Share

Chapter 78

Andrea

"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.

Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.

Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin.

"Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.

Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.

Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya.

"Magiging okay din ang lahat, 'ma."

Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.

Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya gaya ni tita Beth. Kung sana ay may magagawa ako upang tanggalin ang sakit na nararamdaman niya ay gagawin ko.

Ayokong nakikita si mama na ganito. Masayahin kasi siya at hindi ganito. Nalulungkot at nasasaktan ako sa t'wing nakikita ko siyang ganito.

"Bakit ba nila ginawa 'yon? Ano bang kasalanan natin sa kanila?" Umiiyak na aniya.

"Sorry, 'ma." 'Yan nalang ang nasabi ko dahil ako ang dahilan ng lahat ng ito.

Kung alam ko lang na mangyayari ito ay hindi na sana ako umalis sa gang ko noon.

Kung alam ko lang na darating ang araw na ito, sana nanatili nalang ako bilang Queen ng Dauntless kahit na magalit pa sila.

Napaka bobo ko! Nagagalit ako sa sarili ko. Sinisisi ko rin ang sarili ko sa nangyari.

Bakit ba ako nagpakita ng kahinaan? Bakit nagpakatanga ako? Bakit ko ginawa 'yon?

Ang bobo mo, Andrea! Ang bobo mo!

"Hindi ko kasi maintindihan, anak. Wala tayong kagalit. Bakit nila ginawa 'to?"

"Sorry."

Nalaman ko na may lalabanan kaming gang mamayang gabi kaya naghanda ako. Hindi man ako sinabihan nila Chano ay sasama pa rin ako sa kanila at lalaban.

Lalo na at ang Phoenix gang ang kakalabanin namin. Nag-iinit pa rin ang utak ko kapag naaalala ko ang Phoenix gang lalo na ang ginawa nila sa pamilya ko.

Siguraduhin kong magbabayad kayo hanggang kabilang buhay.

Nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa bag ko. Buti nalang at break time na bago tumawag ang kung sino mang nilalang na ito.

Kuya Andrew calling...

"Oh?" Sambit ko pagkasagot sa telepono.

Agad namang napatingin sa akin ang mga kasama ko sa rooftop na nagkakainan ng mga pagkain nila.

"Kamusta kayo nila mama d'yan?" Tanong niya mula sa kabilang linya.

"Ayus naman. Minsan dumadagsa ang tao sa restaurant kaya walang bantay minsan kay papa."

"Dapat ay hindi niyo iniiwan si papa do'n mag-isa." Nag-aalalang aniya.

"'Wag kang mag-alala at bantay sarado ng mga bata ni kuya Andrello at bata mo ang kwarto ni papa. May security camera din doon kaya namomonitor namin ang kalagayan niya kahit wala kami doon."

Nagpadala kasi sila ng mga bata nila para bantayan si mama at si papa. Kahit saan nga daw magpunta si mama ay sinusundan siya ng mga ito pero nasa likod lang niya.

Naglagay din kami ng isang hidden camera doon para alam namin ang nagaganap kay papa.

Pinayagan naman kami ng doctor doon lalo na at sila Cassandra ang may ari noon.

Binabantayan din ng mga magulang ni Cass si papa ng halos buong araw. Kapag may magpapa-check up o kapag kailangan nila mag round check up sa mga pasyente nila saka sila umaalis doon.

"Mabuti naman kung gano'n. Ikaw naman kamusta?"

"Ayus lang ako, kuya. 'Wag kang mag-alala. Baka nakakalimutan mong si Andrea Smith ako."

Natawa siya ng bahagya sa kabilang linya kaya napangiti ako. Matagal ko ng hindi naririnig ito.

Nakakamiss.

"Andeng, remember this. If you focus on the hurt, you will continue to suffer. But if you focus on the lesson, you will continue to grow."

Alam ko ang point niya sa sinasabi niya. Ayaw niya akong magdusa ng magdusa. Gusto niyang mag move on na ako sa nangyari pero hindi ko alam kung pa'no.

Gusto ko rin naman, eh. Kaso pa'no? Pa'no kakalimutan ang nangyari kung lagi ko silang naaalala lalo na si lola?

Mula bata ako ay kasama ko na sila. Sila ang gumabay sa akin sa paglaki ko. Kaya pa'no?

"Si kuya Andrew?" Tanong ni Jake sa akin pagkababa ko ng tawag kaya tinanguan ko siya bilang tugon.

"Nangamusta lang." Sambit ko saka sila nginitian.

"Alam mo, Andrea. Don't force yourself. Cry if you want, scream, and let it out. 'Wag mong kimkimin lahat 'yan dahil baka sumabog ka." Saad ni Lexa.

