Share

Kabanata 17

Maagang bumangon si Sharon kinabukasan at naghanda ng almusal. Pagkatapos kumain kasabay ang anak at si Riley, bumaba na ang tatlo.

Katulad ng nakasanayan, handa na si Riley na ihatid si Sebastian sa kindergarten bago ihatid si Sharon sa kumpanya at dumiretso naman sa kanyang trabaho.

Nakalabas na ang tatlo ng condominium nang magsisismula ng magmaneho si Riley.

Sa oras na iyon, biglang bumukas ang pinto ng isang itim na kotse na nakapark sa malapit. Mukhang mamahalin ang sasakyan, at nakitang pababa si Fiona mula sa kotse.

"Sharon," malamig na saad ni Fiona.

Inangat ni Sharon ang ulo nang marinig ang kanyang pangalan. Nagulat siya nang makita si Fiona sa kanyang condominium nang ganito kaaga.

Base sa agresibong personalidad ni Fiona, mukhang mayroong masamang mangyayari.

Hindi hahayaan ni Sharon na malaman ni Fiona ang tungkol sa kanyang anak, kaya hinayaan niyang dalhin ni Riley ang anak niya sa kotse habang hinihintay niya si Sharon. Sinabi niya kay Riley na babalik rin siya.

Nag-alala si Riley. "Hindi mo siya kailangang harapin."

"Huwag kang mag-alala. Pumunta siya rito, kaya kung iiwasan ko siya ngayon, baka puntahan niya pa kung saan ako nagtatrabaho sa susunod." Mahinang tinapik ni Sharon ang balikat ni Riley, piinapakalma ito.

Naisip ni Riley na mayroon siyang punto at bumuntong hininga, "Sige, pero mag-ingat ka. Tawagan mo ako kapag mayroong nangyaring masama."

"Sige," sabi ni Sharon kay Riley. Kasunod nito, tinapik niya ang ulo ng anak. "Sumama ka sa kotse kay ninang at hintayin mo ako."

Nagsalubong ang maliliit na kilay ni Sebastian. "Bilisan mo, mommy." Nararamdaman niyang ang babaeng papalapit sa kanyang ina ay hindi mabuting tao.

"Sige, mauna na kayo." Lumapit lamang si Sharon kay Fiona nang makitang nailayo na ni Riley ang bata.

"Hinahanap mo ba ako, tita?"

Hinarap ni Sharon si Fiona. Pero hindi niya inaasahan ang mabilis na sampal sa kaniya ni Fiona pagkarinig nito ng sinabi niya. Ngunit, tahimik lamang si Fiona.

Bigla na lamang naramdaman ni Sharon ang pag-init ng kanyang mukha dahil sa sakit. Dagdag pa rito ang tunog sa kanyang tainga dahil sa sampal.

Sumunod naman ang galit at masasamang komento ni Fiona, "Sharon, paano mo nagagawang maging walang hiya? sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob na bumalik dito? umalis ka na kaagad ng Northern City ngayon. Kung hindi, maghanda ka sa magiging kapalit!"

Hindi nagawang makabalik ni Sharon mula sa pagkakatulala dahil sa sampal na natanggap niya kanina. Pero, bigla niyang narinig ang tunog ng mga yabang na patakbong papalapit sa kanya mula sa likuran. Sinundan ito ng isang maliit na taong lumitaw sa harapan niya.

Tinulak ni Sebastian si Fiona at sumigaw, "Masamang babae! bakit mo sinampal ang mommy ko?"

Prinotektahan nito ang ina gamit ang kaniyang mga braso na nilagay niya sa harapan. Kahit maliit siya, mararamdaman mo ang pagiging maginoo nito.

Lumapit si Riley at pinuri si Sebastian. Pagkatapos ay tiningnan nang masama si Fiona at sumigaw, "Matandang babae, ang lakas naman ng loob mong manakit ng ibang tao sa liwanag? maniniwala ka ba kung sabihin kong irereport kita sa mga pulis at ipakulong ka?"

Hindi nagawang mapansin ni Fiona ang isang bagay dahil hirap siyang bawiin ang kanyang balanse matapos maitulak nang malakas ni Sebastian. Sa huli, natumba paatras si Fiona at napasandal sa kanyang kotse. Dahil lamang sa kotse kaya niya nagawang masuportahan ang sarili at nakaiwas na mapahiga sa lupa nang nakahihya.

