Share

6 Police Captain Luna Rose Enriquez

Pinanood namin ang video. Nakita ko ang isang tao na pabalik-balik sa abandonadong gusali sa lugar na kung saan pinatay si Mister Robert sa mga oras na bandang ala dyes hanggang alas dyes trenta.

            “Ito lang ang nahagip nang cctv at wala na?” tanong ko kay Celyn.

“Wala na akong makita. Sinubukan ko pang mga hanap pero ito lang ang na-recovered ko. Mukhang sinadyang burahin nang mga may- ari nang cctv ang mga record nila para hindi sila masangkot sa kahit ano mang pangyayare,” sagot sa akin ni Celyn.

“Kailangan natin matunton at malaman kung sino man ang tao na iyon,” sabi ko sa kanila. “Ako na pong gagawa Captain Enriquez,” pagbu-boluntaryo naman ni Richard.

            Ngayon ko lang napapansin si Richard na mag-mula nang sumama din siya sa aming team. Masipag siya at mapag-matiyag kaya pala inilagay siya sa amin ni Colonel Santos. “Maraming salamat sa pagbu-boluntaryo Richard,” sabi ko sa kanya.

“Tungkulin ko po ito at wala po kayong dapat ipag-pasalamat,”sagot niya sa akin. Binigyan ko siya nang matamis na ngiti dahil sa kanyang sagot at pagiging humble.

            “Aalis na po ako Ma’am Enriquez at Ma’am Celyn,” paalam niya sa amin. Sabay lumabas siya sa pinto.

“Best? Wala na talaga akong mahanap. Gusto ko rin sanang humingi nang paumanhin sa inyo noong nakaraang lingo dahil nahuli ako sa trabaho, napuyat kase ako dahil sa kaha-hanap. Dagdagan mo nalang ang demerits ko, babayaran ko nalang. Dagdag na rin iyon para sa gagamitin namin sa dito sa loob opisina,” sabi sa akin ni Celyn.

            Alam ko naman talaga na hindi niya gustong mahuli at hindi niya naman pinapa-bayaan ang kanyang trabaho at saka ako rin naman ang nag-utos sa kanya na i-hack ang mga cctv sa kalapit bahay nang abadonadong gusali. Lumipas ang ilang oras at dumating na ang tanghalian.

Habang kumakain ng lunch ay biglang nag-ring ang aking cellphone at isa na naman hindi naka-rehistrong numero ang lumabas sa aking screen.

Kung maaalala ko kagabi ay ang huling tatlong numero ay four, three and five. Samantalang itong numero na nasa screen nang cellphone ko ay six, nine and two.

            “Sagutin mo na. Ano pang iniisip mo dyan?” sabi sa akin ni Celyn. Hindi ko namalayan na napa-tulala na pala ako sa screen nang cellphone.

“Ano ba naman yan? Hindi pa nga ako tapos kumain eh,” pagre-reklamo ko sa sarili ko. “Hello?” pa-inis na sagot ko sa tawag.

“Pumunta ka dito sa condo ko please may nakita pang ibang blood type na hindi galing sa biktima na si Robert Malinao,” sabi niya sa akin sa kabilang linya.

Kinabahan ako nang konti dahil ito agad ang pabungad sa akin na mga salita. Hindi ko naman alam kung sino ang kausap ko sa kabilang linya.

 “Teka sino ito,” tanong ko sa kanya.

“Alexander. Bilisan mo ibibigay ko na sa iyo ang address ko,” sagot niya sa akin at saka ibinaba ang tawag. Ang bastos. Hindi man lang nag-paalam sa akin nang maayos at hindi man lang ako sinabihan na mag-ingat ako.

            “Sino iyon?” tanong sa akin ni Celyn.

“Si Major Dawson. Pinapa-punta niya ako sa kanyang condo dahil may nalaman daw siya,” sagot ko kay Celyn. Kinuha ko na ang aking shoulder bag at nag-ayos nang konti sa aking sarili.

“Patungkol saan?” tanong niya sa akin sabay itinaas sa ulo ang kanyang eye glasses. Mukhang interesado din siya sa aking sinabi.

 “Hindi ko pa makumpirma. Kailangan ko munang umalis. Ikaw muna ang bahala sa office sasaglit lang ako sa kaniyang condo. Hindi ko ito kailangan ipag-paliban dahil importante ang sasabihin niya sa akin,” sagot ko sa kanya. Ito ang huling habilin ko kay Celyn bago ako tuluyang umalis sa headquarters.