Wala akong magawa kung 'di ang mapayuko nalang. Ako na nga ang nagsabi noon na pwedeng umiyak kung gusto mo mapalalaki ka man o babae.

Pero ngayon, parang ako pa 'yung naduduwag na umiyak. Parang pakiramdam ko napakahina ko kapag umiyak ako.

Sumigaw? Hindi ko pa ito nasusubukan at ayokong gawin. Hindi ko alam kung bakit.

Wala naman kasi akong mahanap na lugar kung saan ako pwedeng sumigaw. Gusto sa isang mataas na lugar kung saan ako lang tao.

"You know what, stop pushing us away and let us fight with you. You're not alone in this battle. We're here for you." Ani naman ni Raia.

"Don't be afraid to start all over again. You may like the new story better. Let go of the past and start a new chapter of your life." Blake said.

Hindi ko alam kung pa'no ko magsisimula ulit. Hindi ko alam kung paano ako aalis sa nakaraan.

Pa'no ba kasi? Ayoko rin na ganito ako. Pakiramdam ko wala akong kwenta. Pakiramdam ko wala akong silbi.

Pakiramdam ko dahil sa akin kaya nangyari ang lahat ng 'to. Dahil sa 'kin naman kasi talaga.

Pa'no 'ko makakapagsimula ulit kung ang nagsimula ng unang kabanata ng buhay ko, ang taong bumuo sa akin ay nakalatay sa ospital at hanggang ngayon ay walang malay?

"To heal the wound, you have to stop touching it. Stop thinking the things that makes you remember your pain and sorrow. Stop doing the things that can make you feel the pain again. If putting the the things that can make you remember it on a grave, do it. If throwing it away make you feel better and stop thinking about it, throw it. Start a new beginning and start doing the things that can make you happy." Saad ni Jake.

Stop thinking about it? How?

Sa t'wing ipipikit ko ang mga mata ko, sila ang nakikita ko. Sa lahat ng lugar sa bahay namin sila ang naaalala ko.

Kaya paano ko gagawin 'yon?

Put the things that can make me remember it on a grave? 'Yun na nga lang ang ala-ala sa 'kin ni lola ibabaon ko pa sa lupa?

Hindi ko kaya...

"Andrea, maybe you're asking yourself. How can I start a new beginning. A new chapter. How can you move on. Then you're going to answer yourself that you can't. It's not that you can't, you just doesn't want to. You don't want to start a new beginning because you don't want to forget them. But, Andrea. You won't be able to moved on if you don't want to forget them. You'll continue to suffer." Sabi naman ni Tristan.

Baka nga kaya hindi ko kaya dahil ayoko.

Ayokong kalimutan si lola. Ayokong mawala siya sa ala-ala ko. Bakit kasi kailangang mangyari ang lahat ng 'to?

"Life isn't about letting the storm to pass, but learning how to dance in the rain. If you're letting the time pass and heal you, you're wrong. Yeah, time can heal. But dear, you have to dance along. The storm wants to destroy you, don't let them to succeed. Don't let yourself to be a fool and be destroyed by that damn storm. I know, it's hard to dance in the rain, you'll get wet and maybe sick. But you have to. Because if you did, maybe you get sick, you get wet, but dear, trust me. You won't regret it. It's easy to dry the wet part of you, it's easy to heal down if you get sick, but it won't be easy to get up if you let the storm destroy you. Prove to yourself that you can." Wika ni Cassandra.

Mabuti nga ba na lumaban pa ako? O hayaan nalang ang oras na gamutin ako? Madali para sa kanilang sabihin, eh. Pero ang hirap gawin.

Gusto ko rin naman kaso nga pa'no?

"You know what, love? When we said that you should forget them, we doesn't mean that you should forget them forever. Forget them for now and start moving on. Forget them for now and moved on. I know it's hard but you have to. Remember them again when you're ready. But for now, set them aside and help yourself to move forward." Saad ni Alistair.

Should I? Should I forget them temporarily and start moving on?

Makaka move on kaya ako kapag kinalimutan ko sila pansamantala?

Hindi ko alam ang gulo na ng utak ko.

Pero nagpapasalamat ako sa kanila at nand'yan sila para sa akin. Nand'yan sila at walang sawang nagbibigay ng advise sa akin.

Raia

"Wait muna natin si Andrea bago tayo pumunta sa gymnasium." I said.

Ngayon na kasi ang laban nila babe at manunuod kaming lahat gaya ng napag-usapan kahapon.

