Share

Kabanata 10

Nagpilit si Catherine ng isang nakakababang ngiti.

Simula nang sumali siya sa kumpanya, hindi pa siya nakaka angat ng posisyon. Masyado siyang maingat at matapat magtrabaho.

Siyan ang huling aalis sa trabaho araw-araw, nag oovertime at tinatrato ang lahat ng may respeto. Hindi inaasahang magiging ganito ang kakalabasan ng lahat.

Pagka alis niya sa kumpanya, naglakad siya sa palibot ng area nang walang iniisip na specific na destinasyon.

Nung mga oras na iyon, tinawagan siya ni Ethan ng ilang beses pero binababa niya ang mga tawag nito.

Bumalik na siya sa Jadeite Bay pagkatapos bumili ng kaunting makakain at mga sangkap sa supermarket.

Sa sandaling hinakbang niya ang paa niya sa bahay, pinuntahan siya ni Fudge habang nagwawagwag ang buntot nito sa ere.

Hinimas nito ang ulo ng pusa at bumulong, “Fudge, ikaw na lang ang natatanging may gusto sa akin ngayon.”

“Meow,” sagot ng pusa. Pinikit nito ang mata niya dahil sa tuwa, binibigyan ng pahintulot ang babae na himasin pa ito.

Ang dulo ng kanyang labi ay kumibot at bumuo ng ngiti. “Siguro gusto mo pa ng dried fish snack, ‘no? Kuhanan kita.”

Hindi pa umuuwi si Shaun kahit hapon na. Parehas na ineenjoy ng babae at ng pusa ang simpleng tanghalian. Pagkatapos, binato niya ang sarili niya sa couch at nag umpisa nang maghanap ng trabaho sa kanyang laptop.

10 p.m. na nang makabalik si Shaun sa may maliwanag na ilaw ng sala.

Sa may couch, nasa gitna si Catherine at pinapakain si Fudge ng maliit na piraso ng chip.

“‘Yan ba ang klase ng basurang pinapakain mo sa pusa ko tuwing wala ako sa bahay?”

Ang gwapo niyang katangian ay malamig na pinagmasdan ang lamesang puno ng makakain. Merong pakete ng chips, spicy fries, cheese, at chocolate biscuits...

May makikita pa nga na maliit na tsokolateng nakapahid sa whiskers ni Fudge.

“Kaunti lang ang pinakain ko kay Fudge. Sobrang liit lang.” Pinakita niya pa gamit ang hintuturo at hinlalaki niya kung gaano kaliit ang pinakain niya. “Pinepeste ako ni Fudge na bigyan siya kaya wala akong choice kundi—”

“Ano bang alam ng pusa? Hindi ba dapat mas alam ng nakakatandang tao?” Naiinis, nilinis niya ang lahat ng nasa lamesa at nilagay sa basurahan. “Huwag ka nang kakain ng basura tulad nito sa papamahay ko. Hindi ko gusto ang amoy.”

Tinignan ni Catherine ang mga pagkain sa basuran ng malungkot. Diyos ko, hindi niya lubos maisip kung paanong nandidiei ang tao sa amoy ng pagkain.

Weirdo!

Gayunpaman, ang katotohanan ay pinakibot ang kanyang labi at bumuo ng malanding ngiti. “Tama ka, Shaunny. Basura nga ang mga ito. Makikinig ako sa iyo at hindi na kakain ng mga ito.”

“Tignan mo nga ang sarili mo sa salamin at tignan mo kung gaano ka mapagpanggap.”

Walang pakialam ang lalaki. Binitbit niya ang pusa at pumunta na sa kanyang kwarto.

“Shaunny, pagod ka sa trabaho. Hindi ka ba nagugutom? Gusto mo bang ipagluto kita? Kaya kong magluto ng masarap na pasta.

Wala siyang hiya na sinundan ito nang may maliliit na hakbang.

Huminto siya sa paglalakad. Ang pagkaing hinain sa restaurant kanina ay masyadong maanghang na hindi siya masyadong nakakain. Ang kanyang tiyan ay tumunog nang marinig ang suhestyon niya.

Nakita niya ang oportunidad ng pagdadalawang isip ng lalaki at kaagad na sinabing “Ipagluluto kita ng pasta ngayon. Sige na at maligo ka na.”

Tumingin siya sa may balikat niya para magtapon ng sandaling tingin sa kanya. Ang banayad na kahel na ilaw ay nagningning sa tuktok niya na pinamukha siyang magiliw-giliw at masiyahin kaysa sa karaniwan.

Pagkatapos ng 15 na minuto, pumunta si Catherine sa pintuan ng master’s bedroom nang may hawak ng bowl ng pasta.

Kumatok siya sa pintuan, pero walang sagot.

Wala na siyang choice kundi buksan ng kaunti ang pinto. “Shaunny, handa na ang pagkain.”

Walang tao sa kwarto. Isang malabong hulma ng anino ng lalaki ang makikita sa frosted glass sa may shower.

Nataranta siya sa nakita niya at hindi niya maiwasang isipin kung ano ang itsura ng lalaki nang walang suot na damit.

Parehas ng pisngi niya ang namula dahil sa nagawa niyang imahinasyon.

Ah, teka, hindi niya dapat iniisip ito.

Nang tatalikod na siya at aalis, ang frosted na pinto ay tinulak para mabuksan.

Lumabas si Shaun nang walang suot. Pero meron namang tuwalyang nakasabit sa kanyang bewang. Ang buhok ay basang basa pa at nagbabagsak ng tulo ng tubig sa kanyang chiseled jaw hanggang sa kanyang dibdib.

Ang kanyang tingin ay pababa nang pababa, sinusundan ang tulo ng mga tubig. Napahinga siya ng malalim.

Inasahan na niya na meron itong magandang katawan pero hindi niya inasahan na ganito kaganda.

Meron siyang perpektong wheatish na skin tone at hindi pwedeng ‘di mabanggit ang toned niyang muscles na nagpapaganda sa kanyang katawan. Hindi naman kasing laki ng muscles ng mga bodybuilder pero ang kada parte ng katawan niya ay tiyak.

Nilalabas ng fit na katawan ng lalaki ang kakisigan na meron ang matured na lalaki. Binbaba niya pa ang kanyang tingin at napansin ang perpektong toned waist.

“Kulang pa nakita mo?”

Ang paos na boses ng lalaki ay tumunog sa kanyang tenga.

Inayos kaagad ni Catherine ang sarili niya. Nararamdaman niya ang init sa kanyang pisngi.

Lumaki siyua ng nakikita ang napaka gwapong mukha ni Ethan. Bakit niya hinayaan ang sarili niya na madala at tumingin sa ibang lalaki?

Walang kwenta.

“Nandito...Nandito ako para ibigay yung pagkain mo. Dalian mo at kainin na ‘to bago magdikit-dikit ang mga pasta.”

Binaba niya ang bowl kaagad. Nang aalis na siya sa kwarto, naglakad siya sa dulo ng mat at natapilok. Nawalan siya ng balanse at bumagsak paharap.

Sa ilang segundo, akala niya nakahawak na siya ng isang bagay pero bumagsak pa rin ang mukha niya sa lapag.

Maswerte siya at sa mat siya bumagsak kaya hindi siya masyadong nasaktan.

Nang buksan niya ang mata niya ulit, ang unang nakita niya ay ang mahabang binti ng lalaki at ang...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status