Share

Kabanata 19

Hindi na pinansin ni Sharon ang sugat niya sa hita dahil kailangan niyang magmadaling puntahan ang anak niya sa school. Tinawagan siya ng teacher ng anak niya at sinabing mayroong nakaaway ang anak niya sa school.

Nang makita kung gaano siya natataranta, at hindi pa siya makagalaw nang maayos, inalok siya ni Simon na ihatid sa school.

Kahit na hindi malala ang sugat niya, hindi pa rin siya makalakad mag-isa. Pagkarating sa school, nagdadalawang isip siya kung paano siya bababa sa kotse.

Naglakad si Simon sa kabilang pinto ng kotse at inalok ang kaniyang kamay nang hindi nagsasalita. "Bumaba kana, aalalayan kita sa pagpasok."

Tiningnan ni Sharon ang mahaba at malaking kamay ni Simon na nasa kaniyang harapan. Sa loob niya, nag-aalala siya sa kaniyang anak. Kaya hindi na siya nag-isip pa at inilagay ang kaniyang kamay sa palad ni Simon.

Inalalayan siya ni Simon papunta sa opisina ng teacher. Pagkapasok nila sa pinto, nakita niya ang anak na nakatayo kasama ang isa pang batang lalaki.

Madumi at mayroong punit ang damit ng bata. Mayroong ilang sugat sa gilid ng kaniyang bibig habang mayroong dugo ang kaniyang braso. Mukhang nakipagsuntukan siya sa batang nasa tabi niya.

Sumakit ang puso ni Sharon. Hindi niya na pinansin ang sakit sa kaniyang hita, paika-ika siyang lumapit. "Sebastian?" Ang batang 'to. Ilang araw pa lamang siyang pumapasok sa school. Bakit siya nakipag-away sa ibang bata?'

Nang makita ni Sebastian ang kaniyang ina, nawala ang tapang na mayroon ito kanina, nagsimulang mamula ang mga mata nito. Pero kahit ganoon, kinagat niya ang kaniyang labi at hindi umimik.

Tiningnan ni Sharon ang isa pang estudyante sa tabi nito na mayroong pasa sa mukha at namamaga. Mayroong bakas ng dugo sa mukha nito, punit din ang kaniyang damit. Mukhang mas malala ang natamo nitong pinsala kaysa kay Sebastian.

"Kayo po ang nanay ni Sebastian, tama?" sabi ng teacher na nakaupo sa tabi ng office desk.

Mabilis na sumagot si Sharon, "Opo, ako iyon. Miss Swift, ano talaga ang nangyari? bakit sila nag-away at nagkaganito?"

Sinulyapan ito ni Miss Swift pagkatapos ang lalaking sumusuporta kay Sharon. Naramdaman niya ang kahanga-hanga nitong aura. Ganunpaman, bumalik sa sarili si Miss Swift at sinabi, "Sa tingin ko ay mas mabuti para sa kaniya kung siya na mismo ang magsasabi sa iyo."

Tiningnan naman ni Sharon ang bata at tinanong, "Sabihin mo sa akin, bakit kayo nag-away?"

"Dapat lang siyang bugbugin!" Nalulungkot si Sebastian, pero mas galit siya. Pinakita niyang siya ay inosente.

Kumunot ang noo ni Sharon. "Sabihin mo nang maayos."

"May.. mayroon siyang mga sinabing masama. Nilait niya ako!"

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Sharon. Hindi niya pa kailanman nakita ang anak niyang umakto nang ganito. "Paano ka niya nilait?"

Nagsimulang maluha lalo ang mga mata ni Sebastian. Halatang unti-unti ng napupuno ng luha ang kaniyang mga mata. Pero, niyukom niya ang maliit niyang kamao at pinilit na pigilan ang kaniyang iyak. "Sinabi niyang wala akong modong bata na walang tatay!"

"Wala kang modong bata na walang tatay! lahat mayroong tatay bukod sa 'yo!" Ang estudyanteng kanina pa nananahimik ay biglang sumigaw. Naiinis din siya.

