Share

Kabanata 10

Hindi inaasahan ni Sharon na mayroong iniwan sa kaniya ang kaniyang ama. Limang taon na ang nakalilipas, nagmamadali siyang umalis. Pagkatapos magpaalam sa kaniyang ama sa sementeryo, kaagad siyang umalis ng Northern City bilang hindi na siya tanggap sa lugar na iyon.

"Sige po, tatawagan ko kayo bukas kung ganoon."

Kailangan pang asikasuhin ni Doctor Collins ang ibang pasyente. Kaya umalis rin siya pagkatapos ibigay ang kaniyang contact number.

Kinabukasan, sinigurado ni Sharon na maayos na ang tiyan ng bata pagkatapos niyang uminom ng gamot. Doon lamang niya ito hinatid sa kindergarten at nagtungo sa trabaho.

Pagkarating niya sa kumpanya, nakatawag siya ng tawag mula sa opisina ng secretary. Pinapatawag siya sa opisina ng presidente nais siyang makita ni President Zachary.

Hindi nagtagal, narating ni Sharon ang opisina ng presidente. Nakatayo si Simon sa isang bintanang mula kisame hanggang sahig ang laki. Mayroon itong kausap sa telepono. Nang makita ang pagdating niya, iginaya siya nitong umupo muna.

Hindi rin nagtagal ay natapos ang tawag at lumapit ito. Ang matangkad na imahe ay umupo sa executive chair, kumuha ng ilang dokumento sa mesa, at inilagay sa harapan niya.

"Ito ang introductory ng kumpanya para sa Mountain Linguistic City Project. Basahin mo. Ikaw ang in charge sa disenyo ng project."

Nagulat si Sharon. "Ako lang po ang gagawa mag-isa?"

"Bakit? mahirap ba sa'yo?" Para bang nakangiti ito habang tinitingnan siya nang nakataas ang mga kilay.

Mabilis na sumagot si Sharon, "Hindi po, salamat sa tiwala niyo sa akin, President Zachary." Kasisimula pa lamang niya sa trabaho, pero pinagkatiwalaan siya agad nito sa isang buong project?"

"Kung totoo ang resume mo, hindi ko alam kung bakit hindi ako magtitiwala sa abilidad mo." Tila nabasa nito ang kaniyang isip.

Pakiramdam ni Sharon ay mayroong pag-aalala siya nitong tinitingnan, pero hindi niya malaman kung ano ang tumatakbo sa isip nito.

"Ang actions ko po ang magpapatunay sa kakayahan ko." Ngumiti siya nang maliit.

Sa sandaling iyon, kumatok ang secretary sa pinto bago pumasok sa kwarto at inilapag ang isang imbitasyon sa harapan niya. "President Zachary, ipinadala ito ni Young Master Zachary. Imbitasyon ito para sa night banquet para sa fifth wedding anniversary nila sa 26th.."

Hindi nakontrol ni Sharon ang sarili, kaya, sinulyapan niya ang card. 'Kakaiba nga sa mata ang golden invitation card na iyan.'

Naalala niya ang araw na bumalik siya. Nakita niya na mag-oorganisa nga sila ng isang banquet sa gabi ng fifth wedding anniversary nila sa ika-26. Ika-26 nga ngayong araw.

Pinigilan niya ang emosyon na namumuo sa loob niya, kinuha niya ang mga dokumento, at umalis sa opisina ng presidente.

Nakipagkita si Sharon kay Doctor Collins. Kaya kaagad siyang nagtungo sa hospital pagkatapos ng trabaho.

Sa opisina niyo, inilapag ni Doctor Collins ang isang itim na kahon sa harapan ni Sharon. "Hiniling ng ama mo na ibigay ko sa iyo ito."

Tinanggap ito ng parehong kamay ni Sharon. "Salamat."

Binuksan niya ang kahapon nang mayroong paghihinala. Mayroong isang transparent at makintab na jade sa loob nito.

Hindi niya kailanman nakita ang kaniyang ama na nagsuot ng jade noon. Kinuha niya ito at sinuri nang mabuti. Mayroong dalawang makalumang letra ang nakaukit sa jade. Ngunit hindi niya ito maintindihan.

"Mayroon bang huling sinabi ang tatay ko?"

Umiling si Doctor Collins. "Wala. Nang bumalik ang sakit niya, sobra siyang nahirapan. Gusto ko siyang iligtas. Pero, inutusan ako ni Young Master Zachary na ihinto ang medical treatment niya.."

Hindi mapakali si Doctor Collins at hindi matuloy ang kaniyang sinasabi.

Tiningnan siya nang mabuti ni Sharon nang marinig ang sinabi nito. "Anong sinabi niyo? inutusan kayo ni Howard na itigil ang paggamot sa tatay ko?"

