Share

Blazing Mess
Blazing Mess
Author: ashtrizone

Prologue

Nothing's Permanent.

Iyan lagi ang pananaw ko sa buhay.

Walang permanente sa mundo, bagay man o tao pa yan, lahat ay nagbabago.

Life is dynamic that's why you can't predict what will happen to you when you woke up with the next chapter of your life.

Hindi lahat ng nasa itaas ay mananatiling nasa itaas at hindi rin lahat ng nasa ibaba ay mananatili na lamang sa ibaba. 

Hindi tayo makakapagbitiw ng tapos na mga salita. Dahil malay natin, bukas, makalawa o kahit ngayon ay biglang magbago ang ihip ng hangin.

We really just can't predict what's bound to happen so there is no other choice but for you to accept and face it.

Nag-umpisang manginig ang sistema ko nang may mabasa sa mga papel na hawak ko. It's a medical record of mine!

Sa lahat ng nabasa ko ay iisa lang ang tumatak sa isipan ko.

"A-Ano 'to?" bulong ko sa sarili ko.

Binasa ko pa ang ilang papel at pare-parehong nagsasabi na may amnesia ako. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

"A-Amnesia?" bulong ko pa.

Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha ko habang nakatitig sa mga papel na hawak ko.

"M-May amnesia ako? P-Pa'no? Bakit?" puno ng sakit na tanong ko sa sarili ko na para bang masasagot ko iyon.

Paanong nangyari na may amnesia ako?

Iyon ba... kaya ba hindi ko maalala ang childhood days ko?

Kaya ba wala akong natatandaan na kahit na isang taong kilala ko noong nasa murang edad pa ko?!

Ito ba?!

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mama. Gulat siyang napatingin sa'kin pati sa mga papel na hawak ko.

"A-Anak..." kabadong tawag sa'kin ni Mama at kita ko sa mga mata niya ang takot.

"M-Ma." My voice broke. "A-Ano 'to? Bakit ako may gan'to? Saka amnesia?" sunod-sunod at gulong-gulo kong tanong.

"A-Anak..." Akmang lalapit siya sa'kin nang humakbang ako paatras.

Kita ko ang pagkabigla, sakit at takot na dumaan sa mukha ni Mama dahil sa ginawa kong paghakbang palayo sa kaniya.

"A-Ano 'to Ma!" I shouted. Mama started to cry kaya mas lalo akong napaiyak.

"S-Sabihin mo lang Ma na hindi 'to totoo." Kahit na alam kong imposible iyon dahil hawak ko na ang ebidensyang makakapagsabi na may amnesia nga ako.

"A-Anak..." paulit-ulit na sambit ni Mama.

"Ma! Ipaliwanag mo naman! A-Ano ba 'to?! B-Bakit pangalan ko ang nandito... at... at may amnesia ako?" Pinilit kong sabihin sa gitna ng mga hikbi ko.

Life's really full of surprises indeed.

I didn't expected that everything will be changed in a snap. It's like a bomb exploded that will destroy the whole you. I didn't saw this bomb coming that it really changed what I've been living for.

I felt betrayed for the first time.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status