"Sabihin mo ulit 'yan!" Niyukom ni Sebastian ang maliit niyang kamao. Susuntukin niya ulit ito.

Hindi nagpakita ng kahinaan ang isang bata. Napansin ni Sharon na magkakagulo nanaman ang dalawang bata kaya namin mabilis na pinaglayo ang mga ito.

Naintindihan niya na rin ang dahilan ng insidente. Hinawakan niya ang kaniyang anak at hinarap ang isang bata.

"Bata, ako ang nanay ni Sebastian. Ano ang pangalan mo?"

Tiningnan siya nito, itinaas ang ulo, at umismid, "Levi Charles."

"Levi, totoo ang sinabi mo kanina. Lahat ay mayroong tatay, at mayroon din si Sebastian. Inaamin ko na dapat hindi ka sinaktan ni Sebastian dahil kaklase ka niya. Pero, pigilan mo ang sariling magsalita ng mga bagay na makakasakit sa iba."

Hindi niya inasahan na iinsultuhin ang kaniyang anak ng ibang bata sa kawalan nito ng ama. Parehong lungkot ang nararamdaman niya tulad ng kaniyang anak.

Hindi siya pinatawad ni Levi, sa pag-aakalang tama siya. "Mayroon siyang tatay? Kung ganoon ay nasaan ang tatay niya? Sabihin mo ang tatay niya na magpakita. Hindi lang ako, alam ng lahat na wala siyang tatay!"

Namula ang maliit na mukha ni Sebastian. Dahil ito sa kaniyang sobrang galit at muli sana siyang susuntok. Pero, pinigilan siya ni Sharon.

Namomroblema siya. Sa ngayon ay hindi niya alam kung saan hahanap ng 'tatay' para sa anak niya.

"Ako ang tatay niya,' isang malalim na boses na lalaki ang biglang narinig.

Natulala si Sharon nang marinig 'yon. Parang robot syang tumalikod at tumingin kay Simon, na nakatayo sa likuran niya. 'Anong...sinabi niya?'

Nabigla rin si Sebastian at tinitigan si Simon.

Tiningnan ni Simon ang gulat nilang mga mukha at lumapit. Tumayo siya sa harapan ni Levi na malaki ang mga mata dahil sa sobrang takot. "Ako ang tatay ni Sebastian. Kahit na binugbog ka niya, sa tingin ko ay mayroon kang utang na sorry."

Napakatangkad ni Simon. Kaya naman, ang pagtayo niya sa harap ni Levi ay nagdulot ng labis na takot sa bata.

Hindi pa rin makapaniwala si Sharon. Pero, si Sebastian ay mabilis na nabas ang sitwasyon at lumapit upang hawakan ang kamay ni Simon. Kampante nitong sinabi, "Siya ang tatay ko. Sisiguraduhin niyang maturuan ka ng leksyon kapag sinabi mo pa ulit na wala akong tatay!"

Naiipit si Levi sa aura na binibigay ni Simon. Hindi siya naniniwalang si Simon ang tatay ni Sebastian, pero sobrang magkamukha sila. Kaya hindi na siya naglakas loob na magsalita pa.

Bigla na lamang nangyari ang mga kaganapan. Kahit na bumalik na si Sharon sa sarili, hindi niya alam kung paano bubuuhin ang kaniyang mga salita. Hindi niya kailanman inasahan na magsisinungaling si Simon para lang matulungan ang kaniyang anak.

Sa sandaling yon, lumapit si Miss Swift, "Ikaw po pala ang tatay ni Sebastian? hindi nakapagtataka na nang pumasok ka, naramdaman kong mag-ama kayo, sobrang magkamukha kayo. Parang hinulma."

Hindi mapigilang magtinginan ni Simon at Sebastian nang marinig ito. Kuminang ang mga mata nila sa kuryusidad. 'Magkamukha ba talaga kami nang sobra?'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status