Ang tagal nga lang ni Andrea. Saan kaya nagpunta 'yon? Napagkasunduan namin na pupunta sila ni Lexa dito sa house namin pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Si Lexa lang ang dumating. Malapit na din mag start ang game.

My phone vibrate so I take it out from my sling bag.

"It's Andrea." I said before reading the message.

"What did she say?" Lexa asked.

"She said that she can't come. Marami daw tao sa restaurant nila at hindi siya makaalis. Sabihin nalang daw natin kay Al."

What a bad timing. Ngayon pa dumami ang customers nila. Baka mawalan ng gana na maglaro si Al dahil wala siya.

"Aww. Sayang naman." Nanghihinayang na sabi ni Lexa. "Let's go na. Late na tayo."

Buti at nakarating kami bago mag-start ang game nila. Marami na ding tao ang nandito karamihan ay girls na may kaniya-kaniyang banners.

May nakita pa nga ako na banners for my babe, eh. May 'I love you' pa na nakalagay.

"Where's Andrea?" Alistair asked.

"She said she can't come because of her work. You know, their restaurant. She also say sorry." I replied.

Lumungkot naman ang mukha ni Alistair kaya tinapik ko siya sa balikat.

"Don't worry. We're going to film you guys to show Andrea what she missed so cheer up!"

Nginitian niya lang ako saka pumunta sa mismong court sa gymnasium.

"I love you." Nakangiting sabi ni Blake saka ako binigyan ng smack kiss sa lips.

"I love you too. Galingan niyo, ah?"

"Oo naman. For you." Aniya pa saka ako kinindatan.

Ang sasama tuloy ng tingin sa akin ng mga babaeng nagkakagusto kay Blake. Nginisian ko lang sila saka nagsimula ng manuod ng laban.

Sorry nalang kayo girls dahil sa akin na si Blake. Hanap kayo ng sarili niyong Blake kung meron pa, HAHAHAHA.

Andrea

"Sige na, 'nak. Kami na bahala dito. Baka magtampo si Alistair sa iyo at hindi ka nakanuod." Saad ni mama.

Ayoko sanang umalis dito sa restaurant para matulungan sila kaso masyadong mapilit si mama.

Humingi naman na ako ng despensa kay Alistair at alam kong maiintindihan niya 'ko dahil talagang kulang kami sa tao.

Masyado na ding malaki ang bills ni papa sa osital kaya kailangan muna naming magbawas ng trabahador para ang kinikita namin ay naitatabi nalang para pambayad sa bills.

Si Xander nga ay nagtatrabaho na din dito ng libre. Hindi naman niya kailangan kaso ginagawa niya pantulong sa amin.

"Kahit naman hindi na ako manuod 'ma, ayus lang. 'Di din naman ako mahilig manood no'n."

"Kahit na. Boypren mo 'yon baka nakakalimutan mo."

"Oo nga naman, ate. Kaya na namin dito. Nand'yan naman sila kuya Xander." Sambit ni Andrei.

"Kami ng bahala, Queen. Saka pagkatapos mo manood susunduin ka ni boss. May ensayo daw ang mga bago." Ani Xander.

"Sige na nga. Tawagan ko nalang kamo siya." Pagsuko ko saka tinanggal ang apron na nakasuot sa akin.

Mukhang wala na rin naman na akong magagawa. Ang kukulit ng mga 'to, eh. Kahit na ayoko silang iwan, eh wala akong magagawa.

Bakit naman kasi kailangan na may laro pa sila ngayon. Natapat pa na kailangan ako sa restaurant.

Naglalaro na sila ng makarating ako sa gymnasium. Sa school namin ginaganap ang laban. Ang kalaban nila ay ang kabilang school sa tabi.

Dito nalang ako sa taas nanunod at hindi na bumaba dahil masyadong maraming tao. Ayokong makisingit.

Parang lantang gulay naman kung maglaro si hagdan. Kumain kaya 'to kanina? Bakit parang wala siyang ganang maglaro?

'Eto ba ang pinagmamalaki niya? Tss. Sinasayang lang niya oras ko kung ganito siya maglaro.

Hawak niya ang bola na naagaw din agad sa kaniya ng kalaban dahil hindi siya alisto. Basta lang siya dribble ng dribble at hindi tumitingin sa paligid.

Sa bola lang siya nakatingin kaya naagaw sa kaniya ang bola. Nakapuntos tuloy ang kabila.

Nagpatuloy ang laban nila at ganoon pa rin. Walang kagana gana kung maglaro si hagdan. Ano kayang nangyayari dito?

Parang tanga lang, eh. Tss.

