Share

4. His Target.

Kinagabihan... Scott's Studio 10:00 PM

Nandito ngayon si Scott sa sarili nyang studio. Dahil hilig nya ang paggawa ng kanta ay naisipan ni Scott na mag tayo ng sarili nyang music studio.

Sekreto lang ito at hindi nya sinasabi sa iba na gumagawa sya ng mga kanta. Si Donya Stephina at PJ lang ata ang may alam. At sigurado si Scott na wala namang pakealam ang kanyang Ama sakanya kaya hindi na kailangan pang sabihin ni Scott ang tungkol dito sa studio.

Nakatutok lang si Scott sa screen ng computer nya ng may kumatok.

*Tok.Tok.Tok.*

napakunot ng noo si Scott dahil hindi naman nya tinawagan si PJ na pumunta sa studio nya.

Tumayo si Scott para buksan ang pintuan...

"Why? Paano mo nalaman ang lugar na to?"-takang tanong ni Scott kay Detective Theo na naka ngiti sakanya.

"Malamang I'm a Detective."- laking ngiting sagot ni Detective Theo sakanya. Halata naman ni Scott na sarcastic yung sagot ni Detective Theo.

Napairap na lang si Scott at nilakihan yung bukas ng pinto.

Pumasok si Detective Theo sa studio nya at umupo sa sofa. Ganun din ang ginawa ni Scott umupo sya sa tapat na upuan nito.

"So, ano ang balita?"-tanong ni Scott tungkol sa pinapahanap nya. 

"I have a good news."-sagot ni Detective Theo at nilapag sa mesa ang isang envelope. Kinuha ni Scott yung envelope.

"Wala talaga akong clue kung paano ko hahanapin ang pinapahanap mo. Ang sabi mo totoong anak ng mga Dela Vega. At dahil dun naisip ko na hanapin muna ang hospital kung saan ka pinanganak."-panimulang kwento ni Detective Theo.

"I found your files. At inalam ko kung sino pa ang pinanganak nung araw na sinilang ka. And guess what? isang file lang ang nahanap ko. Ayan. Baka sya ang totoong anak ng mga Dela Vega."-tinignan ni Scott ulit ang envelope at tumango-tango.

Nasa envelope na eto ang kasagutan sa lahat. Huminga ng malalim si Scott.

Binuksan ni Scott yung envelope at nakita nyang naglalaman iyon ng isang papel at ilang litrato.

Isang lalaki ang nakita ni Scott...

"His name is Skyler Perez. 20 years old, Nag aaral sya ngayon sa T University. 3rd year college Fine Arts major in Fashion designing ang course nya. Parehas buhay ang parents nya na nasa Bulacan na duon din lumaki at nag aral ng Elementary at High school si Skyler.

Dating nag tatrabaho ang parents nya sa isang Factory pero natanggal din ang mga eto. Ngayon si Skyler ang nagtatrabaho para sa sarili nya. Sa isang Samgyupsal shop na pag mamay-ari ni Kim HanMoo. Kasama ang Bestfriend nito na si Kurt Carpio. And ayon pa lang ang nakukuha kong informations tungkol kay Skyler Perez..."-mahabang kwento ni Detective Theo sa lahat ng nahanap nito.

Magaling na Detective si Detective Theo. Lahat ng kailangan na information ni Scott ay nasabi nito at mabilis pa. Akala ni Scott ay maghihintay pa sya ng matagal bago nito mahanap ang taong to.

Kaso ay... hindi sigurado si Scott kung etong taong nahanap ni Detective Theo ang totoong Dela Vega. At ang pamilya nitong Skyler ang possible namang totoong pamilya ni Scott. Pero kailangan munang siguraduhin ni Scott na ang Skyler na to ang tamang taong hinahanap nya.

Kaya naman lumaki ang ngisi ni Scott sa mga labi.

