Share

Chapter 6

Erica

Halos hindi parin ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa sobrang gulat na makita siya rito sa loob ng aming bahay. 

Napaka relax ng kanyang mukha at mga mata habang prenting naka upo sa aming sofa. Samantalang ako, heto, hindi na alam kung ano pa ba ang dapat na gawin dahil sa sobrang kaba. 

"Oh, anak! Nakauwi kana pala. Hindi mo sinabi may bago ka palang ka trabaho at maganda pa." Biglang aniya ni mama na kagagaling lamang sa kusina, mayroon itong dala na juice na tinimpla sa isang pitsel. Naka sunod naman sa kanyang likuran si papa na may dalang meryenda. 

"May lakad din pala kayo kasama ng boss ninyo sa Sabado, sa isang party. Bakit naman hindi ka nagsasabi sa amin ng mapaghandaan natin ang susuotin mo? Ikaw talagang bata ka!" Dagdag na saway nito sa akin dahilan upang mapapikit ako. Seryoso ba talaga ito? Pagagalitan nila ako sa harap ni Ms. Torres? Nakakahiya! 

Napalunok ako. "Ipinag paalam kana niya sa amin, hindi ba Pearl?" Sabay tingin ni mama kay Ms. Torres. Agad na napatango naman iyong isa habang may nakakalokong ngiti sa labi. 

Pero teka nga...anong katrabaho?! Eh siya nga itong boss ko! Kung alam ng nila kung ano 'yung nagawa ko sa babaeng 'yan. Kaya lang....napag paalam na pala ako nito, ibig sabihin wala na akong magagawa pa kung hindi ang umattend sa party na sinasabi nito. 

Ano namang susuotin ko? Tsk! 

------

At dumating na nga ang araw ng Sabado. Umaga pa lamang kanina, kinakabahan na ako. Hanggang ngayon ba naman na magdidilim na hindi parin mawala-wala ang kabog sa dibdib ko? 

Ilang beses ko ng sinubukan na kalmahin ang aking sarili pero ayaw talaga papigil ng nito. Lalo pa kanina, hindi ko ini-expect na may evening dress pala na inihanda na si Ms. Torres para sa akin at ipinahatid pa nito kanina kay Garry. 

Si Garry rin mismo ang magsisilbing driver ko papunta sa venue kung saan gaganapin ang party na nasabi. Ang tatay ko naman ang nag silbing makeup artist ko at taga ayos sa lahat, habang ang nanay ko ay panay lamang ang panonood sa amin. 

Pasado alas sais ng gabi kami umalis ni Garry sa bahay. Habang nasa daan, hindi ko mapigilan ang hindi i-video call ang dalawa kong kaibigan. Kapwa sila excited sa mangyayari ngayong gabi, samantalang ako? Heto, parang gusto ko nalang ang umuwi muli at magtago sa aparador mula sa loob ng aking kuwarto. 

Hindi nagtagal, huminto kami sa isang kilala at mamahaling Hotel. Sa labas pa lamang nakikita ko na ang mga nagyayabangan at magagarang sasakyan ng mga tao na nasa loob na ngayon. Ako lang yata ang bukod tanging hindi mayaman sa buong lugar na ito. Kung bakit naman kasi ako pa ang naisipan na gawing date ni Ms. Torres. 

Nagsimula ng bumaba ng sasakyan si Garry atsaka ipinagbukas ako ng pintuan. Sandaling tinignan ko muna siya habang naka ngiwi. 

"Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon ni Ms. Torres?" Kinakabahan parin na tanong ko kay Garry. Natawa siya ng mahina. 

"Mukhang hindi na ho talaga eh." Sagot naman nito bago inilahad ang kanang kamay. "Tayo na po ma'am. Tiyak na hinihintay ka na niya sa loob." Muling pag-aya nito. 

Napalunok muna ako ng maraming beses at napa buga na rin ng hangin sa ere bago tuluyang hinawakan ang kamay nito. Pumasok kami sa napaka gara at napaka lawak na function hall ng Hotel. 

Sa entrance pa lamang, agad na pinagtinginan na ako ng mga tao. Habang ang iba naman ay napapabulong pa sa kanilang mga katabi at kaharap. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi maging conscious sa aking mukha at kasuotan. Dahil alam ba alam nilang hindi naman ako maganda o mayaman na katulad ng iba? 

Ngunit ang hindi ko maintindihan, may isang tao na hinahanap ang aking mga mata na hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikita. 

"Garry!" Biglang tawag ng hindi ko kilalang babae sa pangalan ni Garry. Agad na lumapit ito sa amin. Ang ganda niya! At ang tangkad din. 

