Share

Kabanata 11

"Siya si..." Nag-iisip si Simon kung paano siya ipapakilala.

"President Zachary, nakalimutan niyong isama ang female partner niyo," sabi ni Sharon, na pinipigilan, mayroong lungkot sa tono nito.

Tumaas ang kilay ni Simon. "Female partner?"

"Papasukin mo siya," sabi ni Douglas.

Ang bahagyang malamlam ngunit matalim na tingin ni Douglas ay sinimulang suriin si Sharon. Hindi pa siya nakakita ng babae katabi ng kaniyang anak sa matagal na panahon. 'Espesyal kaya ang babaeng ito?'

Natuwa si Sharon nang makuha ang green light. Ngumiti siya at naglakad nang nakataas ang noo.

"Ikinagagalak ko kayong makilala, Director Zachary," magalang niyang bati rito. Tiningnan lamang siya nang mabuti ni Douglas. Kinabahan siya rito.

Ibinaling niya ang tingin sa iba at napansin ang walang emosyong mga mata ni Simon na nakatitig sa kaniya. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso, iniwasan niya ang tingin nito. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito.

'Baka galit siya?'

"Simon, siya ba ang partner mo?" Mapaghinalang tiningnan ni Douglas ang kaniyang anak. Tahimik lamang ang huli.

Ang mata ni SImon ay na kay Sharon lamang, ngunit hindi siya nagsalita. Ang tahimik na paligid ay naging sobrang tensyunado.

Nararamdaman ni Sharon ang simula ng kakaibang tibok ng puso niya. Nakaramdam siya ng panginginig sa anit habang patuloy siyang tinititigan nito. Nagsimula siyang mag-isip, 'Paano kung itanggi niya? huwag ko na lang bang pansinin ang lahat at dumiretso na lang sa hotel?'

'Hindi, kapag nagmadali akong pumasok, papalabasin rin ako kaagad dahil magkakagulo.

'Kung ganoon... si Simon lang ang pagkakataon ko. Kailangan niya akong maging partner!'

Inipon niya ang kaniyang tapang at kumapit sa braso ni Simon bago ngumiti. "Tawagin niyo na lamang po akong Sharon. Sinabi ni President Zachary na ako ang magiging partner niya ngayong gabi." Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya akalain na magkakaroon siya ng lakas ng loob na sabihin ang mga sinabi niya kay Douglas.

Nang matapos magsalita si Sharon, tiningnan niya ang napakaitim at malalim na mga mata ni Simon. Labis ang kaniyang pagka guilty.

Hindi siya tiwala. At saka, hindi lang kahihiyan ang mararamdaman niya kung ipagtutulakan siya nito.

Naningkit ang mga itim nitong mata na para bang napukaw ang interes. Patuloy nitong tiningnan ang nakangiting mukha ng babae na para bang isang bulaklak na namumulaklak. "Ano ang pinaplano niya?'

Sa sandaling iyon, lumabas si Howard para batiin ang mga dumalo. Kaagad siyang lumapit nang makita niya ang mga ito.

"Nakarating kayo, lolo," sabi nya habang tinitingnan ang kaniyang tito at lolo nang sabay. Sa isang iglap, nakita niya ang babae sa tabi ng tito niya, si Sharon Jeans!

Lumiit ang mga itim ng mata ni Howard. 'Sharon?'

Tinitigan niya ang mga kamay nito na nakahawak sa kaniyang tito. 'M*alandi. Kailan pa niya inakit ang tito ko?'

"Tito, anong ginagawa niya rito?" malamig na tiningnan ni Howard si Sharon.

Unang nagsalita si Douglas, naguguluhan, "Anong problema? kilala mo rin ba ang partner ng tito mo?”

"Partner?" Tumaas ang tono ng boses ni Howard. 'Bakit siya gagawing partner ni tito?'

'Si Sharon talaga, ang walang hiyang babaeng ito. Pailalim na naman siyang gumalaw upang lokohin ang tito ko!'

"Young Master Zachary, nalaman kong ang banquet ngayong gabi ay para sa anibersayo ng kasal niyo. Nagpunta ako para batiin kayo." Nakangiti si Sharon, ngunit ang kaniyang mga mata ay walang emosyon.

Paulit-ulit sa kaniyang utak ang sinabi ni Doctor Collins. "Si Young Master Zachary ang nagbigay ng utos sa akin para itigil ang medical treatment ng tatay mo!"

Humigpit ang pagkakakapit niya kay Simon nang hindi niya namamalayan. Hindi na nagawang itago ng kaniyang mga mata ang galit na namumuo sa loob niya.

