Share

3. The Plan.

"Why? Iniwan mo ko sa yacht ah."-umupo si PJ sa katapat na upuan ni Scott. Nandito si Scott ngayon sa Infinity Bar na madalas nilang puntahan. At nasa VIP room sila ngayon.

Pagkatapos ng revelation kanina at pag-iyak ni Scott at ng kanyang Grandma. Ay nangako si Donya Stephina na hindi-hindi daw nito papalayasin at itatapon na lang basta si Scott kahit na nalaman ni Donya Stephina na hindi sya ang apo nito.

Pero...

Hindi sigurado si Scott...

Dahil nakakaramdam si Scott na simula na..

Na hahanapin ng kanyang Grandma ang taong yun.

Kilala ni Scott ang pamilya nya.

Lalo na si Donya Stephina. Kung may gusto malaman si Donya Stephina talagang huhukayin nito yun hanggang sa kadulo-duluhan.

Ang hula ni Scott ay sa malamang may private investigator na si Donya Stephina para hanapin ang totoong Apo nito.

"Hoy! Earth to Scott... Tinawag-tawag mo ko dito tapos tutulala ka lang dyan?"-nagising si Scott sa malalim na pag-iisip ng naramdaman nyang tinapik sya ni PJ sa balikat.

Hindi ininda ni Scott ang malakas na tapik sakanya ni PJ bagkus ay deretsyong tinignan ni Scott sa mga mata ang kanyang bestfriend. 

"May kilala ka bang Detective? o kahit ano basta magaling humanap ng tao?"-seryosong tanong ni Scott kay PJ. Napa kunot naman ng noo tumingin eto kay Scott.

"Wait...What? Anong trip nanaman yan Bro?"- pailing-iling pang natatawang balik na tanong ni PJ at umiwas ng tingin si PJ kay Scott saka kumain ng chips na nasa harapan nila.

Pumikit muna si Scott ng mariin at huminga ng malalim bago ulit dumilat.

"I'm serious Paul John Augustin."-matalim na tinignan ni Scott si PJ. Para malaman nito na hindi sya nag bibiro.

"Woah! Easy man. Kung seryoso ka... Okay, I know someone. Kaso super layo ko ng pinsan yon. Pero sure akong lahat ng ipapahanap mong tao, bagay o hayop kaya nyang hanapin."-sagot agad ni PJ na mukhang natakot kay Scott.

Biglang napangisi ng malaki si Scott.

Uunahan ni Scott ang kanyang Grandma o kahit ang Ama nya sa paghahanap sa totoong anak daw ng Dela Vega.

Dahil hindi sya papayag na basta na lang nito kunin lahat sakanya. Mag kamatayan man.

"Natatakot na ko sayo bro huh? Ano ba yang iniisip mo?"-takang tanong ni PJ na halata sa mukha nito na naguguluhan ito sa mga inaakto ngayon ni Scott.

"I just found out na hindi ako totoong anak ni Dad."-malamig na boses na sagot ni Scott kay PJ. Na samid naman si PJ sa kinakain nito ng marinig nya yung sagot ni Scott.

"Ehem! What the f*ck?! Are you serious?!"-di makapaniwalang tanong ni PJ kay Scott. 

"Sa tingin mo pina-prank lang kita? I wish na sana panaginip lang yung nangyari kanina. O kaya sana mag ka amnesia ako at ilihim na lang ni Grandma na ampon ako."-asar na sagot ni Scott kay PJ at saka uminom ng alak si Scott sa basong hawak nya.

"Sh*t. Wow."-di parin makapaniwala ang itsura ni PJ kaya naasar lalo si Scott kaya binato nya sa mukha ni PJ yung isang bag ng chips na nadampot nya sa mesa. Agad naman na salo ni PJ yung binato ni Scott dito.

"Wow, right? at tutulungan mo ko hanapin kung sino man ang totoong anak ng Dela Vega."-seryosong sabi ni Scott kay PJ.

Gulat na tumingin si PJ sa bestfriend nya na tinaasan lang sya ng kilay.

"Bakit mo ko isasali dyan? Saka ano namang gagawin mo pag nahanap mo yung sinasabi mong totoong anak nga ng Dela Vega Family?"-naguguluhang tanong ulit ni PJ.

