Share

2 Police Captain Luna Rose Enriquez

Hindi ko maiwasan na mainis dahil wala kaming makitang lead. Walang silbi ang mga balang naiwan kung hindi man lang ito matutukoy kung sino ang pumatay. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang aking mata. “Richard? Pwede bang ipagtimpla mo ako nang kape?” paghingi ko nang pabor sa kanya. Sinunod niya naman agad nag aking utos. Napahawak ako sa aking ulo at hinilot-hilot ang aking sarili.

Pagbalik ni Richard ay may kasama na siyang ibang lalake na pumasok sa aking office. “Ma’am ito na po ang kape niyo. May ipag-uutos pa po kayo?” tanong niya sa akin sabay ipinatong ang baso sa aking lamesa.

“Salamat, gusto kong maghanap ka pa nang mga kamag-anak nang biktima o kaya naman ang kapatid niya, baka kase may alam sila patungkol sa krimen na nangyare,” sabi ko sa kanya. Agad naman lumabas si Richard sa aking opisina at ginawa ang aking pinag-uutos.

Binigyan pansin ko ang lalake na pumasok kasama ni Richard dito. “You must be Police Captain Luna Rose Enriquez?” tanong sa akin nang lalake. Nagulat ako nang inabot niya ang kanayang palad at nakipag-kamay sa akin.

“Yes and you are?” pabalik kong tanong sa kanya at nakipag-kamay na rin ako.

“Police Major Alexander Dawson.” Nang marinig ko ang kanyang pangalan at rango ay agad akong tumayo sa aking upuan at sumaludo sa kanya. Paano ko nakalimutan ang kanyang pangalan at mukha? Tanong ko sa aking sarili.

“Good morning Sir Dawson,” pabawing bati ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at binalik niya naman sa akin ito at agad kong siyang sinaluduhan.

Nakita ko rin si Celyn sa kanyang kinatatayuan at biglang nanginig ang kanyang mga hita. Hindi niya rin ata kase siya napansin dahil sa sobrang pananaliksik niya sa kanyang laptop.

“Natanggap ko ang pormal na mensahe galing kay Police Colonel Santos. Sinabi niya sa akin na tayo at team na SCI ay ang inatasan na i-resulba ang kaso nang pagpatay sa biktima na si Robert Malinao, isang business man. Maari ko bang makita ang iba pang mga dokumento?” paghingi niya sa akin. Agad kong binigay sa kanya lahat ng papel at mga litrato na kailangan niyang makita.

Ibinigay ko na rin ang resulta sa forensic examination at autopsy. Napakamot din si Police Major Alexander sa kanyang mga nabasa at nakita. “Walang lead dito. Kulang ang impormasyon,” sabi niya sa akin. Ito rin naman talaga ng hinala ko.

Alam ko na wala kaming makukuha. May mga kulang, wala din kaming maituro na posibleng suspek. Ang sabi din sa akin ni Richard ay hindi daw alam ni Misis Malinao kung sino ang huling kasama nang kanyang asawa. Basta ang huling pag-uusap lang nila ay sinabi ang kanyang asawa na uuwi na siya sa kanilang bahay.

“Sir Dawson? 9mm ang posibleng ginamit sa pagpatay, isa pa pinag-pu-putol pa ang katawan nito. Nakahiwalay ang kanyang braso at hita sa kanyang katawan at isang tama nang baril sa kanyang ulo, bago pinaulanan nang suspek ang siyam na bala sa katawan,” sabi ko sa kanya.

“Just call me Alex. Hindi ako sanay na tinatawag na sir okay?” sabi niya sa akin. Doon ako nagtaka. Bakit? Una sa lahat kailangan kong gumalang sa kanya dahil senior ko siya.

“Ah. Opo sir--- ay Alex pala,” pagdadalawang isip ko pa na sasabihin.

“Ang mga cctv sa mga bahay? May nakakuha ba nang kopya sa inyo?” tanong sa akin ni Alexander habang hawak-hawak ang mga litrato sa kanyang mgapalad.

“Walang kahit anong video ang nakalap namin. Sinubukan kong pasukin ang kanilang server pero walang lumalabas,” sagot sa kanya ni Celyn.

Tatlong araw na hindi umuusad ang kaso dahil wala kaming makitang lead kundi sa sampung bala. Hindi rin namin na-recover sa crime scene ang lagaring bakal at baril na ginamit nang suspek.

Napaupo ako sa aking sofa at binuksan ang telebisyon. Nabasa ko ang isang report galing sa medya patungkol sa murder case ni Mister Robert Malinao.

Ang mga pamilya nito ay hindi matahimik sa krimen na ginawa sa kanilang kamag-anak. “Nasaan na ang mga kapulisan ngayon? Nasaan na ang hustisya sa aking asawa?!” Sigaw nang misis ni Robert Malinao.

Akala ko ba gusto na niyang manahimik at wala siyang gusto sabihin sa amin dahil ayaw na niyang madamay sa krimen. Bakit ngayon nagpo-protesta siya?

