Share

Kabanata 1637

“Masagasaan?” Naningkit ang mga mata ni Titus.

“Mm.” Bumalot ang takot sa mukha ni Suzie nang muli niyang inalala ang insidenteng iyon. “Dahil na rin kasi ‘yon sa… gusto ko ng cake, pagkatapos… bigla na lamang may malaking sasakyang lumilipad dahil binangga ito. Mabuti na lamang at magaling si Daddy. Naligtas niya kami ni Lucas.”

“Sino ang tumama sa sasakyan.” Kumunot ang mga kilay ni Titus at bahagya itong napasimangot.

“Ang sabi ni Lucas, si Meanie Wesley raw.” Galit na sagot ni Suzie. “Masama po siyang tao.”

“Meanie Wesley?” Tumaas ang mga kilay ni Titus.

“Mm.” Tumungo si Suzie. Lumilipad-lipad ang kamao nito sa galit habang nagkukwento. “Mabait siya sa amin noong una. Pero… hindi pala totoo ang lahat. Hmph. Liar. Binugbog niya pa si Mommy. Nagkaroon pa siya nt ibang babae… Nakakadiri!”

“Bakit parang ang dami mo ata masyadong alam?” Tanong ni Titus. “Sinabi ba ‘yan sa’yo ng Mommy at Daddy mo?”

“Sinabi sa’kin ni Lucas.” Ngumuso si Suzie. “Ilang minuto lamang ang tanda niya sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status