Share

Chapter 8

Pearl

The first time I saw her I knew something strange about her. That she was different from all the women I had met before, that there was something in her the first time I laid my eyes on her...something I didn't know would change my world.

Kahit napaka dilim sa lugar na iyon, ang tanging mga ngiti niya lamang ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Ang mga mata niya ay tila ba mga bituin na kumikislap sa madilim na kalangitan. Mapapatulala ka nalang sa kanyang magandang mukha na hindi mo namamalayan. 

And her voice, God! Daig pa nito ang isang napaka gandang musika na kay sarap sa tenga pakinggan, iyong mga tawa niya na nakakaadik marinig. Kahit na umiiyak na siya noong mga oras na iyon kasabay ng kanyang mga magulang, she's still beautiful in my eyes. Kahit ilang oras pa, hindi siya nakakasawang titigan. She looks so adorable. 

And that night at the bar, with some of my friends, I did not know that destiny would meet us again.

Isang pamilyar na ngiti at mukha ang aking nakita habang masayang nagsasayaw ito sa gitna ng dance floor. Awtomatikong napako ang aking mga mata sa kanya habang masaya itong nagtatalon, tumatawa na tila ba wala itong pinapasan na kahit anong problema. 

It was as if my heart was being hammered by the force of its beating. She became the center of my attention. She was addicted to watching from where I was standing.

At that moment, sinabi ko sa sarili ko na hindi ko hahayaan na matapos ang gabi na ito na hindi ko nakukuha ang pangalan niya. At syempre, gusto ko rin ang magpakilala sa kanya. 

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makabalik na ito sa kanilang table, halatang lasing na rin siya dahil sa pagewang-gewang niya na paglakad. 

Until the next thing I knew, I was also in the comfort room with her because I looked like a stalker who followed her inside. Hindi ko mapigilan ang manggigil sa kanya noon dahil kahit lasing na ito at naduduling na ang mga mata, eh ang kulit parin niya. 

And the most I did not expect her to do was kiss me. Of course, I kissed her back.

Isang halik, na hindi ko alam eh ilang araw at gabi akong hindi patutulugin at patatahimikin. Paulit-ulit iyong nagrereplay sa aking isipan. Paulit-ulit kong nakikita ang maganda nitong mukha at mga ngiti. 

It happened that the woman I met inside the Cinema and the same woman I kissed in the bar would be one of my employees. I was very surprised to see her face as one of the employees of T Corporation. 

From that moment, I promised myself that she would never go away.

At ngayon nga, heto, nasa tabi ko siya habang tahimik na naka masid lamang sa labas ng bintana. Ramdam ko rin ang pa minsan-minsan na pag sulyap nito sa akin kahit na sa kalsada lamang naka pako ang aking mga mata. 

"Have you talked to your parents?" Tanong ko sa kanya bilang pagbasag ng katahimikan. Agad itong nagbaling ng tingin sa akin. 

"K-Kanina." Utal at tipid na sagot nito. Halatang umiiwas na kausapin ako. 

"What about your friends?" Tanong kong muli bago nag palipat-lipat ng tingin sa kanya at sa daanan. "Did you tell them that I was with you?" 

Sandali itong natahimik bago muling nagsalita. 

"Kailangan ba talaga na malaman nilang magkasama tayo?" Ganti na tanong nito sa akin. Napa ngiti ako. 

"Why? Ano namang masama roon? You should be proud that we are together." Panunukso ko pa dahilan upang mapatulis ang nguso niya. 

"Saan ho ba kasi talaga tayo pupunta, MS. TORRES?" Muling pagtanong nito at bigay diin sa aking pangalan. 

"Basta." Sabi ko sa kanya bago muling ibinalik ang mga mata sa kalsada. "I'm just going to introduce you to someone." Pagkatapos noon ay muli na naman kaming binalot ng katahimikan. 

Minsan iniisip ko kung boring ba akong kasama o sadyang ayaw niya lang akong kausapin, dahil umiiwas siya sa mga bagay na posible naming mapag-usapan. Tsk! 

---

Pagdating namin sa isang puti at medyo may kalakihan na bahay ay agad na kaming bumaba ng sasakyan. Sandali muna rin naming ibinaba ang aming mga gamit. 

