Akala ko kahit kailan ay hindi na ako babalik dito dahil masaya at kuntento na ako sa pamumuhay sa France simula High school hanggang sa makatapos ako ng College.
Pero isang tawag mula kay Papa ay napauwi ako ng wala sa oras at labag sa kagustuhan ko. Nag iisa lang kasi akong anak at nasa akin lahat ng karapatan at responsibilidad ng aming mga kumpanya.
At sa kasamaang palad ay humaharap ngayon sa bankruptcy ang isa sa aming kumpanya sa hindi malamang dahilan pero kaya nga ako umuwi sa Pilipinas para ako mismo ang tutuklas.
Napahinto ako sa paglalakad ng biglang may lumapit sakin na lalaki nakasuot ng all black suit at shade. Alam nyo yun. Para syang galing sa Men In Black o Matrix.
"Ms. Samantha Imperial," buong buo ang boses nito, nakakanginig ng tuhod sa takot. "I'm Peter, I came here to pick you up," at agad nitong kinuha ang aking cart na puno ng aking bagahe. Hindi na ako nakapalag pa. Pero paano kung masamang tao pala ito? Bakit kasi hindi man lang ako sinabihan ng magulang ko na ibang tao pala ang susundo sakin. "This way Maam," at itinuro ni Peter ang exit. Lalo akong kinabahan ng may mga kalalakihan na sumulpot sa aking paligid. "Ipasok nyo ang mga gamit sa sasakyan," utos ni Peter sa kanyang mga kasamahan nya.
Pero bakit pa ba ako nagtataka, e ganito rin ang sitwasyon ko dati noong nag aaral pa ako ng Elementary, lagi may kasamang mga body guard na akala mo ay anak ako ng Presidente ng Pilipinas. This is one of my reason kung bakit mas pinili ko sa France manirahan ng mahabang panahon kasama ang pinsan ko ma si Megan at least doon simple lang ang buhay, walang bodyguard at malaya kong mapupuntahan, magagawa ang mga gusto ko.
"Where is my dad?" agad kong tanong kay Peter nang makasakay na kami sa loob ng kotse. "Akala ko sya ang susundo sakin,"
"Nasa mahalagang meeting po si Sr. Arthur kaya ako nalang ang pinasundo nya," nagumpisa ng magmaneho si Peter palayo sa Airport habang may nakabuntot na dalawang kotse samin. "Ipinasasabi nya na hintayin mo nalang sya sa bahay,"
"No," matigas kong sabi. "I want to see him immediately! Hindi ako umuwi dito para maupo at naghintay. Dalhin mo ako sa office nya!"
Walang nagawa si Peter kundi ang sumunod sakin. Para saan pa at ako ang susunod na taga pagmana ng lahat lahat kung hindi ko ito gagamitin para masunod at makuha ang aking gusto.
Kung dati ay okay lang ang traffic dito sa Edsa medyo maluwag at kakaonti lamang ang mga sasakyan ngayon ay kulang nalang ay mag camping na ako dito sa sobrang tagal ng pag usad ng mga sasakyan.
"Were here Maam," anunsyo ni Peter nang iparada nito ang kotse sa harapan ng napakalaking building dito sa Makati. Lumabas ito ng sasakyan para pagbuksan ako ng pintuan. Sinundan ko si Peter papasok sa loob ng gusali.
Napansin ko na karamihan ng mga tao sa loob ng building ay nakatingin sakin. Wala naman siguro akong dumi sa mukha o sadyang bago lamang ako sakanilang paningin. Gumamit narin kami ng elevator para makarating agad sa 17th floor kung nasaan daw si Papa.
"Late ka ata," narinig kong bulong ng isang babae sa kanyang kasama sa aking likuran. "Patay ka namaman nyan kay Ms. Agustin siguradong sasabunin ka non!"
"Sinabi mo pa! Kahit isang segundo ka lang late ay makakarinig ka talaga ng masakit na salita sa babae na iyon," sagot naman ng isa. "Baka pwede akong lumipat sa department mo,"
I find it really offensive when people talk behind someone's back but I can't really judge them either. Malay ko ba kung sino ang pinaguusapan nila. Baka isang matandang babae na nagpahirap sa buhay nila.
"Sa ngayon wala pang vacant but I will let you know,"
"Basta sabihan mo ako agad para makawala na ako sa mga galamay ni Ms. Agustin,"
Bumukas ang elevator sa 11th floor at parang may dumaang anghel na nagpatigil at tameme sa aming lahat nang pumasok ang isang magandang babae na nakasuot ng sexy na office uniform, spectacle at shoulder nag.
