Share

Episode 2: The Mansion

EPISODE 2

"Narinig mo ba 'yon, Ma'am Zoelle? Makakalabas na raw tayo!" masayang wika ni Manang Herminia.

Biglang napawi ang ngiti nito sa labi nang lingunin si Zoelle.

"Hindi ka ba na-e-excite? Mas komportable ang kwarto mo sa mansion. Mas masarap din ang lutong pagkain. At higit sa lahat, makikita mo na ulit ang mga kapatid mo."

"A-Ah..." Tumango-tango siya at kahit papaano ay nagawang makangiti.

Hindi alam ni Zoelle kung gaano siya pwedeng magtiwala na magiging maayos din ang lahat, ngunit sa positibong mukha ni Manang Herminia, umasa siya sa maliwanag na bukas.

Kinabukasan, maaga pa lang ay handa na ang lahat. Inayos na raw kagabi pa ang lahat ng bills at kung ano-ano pa. Sakay si Zoelle ng wheelchair (kahit kaya naman niyang lumakad) pababa sa building ng ospital. Eksaktong paglabas nila ay may naghihintay na sa kanilang isang itim na SUV.

"Good morning, Ma'am Zoelle."

Napansin niya ang isang matangkad na lalaking may bigote. Polo ang suot nito at itim na slacks. Inilahad nito ang kamay sa harapan ni Zoelle.

Takha niya lang 'yong tiningnan. Nagsalitan ang tingin niya sa kamay nito at kay Manang Herminia.

"Siya si Kuya Henry, ang family driver ninyo."

Mabagal na napatango-tango si Zoelle. Kaya pala ma'am rin ang tawag sa kanya. Kung ganoon, mayaman pala talaga ang pamilya nila. May sariling driver at maganda ang kotse. Nginitian niya rin si Kuya Henry.

"Tara na, ma'am."

Inalalayan siya nito patayo sa wheel chair papasok sa kotse. Pinagbuksan pa siya ng pinto sa backseat at tinulungan siyang makaupo ng maayos. Pagkakabit sa kanya ng seatbelt, isinarado nito ang pinto at umikot papunta sa driver's seat.

Umupo naman sa harapan si Manang Herminia. Nilingon siya muli ni Kuya Henry mula sa rear view mirror bago nito simulan ang makina at umandar na.

Ibinaba ni Zoelle ang salamin sa gilid niya nang makalayo-layo mula sa gusali ng ospital. Unti-unting pumasok ang hangin ng umaga. Dumungaw siya doon at pinagmasdan ang lahat ng makikita sa labas. Hindi niya naiwasang hindi mamangha sa mga nakakalulang gusali at higanteng bill boards. Natuwa pa siya nang makita ang mga pumapasadang kotse at mga taong may kanya-kanyang buhay sa siyudad.

Mag-iisang oras na ang biyahe bago sila pumasok sa isang matayog na gate. Sandaling huminto ang kotse at binuksan ng mga gwardya ang tarangkahan.

Wala na siyang nakikitang mga gusali o kahit ano sa pagpasok nila. Tanging malawak na damuhan lang at mga punong pare-pareho ng hugis. Ni isang tao o kotse, wala rin silang nakasalubong sa isang daan. Hanggang sa matanaw ni Zoelle ang isang puting fountain na may nakaukit na pangalan-- Mori.

Napaawang ang bibig niya. "Sa pamilya po namin ito?"

Narinig niya ang mahinang tawa ni Kuya Henry. "Magmula nang pumasok tayo sa gate na binabantayan ng mga gwardya, Ma'am Zoelle. Ang malawak na lupain na 'yan ay kasama sa hacienda ng mga Mori."

Hindi pa siya nakababawi sa gulat nang matanaw niya naman ang isang mansion na kulay tsokolate. 'Di sobra ang pagkadilim, sakto ang timpla ng kilay para magmukha itong isang klasikong museo. Dalawang palapag lamang ito, ngunit ilang minuto yata ang lalakarin para makarating mula dulo hanggang sa kabila.

Papalapit sila nang papalapit sa mansion, halos manliit na si Zoelle. Mas malaki pa sa kanya ang mga salamin. Tinanong niya sarili, nanggaling ba talaga ako sa ganitong klase ng pamilya?

Tumigil ang kotse sa tapat ng isang maliit na hagdanan kaharap ang isang malaking kahoy na pintuan. Namalayan niya na lang na bumukas ang pintuan ng kotse at nasa tapat na niya si Kuya Henry. Inalalayan siya nitong bumaba.

Sa unang hakbang, lumakas ang pagkabog ng puso ni Zoelle. Pangalawang hakbang, napakapit siya nang mabuti sa dalawang kasamang nakatatanda. Ikatlo, halos pigilin niya ang hininga. At sa ikaapat at huli, biglang bumukas ang malaking pinto.

"Welcome home, Zoelle!"

