Share

Kabanata 6

Natahimik si Catherine.

Dapat pinaliwanag ni Shaun ‘to kanina.

Ilang oras ang ginugol niya kakaisip kung paano maging stepmother!

Nawala ang pakiramdam ng pagkawalang pag-asa.

Kahit na ganoon, ang matabang pusa na may malinis na balahibo ay kaibig-ibig.

Humakbang siya paharap, para pisilin ang matabang pisngi nito pero mas mabilis pa sa alas kwartong tumakbo papunta sa master’s bedroom ang pusa. Ang master’s bedroom ay lugar na hindi siya kwalipikadong pumasok.

Nagbuntong hininga na lang si Catherine dahil hindi siya katanggap-tanggap. Saka niya tinignan ang buong bahay na may tatlong kwarto at dalawang sala.

Merong master’s bedroom, guest room, at study.

Ang interior ng bahay ay may minimalist na palamuti, modern style gamit ang itim, puti, at gray bilang main color scheme. Masarap sa mata pero nagbibigay ito ng malamig at walang buhay na vibe. Hindi siguro mahal ang renovation nito.

Ito ba talaga ang tinitirhan ng tiyuhin ni Ethan?

Ang lalaki ay dapat matagumpay na entrepreneur. Okay lang ang hindi pagpiling tumira sa grand villa pero wala ring makikitang luxury sa lugar na ito.

Isa pa ang mga shelf sa study room ay puno ng aklat tulad ng The Science of Law, The Law Society Gazette, at Are We Slaves to Our Genes?

Parang may mali. May posibilidad kayang ang lalaking iyon ay hindi tito ni Ethan?

Hindi, impossible ‘yun!

Si Freya ay tatanga-tanga minsan pero para sa seryosong bagay tulad nito...

Hindi naman siguro siya nagkamali, tama?

Ang pag-iisip masyado ay ikinamamatay ni Catherine. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang kanyang kaibigan. “Siguradong ka bang tito ni Ethan ‘to?”

“Oo naman, narinig ko mismo sa kapatid ko. Nakasabay pa nga niyang kumain yan noon.”

Guminhawa ang pakiramdan ni Catherine at nilagay ang kamay sa kanyang dibdib. “Natakot akong baka maling lalaki ang pinakasalan ko.”

“Diyos ko, pinakasalan mo talaga siya?” Gulat na sabi nito sa kabilang linya. “Nagpakita talaga siya?”

“Uh-huh,” sagot nito. Sa kabilang linya ng phone, naipon ang luha ni Freya sa kanyang mata. “Pinangako natin maging angel ang isa’t-isa. Bakit mo ako iniwan sa isang iglap lang?”

Nastuck sa lalamunan ni Catherine ang mga sasabihin niya.

“Kung ganun, dapat niyo akong ilibre kahit hapunan lang.”

“Um… Wala pa namang nangyayari sa amin.” Nilakasan ni Catherine ang loob niya para ipaliwanag sa kanya ang nangyari sa kanila ng lalaki.

“Maganda ka pero hindi ka binigyan ng madaling pagmamahal.” Pinakita ni Freya ang simpatya. “Pero ‘wag kang mag-alala, sigurado akong bibigay rin ang sugar-coated mong bala.”

“Naniniwala rin ako.”

Pagkababa ng tawag, nagpunta si Catherine sa pinakamalapit na supermarket. Ang bagong bahay ay napaka lamig at walang laman na hindi ito matawag na tahanan. Kailangan nito ng makeover.

...

4:00 p.m. sa Jennings Solicitors.

Kabubukas lang ni Shaun ng dokumento nang pumasok si Chase Harrison sa kanyang opisina.

“Congrats! Dapat ba tayong kumain ng hapunan kasama ang bago mong asawa ngayong gabi?”

“Para namang hindi mo alam kung bakit ako nagpakasal,” maangas na sagot ni Shaun nang hindi inaangat ang ulo niya, nakadikit ang mata niya sa mga salita sa dokumento.

“Hindi ka talaga patas magmahal.Narinig kong may kagandahan daw si Catherine Jones. Hindi ka man lang ba nagka interes?”

Napuno ng tuwa si Chase. Binaba niya ang sarili niya sa swivel office chair habang binabasa ang ekspresyon ng kaibigan gamit ang nagtatakang mata.

Tumigil si Shaun sa ginagawa niya ng ilang segundo. Inaalala niya kung gaano kakinis, kaputi at kaganda ang kanyang mukha na parang namumulaklak na bulaklak. Ngunit, ang kawalang hiyaan niya...

Sumagot siya pagkatapos ng ilang segundo, “Marami na akong nakitang magandang babae.”

“Tama ka naman. Ang hindi gaanong kahalagang babae sa Melbourne ay hindi magkakaroon ng pagkakataon maging asawa mo kung hindi mo iniiwasan ang arranged marriage na inayos sa’yo ng mga nakakatanda mong kamag-anak. Talaga namang hindi siya bagay sa dakila mong status.”

Makabuluhang huminga ng malalim si Chase. “E ‘di, ang sikat na hindi matalo-talong legend ay bumalik na. Paano ka mag aadjust sa pagtatrabaho sa maliit na lugar tulad ng Melbourne?”

“Karanasan din namang mamuhay tulad ng mga mahirap.”

“Tsk.”humikbi si Chase. “Hindi talaga patas ang mundo. Sabay tayong natapos sa pag-aaral pero nasa tuktok na baitang ka na.”

“Dipende yan sa kung paano mag-isip ang mga utak natin,” sagot ni Shaun, umangat ang walang pakialam niyang titig.

Nginitngit ni Chase ang ngipin niya sa hiya. “Kalimutan mo na, hahayaan ko na lang na ganito. Gawan mo na lang ako ng pabor at samahan akong maghapunan kasama ang ibang mga solicitor ng kumpanya ngayong gabi.”

“Hmm,” sagot ni Shaun. Nag beep ang phone niya ng notification sound.

Kinuha niya ang phone niya para makita ang kararating lang na text galing sa isang taong nagngangalang ‘Shaunerine.’

[Hubby, si Cathy ‘to.]

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status