Nagulat siya nang makita ang matangkad at malaking lalaki. "President Zachary? Ano pong nagdala sa inyo dito?""Nandito si tito para malaman kung gumaling na po ang paa niyo o hindi," Sumagot si Sebastian para kay Simon.Hindi inasahan ni Sharon na mag-alala ito nang sobra sa kaniya, at mabilis siyang sumagot, "Wala pong problema, ayos na po ako para makapasok bukas sa trabaho. Hindi niyo po kailangang personal pang pumunta rito.""Hindi naman problema iyon. Dahil naman sa akin kung bakit ka nagkasugat," mahinang sabi ni Simon."Shar, bakit hindi mo bilisan at imbitahin si President Zachary sa loob ng bahay?" dagdag ni Riley.Doon lamang bumalik sa sarili si Sharon at mabilis na nagbigay daan. "President Zachary, pumasok po kayo at maupo."Umunat ang mahahabang binti ng lalagi at tumapak sa loob ng bahay. Hindi ito nakaramdam ng hiya kahit kaunti.Inimbitahan siya ni Sharon na maupo sa sala bago siya bigyan ng isang basong tubig at ilagay ito sa harapan niya.Nang sunduin ni R
Inilapag ni Sharon ang mga pagkain sa lamesa at inimbitang umupo si Simon.Pakiramdam ni Sharon ay hindi niya ito narerespeto habang tinitingnan ang tatlong simpleng putaheng inihanda niya. Hindi na kailangang sabihing labis ang hiya niya. “Ahh.. kaunti lang ang putahe. Sana ay mapagtiisin niyo.”Hindi nagsalita si Simon at simpleng umupo lamang sa gilid ng mesa.Si Sebastian naman ay natutuwa. “Mommy, sa malaking mangkok na yan ng nilagang baboy ngayong gabi, sobra na po ‘yan.”Tiningnan ni Simon ang bata at tinitigan ang payat nitong mga braso at binti. ‘Naging sobrang hirap ba ng buhay nila dati na walang makaing karne ang bata?’“Kumain ka nang madami kung ganoon.” Binigyan ni Simon ng malaking parte ng nilagang baboy si Sebastian.“Salamat po, pero ako na po ang kukuha. Hindi niyo po kailangang maging sobrang bait sa akin.” Matapos magsalita ni Sebastian, nagkusa ito at kumaha ng dalawa pang piraso ng karne at inilagay sa kaniyang plato. Hindi kailangang turuan si Sebastian
Ang malapad nitong palad, na tela lamang damit niya ang pagitan ay nasa kaniyang beywang. Kahit ganoon, pakiramdam niya ay nasusunog ang balat niya sa parteng ito.Umabot sa kaniyang pisngi ang mainit na sensasyon, pakiramdam niya ay napakainit ng mukha niya.'Diyos ko, anong nangyayari sa akin?'HIndi alam ni Sharon kung paano siya nakarating sa gilid ng kotse. Mayroong hawak na payong si Franky na nasa tabi ng kotse. Nang makita nito ang dalawa na papalapit sa kaniya, nagkusa ito at binuksan ang pinto ng kotse. Doon ay hinintay niya si Simon na pumasok.Nakaramdam ng inis si Sharon. 'Siguradong mayroong dalang dalawang payong si Franky. Hindi ko siya kailangang ihatid sa baba.'Sa gilid ng kotse, binitawan ni Simon si Sharon at binalik dito ang payong. Mayroong hawak na isa pang payong si Franky para sa kaniya.Yumuko si Sharon. "Ahh... mag-ingat po kayo pauwi.""Sige. Ikaw rin, mag-iingat ka." puno ng atensyon ang mga mata ng lalaki habang tinititigan siya nito."Kung ganoon
Simula nang makita siya ni Sharon kasama si Connor Leonard sa hospital, hindi mapigilang mag-alala ni Sally na malaman nito ang kaniyang sikreto. Kaya naman mayroon siyang mga nilagay na tao para subaybayan ang mga galaw ni Sharon.Hindi niya inaasahang aakitin ni Sharon si Simon!Matapos makita ang huling litrato, bigla siyang nakaramdam ng inis. Namumuo ang galit sa kaniyang mga mata, at muntik niya ng ibato ang kanyang telepono.Ang huling mga litrato ay kina Howard at Sharon na magkasama!'Gabing-gabi na pero hindi pa siya nakakauwi. 'Yun pala ay pinuntahan niya si Sharon!'Tinitigan niya ang mga litrato nang puno ng galit ang ,ga mata. 'Dapat siyang mamatay! hindi ko hahayang magmalaki nanaman si Sharon. Tuturuan ko siya ng leksyon!'..Pagkatapos ng ulan ay maaraw na kinabukasan. Sariwa ang simoy ng hangin.Halos magaling na ang sugat sa paa ni Sharon. Ganunpaman, bumalik na siya sa trabaho nang araw na iyon.Katulad ng nakasanayan, hinatid niya ang anak sa school bago m