Marami na akong nakita at nakilalang magagandang babae sa pagtira ko sa France pero itong babaeng na ito ay naiiba sa lahat.
"Good morning Ms. Agustin," narinig kong bati ni Peter sa babae. "You are always look so beautiful as ever," hindi ko alam kung matatawa ba ako sa narinig ko. May tinatago palang pagka romantiko itong si Peter.
Isang matipid na Thank you lamang ang narinig namin mula kay Ms. Agustin na sya ring topic ng dalawang babae kanina sa aking likuran dahil base sa reaksyon ng mga ito ay ito ang pinaguusapan nila kanina.
Parang napakabata naman nitong si Ms. Agustin para magkaroon ng mataas na katungkulan sa kumpanya.
Napatingin ako sa salamin ng elevator para masilayan ulit ang kanyang mukha pero nahuli ko itong nakatingin sakin at agad na umiwas.
"Would you mind having dinner with me?" nakangiti na, nakatawa pang tanong ni Peter kay Ms. Agustin na mukhang bored na bored sa pananatili sa loob ng Elevator.
"No, thanks!" agad na sagot nito.
Tumunog ang Elevator at nakarating narin kami sa 17th floor. "Okay," dismayadong bulong ni Peter at tumingin sakin. "This way Maam," alalay ni Peter ng lumabas na kami sa elevator at nagtungo sa isang exclusive room. Pinagbuksan ako nito ng pintuan at pumasok kami sa isang malamig at walang lamang kwarto kundi mga sofa, tv at refrigerator. "Anything you want?"
Naupo ako sa sofa. "Nothing. Thanks," binuksan ko ang aking dalang bag. Nilabas ang aking tablet at agad na nag log in sa aking f******k. Alam nyo na millennial. Pero iuupdate ko lang ang aking pinsan at mga kaibigan na finally nakauwi narin ako sa Pilipinas.
"Samantha!!" muntik na akong mapatalon ng may sumigaw ng aking panagalan. "My little princess!"
Napangiti ako at agad na tumayo para salubungin ng yakap si Papa na ilang bwan ko ring hindi nakita. Dumadalaw dalaw naman kasi ang parents ko sa France kaya hindi akk masyado malungkot lalo na sa mga espesyal na okasyon.
"I'm not little princess anymore dad," natatawa kong sabi. "Mom!" at niyakap ko ng mahigpit si Mama na hanggang ngayon ay wala paring kupas ang ganda. "Para lang tayong magkapatid Mom!"
"Hindi ka parin nagbabago Samantha!" lalong napangiti si Mama sa aking tinuran, well hindi naman ito pambobola kundi nagsasabi lamang ako ng totoo. Dahil sa edad na kwarenta ay mukha lang syang nasa trenta. "We are really sorry kung hindi ka namin nasundo sa Airport, napakaimportante lang talaga ng meeting na ito para sa kumpanya,"
"It's fine Mom,"
"Thank you Peter, you can leave us," sabi ni Papa kay Peter. Agad naman itong tumalima at kaming tatlo nalang ang naiwanan sa loob ng kwarto.
"So, tell me what is happening?" Agad ko na tanong, wala ng patumpik tumpik pa diretcho agad sa totoong rason kung bakit ako umuwi dito sa Pilipinas.
Inilabas ni Papa ang mga folder. Kinuha ko ang mga ito at isa isang binasa. Inventory at financial statements ng kumpanya sa nakalipas na anim buwan. May mga unknown transactions na hindi malaman kung saan napupunta.
"Nalulugi ang ating kumpanya dahil sa nawawalang malaking pera," nanlulumo na sabi ni Mama. "Hindi namin alam kung sino ang may gawa ng lahat ng ito!"
"Nagpaimbestiga narin ako pero hanggang ngayon wala pang nahuhuli," dagdag ni Papa na kitang kita ang panghihinayang sakanyang mukha.
Napasandal ako sa aking kinauupuan at bumuntong hininga ng malalim. Kung tutuusin kaya naman naming mawala ang kumpanya na ito dahil marami pang negosyo ang aming pamilya pero kilala ko ang aking magulang, alam ko na hindi nila kayang mawalan ng trabaho ang libo libo nilang empleyado.
"Kung talagang ginagawa ng imbestigador nyo ang kanyang trabaho ay sigurado akong malalaman nya kung sino ang nagnanakaw," tinignan ko sina Mama at Papa. "Paano kung ako mismo ang mag imbestiga?"
"Ha? At paano mo ito gagawin?" nagtataka na tanong ni Papa.
"Magpapanggap akong empleyado dito, Undercover kung baga. Para malaya akong makapag mashid ng walang magdududa,"
"But you are still Imperial!" iiling iling na wika ni Papa.
