Malamig na pinagmasdan ni Quincy ang direksyon na iyon. Matapos ang ilang sandali, sinabi niyang, “Tara na.”Hindi alam ni Terry kung anong tinitingnan kanina ni Quincy. Napansin niya lang ang masamang ekspresyon sa mukha nito.Sinundan niya ito at tinanong, “Miss, nasaan ang gagong si Dayton Night? Dapat ko ba siyang personal na hulihin?” Hindi niya inisip na pakakawalan ni Quincy si Dayton.Hindi huminto si Quincy sa paglalakad. “Ayos lang. Alam ko kung anong gagawin sa kaniya.”Mayroong bahid ng karahasan sa malamig niyang boses. Bahagyang natigilan si Terry. Tila mayroon siyang naintindihan. Hindi na niya kinausap pa si Quincy pagkatapos nito.Hinihintay sila ng helicopter sa labas. Sumakay sina Quincy at Terry sa helicopter.Sa baba nila, napakagulo ng isla. Wala nang makakapigil sa kaniya na umalis ngayon.“Miss, babalik na ba tayo?” Tanong ni Terry.Sinulyapan ni Quincy ang sitwasyon sa baba at tiningnan si Terry. Mayroong napakahinahong ekspresyon sa kaniyang mukha. “Na
Madilim ang ekspresyon sa mukha ni Dayton habang nakatulala sa direksyon ng isla. Nakatikom ang kaniyang mga labi. Wala siyang balak na magsalita.Ayaw niyang umalis sa isla. Pinwersa siyang umalis ni Yvonne at mga tauhan niya.“Mas gusto kong manatili sa isla,” Sabi niya.Gulat siyang tiningnan ni Yvonne. Matapos ang ilang segundo, mapanghamak siyang tumawa. “Gusto mong bagsakan ka niya ng bomba at mamatay, tama? Mas maganda iyon kaysa tiisin ang hirap ng sakit mo, tama?”Matapos ang sandaling katahimikan, sumagot si Dayton, “Utang ko iyon sa kaniya.”Hindi rin naman magtatagal ang buhay niya. Tutuparin na lang niya ang hiling ni Quincy at hayaan itong personal siyang patayin.Hindi siya magkakaroon ng pagsisisi kung mamamatay siya sa mga kamay nito.Hindi mapigilan ni Yvonne na sampalin ang sarili. Saka niya malakas na pinagalitan ang sarili, “Bakit ako nagiging pakialamera?! Bakit ko pinipilit na iligtas ka ngayong gustong-gusto mong mamatay?! Napakatanga ko!”Pinagsisisihan
Malalim pa rin ang iniisip ni Quincy nang tumawag ang secretary niya sa internal phone line. Sinabi sa kaniya ng secretary niya na isang babaeng nagngangalang Yvonne Leif ang narito para makita siya.Kumunot ang noo niya. Yvonne Leif?Matapos mag-isip nang ilang sandali, naalala na rin niya. Si Yvonne Leif ba ang kasamang babae ni Dayton?Bakit siya hinahanap nito?Kung hindi ito namatay, ibig sabihin ay si Dayton Night…Lumukso ang puso ni Quincy. Sinabi niya sa secretary niya na papasukin kaagad si Yvonne.Nang dumating si Yvonne sa opisina niya, nakatitig lang si Quincy sa kaniya. Mayroon itong anino. Hindi ito multo o espiritu…Maayos ang kondisyon ni Yvonne mula ulo hanggang paa. Wala rin itong injury.Nagawa ba nitong iwasan ang pagpapasabog sa isla?Nakasuot si Yvonne ng isang pares ng sunglasses at mayroong hawak na kahon. Mayroon nakasabit na handbag sa kaniyang kamay. Matapos ang maikling sandali, tumayo siya sa harapan ng office desk ni Quincy.Saka niya hinubad an
“Nakumpleto ko na lahat ng huli niyang mga hiling. Iyon lang.” Sinulyapan sa huling pagkakataon ni Yvonne si Quincy na balot pa rin ng gulat. Saka siya umalis sa opisina.Walang sinabi si Quincy para panatilihin si Yvonne. Tinitigan niya lang ang kahon ng abo.Matagal niyang tinitigan ang kahon ng abo. Tinanong siya ni Terry, “Miss, naniniwala ba kayo na abo ito ni Dayton Night?”Lumingon siya kay Terry. Ang totoo, hindi talaga siya naniniwala.“Bakit hindi niyo muna tingnan ang mga assets na nilipat niya sa inyo para makita kung totoo iyon?” Mungkahi ni Terry.“Tulungan mo akong asikasuhin ito.” Inabot niya ang makapal na pile ng dokumento kay Terry upang ma-verify niya ito.“Aalis na ako ngayon.” Kaagad na umalis si Terry sa opisina.Tinitigan ni Quincy ang kahon ng abo at mahinang bumulong, “Dayton Night, anong sinusubukan mong gawin ngayon?”Nagulat siya nang sabihin ni Terry sa kaniya na talagang nilipat ni Dayton ang lahat ng assets at finances nito sa kaniya matapos ma-v