Naramdaman ni Simon ang pagbabago niya. Ibinaba niya ang kanyang tingin at nakita ang pagkainis sa mukha nito. Hindi niya mapigilang magtaka. 'Bakit ko ba naiisip na hindi lang siya basta galit sa pamangkin ko?'

"Huh.. kung ganoon ay maraming salamat!" naiinis na sagot ni Howard.

"Pwede na ba tayong pumasok ngayon?" Mabilis na binawi ni Sharon ang kaniyang galit. Ngumisi siya at nanatili sa tabi ni Simon habang pinapantayan ang tingin ni Howard.

Niyukom nang mahigpit ni Howard ang kaniyang kamao. 'Hindi ko hahayaang mayroong mangyari sa okasyong ito. Lalong lalo na, hindi sa harapan ni lolo.'

Pinigilan niya ang galit sa loob niya at iniwasan ang tingin nito. Umikot siya at sinabi kay Douglas, "Lolo, sasamahan ko kayo sa loob."

Bumuntong hininga si Sharon habang pinapanood silang pumasok sa hotel. Mabuti na lamang ay hindi siya pinaghinalaan ni Douglas.

Gayunpaman, hindi tumigil si Simon sa pagtitig sa kaniya. Kaya pinilit niya ang sariling patuloy na ngitian ito. "President Zachary, hindi ka pa ba papasok?"

Naningkit ang mga mata ni Simon, lumapit ito sa tainga ni Sharon, at nagtanong gamit ang kaniyang malalim na boses, "Ano ang pinaplano mo, huh?"

Dumating na sa puntong ito ang mga bagay-bagay, hindi na siya pwedeng umatras. Kailangan niyang tumaya. Kaya naman ay kumurap siya at tumingin kay Simon. "Sa totoo lang, ex-girlfriend ako ng pamangkin niyo. Ngayong araw, nandito lamang talaga ako para batiin siya."

Tiningnan nito ang seryoso niyang mga mata. Pakiramdam niya ay pinipiga ang kaniyang puso.

'Sa tingin ko hindi siya maniniwala sa sinabi ko?'

Nang aakalain na ni Sharon na magpapatawag na ito ng mga security guards para kaladkarin siya palabas, ang mahahabang nitong mga daliri ay humawak sa kaniyang baba. Pagkatapos, ang malalalim na mga nito'y pumantay sa kaniya, at para bang nababasa nito ang kaniyang isip.

"Iyon lang?" Mapaglarong sinara ng lalaki ang kaniyang mga labi.

Sa segundong iyon, akala ni Sharon ay hihigupin na nito ang kaluluwa niya. Mabuti na lamang ay nagawa niyang makontrol ang sarili.

Pinigilan niya ang nararamdaman sa loob niya at ngumiti. "Iyon lang."

Tinitigan siya ng ilang segundo ng lalaki at sumagot lamang nang malumanay, "Sige, sana ay gawin mo ang lahat ng makakaya mo bilang partner ko ngayong gabi."

"Siyempre." mabilis niyang sagot.

Nagsimulang kuminang ang mga mata ni Simon, mayroong pananabik. Alam niyang nagsisinungaling siya, pero gusto niya rin malaman kung ano ang pinaplano nito.

Kaya naman, pinayagan niya itong hawakan ang kaniyang kamay at dalhin ito sa loob ng hotel.

Guminhawa ang pakiramdam ni Sharon. 'Kahit ano pa man ang naiisip niya, kahit papaano, nakapasok ako.'

Napaka engrande ng party ballroom. Maraming well-mannered na bisita ang dumalo upang batiin sila.

"Dahan-dahan lang, dad," Sabi ni Fiona Lionel kay Douglas at humakbang papalapit dito.

Pagkatapos ay tiningnan niya ang kaniyang anak, "Howard, samahan mo si Sally. Buntis siya ngayon at kailangan niya ng makakasama sa tabi niya."

"Lolo." Mag-isang nagpakita si Sally. Nakasuot siya ng prestihiyosong gown na nagbibigay sa kaniya ng maharlikang dating.

"Nakarating ka rin, tito?" Napansin ni Sally ang isang gwapong lalaki sa likuran nila.

Ngunit, sa sumunod na sandali, nang makita niya ang babae sa tabi ni Simon, mabilis na nawala ang ngiti sa mukha niya. 'Si.. si Sharon Jeans?!"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Francis Turingan
Why do u need to ask for money
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status