Kinabukasan ay isang bangkay ang natagpuan sa harap nang paaralan nang San Ramon Academy at ang estudyante ay kinilala sa pangalan na Shawn Pamoy na ang isa sag a dinukot.
Agad na kaming remesponde sa eskwelahan. Nakita namin na wala na rin laman at loob ang estudyante, kasabay namin na dumating ang Pamilyang Pamoy para kumpirmahin na kung anak ba nila ang nakahilata sa sahig na walang buhay.
Nang makalapit ang nagpakilalang ina nang bata ay nag wala na ito dahil anak niya nga ang batang nakahiga.
“Ang anak ko! Ang anak ko! Renz ang anak natin!” sigaw nang ginang. Halos hindi siya makapaniwala na ganito ang sinapit nang kanyang anak.
Nakatunog din ako, posible kaya ang pumatay sa anak ni Sir Luisito ay siya rin ang dumukot sa iba at pumatay sa kawawang bata itong? Ito ang katanungan na kailangan namin masagot.
Nagulat kami nang biglang sumulpot si Colonel Collins sa amin at tiningnan ang bangkay. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aa
“Major? May nakita akong mga pasa sa binti nang biktima mukhang minaltrato pa itong batang lalake na ito bago tinuluyang patayin,” sabi sa akin ni Lucy. “Teka teka, namatay ba ang batang lalake sa pagpalo nang mga bagay-bagay sa kanya bago tinuluyang hiwain ang kanyang katawan pati tanggalin ang laman at loob nito?” pagliliwanag ko sa kanya. “That’s right. Nagkaroon nang internal bleeding ang bata, isa pa. Kung titingnan mo ang ulo nang bata na ito, mukhang hinampas din ito nang malakas, nahimatay itong bata, nawalan nang malay at pinagpatuloy pa rin ang paghahampas nang kriminal hanggang sa tuluyan na itong mawalan nang buhay at inumpisahan na hiwain ang kanyang dibdib hanggang tiyan,” sabi sa akin ni Lucy. “Kahit an
“Nakasulat sa noo nang batang lalake ang salitang ‘JUSTICE’,” sabi sa akin ni Luna. Anong hustisya ang hinahanap niya? Eh dapat ang magkaroon nang hustisya ay ang pamilya nang mga batang ito. “Oh God…” sabi ni Nicky habang hawak-hawak ang kanyang laptop. “Bakit anong mayroon?” tanong sa kanya ni Austin. Iniharap ni Nicky ang kanyang laptop sa amin at inilagay ang laptop sa lamesa. Nakita namin ang dalawang batang lalake na nakalive sa isang website. Nakatali silang dalawa sa armchair at nakapiring. “Hindi ko matrace ang location kung nasaan nanggagaling ang signal. Mukhang matindi ang ginamit niyang website breaker at hinacked ito,” sabi naman ni Nicky. “Shit! Anak ito si Sir Collins at ang kaibigan niya, kailangan natin ang Cybercrime group ipaabot sa kanila ang balita!” utos ko kay Symae. Tumingin ako sa may upper right side at nakalagay na nakalive ang video na ito at napapanood nang mga tao. “Ngayon? Pwede ko na ba makuha ang atensyon ninyo?” sabi nang lalake na hindi kita a