Share

5

Hindi ako nakatulog buong magdamag kahit sobra akong pagod. Ayaw tumigil ng utak ko sa kakaisip sa mga nangyari sa bar at sa natuklasan ko tungkol kay Grace. 

Kaya ngayon para akong zombie na hindi nakatulog ng isang libong taon at ang pinakamalala pa ay late na ako sa trabaho. Halos paliparin ko na nga ang kotse ko pero hindi parin umabot sa oras.  Siguradong sasabunin ako nito ng masungit kong boss. 

Dinaig ko pa si Usain Bolt sa bilis ng aking pagtakbo papuntang elevator. "Hold it for me please," sigaw ko bago tuluyang mag sara ang pintuan. Mabuti nalang may mabait na tao na nagbukas ng elevator para sakin. Pagpasok ko sa loob ay parang naumid ang aking dila ng makita si Grace.  "Thanks," 

Hindi kumibo si Grace. Teka bakit kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa elevator? Usually pag ganitong oras nagsisiksikan ang mga empleyado dito..

Ilang segundo palang kaming nakasakay pero pakiramdam ko napakatagal at bagal ng oras. 

"I want to thank you about last night," narinig kong bulong ni Grace na hindi kumukurap ang mga mata habang daretsong nakatingin sakanyang reflection sa salamin ng elevator. 

"No problem," napasulyap ako kay Grace. Neat na neat ang pagkakapony tail ng kanyang buhok, walang make up at sopistikada ng kanyang pananamit walang kalukot lukot. 

Nakita kong gumalaw ang labi ni Grace pero hindi na nya itinuloy ang kanyang sasabihin ng may biglang pumasok. Halos matumba ako sa paggigitgitan ng mga tao pero naramdaman ko ang braso ni Grace na pumaikot sa aking bewang para suportahan ang balanse ko. 

Hindi ko alam kung bakit nagtayuan ang mga balahibo ko simula ulo hanggang paa at bumilis ang tibok ng aking puso. Sa lakas nga nito natatakot akong marinig ito ni Grace. 

Nakahinga ako ng maayos ng malalabas na kami ng elevator. Kinalman ko muna ang aking sarili bago sumunod kay Grace pero bago pa ako makapag lakad ay narinig ko si Gwen na tinatawag ang aking pangalan. 

"Sam!" kumaway pa sya sakin. As usual, kumakain nanaman sya. "Kamusta?" tanong nito ng makalapit ako sakanya. 

"Okay naman, ikaw kamusta? Hindi na kita nakita kahapon," 

"Kasama ko yung iba nating katrabaho dahil nagpakain si Sir. Paulo after ng Marathon. Hinahanap ko nga rin kayo ni Maam Grace e," isinubo ni Gwen ang cookies sakanyang bibig. 

"Pero nakita namin si Paulo dito kahapon," nagtataka kong sabi. Tila naguluhan din si gwen. "Anyway, I have to go now baka sermon ang abutin ko kay Grace," 

Tumango tango si Gwen. "Let's have a lunch together para makilala mo rin yung iba nating katrabaho,"

"Sure why not," at naglakad na ako palayo. "Bye,"  

"Good luck sa laban!" natatawang sabi ni Gwen sakin. Well, hindi ko sya masisisi dahil alam nya kung gaano kademanding maging boss si Grace at mabuti nalang nagsuot ako ng flat doll shoe ngayong araw dahil sigurado akong papagurin nanaman ako nito kakautos. 

Wala si Grace pag pasok ko sa office, gusto ko sanang kalikutin ulit ang drawer nya para malaman kung ano yung folder na may level na confidential pero ayaw kong magbaka sakali lalo pa at kakahuli nya lang sakin kahapon. 

At isa pa may kailangan p akong bantayan na tao lingid kay Grace, yun ay si Paulo. Hindi kaya magkasabwat silang dalawa?

"Where is Grace?" bungad na tanong ni Paulo sakin, hindi ko man lang naramdaman o narinig na bunukas ang pintuan. "Is she here?" 

"Oo, lumabas lang saglit," yan nalang ang sinabi ko kahit na hindi ko talaga alam kung saan nagpunta si Grace. 

