Share

6

Wala ako masyadong ginawa ngayong araw dahil maghapong nasa meeting si Grace at nang hanapin ko ang confidential folder na nasa drawer nya ay hindi ko na ito mahanap, mukhang nakatunog at naitago na ang ebidensya.

"So ayun na nga, ngayon nakikipag balikan yung ex boy friend ko after he dump me for another girl," kwento ni Gwen sakin habang nagxexerox ito ng mga papeles. "Sa tingin mo anong dapat kong gawin?"

Sa totoo lang wala naman talaga akong naintindihan sa mga kwento nya dahil mas iniisip ko pa kung anong ginagawa ngayon ni Grace. Nakakamiss din pala pag wala sya dito sa opisina. Walang nagtataray at nagsusuplada sakin, mas challenging kasi for me ang mga tipo nyang babae.

"Well, it depends,"

"Depends of what?"

Sumandal ako sa pader at inihilig ang aking ulo. Parang fiesta ngayon, nagkakagulo ang mga tao dahil wala ang pusa kaya panay laro ng daga. "If you still love him then why not pero for me mas okay na wag na dahil once a cheater always a cheater," 

Natahimik si Gwen mukha napaisip sa sinabi ko. "You know you are right. Ayaw kong pumulot ng bato na ipupukpok ko sa ulo ko. I'm better without him," tumingin sya sakin. "Ikaw Sam, may boyfriend ka ba? Sa ganda mong yan hindi katakataka na maraming nagkandarapa sayo,"

Napatawa ako ng mahina. "I'm not really interested in men," pinagmasdan ko kung pano napanganga si Gwen sa kanyang narinig. "I'm lesbian,"

"You are what?" singit na tanong ni Grace mula sa aking likuran. Para syang kabuti na basta nalang susulpot.

Nagkatinginan kami ni Gwen. "I'm.. I'm.. " napalunok ako.

"She is going to the restroom," sagot ni Gwen para sakin sabay ngiti na pekeng peke. "Go now Sam," at sinenyasan nya akong umalis.

"Excuse me," anang ko bago pumunta ng rest room. Wala namang tao kaya tumayo lang ako sa harapan ng salamin at tinitigan ang sarili ko. I don't have problem naman telling people that I'm lesbian pero sa sitwasyon ngayon baka mas makakabuti na hindi ko muna ipaalam kay Grace hanggat hindi pa natatapos ang misyon ko dito.

Pagkalipas ng limang minuto ay bumalik na ako sa office. Tahimik na rin ang mga tao na tila dinaanan ng anghel. As usual abala nanaman si Grace sakanyang trabaho. Minsan ba nakaramdam na sya ng pagod?

"Mabuti at dumating ka na," bungad ni Grace na hindi tumitingin sakin. Pinagmasdan ko lang ang pag galaw ng kanyang pilikmata at bibig na tila nang aakit. "May team building tayo from Saturday to Sunday kaya ayusin mo ang mga gamit mo,"

Nakaramdam ako ng excitement. Hindi ko pa kasi naranasan yung team building. "Yay, I can't wait!" kinikilig ko pang sabi.

"Is this your first time?" tanong nya pero tuloy parin ito sa pagbabasa ng kung man sakanyang harapan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay umiiwas lang talaga sya ng tingin sakin. Pero bakit? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Syempre narinig ko lang yang lines sa isang pelikula.

Nahihiya akong tumango. "Yeah," kasalanan ko ba kung hindi uso samin sa France ang team building.

Biglang inilapag ni Grace ang hawak nyang ballpen at sumandal sakanyang upuan. Mariin syang napapikit at tila binibiyak sa sakit ang kanyang ulo.

"Are you okay?" nag aalala kong tanong. Tumayo ako at lumapit sakanya. "Do you want water or any medicine?"

Umiling ito. "No need," unti unting binuksan ni Grace ang kanyang mga mata at tinitigan ako ng maagi.

"Are you sure?"

"I-I just need a space," utal na bulong nito.

Nag init ang aking pisngi at mabilis na lumayo sakanya. "Sorry,"

Inalis ni Grace ang suot nyang salamin sa mata. "Okay lang ako. Siguro kailangan ko lang ng new prescription glasses. Anyway. Maghanda ka para bukas okay, magkita nalang tayo dito,"

Sobrang lakas ng ulan ng matapos ang trabaho. May kulog at kidlat pa. Yung ibang empleyado ay sumusugod nalang sa ulan para sumakay ng bus o sakani kanilang mga kotse.

"Tara Sam hatid na kita!" aya ni Gwen sakin.

