Share

Kabanata 3

Mabilis na nangyari ang plot twist na inakala ni Catherine na lasing na siya.

Naisip niya iyon hanggang sa puntahan siya ni Freya at tapikin siya sa balikat. Naaawang sinabi, “Huwag kang malungkot. Hindi madaling makuha ang puso ng matangkad, mayaman, at gwapong lalaking iyon. Galingan—”

“Hindi. Ang sabi niya sakin kitain ko siya sa entrance ng registry office bukas ng 10 ng umaga,” tulalang sagot ni Catherine.

“...”

Hindi nakagalaw si Freya panandalian bago siya biglang tumawa. “Congrats sa pagiging tiyahin ni Ethan!”

Tinanong ni Catherine, “Naniniwala ka sa kanya?”

Pinilit na kurutin ni Freya ang malambot na pisngi ni Catherine.

“Bakit naman hindi? Please. Sa natural mong mukha, mahihigitan mo ang mga dalaga sa entertainment industry. Kung lalaki lang ako, mahuhulog ako sa’yo sa unang tingin. Tara na at uminom para i-celebrate ang iyong kasal.”

Seryosong inisip ni Catherine kung gaano karami ang ininom ni Freya nung wala siya.

Ngunit, nagkaroon na si Catherine ng hangover pagkatapos uminom ng alak ngayon. Nagumpisa nang bumigat ng ulo niya.

Mabagal na papunta sa harap ng entrance ng pub ang Bentley Mulsanne.

Binuksan ng valet ang pintuan ng kotse at walang pakialam na pumasok si Shaun sa likod. Tinanggal niya ang unang dalawang butones niya habang tamad na nakasandal sa upuan. “Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na huwag masyadong kumuha ng atensyon?”

Sumagot ng magaling si Hadley Young, “Ito na ang pinakamurang sasakyan sa bahay ng pamilya Hill.”

Kumunot ng kaunti ang noo ni Shaun. “Sino pang nakakaalam na nasa Melbourne ako?”

“Wala bukod sa Old Madam.”

Nagrelax ang kilay ni Shaun. Kung titignan ito, ang itsura ng babae kanina ay may manipis na pagkakataon. “Alamin mo kung sino iyon. Gusto kong malaman ang impormasyon tungkol sa kanya bago sumikat ang araw.”

Nagningning ang araw sa kurtina.

Si Catherine na may mahimbing na tulog ay nagising sa ingay sa labas.

Nang maimulat niya ang mata niya, nakita niya si Ethan na binubuksan ang pintuan at papasok sa kwarto niya.

Si Freya, na kasunod nito papasok sa kwarto ay sumigaw. “Bahay ko to! Pumapasok ka sa bahay ko ng walang pahintulot!”

“Tama nga ako, nandito ka.” Masigasig na tinitigan ni Ethan si Catherine na may mapulang mata at medyo magulong buhok.

Nagising nang tuluyan si Catherine ng momentong iyon, ang ekspresyon sa mata niya ay pagkabigo.

“Mag-usap kayong dalawa. Hindi naging madali para sa inyo itong ilang mga taon.” Pagkatapos ilang pag-iisip. Tumalikod na si Freya at umalis, saka sinara ang pinto sa likod niya.

Tahimik ang silid. Nakaupo sa dulo ng kama si Ethan at inunat ang kamay niya para hawakan ang buhok nito.

Nang may pangungutyang tingin, iniwasan ni Catherine ang kamay niya. “Alam ba ni Rebecca na nandito ka?”

Nanigas ang gwapong mukha ni Ethan saka niya kinuyom ang kamay niya. “Cathy, sigurado akong hindi mo alam na napagdesisyunan ng pamilya Jones na ibigay ang 80% ng shares ng kumpanya.”

Gulat na gulat si Catherine na namutla ang kanyang labi. “Imposible ito.”

“Totoo. Sinabi mismo ng iyong ama.”

Munawaan kaagad ni Catherine ito pagkatapos ng ilang minuto.

Inangat niya ang ulo niya at tinignan ang childhood sweetheart niyang minahal niya noon. Biglang bumagsak ang mga luha sa kanyang mata. “Kaya mo ako iniwan at pinili si Rebecca, tama ba?”

Kinuha ni Ethan ang kamay ni Catherine. “Panandalian lang ito. Na-engage lang ako kay Rebecca pero iiwan ko siya sa altar. Alam mo naman may anak sa labas ang tatay ko. Kung hindi ko gagawin ito, hindi ako makakalaban. Cathy, gusto ko lang na mabigyan ka ng magandang buhay.”

“T*rantado.”

Inagaw ni Catherine ang kamay niya at nagsabi ng insulto dito. “25 na taong gulang ka pa lang. Kahit na wala kang makuhang mana sa pamilya mo, hindi mo ba kayang mag umpisa ng sarili mong negosyo?”

“Wala kang kamuang muang.”

Dahan-dahang tumayo si Ethan, tinatago ang emosyon sa kanyang mata. Walang pag-asa niyang sinabi, “Wala tayong kakayahang gumawa ng bagay-bagay dahil sa karanasan natin.”

Malamig na tumingin si Catherine at hindi nagsabi ng kahit anong salita dahil wala namang rason para gawin ito.

Sa gitna ng katahimikan, marahang bumuntong hininga si Ethan. “Bigyan mo ako ng tatlong taon, Cathy. Bata ka pa. Makakapaghintay ka pa.”

Halos magwala si Catherine.

Paano niya kinakayang sabihin ang mga salitang iyon ng matuwid lalo na’t gusto niya na isuko ang kabataan mo para maghintay para sa kanya?.

“Ginagawa mo akong tanga, hindi ba? Pinili mong ma engage kay Rebecca para sa career mo. Malay namin kung papakasalan mo siya pagtapos ng tatlong taon? Umalis ka sa paningin ko. Ayaw na kitang makita!”

“Makikita mo sa takdang panahon ang pagmamahal ko sa’yo. Pwede kang magalit sakin pero ‘wag kang lumabas para lang lunurin ang lungkot mo gamit ang alak. Hindi ito maganda para sa kalusugan mo.”

Dahil hindi maintindihan ni Catherine ang sinabi niya, binigyan na lang niya ito ng payo bago tumalikod at umalis.

Nang marinig niyang magsara ang pinto, pinalipad ni Catherine ang unan papunta sa pader ng may namumulang mata at naglaan ng ilang segundo para umupo lang. Pagkatapos nun, agad siyang nagsuot ng shirt at lumabas.

“Umalis na siya. Ano pang dahilan para sundan siya?” Kaagad siyang pinigilan ni Freya.

Huminga ng malalim si Catherine, saka nagngitngit ng ngipin. “Pumayag akong kitain siya ng 10 ng umaga para ikasal.”

Sabi ni Freya, “Naniwala ka talaga sa kanya?”

“Hindi ba’t sabi mong maniwala ako sa kanya kagabi?”

Nahihiyang sabi ni Freya, “Lasing ako nun.”

“Paano kung seryoso siya tungkol doon?” Tinulak niya ni Freya at tumakbo paalis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status