”Tama iyon. Hindi ko rin ito inaasahan.” Pagkatapos ng ilang sandali, nagpakita si Catherine ng nalulungkot na itsura.Tinignan siya ni Chester. Wala itong ibang sinabi tungkol sa bagay na ito at ang binigkas niya lang ay, “Dapat mo siyang dalhin sa andrology unit para magpatingin ngayon kung sakali lang, para makumpira mo kung ito ay sa kasalukuyan lang o kung tuluyan na siyang gumaling. Sasabihan ko si Doctor Leonard, na sumusubaybay sa kaso niya.”“Salamat.”“Hindi na kailangan. Kaibigan ko si Shaun.” May bakas ng kalungkutan sa mata ni Chester.Magkakilala sila ni Shaun ng matagal na panahon. Si Shaun lang ang pinaka-nakakakilala sa kanya ng lubos. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ang mga bagay para sa kanya sa huli.Nakita ni Catherine ang lahat. Kahit na maaaring hindi maging mabuting asawa o nobyo si Chester, siya ay tunay na nakakamangha bilang isang kapatid at kaibigan....Pagkatapos magtanghalian sa hapon, dinala ni Catherine sa andrology unit si Shaun.Wala g
”Oh siya, huwag ka mag-alala masyado.” Nilagay ni Doctor Leonard ang kamao niya sa bibig niya at umubo. Ngumiti siya at sinabi niya, “Ang mga tinuturo mo ay sobrang klaro. Maaari mo pa ito mapabuti.”“...”Nahihiya is Catherine.Hinila niya palabas si Shaun ng andrology unit habang namumula ang mukha niya.“Cathy, namumula ang mukha mo.” Tinignan ni Shaun ang mukha niya nang may naguguluhan na ekspresyon. “Ikaw ba ay… may lagnat…”“Hindi.”Napagtanto ni Catherine na ang abilidad ni Shaun sa pagsasalita ay bumubuti ng sobra. Siya ay mas magaling na sa dalawang taong gulang sa aspetong ito.Pagbalik sa ward, tinitigan ni Catherine si Shaun ng may seryosong ekspresyon. “Shaunny, sa susunod, hindi mo dapat sabihin nang malakas habang may ibang tao ang mga sinabi ko sa iyo, okay?”Ang sagot na nakuha niya ay ang nagtataka na mukha ni Shaun.Nagbigay ng halimbawa si Catherine. “Halimbawa, ang sinabi ko sayo sa pribado noon na huwag mo hahayaan ang ibang tao na tanggalin ang pantalon
”Huwag ka mag-alala, Lucas. Siguradong ililigtas ko si Suzie.” Sinubukan ni Catherine ang lahat para aluin si Lucas.Kahit hindi ipaalala ni Lucas, alam niya na may kinalaman ang pagdakip kala Wesley at Rebecca.Mabilis niyang tinawagan si Elle. “Alam mo ba kung asan si Wesley at Rebeca?”“Si Wesley ay pagpunta ng Melbourne habang si Rebecca naman ay nasa villa ng pamilyang Coster.” Nasabihan na rin si Elle sa nangyari. Nag-aalala siya ng sobra. “Napansin ko na maraming gwardya sa villa ng pamilyang Costner kamakailan lang. Siguro ay kinuha ito ni Prime Minister Snow para protektahan ang pamilyang Coster pagkatapos may mangyari kay Matthew.”Namutla ang mukha ni Catherine.Nagpunta si Wesley sa Melbourne. Kahit na gawin niya ang lahat para mahuli ito, huli na.“Elle, papuntahin mo si Hadley sa ospital para alagaan si Shaun. Pupunta ako sa villa ng pamilyang Costner.”Kahit pa ito ang tirahan ng leon, kailangan makuha ni Catherine si Rebecca ngayon.“Miss Jones, sasama ako sa iy
Katahimikan ang sumalubong sa guard. Malamig itong nagsalita, “Halata namang gusto niyong gumawa ng eksenang makapagdadala ng maraming tao rito. Kung gusto niyong magmatigas, mapipilitan akong ilabas ang aking baril.”Higit sampu pang security guard ang nasa likuran nito.Pakiramdam ni Catherine ay sasabog na ang kanyang puso sa matinding galit na nararamdaman, subalit kailangan niyang pigilan ang sarili. Hindi niya maaaring ikamatay ang pagpapabaya dahil hindi niya maililigtas si Suzie kung gayon. “Kailangan kong makita si Titus.”“Wala rito si President Costner.”“Kailangan ko siyang makita anuman ang mangyari. Suspetya ko’y nasa kanya ang aking mga anak, at nanganganib ang kanyang buhay.” Namumula ang mga mata ni Catherine nang nakatagpo niya ang mga mata ng security guard.Sumimangot lamang ang security guard. “Tungkulin naming protektahan ang mga tao sa loob. Hindi kita maaaring papasukin.”Hindi inaasahan ni Catherine na magiging gayong kahigpit ang mga bantay ng villa ng m