"I have a car Gwen, thank you!" nakangiti kong sabi. Hindi lang talaga ako makaalis dito sa pintuan dahil wala akong payong. "Ingat!" kaway ko sakanya.

Ayaw ko pa talagang umuwi dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Wala parin sina Mama at Papa, si Megan ay hindi ko malaman kung nasaan. Tawagan ko kaya si Alex? Pero baka mamaya e busy sya.

Sumugod ako sa ulan at tumakbo kung saan nakaparada sa kotse ko. Pero alam nyo ba yung pinakamalas? E yung ayaw umandar ng sasakyan mo.

"Agh! Bwiset!" gigil kong sabi habang iniistart ang makina pero ayaw parin. "Bakit ngayon pa," biglang may kumatok sa salamin ng sasakyan ko. Sa damit palang ay nakilala ko agad ito. Nanlulumo kong ibinaba ang salamin.

"Okay ka lang ba dyan?" tanong ni Grace habang inaayos ang bitbit nyang payong. "Ikaw nalang natitira dito sa parking lot,"

"My car...."

Naintindihan agad ni Grace ang nais kong sabihin. Ito siguro ang  kagandahan sa mga matatalino na  taong kausap mo, hindi na para maraming paliwanagan pa.

"Sumabay ka na sakin, ihahatid na kita," 

Bigla akong napadaretcho ng upo. Hindi nya ako pwedeng ihatid sa bahay dahil malalaman at malalaman nya ang katotohanan na anak ako ng presidente ng kumpanya na pinagtatrabahuhan nya. Siguradong mapupurnada na lahat ng plano ko.

"No it's ok--"

"Don't make me do it Sam," banta ni Grace. "Lumabas ka na dyan at nababasa na ako ng ulan,"

Isang salita lang ni Grace ay nagmamadali pa akong lumabas ng sasakyan. Pinayungan nya ako at naglakad kami patungo sakanyang kotse na hindi kalayuan.

Bago pa man mabuksan ni Grace ang pintuan ng kanyang sasakyan ay para itong nahilo at medyo nabuwal mabuti nalang at agad ko syang nahawakan pero nabasa kami ng ulan dahil nabitawan nito ang  payong.

Nakita ko sina B1 at B2 na lumabas ng kotse pero agad ko silang pinigilan sa panamagitan ng pag iling ng aking ulo. Huminto naman ang mga ito at kahit nagdadalawang isip ay bumalik na sila sa sasakyan.

"Hold on," bulong ko kay Grace at iniupo ko sya sa passenger seat side  bago ako sumakay sa driver seat. "Ituro mo nalang sakin kung saan ang bahay mo para mahatid kita," tumango lang si Grace at inihilig na ang kanyang ulo sa headrest. "Gusto mo bang pumunta sa doctor para makapag pacheck up ka sa mata?"

Marahang idinilat nito ang kanyang mata at tumingin sakin. "Are you sure? Alam kong pagod ka narin sa trabaho,"

"Mas pagod ka kaysa sakin," bulong ko at saka ako nagmaneho pero ramdam ko ang mata nya sakin. Hiindi ko talaga gusto kapag tinititigan ako ni Grace. Para akong kandila na nauupos. Ganito din ba ang nararamdaman nya kapag tinititigan ko sya?

'Thank you Sam!" narinig kong bulong ni Grace. Pagkalipas ng mahigit bente minuto ay nakarating kami sa optomitrist nya at agad syang nagpacheck up ng mata. Gaya nga ng hinala ko, kailangan nya ng magpalit ng salamin dahil tumaas ang grado nya. "Which is better?"

Napatingin ako kay Grace habang nagsusukat ito ng salamin, tinitignan nya kung ano ang mas bagay sakanya. Maganda naman sya kahit nakasalamin sa mata.

Hinawakan ko ang kanyang salamin at unti unti itong inalis. Tila naumid ni Grace ang kanyang dila habang titig na titig sa mukha ko.

"Mas lalo kang gaganda kung wala lang suot na salamin," walang gatol ko na sabi.

Kumurap kurap si Grace bago  bumalik sakanyang tamang huwisyo. Kinuha nya salamin mula sa aking kamay at tumalikod.

"Hi, do you need anything?" tanong ng magandang babae na nakatayo sa aking harapan. Halos lumuwa ang aking mata ng bumungad ang kanyang dibdib. Very seductive ng kanyang pagkakatingin at ngiti nya sakin. "Juice, coffee..." inilapit nito ang kantang labi sa aking tenga. "Or me..."