Pero mas maganda parin si Ms. Torres. Sabi ng inner self ko. 

"Ms. Dara, long time no see." Pagbati rin ni Garry sa kanya. Dahan-dahan na napadako ang mga mata ng Dara na sinasabi ni Garry at agad na sinipat ako ng tingin mula ulo hanggang paa. 

"Is she your date?" Tanong nito habang naka tingin parin sa akin. Napalunok ako at mas lalo pang kinabahan. May pagka maldita kasi ang tono ng boses nito at halatang hindi niya ako nagugustuhan lalo na noong itinaas nito ang kanyang kilay. 

"Naku! Hindi po Ms. Dara. Napaka ganda naman ni Ms. Jimenez para maging date ko." Tugon ni Garry sabay kamot sa kanyang batok, halatang nahihiya. "Inimbitahan siya ni Ms. Pearl." Dagdag pa nito. 

Awtomatiko naman na napa 'O' ang labi ni Ms. Dara habang nasa akin parin ang kanyang mga mata. 

"Jimenez." Pag ulit ni Ms. Dara sa pangalan ko. "So, tell me. What is your business? Sari-Sari Store?" Sarkastikong sabi nito ng mayroong kalakasan, dahilan upang madinig ng ibang tao sa paligid at matawa sa sinabi niya. 

Walang nagawa na napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan. Parang gusto ko na rin tuloy ang maiyak ngunit pinipigilan ko, nang bigla ko na lamang naramdaman na mayroong isang kamay na humawak sa aking balakang at hinila ako papalapit sa kanya. 

"Stop interrogating and messing with her, Dara. She's my girlfriend." Wika ng kilala kong boses. Agad na natigilan ako at nanigas sa aking kinatatayuan ng sinabi niya iyon. 

GIRLFRIEND?! 

Parang mas gusto kong maiyak sa sinabi ni Ms. Torres kaysa sa ginawang pang bubully ni Ms. Dara sa akin. 

"Your what?!" Gulat na tanong ni Ms. Dara rito habang naglilisik ang mga mata sa galit. 

"You heard me the first." Malamig ang boses na muling sabi ni Ms. Torres sa kanya. Habang ako naman ay hindi na alam ang gagawin dahil pinagtitinginan na kami lalo ng iba. 

"Excuse me? Are you insulting me Pearl?" Hindi parin makapaniwala na sabi nito. "Ipagpapalit mo lang ako sa isang hampas lupa na katulad niya?!" 

Napailing ng ilang beses si Ms. Torres. Marahan na binitiwan nito ang aking balakang at humakbang papalapit kay Ms. Dara. Pansin ko na wala na rin si Garry sa paligid, marahil bumalik na iyon sa sasakyan. 

"Alright, let me clear this to you. You want me to say it again in your face? Hmm?" May panghahamon na sabi nito kay Ms. Dara. 

"Cut the bullshit, Dara because you're just an ex." Galit na ang tono ng boses ni Ms. Torres. Hindi ko alam kung bakit una pa lamang eh nandito ako sa lugar na ito. Hays. Tila ba nasa pagitan ako ng dalawang dyosa na nag-aaway. 

"Listen everybody. This woman standing next to me is my girlfriend." Panglilinaw din nito sa harap ng ibang tao. Marami ang napatango, ang iba naman ay nagulat, pero mas marami ang pumalakpak. 

"M-Ms. Torres ano bang pinagsasabi mo?" Utal na tanong ko sa kanya at parang batang maliit na nakahawak sa dulo ng kanyang siko. Ngunit hindi niya ako pinakinggan at binalewala lamang. 

"Her name is Erica. AND I want you all to know that you are not going to like what I can do, if you are mess with her again. You and Dara should stop now! Are we clear here?" 

Nakakatakot naman magalit si Ms. Torres, I mean ito ang kauna-unahan na nakita ko siyang ganito. Pero ayoko naman na paniwalain ang iba dahil sa sinabi niya. Anong gagawin ko? Hindi naman talaga niya ako girlfriend pero bakit niya sinabi 'yun? Boyfriend ang gusto ko at hindi girlfriend. 

"Ayoko naaaaa!" Sigaw ko mula dito sa labas dahil hindi na ako makahinga sa loob. Lahat ng mata nasa amin, especially sa akin. Hindi ako sanay sa ganitong paligid. 

At mas lalong hindi ko gusto ang nangyayari ngayon. Lahat ng ito, hindi ko inaasahan. Ngayon ko lang napatunayan, hindi pala masaya maki party sa mga mayayaman.

