sa amin?" tanong ko kay Dan ngunit hindi yata niya ako narinig dahil sa pang-aasar niya kay Natasha. Hinila ko na lang si Lewisse para makaalis na.

"Deretso na muna tayo sa bahay. Doon na kayo kumain," saad ko sa kaniya habang naglalakad kami. Nandoon na rin ang kaniyang Lolo't Lola sa sasakyan namin.

Lewisse is my best friend since 4th year high school. Mapili ako sa kaibigan. Hindi ako basta-bastang nagtitiwala sa kahit kanino. Believe it or not, she's my first friend sa edad na labing-anim. Well, disregard Harley dahil umalis naman siya noon at hindi na ako binalikan.

Wala akong kinakausap kahit kanino sa school. Ang iba naman ay gustong makipagkaibigan sa akin ngunit kapag tinatarayan ko na ay biglang mawawala.

Si Lewisse lang talaga ang nakatiis sa ugali ko. Then, noong College, I found Kiz. Hanggang sa nakilala ko na rin sina Natasha at Nowelle. And my only guy friend, Johan. Sa buong buhay ko, sila lang ang kinaibigan ko.

I can be civil to others pero puro pormal na pag-uusap lang 'yon. Never akong makikipagbiruan o magkukwento sa kanila.

"Halla! Zimryyyyy!" natigil ako sa paghila sa kaniya nang bigla siyang umupo at nag-iiyak. Walang hiyang babae talaga 'to!

"Ano?" Umupo na rin ako para punasan ang mga luha niya. Pinagtitinginan na tuloy kami.

"Alam mo ba kung saan ko iniwan sina Lola? Halla!" Napairap na lang ako sa kawalan. Hindi ba niya naalalang sumama ang mga ito kay Mommy kanina? Nagpaalam pa nga siya sa mga ito eh. 

"Tatayo ka riyan ko sisipain kita?" banta ko sa kaniya kaya agad siyang tumayo.

"Hehehe..." pilit niyang tawa pero tumutulo pa rin ang mga luha.

"Nasa sasakyan na sila. Kaya kailangan na nating magmadali, kanina pa nila tayo hinihintay!" Nanlaki ang mga mata nito at hinablot sa kamay ko ang aking panyo para punasan ang mukha niya.

Siya na rin mismo ang humila sa akin patungo sa aming sasakyan.

Minsan, ay, madalas pala akong napapaisip kung bakit ko nga ba kinaibigan ang baliw na 'to?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status