Share

Episode 4: Picture-Perfect

EPISODE 4

Tatlong katok sa pinto ang nagpabangon kay Zoelle sa higaan.

Gabi na at kanina pa sila nakapag-hapunan. Umalis na rin kanina ang mga magulang niya at alam niyang may kanya-kanya naman silang kwarto magkakapatid. Sino naman kaya ang kumakatok sa kanyang pintuan?

Bumungad sa kanya ang nakangiting si Timothy pagkabukas.

"A-Ano 'yon?" tanong niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tipid siyang ngumiti.

Pinakita nito ang hawak na dalawang kulay lilang kandila. Pabilog at maliit lang.

"Your scented candles," sagot ni Timothy. "You used to light them before sleeping, so I volunteered to bring this to you."

Inabot niya ang mga ito. "Thank you."

"Don't mention it." Mas lumabas ang dimples nito sa pisngi. "Are you still up?"

"May tinitingnan lang ako. Matutulog na rin."

"Can I come in? I still can't sleep, eh." Kakamot-kamot ito sa magulong buhok.

Nabigla siya. Hindi pa man siya nakapapayag ay dumiretso na ito sa loob. Lumingon-lingon ito sa buong kwarto hanggang sa may mapansin sa ibabaw ng kama ni Zoelle.

"Ito ba 'yong tinitingnan mo?"

Pinulot ni Timothy ang photo album na nakuha ni Zoelle kanina sa shelf.

Mabagal siyang tumango-tango. "I'm trying to remember things."

"I can help you," sabi nito habang iwinawagayway sa kamay ang photo album. "You'll just end up puzzled if you look at this yourself," dagdag pa nito bago umupo sa kama ni Zoelle.

Tama siya. Nalilito talaga siya kanina at hindi makilala ang pinasadahan niyang pictures.

Mukhang hindi na niya ito mapipigilan, lalo pa't gusto lang naman ni Timothy tumulong. Siguro naman hindi ito kagaya ni Odysseus. Maliwanag at magaan ang dating niya kumpara sa kakambal.

Inilapag niya ang mga kandila sa bedside table. Siya na ang nagsindi gamit ang posporo sa tabi nito. Saka siya umupo sa tabi ni Timothy.

Kinuwentuhan siya nito habang pinagmamasdan nilang dalawa ang mga larawan. Magmula sa kauna-unahang litrato nang ipinanganak si Zoelle, bininyagan sa simbahan, unang beses gumapang at lumakad, at unang selebrasyon ng kaarawan. Parang sinusubaybayan niya ang sarili na lumaki.

"You were only seven years old when you learned to play the piano. Two years later and you learned to swim. Mama also enrolled you in art class when you were ten."

Namangha si Zoelle sa mga nagawa niya sa kabila ng murang edad. Pati ang unang painting niya, hindi masama tingnan.

"Every year, you bag medals and academic excellence awards. Consistently ranking first and valedictorian. Top and a model student."

Lahat ng picture ni Zoelle na naka-uniporme at nasa stage, makapal na patong ng mga medal ang nakasabit sa leeg niya.

"Aside from being the class president, you are the representative for national competitions both in piano and academics. You never came home without trophies."

Inilipat pa ni Two ang mga pahina ng album. May isang babae siyang katabi at magkadikit ang mga ulo nila. Walang sinabi si Timothy, sa kasunod agad ito lumipat. Kung saan-saang lugar na siya nakakarating, kung ano-anong bagay na ang nasubukan niya.

Dumating sila sa mga litrato na dalaga na siya.

At ang huling litratong kuha sa kanya ay nakasuot siya ng isang mahabang gown. Ayos na ayos ang buhok at make-up niya. Nakaupo siya at may hawak na bungkos ng rosas. Pamilyar din kung saan ito kinuha-- sa loob ng mansion.

"That photo was taken on your eighteenth birthday. It's your debut party. And that was also the day you went missing."

Bigla silang natahimik at natulala sa larawan na 'yon.

Mayamaya, narinig niya ang paghikab ni Two. Mahina siyang natawa at kinuha mula rito ang photo album.