Awtomatiko naman na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang papalapit na aking Moma. Ang ina ng aking ama. 

Mabilis ang mga hakbang na sinalubong ko ito at agad na niyakap ng mahigpit. Finally, after two years ay muli ko na naman itong nakita. She is one of my favorite people in the world.

"Oh, Pearl. I miss you!" Sabi nito pagkatapos ay kumalas na sa pagyakap. 

"I miss you too, Moma." Masayang sabi ko rin sa kanya. Pansin ko na mas lalong naging kulubot na ang mga balat nito kaysa noong huling beses kaming magkita, bago ako lumipad noon pabalik ng New York. 

"And you brought a girl." Komento nito habang naka tingin ng diretso kay Erica. "Who is she?" 

Marahan na inalalayan ko naman siya papalapit kay Erica para ipakilala. 

"Moma this is Erica, my friend." Mataman na tinignan nito si Erica sa kanyang mukha. Habang iyong isa naman ay agad na namula ang mga pisnge. 

"Magandang araw po." Magalang na pagbati naman ni Erica sa kanya. Lumapit si Moma sa aking tenga at may ibinulong. 

"Are you sure she's just your friend? She's gorgeous, isn't she?" Tanong nito ng may kahulugan sa akin dahilan upang maramdaman ko ang pang-iinit ng aking mga pisnge. Mabuti nalang dahil hindi iyon narinig ni Erica. 

Pagkaraan ng ilang sandali, hinawakan ni Moma si Erica at iginaya na papasok ng kanyang bahay. Habang si Erica naman ay napa patingin sa akin na tila ba humihingi ng saklolo. 

"Come on in, welcome na welcome ka dito hija."  Wika naman ni Moma bago napa sulyap sabay kindat sa akin. Iiling-iling naman ako habang tahimik na naka sunod sa kanilang dalawa. 

Sabay-sabay na kami sa pagkain ng pananghalian, medyo napa dami nga ang inihanda ni Moma eh. Madalas kasi talaga mag-isa lang siya rito, may kasama man pero iyon ay ang kanyang Yaya, isang guard at isang taga linis ng bahay. Mas gusto nito ang tahimik at hindi mataong tirahan. She prefers to always be alone.

"So hija, paano naman kayo nagkakilala nitong apo ko? Nanliligaw ba siya sayo?" 

"Moma!" Saway ko sa kanya dahilan upang mapatawa ito. Habang si Erica naman ay biglang nabilaukan nang marinig ang itinanong sa kanya. 

Sandali itong uminom ng tubig bago tuluyang nagsalita. 

"S-sa isang---" 

"She's one of the best employee in T Corporation." Ako na ang sumagot ng tanong para kay Erica. "I mean, that's why we became friends" Awtomatiko naman na napataas ang kilay ni Moma. Halatang hindi kombinsido sa isinagot ko. 

"You two became friends in just a few days since you came here from NY? Hmmm....interesting." Sabay tingin nito ng malagkit sa akin. 

"Alam mo ba na ikaw pa lamang ang kauna-unahan na ipinakilala sa akin ni Pearl na kaibigan niya? At dinala pa talaga rito mismo sa bahay ko?" Muling pahayag nito na ngayon ay na kay Erica na ang mga mata. 

"Moma." Muling saway ko sa kanya ngunit binigyan lamang ako nito ng ngiti at nagpatuloy sa kanyang sinasabi.

"I'm sure you're not just a friend to her. Dahil hindi ka dadalhin dito ni Pearl sa wala lang, right Pearl?" Dagdag pa niya. 

"I like you." Awtomatiko na napakunot ang aking noo at ganoon din si Erica. "I like you for my grand daughter." Pagpapatuloy niya. "You should bring her here again next time." Sabay baling nito ng tingin sa akin. 

"And make sure na girlfriend mo na siya sa mga araw na iyon." Pagkatapos noon ay tuluyan na siyang napatayo. Habang ako naman ay naiwan na naka nganga at namumula ang mga mukha dahil sa mga sinabi niya. 

"Enjoy the rest of your day, girls!" Pahabol pa na sabi ni Moma. 