“Masagasaan?” Naningkit ang mga mata ni Titus.“Mm.” Bumalot ang takot sa mukha ni Suzie nang muli niyang inalala ang insidenteng iyon. “Dahil na rin kasi ‘yon sa… gusto ko ng cake, pagkatapos… bigla na lamang may malaking sasakyang lumilipad dahil binangga ito. Mabuti na lamang at magaling si Daddy. Naligtas niya kami ni Lucas.”“Sino ang tumama sa sasakyan.” Kumunot ang mga kilay ni Titus at bahagya itong napasimangot.“Ang sabi ni Lucas, si Meanie Wesley raw.” Galit na sagot ni Suzie. “Masama po siyang tao.”“Meanie Wesley?” Tumaas ang mga kilay ni Titus.“Mm.” Tumungo si Suzie. Lumilipad-lipad ang kamao nito sa galit habang nagkukwento. “Mabait siya sa amin noong una. Pero… hindi pala totoo ang lahat. Hmph. Liar. Binugbog niya pa si Mommy. Nagkaroon pa siya nt ibang babae… Nakakadiri!”“Bakit parang ang dami mo ata masyadong alam?” Tanong ni Titus. “Sinabi ba ‘yan sa’yo ng Mommy at Daddy mo?”“Sinabi sa’kin ni Lucas.” Ngumuso si Suzie. “Ilang minuto lamang ang tanda niya sa
Gustong-gusto ni Catherine na mamatay si Rebecca. Naiinis din siya kay Sheryl.Bagama’t tunay niyang ina si Sheryl, kinamumuhian niya pa rin ito.Mabuti sana kung ayaw niya lamang si Catherine. Hindi na niya ito mapatawad dahil naloko ito at naudyukan ni Rebecca, ngunit kapag pinuri niya pa ito sa pagpapadakip nito sa kanyang anak, hinding-hindi talaga ito mapapatawad ni Catherine.Iyon dahil isa lamang ang ibig sabihin ng lahat - na masama talaga ang ugali ni Sheryl.“Sorry, anak, hindi kita naprotektahan. Hinding-hindi na ako papayag na mangyari ‘yon ulit sa’yo.” Taimtim na tiningnan ni Catherine ang kanyang anak at tahimik na idinagdag, ‘Kahit na maaari akong makulong pagkatapos, kailangan kong ipadala sina Rebecca, Wesley, at Sarah sa kulungan.'Sa gayong paraan ay tahimik at ligtas na lalaki ang kanyang mga anak.Kahit na kalayaan niya pa ang kapalit ng lahat, at kahit na hindi niya man makasama habambuhay si Shaun, kailangan niyang protektahan ang kanyang mga anak.Kakaiba
Nakita nina Sheryl at Rebecca si Suzie na siyang buhat-buhat ni Catherine.Sumimangot ang isa sa kanila, samantalang kinabahan naman ang isa.Malinaw ang utos ni Rebecca na tapusin ng mga taong iyon si Suzie, ngunit bakit buhay pa rin ito hanggang ngayon? Kaya pala bigla na lamang hindi maabot si Big Boss Davis.Subalit imposibleng mahahanap agad ni Catherine si Suzie.Nagsimulang mag-isip si Rebecca, at agad-agad nitong sinabing, “Uncle Titus, alam na namin noong simula pa lamang na nais gumawa ni Catherine ng eksena dito sa ating gate. Tumawag pa nga siya ng pansin ng maraming tao. Natatakot akong baka saktan niya si Mama, kaya hindi ko siya pinapasok. Ano po bang pinag-uusapan ninyo ni Catherine? Hindi naman siya siguro nagpapapasok sa inyo, ano?”“Titus, pumasok ka rito.”Nang-uutos ang tono ng pananalita ni Sheryl, at iba ang naging itsura ng mukha ni Titus.“Narinig mo ba ako? Inaakit ka nanaman ba ng babaeng iyan?” Punong-puno ng galit ang puso ni Sheryl nang makita nito
Ikinasira ng ulo ni Sheryl ang lahat ng naiisip niya noong mga sandaling iyon.“Alam kong gagawin mo ‘yun! Pare-pareho naman kayong mga lalaki! Hindi naman sa wala kang mga naging ex-girlfriend bago mo ako nakilala.” Masama ang tingin ni Sheryl kay Titus.“Mommy, ‘wag na po kayo mag-away ni Uncle Titus…”Bago pa man matapos ni Rebecca ang kanyang sinasabi ay nilapitan siya ni Catherine upang malutong na sampalin ang kanyang mukha.“Rebecca!” Laking gulat ni Sheryl. Nang nahimasmasan ito ay agad na ibinalik ni Sheryl ang sampal na binitawan ni Catherine.Subalit agad iyong naiwasan ni Catherine at hinawakan nito ang kanyang kamay at tinitigan niya si Sheryl.Iyon ang mukhang patuloy na naglalaro sa kanyang isip.Pakiramdam ni Sheryl ay mayroong pumipiga sa kanyang puso sa matinding sakit na nararamdaman nito.Malamig na sumagot si Catherine, “Kung hindi lang kita ina, marahil ay nasampal na rin kita.”Ngumusi si Sheryl. “Tingin mo ba’y hindi ko alam ang gusto mong gawin? Gusto