"Skyler Perez..."-ulit na banggit ni Scott sa pangalan ng lalaking nasa litratong hawak nya.

Aaminin ni Scott ang feminine ng mukha ni Skyler... Kahit litrato lang ang hawak ni Scott ay halata na makinis ang mukha nito, matangos ang ilong, mapupula ang mga labi, At naalala bigla ni Scott ang kanyang Ina sa mga mata ni Skyler.

Pero kailangan pa rin manigurado ni Scott.

"Good job Detective Theo. Hindi ako nagsisi na nag tiwala ako sayo."-pinuri ni Scott si Detective Theo at binalik ni Scott ang mga papel at litrato nung Skyler sa envelope.

"So, anong gagawin mo ngayon?"-takang tanong ni Detective Theo. Umayos muna ng upo si Scott bago ito sumagot sa tanong ni Detective Theo.

"I have a plan. A perfect plan."-makahulugan na sagot ni Scott saka ngumiti sa kawalan.

Skyler Perez...

Be ready.

Because soon, you will be mine.

-♡♡♡♡♡-

Kim's Samgyupsal 11:16 PM

Nag mamop ng sahig si Skyler samantalang si Kurt ay nag pupunas ng mga lamesa. Pasara na ang shop at nag uusap lang sila ni Kurt tungkol sa mga projects nila ngayong finals.

"So, nakahanap ka na ng imomodel mo para sa project nyo?"-tanong ni Kurt kay Skyler. Ikwinento kasi ni Skyler dito kay Kurt yung tungkol sakanilang final project.

Napatigil naman sa pag mop si Skyler at huminga ng malalim.

"Ayun na nga. Wala atang interesadong maging model ko. Nag tanong-tanong narin ako sa ibang students sa T.U ayaw nila."-malungkot na sagot ni Skyler. Confident naman si Skyler na magagawa nya yung Unique Outfit para sa Fine arts event. Dahil last year nya pa pinaghahandaan iyon.

Ayon narin kasi sa mga seniors ni Skyler dati na every year talaga na may Fine arts event na nangyayari. Kaya naman dali-dali nuon si Skyler na gumawa ng mga outfit na sarili nyang design.

Balita rin ni Skyler na may manunuod na mga Professional Fashion Designers. Na pwede silang kunin kapag nagustuhan ng mga ito yung isa sa mga gawa nila.

Kaya naman na iistress na si Skyler at kailangan nya kaagad magawa yung project.

"Kung ka schoolmate lang natin yung sikat na model ngayon na si ano ba pangalan nun? Ah! Si Scott Dela Vega baka may chance ka pang sya maging model mo."-binigyan ni Kurt ng nakakalokong tingin si Skyler. Biglang sumimangot naman ang mukha ni Skyler dahil sa sinabi ng bestfriend nya.

Ayan nanaman yung Scott Dela Vega na yan. Walang araw talaga naririnig ni Skyler ang pangalan na yun.

"Kahit na nag-aaral yun sa University natin impossible yang sinasabi mo."-umirap sa kawalan na sabi ni Skyler at tinuloy ang pagma-mop.

Nakita ni Skyler sa peripheral vision nya na nagkibit lang ng balikat si Kurt.

Ilang minuto rin ang lumipas ay sinara na ni Skyler at Kurt ang shop.

Busy si Kurt sa pag lock sa pintuan ng shop kaya humarap si Skyler sa may kalsada.

Nang may mapansin itong si Skyler na lalaking nakatayo at naka cross arms na nakasandal pa sa kotseng pula na mukhang pag mamay-ari nito.

Nanliliit na mga matang tinignan ni Skyler yung lalaki mula ulo hanggang paa. Kahit na malabo ang nakikita ni Skyler ay naaninag nya na Matangkad yung lalaki. Naka black jeans at v-neck white shirt pa ito. Pero ang napansin ni Skyler ay parang mamahalin yung suot nung lalaki kahit simple lang. Tapos may suot-suot pa etong shades kahit wala namang araw.

