Share

Epilogue

Andrea

"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash.

"Ayus naman." Sagot ko.

We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.

Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss.

"Napadalaw ka yata?"

"Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.

Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya.

"Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.

Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano.

"Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa.

"Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya, eh." Saad ko.

"Saan ka pupunta?"

"States."

Kung pwede lang na hindi na ako sumama ay hindi naman ako sasama. Ayoko kayang pumunta sa States dahil bukod sa hindi ako sanay doon ay puro English ang salita doon.

Sanay naman ako makaintindi ng English pero minsan nahihirapan ako lalo na sa mga malalalim na salita sa ingles. Baka ma nosebleed pa ako do'n.

"Magkikita pa naman tayo." Aniya saka niyakap ako.

"Syempre. Sigurado naman na babalik pa kami dito." Saad ko.

"Hindi lang dahil sa babalik pa kayo dito. Susunod ako sa States after graduation. Ayoko naman na mawalay kay Blaine ng ubod tagal." Aniya.

Para nga naman sa pag-ibig. Handang iwan ang bansa at pamilya niya makasama lang iyon.

"Sige, mauuna na ako at pupuntahan ko pa sila Dave at Azalea na hindi rin pumasok. Pinapagod niyo ko." Kunwaring inis na sabi ko saka yumakap ulit sa kaniya.

Mamimiss ko ang lalaking 'to. Naging parte na sila ng buhay ko at hindi ko maiiwasan na mamiss ang kakulitan nila ni Dave at Azalea.

Andrew

"I understand, babe. Don't worry. Hindi ka naman makakasuway sa kanila." Sabi ni Shan.

"I'll miss you." I said then hug her.

Bakit pa kasi kailangan naming umalis, eh. Ayoko sana dahil ayokong iwan ang babaeng mahal ko dito sa Pinas kaso ayaw pumayag nila mama.

Kailangan daw naming sumama sa kanila dahil baka kung ano ang gawin namin dito habang wala sila.

Para namang mga bata kami kung ituring nila. Malalaki na kami at kaya na namin ang mga sarili namin pero ayaw pa rin nilang pumayag.

"May video call naman kaya pwede pa rin tayong magkita. Don't worry about it. Saka hindi naman ako maghahanap ng iba dito." Sabi pa ni Shan.

"Alam ko naman 'yon. Iba pa rin kasi 'yung kasama kita. Nahahalikan at nayayakap."

"It's fine. Babalik pa naman kayo, 'di ba?"

"Yeah, pero matagal pa."

"It's okay. Ako nalang ang dadalaw sa 'yo."

Jake

Aalis ng Pilipinas sila pikon. Wala na tuloy akong aasarin. Sayang naman ang mga kalokohan ko nun, tsk.

"Wala na talagang atrasan 'yan?" Tanong ko sa kaniya.

Last day na niya dito sa school ngayong araw dahil manaya ay aalis na sila. Nagpapaalam nalang siya sa amin at sa mga guro namin.

Pati na rin sa mga kaklase namin na matagal din niyang nakasama kahit hindi niya close.

"Oo, eh. Bawal daw kaming hindi sumama." Asar na sabi niya.

"Bakit parang ayaw mo?" Natatawang tanong ni Tristan.

"Kung kailan kasi malapit na graduation saka pa nila naisipan na kunin kami. Mga siraulo." Tugon niya.

"Hey, don't speak to them like that. They are elders. Show some respect." Saway ni Cass sa kaniya.

Sabihan ba naman kasi ng siraulo 'yung mga matatanda. Kahit kailan talaga ay walang galang ang babaeng 'to.

May mali rin kasi 'yung mga 'yon, eh. Bakit ngayon lang sila nagpakita tapos kukunin pa nila sila Andrea.

Nasanay na dito sila pikon, eh. Bakit kailangan pa nilang kunin at dalhin sa ibang bansa.

"Kaya niyo namang mamuhay mag-isa, ah? Why don't you just live her and let them go to States by their own?" Tanong ni Lexa.

"She's right. You can live on your own naman here in the Philippines. You have your own house to live in. So why bother to go to States?" Segunda ni Raia.

Oo nga naman. Bakit nga ba hindi nalang manatili ang magkakapatid dito eh kaya naman nila mga sarili nila?

Ang tatanda na kaya nila. Sila kuya Andrew at kuya Andrello mga college na. Si pikon naman graduating na ng highschool.

Pwede na ngang magtrabaho si kuya Andrew after niyang grumaduate so may income na din sila. Bakit kailangan pang sumama?

"Ayaw nga nilang pumayag. Sinabi na din ni kuya Andrew sa kanila 'yan habang nag-uusap kami kahapon kaso bawal daw kaming hindi sumama."

"Aalis ka talaga?" Tanong ni Blake.

"Hmm. Wala naman akong magagawa, eh. Nasa'n nga pala si hagdan? Hindi ko pa siya nakikita mula kanina kahit sa klase."

Oo nga. Hindi ko pa rin nakikita si Crimson mula kanina. Alam naman niya na ngayon na ang alis ni pikon, eh.

Nasa'n kaya 'yun?

"Nasa rooftop siya." Sagot ni Lexa.

"Puntahan ko lang. Susunduin na kami mamaya maya lang. Baka hindi pa ako makapagpaalam."

Tumango lang kami sa kaniya kaya umalis na siya. Kaya kaya nila ang long distance relationship?

Sa bagay, mukhang mahal na mahal naman nila ang isa't isa. Kaya siguro nila.

Bantay sarado naman namin si Crimson kaya hindi siya makakapagloko. Si pikon naman ay walang pake sa lalaki 'yan kay Crimson lang kaya panigurado na hindi siya maghahanap ng iba do'n maliban nalang kung makita niya ang BTS do'n.