Wala na rin akong magawa dahil patuloy pa rin kaming naghahanap ng ibang ebidensya. Para kaming naghahanap sa kawalan dahil hindi naman namin alam kung ano ang aming hahanapin. Napatayo ako sa aking kinauupuan nang may biglang kumatok sa aking pinto. “Sino yan?” patanong ko.

“Kuya mo,” sagot niya sa akin. Boses pa lang ay kilala ko na talaga na kuya ko nga ang nasa labas. Binuksan ko ang pinto, si Kuya Liam nga. Pinatuloy ko siya sa aking condo. Nakita kong may dala siyang pansit at ice cream.

“Napadalaw ka? Walang trabaho?” tanong ko sa aking kuya.

“Alam ko kase na stress ka ngayon. Kaya naisip ko na dalawin ka,” sagot sa akin ni Kuya Liam. Tumingin sa telebisyon si Kuya at pinanood ang balita at nag-kunot ang kanyang noo.

“Diba kayo ang may hawak nang kaso nayan?” tanong niya sa akin. Napayuko ako sa sahig dahil nahihiya ako na hindi pa umuusad ang kaso.

“Opo Kuya Liam,” sagot ko sa kanya.

“Kamusta ang takbo nang kaso?” pabalik niyang tanong sa akin.

“Wala kaming makuhang lead, walang witness, walang cctv record na nakuha, wala lahat bukod sa sampung bala,” inis na sagot ko sa kanya.

Napasimangot ako dahil sa naririnig kong boses nang mga tao galing sa telebisyon. Kinuha ko ang remote at inilipat nang channel ang telebisyon.

“Halika nga.” Binuksan ni Kuya Liam ang kanyang braso at pinapalapit niya ako sa kanya para bigyan siya nang mahigpit na yakap.

Sinabi niya sa akin na namiss niya ako at ganun din naman ako, sa dami ba naman nang mga gawain sa aming trabaho ay bihira nalang kaming mag-usap at magkita.

 “Huwag mo na akong alalahanin. Okay lang ako. Ikaw ang inaalala ko kung okay ka lang.” Masasabi ko talaga na malambing at mapag-alaga ang aking kuya simula pa nang isinilang ako. Binigyan ako ni Kuya Liam ng halik sa aking noo at niyaya akong umupo sa harap nang lamesa.

“Ayan! Surprise! Binili ko ang paborito mong cookies and cream na ice cream at good morning pancit! Kain tayo,” sabi sa akin ni kuya. Kinuhaan niya ako nang kagamitan pangkain at sabay kaming kumain ni Kuya.

“Death anniversary ngayon nila mama at papa,” sabi sa akin ni Kuya Liam. Bigla akong nalungkot sa kanyang sinabi. Oo nga pala. Isang taon na palang patay ang aming mga magulang dahil sa plane crash.

Hindi kami napasama sa kanilang bakasyon sa Cebu dahil marami kaming ginagawa sa trabaho kaya nagpasya sila mama at papa na sila nalang ang mamasyal. Hindi naman namin inakala na ganito ang mangyayari sa kanila.

“Dadalawin ba natin ngayon sila mama at papa?” tanong ko sa kanya.

“Kaya kita binisita dito dahil talagang dadalawin natin sila,” sagot niya sa akin. Pagkatapos namin kumain nang tanghalian ay nag-bihis ako nang pantalon at long sleeves na may design na panda. Bumaba na kami papuntang parking lot at sumakay sa loob nang kotse nang aking kuya.

Pinaandar na ni Kuya ang kanyang sasakyan papunta sa sementeryo. Bumaba na kami sa sasakyan at nag-alay ng bulaklak, sinindihan ang kandila at nanalangin kami nang taimtim.

“Hi mama at papa, kamusta na kayo diyan sa langit? Masaya ba diyan?” tanong ni Kuya Liam. Medyo napasimangot ako at hinampas si Kuya Liam sa braso.

“Bakit bunso?” tanong niya sa akin. Nainis din ako sa ekspresyon nang kanyang mukha dahil mukhang tuwang-tuwa pa siya sa kanyang tanong kila mama at papa.

“Gusto mo na bang sumama sa kanila?!” Napasigaw ako sa kanya.

“Ito naman. Kina-kamusta ko lang naman sila ah. Wala naman akong sinabi na gusto ko nang sumunod ngayon. Mama oh si bunso maldita! Multuhin mo nga!” sagot niya sa akin sabay sumbong ni Kuya Liam.

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o matatakot. Pagkatapos namin dalawin sila mama at papa ay nagpasya kaming umuwi na sa aming sariling condo.

Hindi na kami pwedeng magsama ang aking kuya dahil may asawa na rin siya at anak. Isang business man din ang aking kuya at kumikita nang mas malaki pa kaysa sa akin.

Niyaya niya akong maging isang business woman para hindi daw ako mastress. Ang sabi ko naman ay hindi ko gusto maging business woman. Gusto kong sumunod sa yapak nang aking ama. Ang maging isang pulis. Alam kong proud na proud sa akin si papa.

Nagluto muna ako nang aking kakainin sa pang-gabihan. Pagkatapos kumain ay naghalf bath na ako at humilata sa kama. Matutulog ako nang maaga dahil kailangan kong pumasok nang maaga sa trabaho.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status