Hindi sigurado si Skyler kung sakanila naka tingin yung lalaki dahil sa shades na suot nga nito pero nararamdaman ni Skyler na tama ang kutob nya.

Bigla tuloy kinabahan si Skyler. Baka kung sino eto at bigla silang saktan ni Kurt.

"Kurt..."-siniko ni Skyler si Kurt sa tagiliran para tawagin ang pansin nito.

"Ano ba Sky! Di ko ma shoot yung susi sa lock wag kang malikot."-asar na sabi ni Kurt na busy parin malock yung pintuan.

Napalunok ng mariin si Skyler ng makita nyang ngumisi sakanya yung lalaki.

Lalong lumakas yung kabog ng dibdib ni Skyler.

Ang hiling lang ni Skyler ay wag sana silang mapahamak ni Kurt.

Oo, aamin nya na. Matatakutin talaga si Skyler lalo na sa mga ganitong bagay. Saka sino bang hinidi matatakot? Nasa kabilang kalsada lang yung lalaki at sakanila lang ni Kurt nakatingin na may extrang creepy smile pa eto.

"Ayan! Tapos na."- masayang sabi ni Kurt at nilagay yung susi sa bag nito.

"Ano Skyler? una na ko."-rinig ni Skyler na paalam ni Kurt. Pero sa misteryong lalaki parin nakatingin si Skyler. Naka ngisi parin eto sakanya kaya agad na humawak si Skyler sa braso ni Kurt.

"A...ano pwedeng makitulog sa inyo?"-kabadong tanong ni Skyler kay Kurt at lumingon dito. Kumunot ang noong tumingin si Kurt kay Skyler.

Ayaw ni Skyler na mag hiwalay sila ni Kurt dahil baka isa sakanila ang target nung lalaki.

"Hmm... Okay lang naman. Saka matagal na rin yung last overnight mo sa bahay."-payag na sagot ni Kurt sa biglaang aya ni Skyler na dun muna sya mag o-overnight kila Kurt.

Nakahinga naman ng maluwag si Skyler.

Kaya nag umpisa na silang mag lakad ni Kurt papuntang bahay nito. Hindi maiwasan ni Skyler na tumingin ulit duon sa lalaki.

Habang naglalakad sila ni Kurt ay lumingon ulit si Skyler at nagulat si Skyler ng sumunod ang tingin sakanila nung lalaki at kumaway pa eto kay Skyler habang di parin nawawala ang ngisi nito sa mga labi.

Nanlaki ang mga mata ni Skyler at kabadong humarap na sa kalsadang nilalakaran nila ni Kurt.

Kung sino man yung lalaking yun...

Ang creepy lang.

                                                         -♡♡♡♡♡-

Hindi mawala ang ngisi ni Scott habang nag da-drive ito papunta kung nasaan ang future fiancè nya.

Tinignan ni Scott yung papel na hawak nya na ibinigay ni Detective Theo. Na kasulat sa papel ang address ng Samgyupsal shop na pinag part-time ni Skyler.

Night shift daw etong si Skyler at yung bestfriend nito. Ang mag bestfriend rin ang nagsasara ng shop. Kaya may chance na makita ni Scott ngayon si Skyler.

Gusto nya lang ito makita kahit saglit lang. Dahil curious si Scott kung ano ba ang itsura ni Skyler sa personal. At pakiramdam ni Scott na di sya makakatulog kapag di nya nakita ngayon si Skyler Perez.

Nakita kaagad ni Scott yung shop na sinasabi ni Detective Theo at hininto ang kotse nya sa katapat na kalsada.

Maliwanag pa sa loob ng shop pero di masyadong makita ni Scott yung mga tao sa loob. Kaya kinuha ni Scott yung shades nya na naka sabit lang sa white shirt na suot nya.