Hindi namalayan ni Doctor Collins na mayroon siyang sinabi na hindi nya dapat sabihin. Winagayway niya ang kaniyang kamay. "Kalimutan mo na ang sinabi ko. Pagkakuha mo ng gamit mo, pwede ka ng umalis." Gumawa siya ng rason na kailangan niyang asikasuhin ang ibang pasyente at nagmamadaling umalis.

"Doctor Collins.." Nais magtanong ni Sharon para malinawan, pero sobrang layo niya na.

Para bang mayroong sumabog sa utak niya habang nanlalambot ang katawan niya, hindi na siya makatayo nang maayos.

"Si Howard! siya ang dahilan ng pagkamatay ng tatay ko! bakit napaka walang puso niya?!"

Pagkalipas lamang ng ilang segundo, ang galit na matagal na niyang kinikimkim ay biglang sumabog. Kasabay nito ang mahgpit niyang paghawak sa jade na nasa kaniyang mga kamay.

Limang taon na ang nakalilipas, sa parehong araw na iyon, inagaw ang araw ng kasal niya sa kaniya. Na-frame up siya, at tinawag siya ng lahat na nakadidiring babae. Higit pa sa lahat, hinayaang mamatay ang tatay niya!

Ngunit sa parehong araw din, nag-oorganisa sina Howard at Sally ng banquet para sa ikalimang anibersayo ng kanilang kasal.

Wala sa sariling lumabas si Sally sa hospital at parang normal lamang na pumasok sa isang shop para magrenta ng gown bago magpalit. Pagkatapos, tumawag siya ng taxi at nagtungo sa Westin Hotel.

Ito ang araw na nagdusa siya nang labis, paano niya hahayaan ang walang kwentang mag-asawa na iyon na gawin kung ano lang ang gusto nila?!

Dumating si Sharon sa hotel, at nakita niya ang maraming engrandeng kotse. Mukhang maraming maimpluwensyang tao ang nagtitipon-tipon para magsaya sa okasyon sa gabing ito.

Kumurba ang kaniyang mga labi at ngumiti. 'Mas maraming tao, mas mabuti!'

Kailangan ng invitation card para makapasok sa hotel, pero wala non si Sharon. Naiinis siya dahil dito nang bigla niyang makita ang isang itim at astig na Maybach na papasok pa lamang sa lugar. Ilang security guard na nakaitim ang pumalibot sa kotse. Masasabing trained talaga sila dahil sa nakakatakot nilang presensya.

Nang huminto ang Maybach, bumukas ang pinto. Kasunod nito, isang mahabang legs ng lalaki ang tumapak sa lupa. Sinundan ito ng isang matangkad na imahe. Ang metikulosong mukha nito na nagbibigay ng prestihiyosong aura na kayang magpahina sa sinuman.

Nabigla si Sharon nang makitang si Simon ito. 'Palaging kinukuha ng lalaking iyan ang atensyon ng lahat. Mahirap maalis ang mga tingin ng tao sa kaniya.'

Pagkatapos makababa ni Simon sa kotse, tumalikod sya at tinulungan ang isa pang tao pababa sa sasakyan. Ang taong iyon ay isang matandang lalaki na may puting buhok. Nakasuot ito ng suit na parang tradisyunal ang estilo. Mayroon itong hawak na tungkod na mayroong ulo ng dragon na nakaukit. Hindi na kailangan sabihin, prestihiyo ang dating nito.

Ang mga naghihintay sa kanila ay kaagad yumuko at sinabi, "Director Zachary, President Zachary, pumasok na po kayo."

Bumalik sa sarili si Sharon. 'So, ang matandang lalaking iyon ay tatay ni Simon, si Douglas Zachary?"

"Ibig-sabihin lahat ng miyembro ng pamilya Zachary ay pupunta rito? malaki siguro ang impluwensya ni Sally.'

Kapapasok pa lamang nina Simon at Douglas sa main entrance ng hotel nang mabilis na nakahabol si Sharon sa kanila. Pinigilan siya ng iba, ngunit sinabi niya sa kanila, "Kasama ko si President Zachary."

Narinig ni Simon ang kaguluhan sa likuran nila at huminto sa paglalakad. Nakita niya si Sharon na naka-gown, kumakaway sa kaniya nang nakangiti.

Kumunot ang noo niya, pero bago pa siya makapagsalita, nagtanong si Douglas na nasa tabi niya, "Sino siya?"
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Scarlet Heart
naiimagine q kung gaano kgwapo ni simon...at sobrang gwapo nya..
goodnovel comment avatar
Orlanda Agnes
please unlocked chapter 21 please...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status