"I can use my middle name, Samantha Concepcion instead of Samantha Imperial. But you have to help me to get inside Mom, Dad," paliwanag ko sa aking mga magulang na mukhang diskumpyado sa aking suhestiyon. "Please... This is for our company,"
Nagkatinginan sina Mama at Papa. Aminin man nila o hindi ay maganda ang aking ideya. Sigurado naman ako na walang nakakakilala sakin dahil ngayon lang ako umuwi ng Pilipinas.
"Oh sya sige. Ako na ang bahala," sang ayon ni Papa.
Sa totoo lang, kahit kailan hindi ko naisip na gagawin ko ang ganitong bagay pero para sa magulang ko, para sa kumpanya gagawin ko ang lahat. Sigurado ako na magiging mahirap ang lahat pero sa oras na matuklasan ko kung sino ang magnanakaw ay sisiguraduhin ko na makukulong sya.
Pagkatapos naming mag usap, magplano at mag isip ng mga dapat gawin dumaretcho na kami nina Mama at Papa sa isang sikat at kilalang restaurant.Sabi nila masarap daw ang pagkain dito at kilalang kilala sa mga masasarap at dekalidad na International cuisine.Maganda rin ang ambience sa loob, very romantic and solemn. Narerelax ang pagod kung isip at katawan."Kamusta na pala ang negosyo mo sa France?" tanong ni Mama habang tumitingin kami sa menu. Pricey ang pagkain pero siguro naman worth ang bawat sentimo."Excellent Mom!" nakangiti kong sagot. Kumuha ako ng Business Management dahil narin sa hiling ng parents ko para sa family business namin pagkatapos kong magawa ang gusto nila ay hinayaan na nila akong mag aral ng Fashion Designer na talagang passion ko sa buhay. Nakapagtayo narin akong boutique sa France. "Maganda naman po ang pagtanggap nila sa clothing line ko, we are trying to make new design
"So, kamusta ang first day mo kay Ms. Grace? Kaya mo pa ba?" tanong ng babae nang lumapit ito sakin habang nagxexerox ako ng mga documents.Inalis ko muna ang aking buhok na nakaharang sa mukha ko bago sumagot. "Well, so far okay naman kahit nakaranas na ako ng hagupit ng katarayan nya," napatawa ako ng mahina. "Bakit ganoon yung amo nyo? Ang sungit!"Inilapag ng babae ang kanyang hawak na baso ng kape. Kada makikita ko sya lagi syang kumakain. "Hindi ko rin alam. Nauna si Grace sakin dito. At base sa mga kwento na nasagap ko ay nakipaghiwalay daw si Ms. Grace sa dati nyang boyfriend dahil niloloko daw sya nito, kaya simula noon ay naging sing tigas sya ng bato at kasing lamig ng yelo,"Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi, kasi lahat naman tayo ay dumadating sa punto na lokohin ka ng taong minahal mo ng sobra sobra. "If that was true that suck," sa ganda ba naman ni Ms. Grace ay hindi n
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko hindi dahil sa Marathon kundi sa ilang segundong pagtitinginan namin ni Grace. Agh. Si Grace na sobrang bilis tumakbo, hindi ko na alam kung saan sya nagpunta. E para saan pa at isinama nya ako dito kung iiwanan nya rin ako.Kanina ko pa rin sinusubukan hanapin si Gwen pero kahit anino nya hindi ko makita, baka kumakain lang yun sa tabi tabi o di kaya nakasunod kay Paulo."Maam!"Hindi ako lumilingon, malay ko ba kung ako yung tinatawag o hindi."Teka Maam sandali!" at sa pagkakataon na ito biglang sumulpot sa aking harapan ang dalawa kong body guards."Anong ginagawa nyo dito!" nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan sila, take note nakasuot din sila ng damit pang Marathon. "Saka wag nyo na akong tatawaging Maam, Sam nalang," baka kung ano pang isipin ng mga tao sa paligid ko kapag narinig nila na tinatawag akong Maam ng dalawang lalaking ito.Napakamot sa ulo ang isa na medyo
Hindi ako nakatulog buong magdamag kahit sobra akong pagod. Ayaw tumigil ng utak ko sa kakaisip sa mga nangyari sa bar at sa natuklasan ko tungkol kay Grace.Kaya ngayon para akong zombie na hindi nakatulog ng isang libong taon at ang pinakamalala pa ay late na ako sa trabaho. Halos paliparin ko na nga ang kotse ko pero hindi parin umabot sa oras. Siguradong sasabunin ako nito ng masungit kong boss.Dinaig ko pa si Usain Bolt sa bilis ng aking pagtakbo papuntang elevator. "Hold it for me please," sigaw ko bago tuluyang mag sara ang pintuan. Mabuti nalang may mabait na tao na nagbukas ng elevator para sakin. Pagpasok ko sa loob ay parang naumid ang aking dila ng makita si Grace. "Thanks,"Hindi kumibo si Grace. Teka bakit kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa elevator? Usually pag ganitong oras nagsisiksikan ang mga empleyado dito..Ilang segundo palang kaming nakasakay pero pakiramdam ko napakatagal at bagal ng oras.