Sa second quarter ng laro ay nalamangan sila ng kalaban. Hindi lang lamang kund 'di tambak.

Pa'no ba naman hindi magiging tambak eh ang lata niya maglaro. Ipinagmamalaki pa niya na MVP siya mukhang hindi naman siya sanay. Tss.

Lumipas ang oras hanggang sa makarating na sa last quarter. Kinausap kanina ng coach niya si hagdan at ewan ko kung ano ang sinabi nito dito at biglang ginanahan maglaro.

Nakabawi sila ngayong last quarter. Ang kaninang tambak ay nabawi nila at sila naman ang lamang ngayon.

Nangangamoy victory sila. Panay ang shoot ng 3 points ni hagdan na nahuhulog naman.

Sila ang panalo matapos ang intense na laban nila. Nakabawi sila!

Ang score ay 136 - 82.

Kailangan lang talaga ng focus ni hagdan sa paglalaro para manalo sila.

That's my boy.

Bumalik sila sa bench nila at kaniya kaniya namang yakap sila Lexa sa mga boyfriend nila.

Nag cheer naman ang mga babaeng nasa paligid ko at sinigaw ng sinigaw ang pangalan ng mga nanalo. Kung sino ang gusto nila ay 'yon ang sinisigaw nila.

Si Samantha ang nagpunas ng pawis ni Alistair. Nando'n pala siya hindi ko napansin kanina.

Biniro sila ng mga kasama nila at sinasabing mag comeback sila. Si hagdan ay nakangiti lang sa kanila habang si Samantha ay...

"Pabebe ng babaeng 'yon. Kapal ng mukha akala mo naman kung sinong maganda." Sabi ng isang babae sa gilid ko kaya natawa ako.

Ang gusto kong sabihin ay nasabi na niya. Hindi ko nga lang inaasahan ang susunod na nangyari.

Hinalikan ni Samantha si Alistair sa labi na tumagal ng limang segundo. Wow...

What a nice view.

"Ang kapal niyang halikan si Alistair!" Gigil na sabi ng isang babae at gusto ng sumugod.

Ako hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Tristan at akmang sasabihin kay Hagdan na nandito ako kaya inilingan ko siya saka nginitian.

Kumaway ako sa kaniya bago ako maglakad paalis ng gymnasium.

Sana pala ay hindi nalang ako pumunta. Nasira lang ang mood ko.

Trsitan

Nakita ni Andrea ang ginawa ni Samantha na paghalik kay Al. Alam kong nasasaktan siya.

Kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. G*go naman kasi si Alistair at hinahayaan lang si Samantha na gawin ang lahat ng gusto nito.

"Hey, baby. I'll just text Andrea that you guys won." Masayang sabi ni Lexa kaya nginitian ko siya.

"Go ahead."

Tinignan ko ang g*go kong kaibigan na nakangiti pa ngayon habang binabati ang mga babaeng nasa harap niya.

"Your friend is an asshole." Bulong sa akin ni Cassandra habang masama ang tingin kay Alistair. "I want to punch him."

"Calm down. We're infront of a lot of people." I whispered back.

"How can he do that? How can he smile after what happened? Oh, why am I surprised? He's a playboy jerk after all." Sabi niya saka naglakad paalis.

Sinundan naman siya ni Jake.

"What's wrong? Why did they leave?" Raia asked.

"They said that the game is over so they're leaving." Pagsisinungaling ko.

Alam ko na nakita din nila Blake ang nangyari pero hindi nila nakita si Andrea. Hindi rin naman nakita nila Jake at Cassandra si Andrea pero dahil childhood friend nila 'yon ay nagagalit sila.

Maski naman ako ay naiinis sa ginawa ni Al. Bakit wala man lang siyang ginawa ng halikan siya nito?

Sa bahay nila Al ginanap ang celebration ng pagkapanalo namin. Naghanda ng maraming putahe sila tita. Chef ang lola niya at isa ito sa mga nagluto kaya alam kong masarap ang mga pagkain ngayon.

"Kumain lang kayo. Do'n be shy." Nakangiting sabi sa amin ni tita Almira.

"Ang sarap po, tita." Sabi ni Christian isa sa mga teammates namin.

"Of course. My mom is a good cook."

"Is Andrea coming?" Tanong ni ate Sandra sa amin.

"Yeah, she said that she's coming." Lexa replied.

"Oh, Andrea!" Kinawayan ni Raia si Andrea na nginitian lang siya ng bahagya.

Lumapit ito sa amin at kinonggratulate kami.

"Congratulations!" Pilit ang ngiting aniya.

