Share

5 Police Captain Luna Rose Enriquez

Isang buwan na walang usad ang kaso. Napapa-isip nalang ako kung paano mare-resulba ang krimen na ito. Naisip ko rin kung kailan kaya muling aatake ang killer sa kanyang mga target. Hating gabi na at hindi pa rin ako mapakali sa kai-isip kung ano ba talaga ang motibo sa sa krimen.

Tumayo ako sa aking pagka-higa dahil gusto kong uminom nang gatas. Nag-lakad ako papuntang kusina at nag-timpla.

Huminga ako nang malalim at inilapag ang isang bagong gatas sa aking lamesa. Tumungo ako sa loob nang aking kwarto at kinuha ang aking laptop saka bumalik sa may kusina.

            Binuksan ko ang aking laptop at muling tiningnan ang iba’t-ibang kuha nang litrato sa crime scene. Hindi pa rin maalis sa isip ko na baka isa itong series murder.

Una, sampung bala at pangalawa ay siyam na bala ang nakuha sa loob nang crime scene at ang dalawang ito ay may tama sa kanilang ulo.

Napa-hinga ako nang malalim dahil wala akong makitang kakaiba sa mga litrato.

“We are dealing with a smart criminal. I know he or she knows what he is doing and maybe he is not just an ordinary person. I hope my suspicion is wrong,” bulong ko sa aking sarili.

            Nagulat ako ang biglang mag-ring ang aking cellphone. Sino na naman ang tatawag sa akin ngayong hating gabi. Tiningnan ko ang screen nang aking cellphone at nakita ko ang isang hindi nakarehistrong numero.

Napa-taas ang aking isang kilay kung sasagutin ko ba ito o hindi. Baka kase nangangailangan. Hindi naman din ako tinatawagan ni Kuya Liam nang mga ganitong oras. Nagpasya akong sagutin ang tawag sa aking cellphone. “Hello?” sabi ko sa kabilang linya.

            Ngunit walang sumasagot sa akin pabalik. Inulit ko ang aking salita hanggang sa ibinaba niya ang tawag. “Baka wrong dialed,” sabi ko sa aking sarili.

Muling tumunog ang aking cellphone at ganun pa rin ang nangyare. Parehong numero pa rin. Walang sumasagot sa kabilang linya. Ako na mismo ang nag-baba nang tawag.

Hanggang sa muli siyang tumawag. Dahil sa naiinis na rin ako ay sinagot ko na ang tawag at sinigawan siya nang, “Hoy! Kung sino ka man pwede bang tumingil kana! Nakakaistorbo ka na sa akin!” Nanindig ang aking balahibo nang may boses lalake at babae na tumatawa sa kabilang linya.

            “Si…sino to?” paulit kong tanong sa kanya. “Ang sabi ko sino ito!” Bigla siyang tumahimik. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya pinatay ang tawag maging ako rin ay hindi ko binaba para hindi maputol ang linya.

            “Hello Police Captain Enriquez. Kamusta na ang kasong hinahawakan mo?” tanong niya sa akin. Hindi ko maidentify kung lalake o babae ba ang aking kausap dahil sa pa-iba-iba ang tunog nang kanyang boses.

Gumamit siguro siya nang voice changer para hindi ko matukoy kung sino ang nasa likuran nang boses na ito.

“Napatahimik ka?” sabi niya sa akin. Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil nanginginig ang aking mga palad at parang sasabog ang aking puso.

“Mag ingat ka Luna. See you in hell.” Ito ang huling sinabi niya sa akin at naputol na nang tuluyan ang aming linya.

            Tikom pa rin nag aking bibig at nanginginig pa rin ang aking kamay. Hindi ko alam kung paano niya ba nalaman ang aking pangalan at pagkakilanlan. Tama nga ba ang aking hinala? May alam siya at alam kong hinding-hindi siya magpapahuli. 

“There is no perfect murder,” bulong ko sa aking sarili. Inubos ko na ang aking gatas at pinindot ang switch off nang aking laptop sabay bumalik na ako sa aking kama para mag-pahinga. Sa kabila nang kaba ay napalitan agad ito nang antok. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

            Nagising ako nang may biglang bumagsak na malakas na bagay sa aking sala. Tumayo ako para buksan ang ilaw sa aking kwarto.

Lumabas ako sa aking kwarto at naglakad papuntang switch para buksan ang ilaw, nang tumambad sa ang malaking pagkabukas nang aking pinto sa sala. Dito na ako kinabahan.

Tumakbo ako para isara nang maayos ang aking pinto. Napatingin ako sa wall clock pasado alas dos na pala nang madaling araw. Bumalik ako sa loob nang aking kwarto para kunin ang aking baril para pandepensa sa aking sarili.

            Naglakad ako papuntang kusina at doon ko nakita nag isang nakaitim na suot. Naka-hoody siya at naka-facemask na itim. Hindi ko maidentify kung siya ba ay lalake o babae dahil sa kanyang suot.

Itinaas niya ang hawak niyang baril at itinutok ito sa aking ulo. Uunahan ko na sana siya kaso nang pinihitin ko ang trigger ay walang lumabas na bala. Sinubukan ko ulit pero wala talaga. Humalakhak siya at ipinutok ang baril sa akin.

            Isang malakas na alarm clock ang gumising sa akin. Napaupo ako sa aking kama at punong-puno nang pawis ang aking buong katawan.

“Panaginip lang pala,” sabi ko sa sarili ko. Ala sais na pala nang umaga at kailangan ko nang maghanda papuntang trabaho. Pagkatapos kong kumain at maligo ay pumunta na ako sa aking basement at sumakay sa sarili kong sasakyan papunta sa headquarters.

            Pag-pasok ko sa loob ay nakita ko si Patrolman Richard na nakaupo sa sarili niyang upuan. “Good morning Ma’am Enriquez,” sabi niya sa akin sabay nagbigay nang saludo.

Iginala ko ang aking paningin sa buong kapaligiran. “Nasaan na ang iba?” tanong ko kay Richard.

“Wala pa po si Ma’am Celyn, si Sir Dawson po ay day off niya ngayon,” sagot niya sa akin. Sana hindi nalang nag day off si Dawson dahil mukhang kakailanganin ko siya dito sa opisina. 

“Ganun ba?” Umupo ako sa aking upuan muli akong nagbalik-tanaw sa kaso. “Robert Malinao at Emilio Perez. Ano ang mga koneksyon ninyo sa killer?” bulong ko sa aking sarili.

“Good morning,” bati sa amin ni Celyn sabay umupo sa kanyang upuan. Inilabas niya ang kanyang laptop at sinabi sa akin na may nakuha siyang access sa isang cctv.

“Andito ang kuha nang cctv sa araw nang pagpatay kay Robert Malinao,” sabi sa akin ni Celyn. Lumapit ako sa kanya at maging si Richard para tingnan ang record.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status