"I don't know. Gusto ko lang unahan si Grandma o si Dad sa paghahanap sa taong yun and maybe mapigilan na mahanap sya ng tuluyan nila Grandma."-kibit balikat na sagot ni Scott. Pero ang goal talaga ni Scott ay ipamukha sa kung sino man yun na wala syang lugar sa Dela Vega Family.

"Eh bakit di mo na lang pakasalan?"-napakunot ang noo ni Scott at tumingin kay PJ na nag wiggle pa yung mga kilay nitong nakangiti sakanya.

Na parang ang galing ng idea nito.

"What?"-asar na tanong din ni Scott kay PJ. Anong kalokohan nanaman kaya ang naiisip ni PJ?

"I'm just giving an idea here bro. Paano kung babae yung totoong anak ng Dela Vega Family? Win-win sayo bro! Nasa Dela Vega ka parin at may instant asawa ka pa!"-di parin mawala ang ngiti sa mga labi na sagot ni PJ. Napaisip naman si Scott sa nabuong plano ni PJ.

Parang...

Magandang idea nga eto para kay Scott

Dahil kahit na palayasin man si Scott at kahit tanggalan pa sya ng mana. Kung papakasalan nya ang totoong anak ng Dela Vega Family

Magiging part parin sya ng pamilya.

At kaya nya paring gastusin lahat ng pera nila Donya Stephina at ng kanyang Ama.

Lalong lumawak ang ngisi sa mga labi ni Scott.

"Oh! Mukhang nagustuhan mo na yung idea ko noh?!"-sinundot-sundot pa ni

PJ yung braso ni Scott pero nginisian lang sya ni Scott.

"Kaso... Paano kung lalaki yung totoong anak ni Tito Shawn?"-alangan na tanong bigla ni PJ kay Scott.

Pailing-iling na nakangisi parin si Scott at saka tumingin ng mataman kay PJ...

"I don't care kung babae o lalaki o kahit ano pa sya. Because, I'm definitely sure that he or she...

will fall into my palms."

                                                              -♡♡♡♡♡-

MoonBucks Coffee Shop 9:15 am.

"Wala kang kahit clue kung sino ang taong ipapahanap mo?"-tanong ni Matteo Augustin o Theo. Eto yung pinsan ni PJ na Detective daw. Ayon pa kay PJ ay sobrang galing daw nitong detective kahit anong case or missing person ay na lulutas nito.

Kaya pumayag si Scott na makipag meet kay Detective Theo. Hindi rin kinalimutan ni Scott na mag suot ng black cap at shades. Baka kasi may ibang taong makakilala pa sakanya dito sa coffee shop at bigla syang dumugin.

Kung hindi nyo pa alam mas sikat pa si Scott kaysa sa mga idol nyo kahit hindi pa sya artista.

Kaya kailangan nyang mag disguise. At kailangan nya din mag ingat dahil baka palihim na pala syang pinapasundan ng kanyang Grandma sa mga alalay nito.

Nung dumating na si Detective Theo ay walang paligoy-ligoy na pina kwento kay Scott lahat ang nangyari nung nakaraang araw. At sa revelation about sa identity ni Scott.

"Nope. Ang sabi lang ay totoong anak ng mga Dela Vega. Just find her or him. Kailangan kong unahan si Grandma na mahanap sya. Mag babayad ako kahit magkano magawa mo lang ang request ko."-sagot ni Scott saka tumango si Detective Theo. At may sinusulat si Detective Theo sa maliit na notebook na hawak nito.

"Okay, I will do my best. Thank you Mr. Scott mauuna na ako. I will call you kapag may information na about sa person na eto."- tumayo si Detective Theo at ganun din Scott. Nakipag shake hands eto kay Scott.

"Okay." - maliit na ngumiti si Scott dito at umalis na si Detective Theo.

Bumalik sa pagkakaupo si Scott saka uminom ng kape.

At sa hindi malamang dahilan ay  biglang napa ngisi si Scott.

Sana talaga maunahan nya ang kanyang Grandma or even his Dad dahil who knows? baka gusto din nitong hanapin ang legit nitong anak.

Sisiguraduhin ni Scott na sya ang unang makakhanap sa taong yun at magiging part parin si Scott ng Dela Vega Family. Walang dahilan para alisin sya sa buhay na kinalakihan nya.

