Natigilan si Freya.Nakatitig siya sa lalaking nasa harapan niya. Medyo namula ang maganda niyang mukha at medyo nahihiya. Parang medyo… cute siya...?Ngumisi si Rodney at nagpanggap na kung sino pa rin siyang mataas at makapangyarihan na tao. “Ngunit dahil kasal na ako ngayon, hindi ako kukuha ng ibang babae upang malutas ang aking mga pangangailangan. Kahit pumayag ka, hindi ko magagawa."“Oh.”Biglang hindi alam ni Freya ang sasabihin. Marahil ay dahil hindi niya inaasahan na ganoon pala ang kamalayan nito. "Hindi mo naman sinasabi 'yan para lang magpakitang-tao, 'di ba?"Sinamaan siya ng tingin ni Rodney na muling tinanong. "Seryoso ako. Seryoso din ako sa relasyong ito. Freya, hindi ko naisip na hiwalayan ka pagkatapos nating ikasal.""Ano?" Natigilan si Freya. "Hindi ba tayo pumayag na maghintay hanggang sa maging prime minister lamang ang iyong tiyuhin..."“Sasabihin ko sa iyo ang totoo. Dahil kasal na tayo, handa akong bigyan ng kumpletong pamilya ang anak ko. Kahit na p
“Nawa’y umayon ang lahat sa iyong plano.” Napabuntong-hininga si Freya.“Freya, pagdating sa mga katulad ni Patrick, kaysa sermunan siya, mas mabuting lumuha na lang. Ito ang dahilan kung bakit natalo ka kay Linda at kung bakit hindi ka pa nakakabawi sa kanya.“...”Labis na nanlumo si Freya.Bagama't tama si Catherine, nahihirapan pa rin siyang tanggapin ang katotohanan.Tila’y hindi maihahambing sa ilang taon ng pagsusumikap at pagsisikap sa iilang luha....Hindi nagtagal, lumitaw si Patrick sa kanyang paningin.Kitang-kita na ang dati niyang pagkakakulong ay nagdulot ng isang dagok sa kanya. Siya ay pumayat nang husto kaya napakaluwag ng kanyang damit. Ang noo’y kaaya-aya at marahang pigura ngayo’y nanlulumo at malungkot nang tignan.Hindi iyon ang matikas na binata na minsang minahal ni Freya.Bumuntong-hininga siya sa kanyang puso at pinaandar ang sasakyan. Binaba niya ang bintana. "Pumasok ka. Humanap tayo ng mapag-usapan."Umupo si Patrick sa kotse at malamig na tumi
Sumigaw si Freya. Kasabay ng luha sa mga mata niya, biglang nanikip ang puso si Patrick."Freya, dahil may pakialam ka pa rin sakin, bakit hindi ka nakipagbalikan sakin nung pinuntahan kita dati? Kung nagkabalikan tayo, hindi tayo magiging ganito."Sumakit ang puso ni Patrick. Paanong hindi siya magkakaroon ng pagsisisi tungkol sa relasyon nila?Oo, dinedate niya si Linda, pero hindi ito kagaya nung dinedate niya si Freya.Pumayag lang siya na i-date si Linda dahil marami na itong nagawa para sa kanya, at dahil alam niyang imposible para sa kanila ni Freya na magbalikan pa."Dahil hindi ko talaga matiis kung paano kayo laging magkasama ni Linda. Mas madalas pa kayong magkasama kaysa sa akin. Pakiramdam ko hindi mo 'ko mahal."Ibinaba ni Freya ang ulo niya at sinabi ang totoo. "Kung siya ay tunay mong kapatid, wala na akong masasabi, pero hindi. Kaya ko lang sumoporta ng dalawang tao sa isang relasyon, kasama na ako. Kalaunan, lumipat ako sa Canberra dahil gusto kong dahan dahan k
”Huwag kang maawa. May sarili kang buhay.” Hinawakan ni Freya ang tiyan niya. “Kagaya ko ngayon. Ako ang goddaughter ng susunod na prime minister at ang asawa ni Rodney Snow, pero dapat mong malaman na hindi niya ‘ko mahal.”Nangatog ang mga mata ni Patrick. “Freya, hindi ba maganda… ang lagay mo?”“Alam mo ba kung paano ako naging goddaughter ng pamilyang Snow?”Tumingin si Freya sa lalaki. “Pagkabalik ko, ang Osher Corporation ay nagdaos ng isang salu-sali para sa isang new product launch. May hinalo si Thomas sa inumin ko, at si Rodney ay lasing gabing ‘yun, kaya nangyaring nagtalik kami matapos ang mga hindi inaasahang kaganapan. Ayaw ng pamilyang Snow na magpakasal si Rodney kay Sarah, kaya sinadya nila na gawing big deal ang gabing iyon at sinubukan na gawing responsable ang lalaki. Pinalitan pa nila ang birth control pills ko.“Gayunpaman, ayaw pa rin akong pakasalan ni Rodney at kalaunan ay nalaman ko na buntis ako. Pagkatapos, sinabi ni pmailyang Snow na kapag hindi ko ipi