"You're sleepy. Matulog ka na sa kwarto mo." Tumayo silang dalawa at inihatid niya palabas ng pintuan ang kapatid.

"Thank you ha. It means a lot to me," pasalamat niya.

Umangat ang dalawang sulok ng labi ni Timothy. "Goodnight."

Ngumiti rin si Zoelle at kinawayan ito. agkasarado niya ng pinto, muli niyang binuksan ang photo album. Mabilis niya lang 'yon pinasadahan para lang makumpirma na wala silang nalagpasang litrato ni Timothy.

Bago siya matulog, isang katanungan lang ang bumabagabag sa kanya.

Zoelle, sa kabila ng mga naabot mo noon, bakit walang ngiti at kinang sa mga mata mo?

***

Ganito ang isang tipikal na umaga sa mga Mori.

Nauunang nagigising si Odysseus. Pagkababa ni Zoelle ay nakapo na agad ito sa isang silya, may kaharap na slim laptop at sa tabi nito ay may isang tasa ng kape at platito ng tinapay. Hindi siya nito tinapunan ng pansin. Siguro masyadong abala sa ginagawa nito.

Sunod na bumaba si Five. Ngunit sa halip na kumain muna ng almusal, lumabad agad ito ng bahay. Nakita ito ni Zoelle na nag-ja-jogging paikot ng hacienda at nag-eehersisyo sa bakuran.

Umawang ang bibig ni Zoelle nang sumulot si Thedore mula sa labas. Bihis na bihis ito at may nakasukbit na gitara sa balikat. Mukhang puyat. Mukhang tumakas kagabi at inumaga na sa pag-uwi. May headphones pa ito sa tenga.

Halos magkasunod na bumaba sina Sebastian at Emmanuel. Ang kinaibahan, kinawayan siya at binati ni Sebastian sa mahinang boses. Wala nang kasunod na pag-uusap dahil parang nahihiya rin ito sa kanya. Habang si Emmanuel naman, umagang-umaga pa lang ay parang pasan na ang lahat ng galit sa mundo. Maingay pa nitong hinila ang upuan.

Saka lang may kumausap kay Zoelle nang bumaba si Timothy. Singliwanag ng umaga ang ngiti nito at binati pa sila ng magandang umaga. Kasama nito ang dalawang pinakabata sa magkakapatid. Pupuyos-puyos pa ng mata si Terrence at syempre, hindi rin siya inimik-- 'yon ay dahil hindi nga pala nito kayang magsalita.

Malapit nang magtanghali nang bumaba si Forrester. Tatawa-tawa ito nang makita siya.

Isa lang ang hindi bumaba at lumabas ng kuwarto-- si Stephen.

"Who do you think he's that pale? He barely leaves his room," sabi ni Timothy.

Inaya siya nito na lumabas muna at maglakad-lakad. Nakasilong sila sa isang puno, nagpapahangin.

"Yayain natin siyang lumabas..." suhestisyon ni Zoelle.

"Hayaan mo na siya. Hahatiran naman siya ng mga maids ng breakfast sa kwarto niya. Lagi rin kasi siyang puyat, you see the bags under his eyes. Six is in that phase for almost two years. Don't worry too much."

Tumawa ito habang nakatingin sa kanya.

Natahimik siya. Paano niya mapipigilang hindi mag-alala? Lalo na't nalaman niyang dalawang taon na pala itong nagkukulong at walang imik.

"Hey, Zoelle. Okay ka lang?"

Lumingon siya kay Timothy. Napansin yata nito ang pananahimik at pagkatulala niya.

Tumango lang siya.

"I have an idea," sabi nito at inakbayan siya. "A house tour."

"Ano?"

"I'll tour you around the mansion. Sa labas rin. Para naman alam mo ang lugar na kinalakihan mo, at para hindi ka maligaw." Lumabas ang dimples nito sa pisngi. "Game?"

Siguradong mapapagod sila, pero kailangan ito ni Zoelle at inalok na siya.

Inabot niya ang palad ni Timothy.

"Game!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status