"Anong nangyari? paanong nagkaroon ng car accident?" nalaman ni Simon na nasama ito sa isang car accident, at hindi na inalam pa ang detalye ng sitwasyon, kaagad niyang pinatigil ang meeting at nagmadaling pumunta sa hospital.Sikreto siyang nakahinga nang maluwag nang makita niya itong nakaupo, buhay at maayos. Malaking parte nga lamang ng noo nito ay mayroong sugat at nagdudugo pa rin. Hindi naglaho ang pagsasalubong ng kanyang kilay.Magsasalita na sana si Sharon nang bumukas ang pinto ng emergency rescue room. Tumayyo kaagad at tumakbo papalapit. "Doctor, kumusta po siya? nailigtas niyo ba siya?" Hinawakan niya ang unang doktor na lumabas at kinakabahang nagtanong.Umiling ang doktor. "Sa kasamaang palad, malala ang mga natamo niyang pinsala at hindi na namin siya nagawang mailigtas. Idineklara na siyang patay."Sa sandaling iyon, natigilan si Sharon. Naramdaman niya ang isang malakas na kidlat na tumama sa kanyang puso!Kasunod nito, nanood si Sharon nang ilabas si Manager Co
Napakainit ng tingin nito kaya lumingon si Sharon, "Aakyat na ako." Lumabas siya ng kotse at naglakad nang hindi lumilingon.Iniisip niya kung masiyado lang siyang sensitibo o nag-iba lang ang pakikitungo sa kaiya ni Simon?....Sa araw na ito, dumalo si Sharon sa libing ni Manager Cook.Kung hindi dahil sa kaniya, siya dapat ang nasa loob ng kabaong.Sinarado na ng mga pulis ang kaso at sinabing lasing ang driver habang nagmamaneho. Dahil dito, ang driver lang ang tanging responsable sa nangyari.Palabas na si Sharon ng sementeryo nang magsimulang umulan. Kinuha niya ang payong sa kanyang bag at binuksan ito. Nakatanggap naman siya kaagad ng text sa kanyang telepono.Sa isang iglap ay nagbago ang kaniyang ekspresyon matapos pindutin ang mensahe.Mababasa sa text; [Maswerte ka na mayroong pumalit sa'yo ngayon. Hindi ako sigurado sa susunod!]Isa itong text mula sa isang unknown number.Nanginig ang kamay ni Sharon habang hawak-hawak ang telepono. Alam niyang hindi ito isang s
Naninikip ang puso ni Sharon, tumalikod siya para hanapin ang anak.Hindi siya sinubukang pigilan ni Simon. Nagdilim ang mga mata nito, at sumunod na lamang.Pinuntahan ni Sharon ang lugar kung saan sila nagtatanim ng puno. Hindi ito masiyadong tago, pero kaunting tao lamang ang dadaan sa area na ito. Pinapalibutan din ito ng mga puno."Sebastian? nasaan ka?" Lumakad sa putikan si Sharon dala ang kanyang payong. Malakas na ang buhos ng ulan sa oras na 'to."Sebastian, sagutin mo si Mommy...." Naiiyak na sa takot si Sharon. Hindi niya mahahanap ang anak sa ilalim ng malakas na ulan.Wala na siyang iba pang kasama, at tanging anak lang niya ang kanyang suporta. Hindi niya kakayanin kapag nawala ang kanyang anak!Bigla naman siyang nadulas at nahulog sa putikan nang nakakahiya. Nang bumagsak ang payong sa gilid niya, tumalsik sa kaniya ang malamig na ulan. Gayunpaman, kaagad niyang sinubukang tumayo habang patuloy na sumisigaw para sa anak, "Sebastian!"Si Simon na nasa hindi kalay
"Bakit ka nandito, Simon?" Tila hindi nag-aalalang ngumiti si Fiona.Hindi sumagot si Simon, nagsumbong naman si Sebastian, "Tito, sinampal po ng matandang babae na 'yan si mommy noong nakaraan, at ngayon ay kinidnap niya ako. Hindi po siya mabait. Tulungan niyo po ako tumawag ng pulis."Kumunot ang noo ni Simon nang marinig ito. Sinaktan niya si Sharon noong nakaraan?Bigla niyang naalala na nakita niya nga ang bakas ng palad sa mukha ni Sharon noon.Naningkit ang kaniyang mga mata, mababakas ang katakot-takot na aura mula rito. "Fiona, bakit mo ito ginagawa sa bata?"Ngumiti lamang si Fiona, "Simon, tungkol ito sa kasalanan ni Howard at mga personal na bagay. Hindi mo na kailangang mangialam."Nasa test center sila. Malinaw na ipapa-paternity test ni Fiona ang bata para malaman kung anak nga ito no Howard."Simon, ibigay mo sa akin ang bata." pinilit niyang magawa ang plano niya ngayong araw.Tiningala ni Sebastian ang matangkad na lalaki at kinurap ang mga mata. "Tito, hindi