Share

Kabanata 3

Madilim ang ekspresyon ni Simon Zachary. "Huwag ka nang mag-abala. Bilang magulang dapat palagi mong binabantayan ang anak mo."

"Tama iyon, ang mga damit na isinusuot ni President Zachary ay custom-made, sa tingin mo kaya mong bayaran iyon?" ang assistant ng lalaki na si Franky Zimmer ay nakatayo sa likod nito habang mahina siyang pinagagalitan. Siya kanina ang sumigaw sa kaniyang anak.

Tiningnan niya nang masama si Sharon. "Wala siyang takot! wala pang nakalalapit na babae kay President Zachary kahit kailan!"

"Hindi ba't pantalon lang naman iyon? kaya kong bayaran iyon!" Nagsalita si Sebastian na hawak-hawak ng kaniyang ina. Hindi niya kayang hayaan na lamang na makita ang kaniyang ina na tiisin ang kahihiyan ngayong siya naman ang dahilan ng problema.

Tiningnan ni Simon ang batang lalaki. Kumunot ang kaniyang noo dahil pamilyar sa kaniya ang bata.

Umismid si Franky. "Sige bata ka, paano mo babayaran ito?"

Kinuha ni Sebastian ang kaniyang piggy bank na nasa kaniyang dilaw na bag na may disenyong pato, binuhos niya ang lahat ng natitirang laman nito. "Ayan na, sapat na ba iyan?"

Tiningnan ni Simon ang pera. Tila mayroon siyang naalala dahil ang kaniyang malamig na ekspresyon ay ngayo'y makikitang mayroong nakasilip na ngiti.

Nagsalita siya at hindi na ito kasinlamig noong una, "Itago mo na ang pera mo. Mag-ingat ka na lang kung saan ka dumadaraan sa susunod."

"Minamaliit mo ba ako, tito?" Kumunot ang noo ni Sebastian habang tinitingnan ang matangkad na lalaki.

Hindi na gusto ni Sharon na magpatuloy pa ang sagutan. Dahil hindi naman masyadong nag-iisip ang kabilang panig, kaagad niyang pinutol ang usapan upang makaalis na.

Mabilis niyang hinila ang kaniyang anak at muling humingi ng tawad. "Pasensya na talaga sa naging abala namin sa inyo."

Pagkatapos humingi ng tawad, hinila niya ang kamay ng kaniyang anak at umalis; dumaan siya sa gilid ni Simon.

Paalis na rin si Simon, ngunit nang dumaan si Sharon sa kaniya, isang mabangong amoy na nakaukit sa kaniyang ala-ala ang bumalot sa kaniyang pang-amoy.

Kaagad siyang natigilan, lumiit ang kaniyang mga mata at tumalikod upang tumingin. Ganonpaman, malayo na ito mula sa kaniya kasama ang anak nito.

Sa isang kisapmata, tuluyan nang nalamon ng napakaraming tao sa airport ang mag-ina. Gayunpaman, nanatili lamang siyang nakatayo.

Si Franky na nalilito ay tiningnan ang kaniyang boss at maingat na nagtanong, "President Zachary, plano mo bang singilin sila?"

Nanliit ang matatalim na mata ni Simon, "Bakit iyon ang amoy ng babaeng iyon?"

Limang taon na ang nakalilipas, at marami na siyang naamoy na iba't-ibang pabango mula sa maraming babae. Ngunit, hindi niya kayang balikan ang mga iyon.

"Imbestigan mo ang babaeng iyon," kalmado niyang utos.

Nagulat si Franky, ngunit tumango pa rin siya. "Noted."

Walang babae ang nakapukaw sa interes ni President Zachary. "Nanay ang babaeng iyon ng bata kanina. Interesado sa mga kasal na babae si President Zachary?"

Dinala ni Sharon ang kaniyang anak palabas ng airport, tumawag ng taxi, at dumiretso sa bahay ni Riley.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit iba ang pakiramdam niya sa itsura ng lalaki. Nang madala na niya sa labas ang kaniyang anak, pakiramdam niya ay mayroong nakamasid sa kaniya mula sa likuran.

Nang makarating siya sa bahay ni Riley, hinihintay sila nito sa may entrance.

Nasasabik itong tumakbo nang makitang bumaba si Sharon mula sa kotse. Niyakap niya ito. "Shar, nakabalik ka rin. Namiss talaga kita!"

Halos hindi na kayanin ni Sharon ang kaniyang sabik na yakap. "Kumalma ka. Hindi ako makahinga sa higpit ng pagkakayakap mo sa akin!"

Doon lamang binitawan ni Riley si Sharon. Namumula ang kaniyang mga mata. "Bilis, patingin ako kung ano ka na ngayon- isang babaeng nagsilang na ng isang bata.

"Hmph, maganda pa rin ang korte ng katawan mo. Kaya mo pang makahanap ng pangalawang pag-ibig!"

"Ano ang pangalawang pag-ibig, tita?" Hinila ni Sebastian ang kaniyang maliit na maleta papalapit at tumayo sa tabi ng kaniyang ina. Tiningnan niya si Riley gamit ang kaniyang inosente at itim na mga mata.

"Little Sebastian! Bakit napakaguwapo at cute mo na? namana mo siguro iyan sa mom mo!" Hindi tumigil sa mahigpit na pagyakap sa bata si Riley nang makita ito.

Nahirapang huminga si Sebastian. Ang kaniyang ekspresyon ay para bang nakulong siya sa mga panga ng isang lobo.

Winagayway niya ang kaniyang mga kamay, humihingi ng tulong sa kaniyang ina. "Tulungan mo ako, mummy..."

Natawa si Sharon. "Ninang mo siya. Hindi siya masamang tao."

"Oo, ako ang ninang mo. Magpakabait ka, inaanak. Tara, tawagin mo akong ninang."

Sumimangot si Sebastian, ayaw siyang batiin. "Gusto ko Daddy, hindi ninang."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Orlanda Agnes
kindly open po yong episode 21 please...
goodnovel comment avatar
jovelyn acido
ang gulo ng storya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status