Pagkalabas ni Scott ay sinuot nya agad yung shades at sumandal sya sa kotse nya para hintayin si Skyler na lumabas.

Mga ilang minuto din ang hinintay ni Scott dito sa labas kahit na malamig ay hindi nya alintana.

Napa straight ng tayo si Scott ng makita nyang lumabas ang dalawang lalaki sa shop. Magka height ang mga eto yung isa busy sa pag-sara ng pintuan ng shop.

Samantalang yung isang lalaki naman ay...

Humarap sa gawi ni Scott.

Lumaki ang ngisi sa mga labi ni Scott ng makita nya na ang taong hinahanap nya.

Ang kanyang Target.

Pinagmasdan lang ni Scott si Skyler na mukhang sinisuri sya nito.

Kaya ginawa rin iyon ni Scott. Tinignan ni Scott si Skyler mula ulo hanggang paa. Sa tingin ni Scott ay hanggang balikat nya lang si Skyler. His face was small. Kahit malayo ay kita ni Scott kung gaano ka kinis ang mukha nito.

Kahit na simple at mukhang cheap ang suot na blue jeans at gray jacket nito ay bumagay eto kay Skyler.

And he looks like a lost puppy.

Cute...

Sabi ni Scott sakanyang isipan. Biglang napansin ni Scott na siniko ni Skyler yung kasama nito. Pero hindi nito pinansin si Skyler.

Nakatingin parin si Skyler kay Scott na mukhang natatakot eto.

Alam naman ni Scott na mukha talaga syang nakakatakot. Dahil sino naman ang tatambay dito dis oras na ng gabi at nakatayo lang sa katapat na kalsada?

Siguro ay si Scott lang ang gagawa ng ganito.

Mga ilang saglit lang ay nasara na nung kasama ni Skyler yung pintuan ng shop. Tinatandaan naman ni Scott kung anong pangalan ng kasama ni Skyler. At ang hula ni Scott ay bestfriend ito ni Skyler.

'Ah nevermind.'-sabi ni Scott sakanyang isipan at tumingin ulit sakanyang target.

Mas mahalaga ay nakita nya si Skyler.

Pinapanuod lang ni Scott ang bawat galaw ni Skyler. Hinila ni Skyler yung braso nung kasama nito at nag-usap ang mga ito saglit.

Hindi marinig ni Scott dahil sobrang layo nya sa mga ito.

Tapos ay nag lakad ng sabay si Skyler at yung kasama nito sa kaliwang kalsada. Hindi rin alam ni Scott kung saan pupunta ang mga ito pero sinundan nya lang ng tingin si Skyler.

Lumingon si Skyler kay Scott na ikinagulat naman nya. Nakita ni Scott na di parin nawawala ang natatakot sa mga matang nakatingin sakanya si Skyler.

Kaya ang ginawa ni Scott ay tuluyan ng ngumiti dito at kumaway para mag paalam.

Nanlaki naman ang mga mata ni Skyler saka umiwas na nang tingin kay Scott. Napatawa ng mahina si Scott.

"He's too cute."- di parin maalis ang ngiti sa mga labing sabi ni Scott. At pinagmasdan ang papalayong Skyler.

Hindi na makapag hintay si Scott na makausap si Skyler para ayain mag pakasal.

At sigurado si Scott na mapa-papayag nya agad si Skyler.

Why not? Sya lang naman si Scott Dela Vega.

Nasakanya na ang lahat. Fame, Money, and Looks...

Lahat ng mga babae or even boys ay gagawin ang lahat para lang makuha ang atensyon nya.

Kaya naman confident si Scott na madali nya lang makukuha si Skyler at mapapaikot nya ito sa mga palad nya.

Baka nga mabaliw pa etong si Skyler at mag tatalon sa tuwa kapag lumuhod si Scott sakanya at ayain na pakasalan nya ito.

Ngumisi si Scott at pumasok na sa kotse nya para umuwi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status