Maya-maya pagkatapos umalis ni Freya, hindi pa rin nakakarecover si Patrick.Napaisip siya, ‘Kung hinanap ko lang sana siya sa abroad noon.’Kung hindi dahil sa mga salitang iyon na sinabi ni Linda…Linda?Sa unang beses, seryosong inisip ni Patrick ang nakaraan.Kung hindi pinalala ni Linda ang sitwasyon sa istasyon ng pulis nang araw na ‘yun, hindi siya magiging sapat na baliw para makipagtulungan sa mga kalaban ni Nathan.Kagaya ng sinabi ni Freya, kung hindi namagitan si Linda sa kanila, siguro matagal na silang kasal. Baka may mga anak na sila ngayon.Hindi sila aabot sa ganito.Hindi mapigilan ni Patrick na isipin, ‘Kung dumistansya lang sana ako kay Linda nung kami ni Freya dati.’...Matapos bumalik sa kumpanya, naglakad si Patrick papunta sa pinto ng opisina, nag-atubili, at sa halip ay hinanap si Linda.Hindi niya mahanap ang babae.Naalala niya ang paalala si Freya at binuksan ang drawer ng babae. Sa loob, may nakita siyang magandang gift box na nakabalot ng mahi
50 minuto ang nakalipas.Tumigil ang sasakyan ni Linda sa parking lot ng isang skyscraper.Nakita ni Patrick ang babae na ipinarada ang sasakyan nito at pumasok sa lobby na may dalawang matangkad na gwardyang nakabantay sa elevator doors.Matapos may ipakita si Linda sa kanila, pinapasok siya ng mga gwardya sa elevator at umakyat.Natlito si Patrick, at ipinaliwanag ito ng nagmamaneho sa kanya, “May luxurious club sa tuktok ng building na ito, at ang elevator na ito ang tanging daan paakyat. Sabi dito na ang mga taong nagkakahalaga lamang ng mahigit 50 bilyong dolyar ang pwedeng magdala ng tao sa taas. Karamihan ng taong pumapasok ay either mayaman at mamahaling tycoons, o mga tao sa tuktok ng entertainment circle. Tila ang estado ng girlfriend mo ay hindi ganun kasimple.”Nagulat si Patrick.Bago lang siya sa kabisera, kaya talagang wala siya masyadong alam tungkol sa mga ganitong bagay.Gayunpaman, nang maingat niya itong inisip, ang pagkakakilanlan ng kaibigan ni Linda ay tal
Gayunpaman, ang hindi mapaniwalaan ni Patrick na si Linda ay kaibigan ng dalawang sobrang samang mga babaeng ito.“Pakiusap pakilabas na ng sasakyan.” Walang kwalipikasyon si Patrick na pumasok ng clubhouse at hindi rin inasahan na makapasok.Sa kalagitnaan ng daan lumabas siya ng sasakyan at inilabas ang phone niya. Matagal siyang nag-atubili bago tumawag kay Freya.“Patrick…”Halos mawalan siya ng kontrol sa pamilyar na boses.Gayunpaman, alam niya na talagang wala na siyang karapatan. “Freya, nakita ko si Linda na pumasok sa Zenith Clubhouse. Hindi nagtagal, isang babae na medyo kamukha ni Rebecca ang pumasok, at matapos tila lumitaw rin si Cindy…”“Cindy?” Nabigla si Freya.“Hindi rin ako sigurado,” Nag-atubili si Patrick at sinabi, “Mukhang si Cindy ang babae, pero may suot siyang sumbrero at shades.”“Baka siya talaga ‘yun. Malapit siya dati kay Rebecca.” Nagngitngit ng ngipin si Freya. Talagang nagulat siya sa ibinalita sa kanya ni Patrick.Kakatapos niya lang kausapin
”Pfft. Nagseselos ako?”Nagalit si Rodney. “Anong problema kung nagseselos ako? Bawal ba ako magselos dahil sa asawa ko?”“...”Natulala si Freya.Kasalungat ito ng inaasahan niya. Akala niya ay ikakaila ito ni Rodney, ngunit…Ang mukha niya ay namumula sa kahihiyan.Noong una ay nakaramdam ng hiya si Rodney, ngunit noong nakita niya na namula si Freya nang hindi nagsasalita, nawala na ang kahihiyan na nararamdaman niya. “Kahit papaano, itatak mo sa utak mo ang sinabi ko. Kapag nangyari ulit ito, hahanapin ko si Patrick at sasabihin ko sa kanya na pinagsasamantalahan mo siya.”Nakaramdam si Freya ng emosyon sa dibdib niya. “Ewan. Umalis ka na. Tatawagan ko si Cathy.”“Hindi ako aalis. Sino ang nakakaalam kung kukunin mo ang tiyansa na ito para tawagan si Patrick pagtalikod ko.” Humila ng upuan si Rodney at inupuan niya ito.Naalala niya na narinig niya si Freya na kinakausap nito si Patrick ng malumanay sa phone ngayon lang.Ngunit kapag siya ang kausap nito, siya ay sinisiga