"Ayaw mo na?" Napapikit ako ng mariin nang muling marinig ang boses ni Ms. Torres mula sa aking likuran. Walangya! Nasundan parin ako. Huhu. 

"Yes Ms." Sagot ko sa kanya bago napaharap rito. "Please, bawiin niyo 'yung sinabi niyo sa ex-girlfriend niyo." Pagmamakaawa ko sa kanya. 

Mataman na tinitigan ako nito sa aking mukha. Ngayon ko lang napansin ang kanyang hapit na hapit na kulay itim na dress kung saan bakat na bakat ang magandang hubog ng kanyang katawan. Naka ponytail rin ang mahabang buhok nito habang mayroong mahaba at kulay silver na hikaw na suot sa kanyang magkabilaang tenga. 

Ang ganda-ganda talaga niya lalo na at mas bumagay sa kanya ang red lipstick. Wala pa yata akong nakita na papantay sa ganda niya mula sa mga tao na nandidito. Angat siya sa lahat! 

Ngunit agad na napa iwas ang aking mga mata at ibinaling sa ibang direksyon noong magtama ito sa kanyang sumisilip na cleavage. 

"And why would I do that? Doon naman tayo papunta, magiging girlfriend naman talaga kita." Makulit na sagot naman nito bago napa ngiti ng nakakaloko. 

Napansin kaya niya na napatingin ako sa dibdib niya? Tanong ko sa sarili. Awtomatiko naman na nang-init ang aking mukha. 

"K-kasi...STRAIGHT AKO!" Matigas ngunit utal na sagot ko sa kanya. 

Isang malutong na tawa naman ang pinakawalan nito pagkatapos. Iyong tipong mauubusan na siya ng hangin sa katawan habang napapahawak pa sa kanyang tiyan. Di ko mapigilan ang mapa ismid. 

"May nakakatawa PO ba sa sinabi ko?" Parang na insulto ako ng konti doon ah. Mabuti nalang dahil hindi iyon nagtagal dahil biglang sumeryoso ang kanyang mukha habang naka tingin sa akin. 

"Kailangan ba mag hubad pa ako sa harap mo para lang mapatunayan mo na hindi ka straight?" Tanong nito habang humahakbang ng mabagal papalapit sa akin. Napalunok ako ng mariin atsaka napaatras.

"O baka naman...ikaw ang kailangang hubaran ko?" Pilya na dagdag pa niya at unti-unting bumaba ang mga mata nito sa aking labi.

"Ah..b-basta! Straight ako!" Pagmamatigas ko parin hanggang sa mapa sandal ako sa isang malamig at matigas na poste.

This time, ang lakas lakas na naman ng pintig ng puso ko. Hindi dahil sa kinakabahan kung hindi dahil parang....excited? Weird.

"Did you know there is no straight woman when it comes to me?" Bulong nito sa aking tenga dahilan upang magtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko, lalo na noong sandali na magtama ang mainit na hininga nito sa aking balat.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapapikit at muling mapalunok. Ang sarap din kasi sa tenga ng boses nito, lalo na ang mabangong pabango nito na aking nalalanghap. 

"And also...Straight women will never be able to kiss their fellow woman." Dagdag niya.

Kung ano man itong kakaibang kiliti na nararamdaman ko sa loob ng sikmura o maging sa tiyan ko? Pilit ko iyong nilalabanan. Kahit na magkalapit lang ang mukha namin ni Ms. Torres ngayon, marahan na itinulak ko parin ito papalayo sa akin.

Napahilamos ako sa aking mukha habang tahimik na pinagmamasdan nito, ngunit nandoon parin ang kanyang pilya at nakakalokong mga tingin.

"Ms. Torres." Pag banggit ko sa pangalan niya at bilang pagbigay galang na rin dahil boss ko siya.

"Yes?" Agad na sagot naman nito sa akin.

"Mawalang galang na ho, pero madalas niyo ba itong gawin sa mga empleyado ninyo?" Hindi ko alam kung saan nang galing ang sinabi kong iyon. Kaya lang kasi, na iinsulto na ang pagkatao ko. Pilit na ipinagtutulakan niya ako sa bagay na hindi naman talaga ako.

Awtomatikong nag iba ang awra ng kanyang mukha. Muling hinawakan ako nito sa aking braso. Iyong mahigpit. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.

"I don't often do this to my employees, ngayon palang. At marahil, ngayon palang din ako magmamahal ng totoo, pero sa isang in denial." Sabay talikod na sabi nito sa akin.

At ngayon nga, nagawa ko pa yatang galitin si Ms. Torres. Hays! Bakit kasi hindi makatigil itong bibig ko?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status