Lumapit si Paulo sa lamesa ko habang inaayos ang kanyang suot na kurbata. "Anyway, Sam. Pasensya ka na pala kahapon," 

"I can't say that it was okay," sumandal ako sa aking kinauupuan at tinitigan ng mabuti ang mukha ng lalaking posibleng nag nanakaw sa aming kumpanya. "But let's forget about it," 

Ngumiti si Paulo pero halatang halata na pilit lamang ito. Siguro pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa. We don't like each other. "Thanks but you know what dapat alam mo rin kung saan ka lulugar," 

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya. Agad akong tumayo at naglakad palapit kay Paulo. "I should be the one who needs to remind you that," huminto ako mismo sakanyang harapan. "Especially if it's not your property," inayos ko ang collar ng kanyang damit. "So be careful," 

Gumalaw ang panga ni Paulo, bakat ang mga ugat sakanyang leeg at noo. "And who do you think you are para pagsabihan mo ako ng ganyan? Isa ka lang sekretarya na pwedeng pwede kong tanggalin sa isang kumpas lang ng daliri ko," 

Ngumiti ako bago humakbang palayo sakanya. "Then do it Paulo, walang pumipigil sayo," 

"What is happening?" narinig namin ang boses ni Grace na nagsalita. "Is everything okay?" tumayo si Grace sa pagitan namin ng lalaking ito. Nagtititigan lang kami ni Paulo. "Sam," 

Ako na ang unang umiwas ng tingin at bumalik sa aking kinauupuan. Hinding hindi ako papayag na maliitin ako ng kahit na sino. Hindi ako nag aral at naging succesful sa buhay para lang pagsalitaan ng kung ano ano. 

"Nothing Grace," sagot ni Paulo. "Anyway can I talk to you in private?" naramdaman ko ang mata ni Paulo sakin. 

"Yeah sure," lumabas sila ng kwarto at nag usap sa labas. Kung may kapangyarihan lang ako na marinig ang pinaguusapan nila e ginawa ko na sana. Napansin ko na tumingin si Grace sa direksyon ko at bumalik kay   Paulo. Ano kayang sinasabi ng lalaki na iyon tungkol sakin. Hindi man din ako magaling magbasa ng mga labi at lalong ang hirap basahin ni Grace o hulaan kung ano ang iniisip o nararamdaman nito. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na si Grace sa loob ng opisina. "Sam," sambit nito sa pangalan ko. 

"Yes Ms. Grace?" bigla akong nakaramdam ng kaba. 

Hinubad ni Grace ang suot nitong salamin at tumingin sakin. "About last night, can we please keep it in  private," 

Akala ko kung ano na. "No problem," wala naman akong karapatan ipangalandakan ang sikreto ng ibang tao at kung ayaw nyang ipaalam na lesbian sya. Basta ako out and proud. 

"But it doesn't mean na we are friends or something now," 

Pinigilan ko ang aking sarili na wag iikot ang mga mata. Wala parin syang pinagbabago. "Yes Maam," 

"Good," ngumiti si Grace. Minsan natatakot na ako sa babae na ito, hindi ko na sya maintindihan. "Dalhin mo ito kay Mr. Benito,"  inilapag nya ang folder sa ibabaw ng kanyang lamesa. "Bumalik ka agad dahil marami kang gagawin," 

Hindi na ako nagreklamo dahil kinakailangan ko rin naman talagang maglakad lakad para makapag imbestiga. Ilang araw na ako dito pero wala parin akong napapala. At medyo hindi ko pa rin kabisado ang mga floors, pasikot sikpt at mga pangalan ng mga boss dito sa kumpanya kaya nagtanong tanong pa ako. 

Bago pa man ako makarating sa opisina ni Mr. Benito ay nakita ko si Paulo na pumasok sa isang pintuan.  Nagpalinga linga ako bago tahimik ko syang sinundan. 

Ngayon ko lang nalaman na may maliit na pasilyo dito na kung saan matatanaw mo ang buong lungsod ng makati. May mga upuan, lamesa, television at vending machine. Para itong lihim na pahingahan ng mga tao. 

"Yes sir. Itatransfer ko sa inyo as soon as possible," narinig kong sabi ni Paulo sa kausap nya sa cellphone habang nakatayo sa harapan ng salamin. "I will make sure of it," 

Nagtago ako sa gilid na nahaharangan ng mga halaman. Ano kaya iyong itatransfer nya? At talagang dito pa sya nakikipag usap? Para ano? Para walang makarinig sakanya?

Ibinaba ni Paulo ang tawag at nakangiting naglakad sa kabilang direksyon ng building. 

"What are you doing here Ms. Concepcion?" 