Napapikit siya sa gulat nang marinig ang sigawan at ingay.

Hinawakan ni Zoelle ang dibdib na parang sasabog anumang oras. Tumambad sa mata niya ang maraming lobo, mga confetti at rosas. May isang hilera ng mga tao, karamihan ay babae, at lahat sila ay nakasuot ng uniporme.

Isa-isa siyang binati ng mga kasambahay habang dumaraan sila sa harapan ng mga ito. Walang ideya si Zoelle kung saan sila patungo nina Manang Herminia, diretso lang sila sa mahabang pasilyo.

Napayuko siya sa inaapakan na carpet. Tiningala niya rin ang mga magagarang chandelier. Naagaw ang atensyon niya nang makita ang mga nakasabit sa pader na mga naglalakihang frame.

Isa, dalawa, tatlo. . . pito, walo, siyam, sampu!

Sampung portraits ng lalaki. May bata, binatilyo at may binata. Iba't iba man ang istilo at histura, pare-parehas ang magandang tsokolateng mata ng mga ito.

Parang bumagal ang pagtingin niya sa sunod na nakitang larawan. Isang babaeng may buhok na umaalon hanggang sa kanyang braso. Kakulay ng buhok niya ang mga mata niya. Ang babaeng 'yon sa picture at si Zoelle ay iisa.

Napalunok siya. Napagtanto niyang malayo pala sa pagiging simple ang kinalakihan niyang buhay.

Tumigil sila paglalakad. Napako siya sa kinatatayuan nang makitang nasa hapagkainan sila.

At sa mahabang mesang puno ng pagkain ay nakaupo ang isang dosenang katao. Lahat ng mga mata nila ay nakatutok kay Zoelle.

Nakilala niya ang mga ito. Ang sampung lalaking nakaupo sa magkabilaang panig ng mesa ay ang mga lalaki sa frames! At ang nakaupo sa isang dulo ay ang kanyang Ama at Ina.

"My dear daughter. Have a seat."

Umatras sina Kuya Henry pagkasabi n'on ni Ezekiel. Nilingon pa sila ng naguguluhang si Zoelle ngunit nakatalikod na ang mga ito at naglalakad palayo. Hinatid lang pala siya ng mga ito.

Napalunok siya nang ibinalik ang tingin sa mga nasa hapagkainan. Hindi pa rin nila inaalis ang titig kay Zoelle.

Ngumiti si Amanda at 'yon ang naging hudyat niya para magsimulang humakbang. Pamilya naman niya ang mga ito at wala siya dapat ikabahala, hindi ba? Isa lang itong lunch.

Ipinaghila siya ng upuan ng isa sa mga kasambahay. Hanggang sa pag-upo niya ay inoobserbahan siya ng lahat. Pakiramdam niya, isa siyang alien na naligaw sa planeta ng mga tao. O isang turista na bagong dayo sa isang baryo.

Hindi niya mabasa ang mga reaksyon nila. Iba-iba. Masyadong marami. Ni hindi niya nga matingnan sila sa mata.

Binasag ni Amanda ang katahimikan na bumalot sa kanila.

"Welcome back to our house, Zoelle," wika nito at itinaas ang isang wineglass. Maging ang pananalita, pag-ngiti at pagtaas nito ng inumin ay kaaya-aya. "Cheers to our once again complete family."

Itinaas rin ng lahat ng nasa hapag ang kanilang mga baso at marahang pinagdikit ang mga ito. Gumaya si Zoella at sabay-sabay nilang tinungga ang inumin.

Inilapag nila ang mga baso at pinulot ang kanilang mga kubyertos.

"This is so fucking awkward."

Natigil siya sa pagkuha ng tinidor nang marinig 'yon. Iniangat niya ang mukha at nakita ang ngingisi-ngising binata. Parang balewala rito ang tingin ng lahat, tuloy-tuloy lang sa pagkuha ng pagkain.

"What's so awkward, Forrester? That you need to curse in front of our grace?" kalmado ngunit maotoridad na tanong ni Amanda.

Tumawa ulit ito. "Don't tell me I'm the only one feeling strange here. You know what I mean."

"Well, what do you mean?"

"Zoelle," diretsong sagot ng tinawag na Forrester. "None other than her, Amanda."

Nakagat ni Zoelle ang labi nang banggitin nito ang pangalan niya. Nabitawan niya ang mga hawak at ibinaba na lang sa hita ang kamay.

"What's wrong with Zoelle?" sabat ng isa pa. "I don't sense anything."

"Yeah, because our sister who got lost and had a coma for months returned and now, she's having lunch with us. It's very ordinary and common, right?"

Tuluyang napayuko si Zoelle. Tama rin naman. Hindi ordinaryo at simple lang ang biglang pagbabalik niya sa buhay at bahay nila. Katulad niya, naguguluhan at naninibago rin ang mga kapatid niya. 'Yon ang panigurado.

"Is that your way to remind her of you?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status