"Hey, Andrea." Ate Sandra greeted her with a warm smile and hug her.

"Ate Sandra." Andrea said before hugging her back.

"How have you been?" Tanong ni Aye Sandra.

"Just fine."

"I'm glad to hear that."

"Andrea!" Masiglang sabi ni tita Almira saka niyakap si Andrea.

"Kamusta ho?"

"We're doing fine. How about you?"

"Ayus lang din ho."

"I miss you, hija."

"Ahh..." Halatang hindi alam ni Andrea ang sasabihin niya.

"Mom, where's Al?" Ate Sandra asked her mother.

"I'm here." Sambit ni Al mula sa likod namin.

Nakangiti siyang lumapit kay Andrea at hahalikan sana niya ito ngunit iniwasan iyon ni Andrea.

Niyakap siya ni Andrea ng saglit bago siya ngitian ng pilit.

"Congrats." Pilit ang ngiting sabi ni Andrea.

The situation is awkward. Buti nalang at umalis na si tita bago pa pagtangkaan ni Al na halikan si Andrea.

Tiyak na magtatanong iyon kung ano ang problema. Hindi lang ako ang nakapansin sa ginawang pag-iwas ni Andrea kay Al kung 'di maging ang mga kasama ko.

Nagtataka silang lahat kung bakit 'yon ginawa ni Andrea maliban lang sa ate ni Al at kay Blake.

Madaling maka pick up si Blake kaya alam ko na alam na niya ang dahilan. Si ate Sandra naman ay alam kong kinikilatis niya ang nangyayari para malaman kung ano ang problema.

"Mauuna na 'ko." Sabi ni Andrea.

"You just got here." Si Al.

"Pumunta lang ako dito para batiin kayo. May gagawin pa 'ko kaya mauuna na 'ko. Congrats ulit."

"Ihahatid na kita." Prisinta ni Al.

"Hindi na. Kaya ko na." Pagtanggi ni Andrea.

"Ako na maghahatid sa kaniya." Sambit ko.

"Oh, Andrea. You're here." Nakangiting sabi ni lola, ang lola ni Al kay Andrea saka ito niyakap.

"Hello po."

"Kamusta ka na? Kayo ng pamilya mo?"

"Ayus lang naman ho. Nasa mabuting kalagayan po kami."

"Ang papa mo?"

"Tulog pa rin ho, eh." Bakas ang lungkot sa boses ni Andrea kahit na nakangiti siya.

"Gano'n ba? Kung kailangan niyo ng tulong ay sabihan mo lang kami. Handa kaming tumulong sa inyo."

"Maraming salamat ho."

"Aalis ka na ba?"

"Ahh, oho, eh."

"Bakit naman?"

"May trabaho pa ho kasi ako."

"Gano'n ba? Oh, sige. Mag-iingat ka."

"Mauuna na ho ako. Salamat ho."

"Ihatid mo na siya Alistair."

"Ako na ho ang maghahatid." Sambit ko.

Nagtataka man siya ay hinayaan niya rin kami na makaalis na.

"Mauuna na ho ako." Paalam niya.

"Bye, I love you." Saad ni Al.

Nginitian lang siya ni Andrea saka nagsimulang maglakad palabas ng bahay.

Hindi na rin komportable si Andrea sa loob dahil bukod sa maingay ay nando'n si Al at Samantha na alam kong dahilan ng pagkailang niya.

Pagdating sa labas ay hinarap ko siya.

"Are you okay?" I asked.

"Hmm. 'Wag kang mag-alala. Kaya ko pa." Nakangiting aniya.

"Just tell me when you need me. I'll be there."

"Thank you."

"Let's go?" Aya ko sa kaniya saka siya pinagbuksan ng pinto ng kotse ko.

"Hindi na. Darating 'yung isa kong kaibigan. May pupuntahan kasi kami kaya susunduin niya ako."

"Ahh. Sige."

Dumating ang isang kotse at lumabas ang isang lalaki doon. Pinagbuksan niya ng pinto sa back seat si Andrea saka inalalayan doong makapasok.

"Ingat!"

"Kayo rin. Salamat!" Aniya saka pinaandar ng mabilis ang sasakyan nila.

Kaibigan ko si Al pero kaibigan ko rin si Andrea. Ayoko na nagkakaganito sila lalo na sa panahon ngayon dahil alam kong ang daming problema ni Andrea.

Ayoko na sumabay pa ang relasyon nila at iyon ang maging dahilan para masira sila pareho.

Sobra ng nahihirapan si Andrea, naaawa na ako sa kaniya.

Sana maging ayos na ang lahat sa lalong madaling panahon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status