Muntik ng malaglag ang puso ko ng may bunulong sa tenga ko. Unti unti akong humarap sa taong nakatayo sa aking likuran. 

"Jesus, you scared the hell out of me Grace!" hinawakan ko ang aking dibdib sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. 

"It's Ms. Grace not just Grace at ano  bang ginagaw mo dito? Sabi ko ibigay mo kay Mr. Benito ang papeles na yan!" inis na sabi nito sakin. 

"Ah yes," nilunok ko ang nerbyos. "May hinahanap lang po ako," 

"Nalaglag nanaman ba ang hikaw mo?" nakataas ang kilay na tanog ni Grace. Of course alam nyang nagsisinungaling ako about yesterday pero pinalampas nya nalang ito. 

"Kung hindi ka lang mataray hinalikan na kita e," bulong ko sa hangin. 

"Anong binubulong bulong mo diyan," nautal na salita ni Grace na medyo namumula ang pisngi. Narinig kaya nya ang sinabi ko? 

"Puntahan ko na po si Mr. Bento," paalam ko at nagmamadaling naglakad palayo kay Grace. 

"Wag mo akong tinatalikuran!" 

Pero hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa opisina ni Mr. Benito. Magiliw itong matanda at walang ginawa kundi kwentuhan ako ng tungkol sa mga chicks nya at painting na kanyang mga collection. 

Kung hindi pa ako sunduin ni Grace sa opisina nito ay hindi pa ako makakaalis. 

"Oh gosh finally nakalabas rin! Akala ko magkakaugat na ako sa kakakwnento ni Manong Benito," nag unat unat ako ng braso. 

"It's 12, you can take a break," walang emosyon na sabi ni Grace bago lumiko at sumakay ng elevator. Ewan ko ba, pero parang ilang sya sakin at hindi man lang nya ako tinitignan. 

"Sam tara!" aya ni Gwen sakin.  Kasama nyang kumakain mga katrabaho nya. Lumapit ako sakanila. Share share sila sa pagkain. "Saluhan mo kami dito," at kinuha ni Gwen ang isang bangko at inilagay sa tabi nya. 

Naupo naman ako at pinagmasdan silang lahat. "Kamusta kayo ni Grace?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Gwen. 

"Okay naman," kahit na sinusungitan ako ng babae na iyon e wala pa naman syang ginagawa para tuluyan akong mainis at magalit sakanya.

"Buti nakakatagal ka," singit ng isa..

"Yung mga naging secretary nya hindi tumatagal ng isang araw ay nagpapalipat na agad sa ibang  department," natatawang sabi ni Gwen habang sumusubo ng pagkain.

Biglang dumaan si Grace sa aming harapan galing sa elevator, wala syang dalang pagkain. Puro sya trabaho kaya pati sarili nya e nakakalimutan na nyang ayusin. 

"Pero alam nyo minsan gusto kong lapitan si Grace lalo na kapag kumakain. Lagi kasi syang mag isa at pero natatakot ako baka sakmalin ako," biro ng isa. 

I understand na hindi nila gusto si Grace as a boss but a person dapat hindi mawala ang respeto natin sa isang tao. Lalo pa at wala tayong alam sa pinagdaraanan nila. It's hard to judge someone base sa ginagawa nila o ano. 

Napatingin silang lahat nang tumayo ako dala ang aking pagkain na hinanda ng kasambahay namin. May pagkain din si Grace pero nahihiya akong ibigay baka hindi tanggapin.  

"Sorry girls, I forgot something," pagsisinungaling ko at iniwanan ko na sila. Pumasok ako sa loob ng opisina ni Grace, abala ito sa pagbabasa ng mga papeles. Lumapit ako sa lamesa nya at inilapag ang pagkain na para talaga sakanya. "It's lunch time," 

"Thanks," matipid nitong sagot pero kita ko na lumambot ang mata nya. Napaisip tuloy ako kung may gumawa na ba ng ganito sakanya. "Akala ko sa labas ka na kakain kasama nina Gwen?" 

Nagkibit balikat ako bago bumalik sa lamesa ko. "Mas gusto kong dito nalang kumain kasama mo," minsan hindi ko makontrol ang bibig ko. "I mean--" 

"Why?" putol ni Grace sa sasabihin ko. 

"I just..." napalunok ako at namula ang mukha. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit mas pinili ko syang makasama kaysa sa ibang tao. "I just want to be here and eat with you," 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status