Saka kilala ko si pikon. Hindi niya magagawang magloko dahil ayaw niya sa mga gano'n. Kung kasi ang ayaw niya ay hindi niya ginagawa sa iba.

Galit nga sa mga manloloko 'yon, eh.

Andrea

Mula ng matapos ang anniversary namin ni hagdan ay naging malamig na ang pakikitungo niya sa akin.

Kinakausap ko siya minsan pero iniiwasan niya lang ako.

Kapag nagkausap naman kami ay malamig na boses ang gamit niya at laging maiikli ang sagot niya na para bang hindi siya interesado sa mga sinasabi ko at ayaw niya akong kausap.

Wala naman kaming naging problema kaya hindi ko alam kung bakit siya biglang nagkagano'n.

Masaya kaming dalawa no'ng anniversary namin tapos bigla siyang nanlamig.

Hindi rin siya sumasabay sa amin no'ng mga nakaraang araw. Lagi siyang nauunang lumabas at hindi namin alam kung saan siya nagpupunta.

Mamaya lang ay aalis na kami kaya gusto ko sana na makapag-ayos kami kung may problema man kami.

Gusto ko na maayos ang relasyon namin bago ako umalis ng bansa. Ayoko naman na may hindi kami pagkakaunawaan kapag umalis ako.

Isang hindi inaasahang pangyayari ang nakita ko pagkarating ko dito sa rooftop.

Si hagdan na kahalikan si Samantha Delmitor.

"Alistair." Pagtawag ko sa kaniya kaya agad silang naghiwalay ni Delmitor.

Ang sakit lang na makita na may kahalikan siyang iba at ex pa niya. 'Eto ang ayokong maramdaman kaya hindi ako pumapasok sa isang relasyon.

Ang masaktan. Duwag ako pagdating sa pag-ibig dahil ayokong danasin ang dinadanas ng iba kapag nasasaktan sila.

Pero ngayon, nararamdaman ko na. Ang pakiramdam ng lokohin ng lalaking mahal mo at makita siya na may mahal ng iba.

"Andrea..."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko kaya tinanggal ko iyon. Ewan ko kung anong dapat na maramdaman ko ngayon.

Magalit ba? Mainis? Masaktan? Ewan ko.

"Pwede bang paliwanag mo? Bakit ganito? Ano 'to? Ginag*go mo ba 'ko?" Tanong ko sa kaniya.

Kaya pala lagi lang siyang wala dahil nandito siya at nakikipaghalikan at nakikipaglandian sa ex niya.

"Andrea sorry."

"I don't need your apology. Just explain this, Crimson. I want to understand."

Sobra ang pagpipigil ko sa mga luha ko na gusto ng tumulo kanina. Sa mga luha ko na gusto ng kumawala kanina pa sa mga mata ko.

Ayokong umiyak sa harap niya at sa babaeng 'to. Ayoko na makita nila akong nagdurusa dahil alam kong 'yon ang gusto nila.

"It's still her, Andrea. I thought I really love you but no. I still love her. It's still her. I'm sorry." Paliwanag niya saka yumuko.

Siya pa rin pala. Kaya pala noon ay sinundo niya ito at kinalimutan ako at ang pamilya ko.

Kaya pala mas pinili niyang samahan ito kesa magpakilala sa lola ko.

Siya pa rin pala.

Bakit ganito? Bakit ang sakit na marinig ang mga katagang 'yon mula sa kaniya?

Ano 'tong nararamdaman ko?

"Sana hiniwalayan mo muna 'ko bago mo gawin 'to. Hindi mo naman kailangan na ipakita pa sa akin na mahal mo pa siya habang tayo pa. Sana pumayag ka noon no'ng nakikipaghiwalay ako sa 'yo. Sana no'ng una palang sinabi mo na, na siya pa rin talaga ang mahal mo. Hindi mo na sana pinatagal ng isang taon ang relasyon na 'to kung ganito lang din pala ang gagawin mo." Litanya ko.

"I'm sorry."

"No need to be sorry. I understand. Just be happy." Nakangiting sabi ko sa kaniya saka tinapik ang balikat niya at naglakad na palayo.

Pagkatalikod ko sa kanila ay doon na bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Parang isang tubig ito sa dagat na patuloy sa pag-agos. Hinayaan ko nalang ito na tumulo dahil mukhang ito ang kailangan kong gawin para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Bakit ganito? Kagagaling palang ni papa. Naghihilom palang ang sugat na iniwan ni lola. Bakit kailangan na dagdagan niya pa?

Sobrang sakit. Hindi ba ako pwedeng maging masaya?

Sana pala, hindi na ako nagbago. Sana hindi ko na sila hinayaan na pumasok sa buhay ko. Sana nanatili nalang ako kung ano ako noon.

Ang dami kong sana na hanggang sana nalang.

Maging masaya lang siya ay ayus na sa akin. 'Wag ka lang sanang saktan ulit ng babaeng 'yan dahil babawiin talaga kita sa kaniya.

Makita lang kitang masaya ay masaya na din ako kaya huling hiling ko sa 'yo ay maging masaya ka kahit hindi na sa piling ko at sa piling ng iba.

Ang malas ko naman. Minsan na nga lang ako magmahal, naloko pa. Minsan na nga lang ako magmahal, sa maling tao pa.

Wala, eh. Hanggang doon lang talaga. Our love story end here.

Wala naman akong magagawa kung tapos na ang role ko sa  buhay niya.

Ang role ko lang naman ay pasayahin siya habang wala pa ang taong tunay na mahal niya.

My role is to love him and be with him until the girl he really loves returns.

That's My Role.

- The End -

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status