Share

Kabanata 9

"Tito, nalaman kong hinimatay raw si lolo. Kumusta na siya ngayon?" Mabilis na tanong ni Howard pagkatapos makapasok.

Nalaman niya mula sa mga nurses na nandito si Simon sa ward na ito. Kaya nagmadali siyang nagpunta sa ward nang hindi tinitingnan kung sino ang mga tao sa loob.

Inilipat ni Simon ang kaniyang tingin at kalmadong sinabi,"Katulad pa rin ng dati. Inaasikaso na siya ng doktor."

Nakilala na rin ni Howard ang mga tao sa loob ng ward, hindi siya makapaniwala. 'Bakit si Sharon nanaman?'

Kaagad na nagsalita si Riley nang hindi nagdadalawang-isip, "Sino nagpapasok sa iyo?" Labas!"

Kinagat ni Sharon ang kanyang mga labi ngunit hindi nagsalita. Umupo siya sa gilid ng kama at tiningnan lamang ang kaniyang anak. Hindi man lamang niya sinulyapan si Howard.

Nakita ni Howard ang bata, at natulala siya. 'Bakit kamukha ng batang iyan.... ang tito ko?!"

Kaagad niyang tiningnan ang kaniyang tito. 'Anak ba siya ni tito?"

'Hindi. Kahit kailan ay wala pang nakalapit na babae kay tito. Imposibleng mayroon siyang anak.'

'Anak sa labas? sa tingin ko ay hindi gagawa ng ganoong kalokohan si tito.'

Sisimulan pa lang niya suriin si Sebastian nang harangin ni Riley ang kaniyang tingin at muli siyang pinalabas. Sinabi niya, "Bingi ka ba? sabi ko ay lumabas ka, hindi mo ba ako naririnig?"

Tiningnan ni Simon si Sharon na ngayo'y tahimik. Kumislap ang kaniyang mga mata at sinabi kay Howard, "Nandito ka lang ba para hanapin ang lolo mo?"

Binawi ni Howard ang kaniyang tingin. Nabibigla pa rin.

"Nagsimulang magsuka si Sally dahil sa pagbubuntis. Kaya sinamahan ko siya. Bibisitahin namin si lolo mamaya."

Nanikip ang puso ni Sharon nang marinig niya ito. 'Buntis si Sally?'

Tiningnan ni Simon ang kaniyang relo. "Oras na rin. Tara. sasamahan kita sa kaniya."

Bago siya umalis,, mayroon siyang naalala. Tumalikod siya at sinabi kay Sebastian, "Hey kiddy, matuto ka na. Huwag ka na kumain masyado ng ice cream."

Sumimangot si Sebastian. "Bad ka talaga, tito!" Ang gusto niyang sabihin ay hindi niya kailangan si Simon na mag-alala sa kaniya.

"Tama na ang pagsasalita, mahiga ka na at magpahinga." Hinawakan ni Sharon ang ulo ng anak. Natatakot siyang baka magalit si Simon. Ngunit, ngumisi lamang ito at hindi nagalit.

Naglakad patungong pinto si Sumon. Nang makitang hindi gumagalaw si Howard at nakatitig lamang kay Sharon at sa kaniyang anak, tinaas niya ang kaniyang mga kilay. "Anong problema? hindi ba't bibisitahin mo si lolo?"

Bumalik sa sarili si Howard. Tumingin pa siya ng isang beses sa bata bago dahan-dahang lumabas sa kwarto.

Nang makalabas siya, hindi niya mapigilang hindi magtanong, "Tito, yung batang iyon. Hindi siya anak ni Designer Jean, tama?"

"Anak niya iyon. Anong problema doon?" May pag-aalala siyang tiningnan ni Simon.

Nabigla si Howard habang nakatayo lamang doon.'A.. Anak niya?!"

'Mayroong anak si Sharon?!'

Mabilis na kumulo ang galit sa loob niya. 'Pero sinasabi niya pa rin na hindi siya nito niloko?!"

Masama ang ekspresyon na nasa kaniyang mukha. Ngunit, pinilit niyang ngumiti. "Wala. wala naman. Curious lang ako."

Sa ward naman, patuloy pa rin minumura ni Riley si Howard.

"Shar, narinig mo ba ang sinabi ni Howard? buntis si Sally! walang hiya talaga siya! ang kapal ng mukha niyang sabihin iyon sa harap mo?!"

"Huwag na natin silang pag-usapan." Ayaw na ni Sharon makarinig ng anumang tungkol sa kanila. Napupuno ang utak nita ng mga imahe ng nangyari kanina sa pasilyo ng hospital nang makita niya si Sally at ang lalaking doktor.

Bumuntong hininga si Riley. "Yeah, huwag na nating pag-usapan ang dalawang walang kwentang iyon. Sisirain lang nila ang mood natin!"

Kinurap ni Sebastian ang kaniyang mga mata. "Mommy, sino ang pinapagalitan ni ninang?"

Hinawakan ni Sharon ang ulo ng anak. Hindi niya kailanman sinabi kay Sebastian ang alitan sa pagitan nila ni Howard.

"Hindi ka dapat nagtatanong tungkol sa problema ng matatanda. Magpakabait ka at mahiga."

Tiningnan ni Riley ang bata at nag-aalangan na sinabi kay Sharon, "Shar, napansin mo bang kamukha ng Sebastian natin ang boss mo?"

Bago pa makapagsalita si Sharon, sumilip ang ulo ng bata sa kaniyang kumot at nagprotesta, "Hindi ko kamukha ang bad na tito na iyon. Mas gwapo ako sa kaniya!"

Pinigilan ni Riley ang kaniyang tawa nang makita niya ang inis na itsura nito. "Yeah, yeah, mas gwapo ka kaysa sa kaniya!"

Kinagat ni Sharon ang kaniyang mga labi at tiningnan ang kaniyang anak. Hindi siya handang aminin na kamukha nga ng kaniyang anak si Simon. Pero, hindi niya pwedeng dayain ang kaniyang sarili.

Magulo ang kaniyang isip. Hindi na siya naglakas-loob pang ipagpatuloy na isipin ito ngayon o sa susunod. Hindi niya gustong magkaroon ng relasyon sa pamilya Zachary.

Ininom ng bata ang kaniyang gamot. Pagkatapos makapagpahinga at makasiguradong walang problema, naghanda na silang umuwi.

Kakalabas pa lamang nila ng ward nang isang doktor ang lumapit sa kaila. "Ikaw ba si Sharon?"

Tiningnan ni Sharon ang doktor nang marinig ito. Isa itong matandang doktor na may puting buhok. Nawala siya sa sarili sandali bago nagawanag maalala kung sino ang doktor. "Ikaw.. ikaw po ba si Doctor Collins?"

Si Doctor Collins ang nag-asikaso sa kaniyang yumaong ama, inalagaan nito nang mabuti ang kaniyang ama.

Tumawa nang malakas si Doctor Collins. :Ikaw nga iyan. Matagal na rin simula noong huli kitang nakita. Matagal ko nang iniisip kung paano ulit kita makakausap."

"Bakit po ninyo ako hinahanap?" Nalilito si Sharon.

Naglaho ang ngiti sa mukha ni Doctor Collins. Mayroong lungkot niyang sinabi, "Bago pumanaw ang iyong ama, hiniling niya sa akin na ibigay ko sa iyo ang isang kahon. Masiyado lamang akong busy noong panahon na iyon at nakalimutan ko. Nasa bahay ko ang kahon na iyon ngayon. Kung kailan ka pwede, tawagan mo lang ako at puntahan para makuha mo."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status