Share

Kabanata 20

Ang sitwasyon sa loob ng office roo, lalo na sa pagitan nina Sebastian at Simon ay naging sobrang tahimik dahil sa komento ni Miss Swift.

Huminto ang tibok ng puso ni Sharon nang marinig ang komento ni Miss Swift. Sa totoo lang, isang sulyap pa lang kay Simon, naramdaman niyang kamukha nito ang anak. Matagal na siyang naghihinala pero hindi siya naglakas na loob na isipin pa yun.

Tumawa siya, pinapagaan ang napakatahimik na paligid. "Miss Swift, sa tingin ko hindi nagkaintindihan ang mga bata, kaya sila nag-away. Huwag na natin palakihin pa ang insidente."

Sanay na si Miss Swift sa away ng mga bata. "Sinabihan ko lamang kayo, bilang mga magulang na pumunta para maintindihan niyo nang mabuti ang insidente. Siyempre, mas mabuti kung maayos ito nang tahimik."

Seryosong tiningnan ni Miss Swift si Levi. "Nakita mo na ang tatay ni Sebastian. Kaya simula ngayon, huwag mo ng sasabihin na wala siyang tatay, naiintindihan mo?"

Hindi pa rin tuluyang nakukuntento si Levi. Pero, yumuko ito at mahina ang boses na sumagot, "Opo."

"Kung ganoon, humingi kayo ng tawad sa isa't-isa. Simula ngayon, maging mabuti na kayong magkaklase sa isa't-isa." sabi ni Miss Swift.

Hindi nila inasahang magsasalita kaagad si Sebastian. "Hindi ko siya mapapatawad sa sinabi niya, at hindi ko tatanggapin ang paghingi niya ng tawad. Pero, dahil nabugbog ko na siya, siguro patas na kami."

Sa madaling salita, hindi niya tatanggapin ang paghingi ng tawad at hindi rin hihingi ng tawad.

Hindi rin sumuko si Levi. "Sa tingin mo magaling kana dahil mayroon kang tatay? sino bang walang tatay? Hmph!" Matapos 'yun sabihin, tumalikod ito.

Malakas na suminghal si Sebastian bilang sagot kay Levi at tumalikod din. Parehong ayaw tingnan ang isa't-isa.

Para sa mga matatanda na simpleng nananonood lamang sa gilid ay masiyado lang madrama ang mga bata. Hindi nila mapigilang mapailing at matawa.

Pagkatapos ay inuwi na ni Sharon ang anak.

Hinatid sila ni Simon.

Doon, tinanong ni Sharon si Simon kung gusto nito ng tubig bilang pagrespeto. Pero, hindi niya inasahang bababa talaga ito ng kotse at susundan sila sa taas.

Mayroong sugat ang hita niya, at hindi madali sa kaniya ang gumalaw. Kaya inalalayan siya ng bata at ni Simon sa magkabilang gilid. Mayroon siyang kakaibang nararamdaman dahil dito.

Sa kanilang bahay, ang area na hindi naman madalas na masikip ay biglang lumiit dahil sa presensiya ni Simon na napakatangkad na lalaki.

Nakaramdam si Sharon ng hiya sa pag-imbita kay Simon sa kanilang maliit na tirahan. 'Hindi ba ako nagiging mabuti para sa presidente?'

"President Zachary, pagpasensiyahan nyo na kami at maupo po kayo," inimbita siya ni Sharon na maupo sa sofa.

Tumalikod naman siya at sinabi sa kaniyang anak, "Kumuha ka ng tubig para kay tito."

Bago ang insidenteng ito, hindi maganda ang impresyon ni Sebastian kay Simon. Pero dahil sa pagtulong sa kaniya ni Simon ngayong araw, bibigyan niya ito ng tubig.

"Mommy, maupo ka. Bibigyan kita ng tubig." Napaka maalalahanin pa rin niya sa kaniyang ina.

Nakahinga na nang maluwag si Sharon nang makitang nakaupo na si Simon nang hindi mukhang komportable.

Hindi nagtagal, bumalik ang bata na may dalang dalawang baso ng tubig. Inilagay niya ang isa sa harap ni Simon at sinabi, "Tito, kahit na bad ka dati, tinulungan mo ako ngayon. Kaya, salamat. Sana maging magkaibigan na tayo simula ngayon."