Matapos maayos ang sarili, tiningnan niya ang tatlo nang puno ng galit ang mukha. Pero, nang nakita niya ang maliit na bata, nagulat siya. 'Ang batang ito... bakit mukha siyang pamilyar?'

'Bakit parang kamukha kaunti ng batang ito si Howard noong bata pa siya?'

'Tinawag niya si Sharon na mommy. Ibig sabihin anak siya ni Sharon?!"

Ang galit sa loob ni Fiona ay naging pagtataka dahil sa kanyang pagkabigla. "Anak... anak mo siya?" mukha siyang gulat habang tinitingnan si Sharon at nagtanong.

Hindi plinano ni Sharon na makita ni Fiona ang anak niya dahil ayaw na niyang magkaroon pa ng gulo. Pero hindi niya inaasahang ganito ang mangyayari.

"Masamang babae, sinaktan mo ang mommy ko. Tatawag ako ng pulis para hulihin ka!!" Hindi hahayaan ni Sebastian na mayroong mang-api sa kanyang ina.

Hinila ni Sharon si Sebastian at dinala sa kanyang likuran, hindi niya gustong titigan ito ni Fiona. Malamig niyang sinabi, "Fiona, kung nandito ka lang ngayon para sabihin sa akin na maglaho ako, huwag ka na mag-abala. Mayroon akong kalayaang pumili kung aalis ako o hindi. Wala kang karapatang mangialam."

Noong una, gustong ipagtulakan paalis ni Fiona si Sharon. Pero, naging malabo na ang kaniyang isipan nang makita si Sebastian.

Naisip niya, 'Hindi kay Howard ang batang ito, tama?'

'Kung isa siya sa pamilya Zachary, hindi ko hahayaang sumama siya kay Sharon!

'Kailangan kong imbestigahan ang batang ito!'

"Sige, pwede kang manatili, pero kung plano mong sirain ang buhay may asawa ni Howard, hindi kita mapapatawad!"

Matapos magsalita, natahimik sandali si Fiona bago mayroong biglang maisip.

Sumunod ay dinagdag niya, "At saka, huwag mong isipin na dumikit lalo kay Simon. Hindi siya yung tipo na dapat lapitan ng mga babaeng katulad mo!"

"Hoy, matandang babae, bilisan mo na at umalis ka na. Hindi ka tanggap dito!" Hindi na kaya pang magtiis ni Riley at napasigaw.

Tiningnan siya nang malamig ni Fiona at hindi na nagsalita. Sa huli, tiningnan niya si Sebastian, pumasok sa kotse, at umalis.

Hindi namalayan ni Sharon ang pagkunot ng kanyang noo. Hindi niya mapigilang maramdaman na matapos makita ni Fiona ang kanyang anak, naging iba ang reaksyon ng huli. Kung hindi, bakit bigla na lang siya nitong hinayaan nang ganoon kadali?

"Mommy, namamaga po ang mukha nyo. Masakit po, tama?" Tiningnan siya ni Sebastian, nalulungkot.

Bumalik sa sarili si Sharon. "Wala ito. Hindi siya ganoon kasakit." Pagkatapos ay pinuri niya ito, "Hindi ko inakalang isang hero ang anak ko at kaya na akong protektahan."

"Mommy, simula ngayon, kapag mayroong umapi sa iyo, sabihin mo lang sa akin. Poprotektahan kita!"

Gustong tumawa ni Sharon nang makita ang ekspresyon nito. Pero nakaramdam siya ng sayang bumalot sa kaniya. "Sige, aasahan kong poprotektahan mo na ako simula ngayon."

"Pwede bang kapag patulog na kayo ay doon niyo na ituloy ang korning usapan na yan?" Pagkukunwari ni Riley.

Nagkatinginan ang tatlo at natawa.

Pagkatapos, nagtungo si Sharon sa parmasya sa gilid ng daan para bumili ng ointment. Naglagay siya kaunti at dumiretso na sa kumpanya. Sa huli, nanghihina pa rin siya sa biglaang pagpapakita ni Fiona. Dagdag pa rito, ang ekspresyon ni Fiona nang makita ang kaniyang anak ay mas lalong nagpabagabag sa kaniya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Evangeline Bico
ang weak ng babaeng sharon
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status