Share

Kabanata 15

Buhat-buhat ni Simon si Sharon palabas ng hotel. Sa gabing iyon, umihip ang isang malamig na hangin. Kasunod nito, nanginig si Sharon sa naramdaman niyang lamig.

Nabasa ang tela sa kaniyang dibdib dahil sa wine mula kay Sally. Basa rin ang kanyang buhok, at namantsahan ng butter ang kaniyang damit. Nahihiya siya sa itsura niya ngayon.

"Salamat, ibaba mo na ako," mahina niyang sabi.

Sa sandaling iyon, isang kotse ang dumating ay tumigil sa harap nila.

Ibinaba siya ni Simon. Nakita niyang namantsahan na rin ang western suit nito ng maraming butter, nahihiya siya rito. "Pasensya na, nadumihan ko ulit ang damit mo. Pwede mong hubarin na lang ang damit mo at lalabhan ko na lang?"

Nanatiling tahimik si Simon at tiningnan lamang siya. Sa simula, nagtataka ito kung bakit siya nagpumiliy na maging partner niya para makapasok sa hotel. Akala nito noong una ay gagawa siya ng gulo. Walang duda, base sa nangyari, mukhang plano niya ngang sirain ang banquet. Ngunit sa huli ay napasama rin siya sa gulo.

Hindi naglabas ng anumang tunog ang lalaki at patuloy lang itong nakatingin sa kaniya. Pakiramdam niya ay nakakadiri siya sa tingin nito. Mapait siyang ngumiti at sinabi, "Alam kong nakakadiri akong tingnan ngayon, pero hindi mo naman ako kailangan tingnan nang ganyan, diba?"

"Ah.." Pagkatapos niyang sabihin iyon, itinaas ng lalaki ang kamay at isinandal siya sa harap ng kotse. Ang katangkaran nito ay dahan-dahang lumapit sa kaniya at sinakop siya ng mga braso nito sa isang yakap.

"Wala akong pakialam kung anong klaseng sama ng loob ang mayroon ka sa pamangkin ko. Hindi ko gustong madamay sa gulong mayroon ka." Malinaw na naintindihan ni Sharon ang babala nito.

Ginamit siya nito para makapasok sa banquet. Pwede niya iyong kalimutan, pero kung nagpaplano siyang gamitin siya para gumanti kay Howard, mali siya ng naisip.

Nanginig siya sa nakakatakot na aura na nanggagaling sa katawan ng lalaki. 'So, tinulungan niya lang ako kanina para protektahan ang dignidad niya.'

Ngumisi siya at ngumiti. 'Hindi nakapagtataka kung bakit siya galit.'

Ibinaba ni Sharon ang kanyang paningin at binawi ang mga emosyong namumuo sa kanyang mga mata. Mahina niyang sinabi, "Huwag kang mag-alala President Zachary, hindi na ulit ito mangyayari. Wala ng susunod pa."

Hindi niya kailanman naisip na gamitin ito para makapaghiganti kay Howard. Sarili niya itong problema.

Sinulyapan ni Simon ang mukha ni Sharon na mayroong butter at bigla siyang natuwa dito. Yung mga hindi nakakaalam sa nangyari ay iisiping galing ito sa isang birthday party.

Unti-unting nawala ang kanyang seryosong ekspresyon. Bumitaw siya, binuksan ang pinto ng kotse, at malalim ang boses na sinabi, "Pumasok ka sa kotse."

Tiningnan siya ni Sharon, nalilito. Walang ekspresyon ang mukha niyang sinabi. "Ihahatid kita."

"Hindi na kita dapat abalahin."

Bago pa siya matapos magsalita, kaagad siyang iginayak ng lalaki papasok sa kotse. Pagkatapos, pumasok siya sa kotse at inutusan ang driver na paandarin ang makina.

Seryoso ang takot ni Sharon dahil sa madumi ang kotse. Hindi na lamang siya gumalaw nang maka-upo na sa loob nito.

"Paano naman po.. si Director Zachary?" naalala niyang kasabay ni Simon si Douglas.

"Mayroong ibang kotseng maghahatid sa kanya pauwi."

Tiningnan siya ni Sharon. 'Tama nga naman, ang mga mayayamang pamilya tulad nila, hindi lang iisa ang kotse.'

Huminto ang kotse sa condominium na tinitirhan ni Sharon.

Sa buong byhae, hindi na nagpalitan pa ng salita ang dalawa. Nilingon ni Sharon at tiningnan ang lalaki na ngayo'y nakapikit ang mga mata at nagpapahinga. "President Zachary, nandito na ako. Salamat sa paghatid."

"Mm," sagot ng lalaki, ngunit hindi nito idinilat ang mga mata.

Lahat ay hindi magiging komportable sa ganoong sitwayson. Kaya mabilis na itinulakni Sharon ang pinto ng kotse at bumaba.

Pagkababa niya ng kotse, nagsalita ang lalaki sa loob, "Sandali."

Pagkatapos ay kaagad niyang nasalo ang anumang bagay na hinagis nito mula sa loob ng kotse. Ang kaniyang western outer coat!

"Hindi ba't sinabi mong lalabhan mo iyan para sa akin?" Itinaas nito ang mga kilay at tiningnan siya mula sa kotse.

"Ah, oo. lalabhan ko.. " Mabilis niyang sagot. Isang eleganteng tao ang tingin niya rito kaya't akala niya ay itatapon na lang nito ang coat at hindi na palalabhan sa kanya.

"Ikaw mismo ang maglaba." dagdag ng lalaki.

"Siyempre, lilinisan kong mabuti." Akala siguro ni Simon ay dadalhin niya ito sa laundromat.

Sa sumunod na sandali ay umalis na ang kotse. Yumuko si Sharon at tiningnan ang kanyang damit bago bumuntong hininga.

Malalim na ang gabi nang makauwi siya. Mabuti na lamang ay natawagan niya si Riley at nasabing overtime siya sa trabaho at nakiusap na bantayan muna ang kaniyang anak.

Tulog na sina Riley. 'Mabuti na para hindi nila makita ang itsura ko ngayon.'

Mabilis na nilinis ni Sharon ang sarili at bumalik sa kwarto nila ng kaniyang anak. Yakap ng kanyang anak ang isang dinosaur doll at mahimbing na natutulog.

Marahan niyang hinawakan ang ulo nito at tiningnan ang tulog na tulog nitong mukha na nakapagpangiti sa kaniya.

Dahil ayaw niya itong magising, dahan-dahan siyang nagtungo sa kabilang panig ng kwarto at nahiga.

Hindi siya inaantok nang sandaling iyon. Inaalala ang nangyari sa hotel at ang gulat na mukha ni Sally, mukhang tama ang hula niya.'Hindi anak ni Howard ang ipinagbubuntis ni Sally.'

Mayroong chance na ang bata ay mayroong kinalaman sa lalaking doktor na nakita niya sa hospital.

Kailangan niyang maganap ang lalaki at imbestigan ang katotohanan sa likod ng mga malalaswang litratong nakunan noong taong iyon.

...

Nakabalik na si Simon sa bahay ng mga Zachary matapos ihatid si Sharon.

Pagpasok niya sa pintuan, nakita niya ang kanyang ama, sister-in-law, si Howard, at ang asawa nito sa sala. Mukhang kanina pa siya hinihintay ng mga ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status