Matapos sabihin 'yon, tinapik niya si Simon sa balikat na parang umaaktong matanda.

Muntik ng maibuga ni Sharon ang iniinom na tubig nang marinig ang sinabi ng kaniyang anak.

Tiningnan ni Simon ang bata at naging interesado. Kumurba ang manipis niyang mga labi, "Ibig sabihin, kailangan kong sundin ang criteria para maging kaibigan mo?"

"Siyempre, hindi lahat ay pwede kong maging kaibigan. Tito, hindi ba't isang karangalan 'yon?"

Taas noo ang bata at kampante ang itsura.

Mas lalong lumawak ang kurba ng gilid ng kaniyang bibig, at ang interesadong ekspresyon sa kaniyang mukha ay mas lalong nagningning. "Sa totoo lang, ramdam na ramdam ko ang karangalan." Hindi niya mapigilang isipin, 'Paano nagawang turuan ni Sharon ang anak na maging napakainteresanteng bata?'

Hindi mapakali si Sharon kaya naman mabilis na hinila sa tabi niya ang anak. "Tingnan ko kung mayroon ka pang ibang sugat sa katawan."

"Wala, mommy, huwag mo akong alalahanin. Hindi si Levi ang kalaban ko."

"Eh paano ka nagkasugat dito? punit din ang damit mo!" Walang habas na tinuro ni Sharon ang gilid ng labi nito.

Napasigaw sa sakit ang bata at kaagad na tinulak palayo ang kamay niya. "Aksidente lang na nasuntok niya ako."

"Sa susunod, huwag kang makipag-away sa mga kaklase mo. Hindi masusulusyunan ng dahas ang mga problema mo, tatandaan mo ha?" mahinang sabi ni Sharon, nasasaktan siya.

"Depende po sa sitwasyon. Mayroong mga bagay na kailangan ng dahas para malutas."

Walang magawa si Sharon at bumuntong hininga na lang. "Huwag kang sasagot sa akiN. Maligo ka na at magpalit ng damit."

"Roger, honorable mother!"

Masunuring nagtungo ang bata sa banyo para maligo.

Sina Sharon at Simon na lang ang naiwan sa hall. Lumingon siya at nasalubong ang itim at malalalim na mga mata ni Simon at napansing nakatitig ito nang mariin sa kaniya.

"Ahh... salamat ngayong araw."

"Walang problema. Hindi ba't nasugatan ka dahil sa akin?" mahina nitong sabi.

Bumaba ang paningin ni Sharon at naisip, 'Nakaupo na siya at naubos ang tubig. Hindi pa ba siya uuwi?"

Hindi naman sa gusto niyang paalisin ang bisita niya, pero sa hindi malamang dahilan, pakiramdam niya ay hindi siya komportable sa presensiya ni Simon.

"Nasaan ang tatay ng bata?" biglang tanong ni Simon.

Natulala si Sharon. Binawi niya ang kamay na nakapatong sa gilid ng sofa. Wala siyang ideya kung paano sasagutin ang tanong na 'yun.

"Naalala kong nakalagay sa resume mo na hindi ka kasal. Ibig sabihin ba non ay nabuntis ka bago ka ikasal?" naningkit ang mga mata ni Simon at buong atensyon itong nakatingin sa kaniya.

Huminga nang malalim si Sharon bago magsalita, "Oo, nabuntis ako bago maikasal. Walang tatay ang bata."

Patuloy siyang tinitigan ni Simon. Ang malumanay nitong pagsasalita ay mayroong napakaseryosong tono, "Paanong walang tatay ang bata?"

Huminto ito sandali, mas lalong sumeryoso ang tingin nito sa kaniya. "Hindi ba siya kay Howard?"

Tiningnan ito ni Sharon nang marinig ang komento. Nagsalubong ang magaganda niyang kilay at kaagad itong itinanggi, "Siyempre hindi!"

Nagsalubong ang mga mata nilang dalawa, at nakikita niya ang kuryusidad na nagniningning sa mga mata nito. 'Naisip niya talagang anak ni Howard si Sebastian?'

Mga Comments (77)
goodnovel comment avatar
Elianor Laudenorio Pastrana
paunlock please magandang story
goodnovel comment avatar
Honey Cel Buendia Sarmiento
pa unlock po author..
goodnovel comment avatar
Liezel Ignacio
pls po next chapter po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status