Unti-unti naman na nag-angat ang aking mga mata at napadako kay Erica na ngayon ay nangangamatis parin ang mukha. Cute! 

Tinapos lang namin ang aming pagkain na walang imikan at hindi nag-uusapan. Pagkatapos noon ay agad na hinawakan ko siya sa kanyang braso at hinila papunta sa kung saan. Mayroon kasi akong paboritong place dito noon kaya gusto kong ipakita iyon kay Erica. 

Habang naglalakad, hindi ko mapigilan ang hindi mapa sulyap sa kanyang magandang mukha. My Moma is right, Erica is gorgeous and a kind person. Maswerte ang taong mamahalin nito balang araw, ngunit mayroong nagsasabi sa aking sarili na sana ako ang taong iyon. 

Binilisan ko pa ang aking mga hakbang pagkatapos ay huminto sa kanyang harapan dahilan upang matigilan ito sa kanyang paglakad. 

"Erica, nagka boyfriend kana ba?" Awtomatikong namula na naman ang kanyang mukha bago napa iwas ng tingin mula sa akin. 

"Hindi pa?" Muling pagtanong ko. "What about girlfriend?" Pangungulit ko pa bago napa ngiti ng nakakaloko. 

"Pearl." Pagbanggit nito sa aking pangalan. Everytime she mentions my name, there is some electricity flowing all over my body. It seems like it's nice to hear my name when she says it.

"Ilang beses ko ba na kailangang sabihin sa iyo na straight ako? Hindi porke't wala akong boyfriend o hindi pa ako nagkaka boyfriend eh babae na rin ang gusto ko." Naniningkit ang mga mata na sabi nito sa akin. Hindi ko mapigilan ang hindi mapa kagat ng labi. She's hot when she gets angry.

"Why are you so in denial?" Tanong ko sa kanya. 

"Hindi ako in denial. Nagsasabi lang ako ng totoo. Sa totoo lang ako." Pagmamatigas parin niya. 

"At anong totoo? 'Yung hinalikan mo ako?" Tinignan lamang ako nito habang napapa iling upang pagtakpan ang muling pangangamatis ng kanyang mukha. 

"Why? What's wrong with being gay? Hindi naman porke't gay ka eh criminal kana, nag nakaw at naka patay kana. Being gay is being you, like your parents." Paliwanag ko rito. 

"Bakit ba ang kulit mo?" Tanong nito sa akin. 

"Ah basta. Hindi ko na uulitin ang same mistake na ginawa ng mga magulang ko kaya wag mo ng ipagpilitan 'yung bagay na hindi naman ako." Sabay walk out na sabi nito. This time, ako na naman ang napa irap at agad na sinundan siya. 

"Nasasabi mo lang yan. You know the last time I saw you I knew you were gay. Maybe you just haven't figured that out on yourself because you believe more in the things you want to believe than in the truth. Do you get me?" Gosh! I didn't expect I can say such things to someone. Pasalamat siya at gusto ko siya. 

"Please, enough. Okay?" Nauubusan na ng pasensya na sabi nito. 

"Alam mo, maswerte ka dahil kahit gay ang parents mo mas pinili nila ang panindigan ka, hindi ka nila itinago, o maging ang ikahiya. Mas pinili nila ang magsama para sayo." 

A familiar pain drew to my chest when I said those words. I remember again how much my father hated me, how he rejected me many times and hide me from everyone.

"Mahal ko ang magulang ko, Pearl. At thankful ako sa kanila. Pero hindi naman porke't gay sila, eh gay na rin ako. Please, respetuhin mo nalang 'yun. Pwede?" Napatango ako. 

"Alright, sabi mo eh." 

Pagkatapos noon ay hindi na kami muling nagsalita. Walang may gusto ang magsalita hanggang sa palapit na kami ng palapit sa aming dapat puntahan. Ngunit agad akong natigilan noong may itinanong siya sa akin na isang bagay. 

"How do you feel when you are gay? I-I mean paano mo masasabing gay ang isang tao?" A mischievous smile drew to my lips when I heard her question. 

Ang bilis naman yata niyang pag-isipan ang mga nasabi ko kanina?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status