            Mahigit isang oras ang biyahe ko papunta sa condo ni Alexander. Kumatok ako sa kanyang pinto at nang buksan niya ito ay bumungad sa akin ang mukha ni Alex at magulong buhok.

Nakapambahay lang siya. Medyo napatulala ako sa kanya. Ang sinasabi nang aking isip ay ang gwapo naman.

“Hoy. Tatayo ka lang ba diyan o ano?” pang-gising niya sa lumilipad kong pag-iisip. Nakakahiya hindi ko namalayan na napa-tulala ako sa kanya. Umupo ako sa kanyang sofa at pumunta siya sa kusina para ipag-timpla ako nang tsaa.

            Ano bang iniisip ko? Bakit ako namula nang makita ko siya? Paano kase ang gwapo. Tatlong taon na rin akong single at walang boyfriend. Napakamot ako sa aking ulo at napakagat sa pang-ibabang labi ko.

“Shit… ang gwapo kase,” bulong ko sa aking sarili. Mas lumitaw ang kanyang kagwapuhan sa normal na damit. Hindi ko maipaliwanag kung bakit iyon ang lumabas sa aking pag-iisip.

“Tea?” offer niya sa akin. Ibinigay niya sa akin ang isang basong nagla-laman nang tsaa at humigop ako. Nang matikman ko ang lasa ay napaka-sarap.

“Anong flavor?” tanong ko kay Alex at humigop ako ulit.

“Green tea with honey and lemon,” sagot niya sa akin. Hindi ko alam na pwede palang haluan ang tea nang kung ano-ano.

            Muli akong nakabalik sa reyalidad. Napaubo ako nang konti. “Um… nasaan na pala ang resulta nang autopsy and blood testing?” tanong ko kay Alexander. Binigay niya sa akin ang kopya nang result.

Nakita ko na O positive ang blood type nang biktima samantalang ang posibleng killer ay ang blood type ay AB. Hindi ako pwedeng mag assume na sa killer nga itong blood type. Pero ito ay isang malakas na lead para sa kaso.

 “Kailangan natin mag-conduct nang investigation. Kailangan natin malaman ang blood type nang kani-kanilang asawa na sina Elena Malinao at Lily Perez,” sabi sa akin ni Alexander.

            “Magagamit natin ito. Kung sakaling tumugma man ang blood type ang isa sa kanilang  asawa ay maariing isa siya ang pinaunang suspek natin sa krimen at kailangan natin makahanap nang iba pang ebidensya para madiin ang isa sa kanila ang salang murder,” sagot ko kay Alexander.

Pero napa-isip din ako, paano kung siya nga talaga ang killer? Ano ang koneksyon niya kay Emilio Perez murder case. Bakit kailangan niya iyong gawin? “Diyan ka muna pwede? Maliligo lang ako. Sabay tayong pupunta sa bahay ni Misis Elena Malinao,” sabi sa akin ni Alexander.

            Habang nag- aantay sa kanya ay bigla ulit nag-ring ang aking cellphone. Ibang numero na naman at ibang huling tatlong digit. Four, four and three. Sinagot ko ang tawag niya. Ngunit wala pa rin boses sa kabilang linya. Hanggang sa nakarinig ako nang halakhak.

“Papa-ikutin ko kayong lahat,” sabi niya sa akin sa kabilang linya hanggang sa ibinaba ulit ang tawag. Nag-simulang nanginig ulit ang aking katawan.

Ano ang ibig sabihin niya? I am not dealing with an ordinary criminal. May alam siya. Huminga ako nang malalim at pumikit muna saglit para pakalmahin ang aking sarili.

            Napadilat ang aking mga mata nang marinig kong may yapak na papa-lapit sa akin. Nakita ko si Alexander na naka-bihis na at handa na kaming umalis. Sumakay na kami sa sasakyan at nagtungo sa bahay nila Misis Elena Malinao.

 Nang makarating na kami sa bahay ay agad naman kaming pinapasok ni Misis Malinao. Gusto ko sanang komprotahin siya pa-tungkol sa pagpo-protesta niya sa amin patungkol sa murder case nang kanyang asawa pero hindi nalang. Alam ko na nagawa niya lang ito dahil sa labis na hinanakit. Tumigil naman din siya kalaunan.

            “Gusto ko sanang humingi nang tawad patungkol sa pagpo-protesta ko noong nakaraan. Alam ko naman na ginagawa ninyo ang inyong makakaya,” paghingi niya nang tawad sa amin. Gumaan na rin ang aking loob nang marinig ko ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status