Wala ako masyadong ginawa ngayong araw dahil maghapong nasa meeting si Grace at nang hanapin ko ang confidential folder na nasa drawer nya ay hindi ko na ito mahanap, mukhang nakatunog at naitago na ang ebidensya."So ayun na nga, ngayon nakikipag balikan yung ex boy friend ko after he dump me for another girl," kwento ni Gwen sakin habang nagxexerox ito ng mga papeles. "Sa tingin mo anong dapat kong gawin?"Sa totoo lang wala naman talaga akong naintindihan sa mga kwento nya dahil mas iniisip ko pa kung anong ginagawa ngayon ni Grace. Nakakamiss din pala pag wala sya dito sa opisina. Walang nagtataray at nagsusuplada sakin, mas challenging kasi for me ang mga tipo nyang babae."Well, it depends,""Depends of what?"Sumandal ako sa pader at inihilig ang aking ulo. Parang fiesta ngayon, nagkakagulo ang mga tao dahil wala ang pusa kaya panay laro ng daga. "If you still love him then wh
"So, how was the undercover thingy Sam?" biglang tanong ni Papa na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko namalayan na nakauwi na pala sila galing sa bakasyon."Speaking of that," ibinaba ko ang hawak kong financial statements ng kumpanya at hinarap si Papa. "I have two suspect already,"Pumasok si Papa sa loob ng kwarto ko. "Sino sila?" at tumayo sa aking tabi."Paulo," sagot ko. "And-and Grace," nanikip ang dibdib ko isipin pa lang na si Grace ang nagnanakaw sa kumpanya. "Or pwedeng magkasabwat sila. Dahil laging hinahanap at pinupuntahan ni Paulo si Grace sa kung ano mang dahilan. Naoverheard ko rin si Paulo na may itatransfer daw sya as soon as possible while Grace is hiding a confidential papers,""I can't believe Grace will do that," malungkot na salita ni Papa. "And Paulo, I honestly didn't know what to say,""Can I ask a favor?""Sure,""Give me an access sa Finance department and
Halos mapatalon ako sa tuwa at excitement ng sa wakas ay makarating kami sa isang resort kung saan gaganapin ang team building namin. Nagpahinga muna kami ng kaonti, nagpalit ng damit bago kumain. Kasama kong kumain si Gwen samantalang si Grace ay kausap si Paulo."Sam, ano ba yan!" saway ni Gwen sakin. "Kawawa naman yung pagkain mo kanina mo pa pinapatay, double dead na yan!"Napatingin ako sa pagkain ko, hindi ko na makilala yung manok, para na syang corn flakes. "Sorry," palihim kong sinulyapan si Grace at malaya syang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Sobrang ganda nya talaga lalo pa ngayon na wala ng nakahambalang na salamin sa mukha nya. Kaya hindi ko masisisi ang mga kalalakihan dito na walang pasubali sa pagtingin at pagpapatansya kay Grace."Ayusin mo nga yang mukha mo Sam," natatawang bulong ni Gwen habang umiinom ito ng kape. "Halatang halata na nagseselos ka e,""Excuse me, I'm not jealous!" m
"Are you okay Sam? Mukha kang zombie!" napamulagat ang mga mata ni Gwen habang nakatitig sa mukha ko."A little," matipid kong sagot. Hindi kasi talaga ako masyadong nakatulog buong gabi dahil sa pagkapahiya na aking naramdaman ng mabisto ni Grace ang totoo kong nararamdaman para sakanya.Bakit ba kasi ang tanga ko para isipin na tulog na sya dahil sa kalasingan at idagdag pa yung kadaldalan ko. Wala naman syang ibang sinabi pagkatapos kong hindi sinasadya na masabi na gusto ko sya. Baka talagang hindi nya ako gusto kaya hindi sya nag react."May nangyari ba sa inyo ni Grace?"Umangat ang paningin ko mula sa kinakain kong agahan papunta sa mukha ni Gwen. "An-ano? Wala! Ano namang mangyayari samin? Ang sungit sungit ng babae na yon baka masapak nya pa ako kahit makalabit ko lang ang daliri nya!" naiiling kong sagot sabay supalpal ng pancake na bibig ko.