Never.

-♡♡♡♡♡-

Bus Stop 9:15 am

Dali-daling sumakay sa bus si Skyler dahil male-late na sya.

Eto na nga ba sinasabi nya sakanyang sarili sa sobrang pagod kasi ni Skyler galing sa Part-time job nito kagabi di nya na narinig ang pag alarm ng cellphone nya.

"15 minutes na lang start na yung klase."-kinakabahan na sabi ni Skyler sakanyang sarili habang nakatingin sya sa suot na wrist watch.

Huminto na ang bus na sinasakyan ni Skyler sa T University kung saan sya nag-aaral ngayon. Bumaba agad si Skyler sa bus at lakad takbo ang ginawa nya.

Bawal syang malate dahil marerecord eto sa perfect attendance nya. Bad record iyon para sakanya dahil mahigit 3 years nya ng inaalagaan ang attendance record nya sa school dahil nga isa syang scholar.

"Good morning, Kuya Skyler!"-bati kay Sykler nung mga freshmen na nakasalubong nya. Saglit na tumingin si Skyler sa mga freshmen saka binigyan nya ang mga ito ng maliit na ngiti. At muling mabilis na naglakad si Skyler papuntang Fine arts building.

Tuluyan na syang tumakbo papuntang classroom nya ngayon.

Agad naman nakapunta si Skyler sa classroom na hingal na hingal. At nagpasalamat naman si Skyler nung nakita nya na wala pa ang Professor nila.

"Bakit parang hinabol ka ng sampung kabayo, Sky?"-natatawang bungad ni Lester Ortega. Na kaklase at kaibigan ni Skyler. Tumabi si Skyler kay Lester at nanghihinang naupo.

"Akala ko *hingal* male-late na ko."-hinihingal na sagot ni Skyler kay Lester.

"Good news. Wala si Sir!"-napatulala na lang si Skyler sa sinabi ni Lester. 

Parang tinakasan ng kaluluwa si Skyler sa nalaman nya.

Sayang yung tinakbo nya! Hindi pa nga sya nag a-almusal para lang makahabol sa klase nila.

"Seryoso ka?"- di makapaniwalang tanong ni Skyler kay Lester. Nagsimula naman tumawa si Lester dahil sa katangahan ni Skyler. Masamang tinignan ni Skyler si Lester na kalaunan ay tumigil din sa pagtawa.

"Ah... nga pala baka makalimutan kong ibigay sayo."-pagkatapos pagtawanan ni Lester si Skyler ay may kinuha etong papel at binigay ito kay Skyler.

"Ano naman to?"-kunot noong tanong ni Skyler at kinuha yung papel mula kay Lester.

"Uso mag basa diba? Pinapabigay ni Sir yan na project daw ngayong finals. Next week na lang daw yung klase at need natin mag hanap ng model ngayong week."-sagot ni Lester at binasa ni Skyler ang nakasulat sa papel. Puro instructions ang nakasulat para sa final project nila.

Eto na yung event na hinihintay ni Skyler simula nung 2nd year college sya.

Kaso...

"Saan naman ako hahanap ng model para sa project na to?"-asar na tanong ni Skyler sa kawalan. Ang project kasi ay gagawa sila ng unique fashion outfit at kailangan nila ng mga model. Tapos magkakaroon ng Fine Arts event at duon ipapakita yung mga projects na ginawa nila. At individual project ito.

"Same here tol. Kung ako na lang pwedeng maging model ng sarili kong project."-malungkot na sabi ni Lester. Napaisip naman si Skyler kung sino ang pwede nyang gawing model sa project na eto.

Si Kurt at Lester lang ang mga kilala nyang kaibigan. Di naman pwede si Lester dahil classmate nya ito at need din ni Lester ng model. Si Kurt naman... Ayon dito sa instructions ng kanilang Professor ay may height requirement sa model. Mas maganda kung 6 footer daw at hindi pasok si Kurt 5'8 lang ito at magka height lang sila ni Skyler.

Napasabunot na lang si Skyler sa buhok at dumukdok sa mesa.

Dahil panibagong stress nanaman eto para kay Skyler.

"Sana may sumulpot na lang sa harapan ko na mag peperesentang maging model ko."

hiling ni Skyler at napa iyak na lang sa kawalan.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status