Nakangisi kong hinawakan ang bewang nito. "What an offer hmm," hindi na ako bago sa ganito dahil lagi akong nilalapitan ng mga babae, hindi ko alam kung naaamoy ba nila ang pagkalesbian ko o ano.

"You are so beautiful," bulong ng babae sakin habang hinawakan nya  ang ibabang labi ko. "So..." inilapit nito ang kanyang dibdib sakin. "What's the answer?"

"Sam!" pasigaw na tawag ni Grace sa aking pangalan, agad kong nilais ang aking kamay sa bewang ng babae. "What--" hindi na itinuloy ni Grace ang kanyang sasabihin. May kung anong emosyon sakanyang mga mata na ngayon ko lang nakita.  "Tara na!" nilampasan nya ako at lumabas ng clinic.

"I have to go," nakangiti kong sabi sa babae at humakbang ako palayo. "Bye!" nagmamamadali akong naglakad.

"Wait, what's your name!" narinig kong tanong ng babae pero hindi ko ito pinansin. Kahit kailan hindi ko hinihingi ang mga pangalan ng mfa babaeng lumalapit sakin.

Paglabas ko ng clinic ay nakita ko si Grace na nakasakay na sa kotse. Wala kaming imikan habang nagmamaneho ako.

"Nalingat lang ako saglit tapos nakikipag--"

"Excuse me, hindi ako nakikipaglandian," ako na ang pumutol ng sasabihin ni Grace.

Tumingin si Grace sa bintana. "Talaga lang," imbis na mainis ako sa pangkukwestiyon nya sakin ay hindi ko mapigilang mapangiti. "Anong nakakatawa?"

"Para kasing nagseselos ka," pagsasabi ko ng totoo.

"At bakit ako magseselos aber?" namumula ang mukha ni Grace. "Don't flatter yourself!"

Napailing nalang ako na may ngiti sa aking labi. Ayaw kong inisin si Grace baka sipain nya ako palabas ng kotse.  Napanganga ako ng itinuro nya ang kanyang bahay, dahan dahan kong ipinarada ang sasakyan sa harapan ng napakalaking Craftsman style house na pinalilibutan ng matte black automatic gate. Pagkatapos pindutin ni Grace ang password ay nagbukas din naman ito.

"Nice house," bulong ko habang minamaneobra ang sasakyan papasok. Kinuha ni Grace ang kanyang gamit at lumbas ng kotse. "Wala man lang thank you,"

Patingin tingin ako sa paligid ng buong kabahayan at masasabi ko na lahat ay pinagubusan ng pera.

"Ikaw lang mag isa dito?" hindi ko mapigilang itanong. Wala kasi akong nakikitang ibang tao lingid sa aming dalawa.

Ibinaba ni Grace ang dala nyang bag at pumunta sakanyang modernong kusina. "Oo," matipid nitong sagot. Naamoy ko ang napakabagong aroma ng kape. "I inherited this from my grand father two years ago,"

Naglakad lakad ako at sinuri ang mga vase, mukha silang mamahalin. "Really?" may paghihinala sa boses ko. "I mean. That is nice,"

Bumalik si Grace mula sa kusina na may bitibit na kape. Inabot nya sakin ang isa. "Katatapos lang ng renovation nito, wala pa akong isang taon dito," naupo kami sa napakalambot na sofa. "Anyway, I just need to change my clothes," tumayo ito at nagtuloy tuloy sa second floor.

Sa paghihintay ko lang kay Grace ay halos maubos na ang kape ko. Baka naligo pa siguro sya. Tumayo ako at pumunta sa harap bintana, medyo tumila na ang ulan. Biglang may kumaway sakin, sina B1 at B2 na naghihintay sa labas ng bahay. Sinenyasan ko sila na umalis na pero hindi ito sumunod. Grabe ang kulit ng mga ito.

Iinumin ko sana ang huling lagok ng kape ko ng biglang may tumahol sa aking likuran. Halos mapatalon ako sa gulat. "Ahh!!" aksidente kong natapon ang kape sa aking damit at napasigaw ako dahil sa init.

"What happened!" nag aalalang sigaw ni Grace at tumakbo palapit sakin. "Lily stop it!" saway nito sa pomerenian nya.

Hindi na ako nakapag isip ng maayos, agad kong hinubad ang suot kong long sleeves. Biglang nawala ang hadpi na aking naramdaman ng pinunasan ni Grace ang aking dibdib gamit ang tissue.

"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong nito habang seryoso sa pagpupunas sa dibdib ko samantalang ako ay sobrang pula ng mukha. "Sam, are y--" napatingin si Grace sakin. "Sorry," nagmamadaling lumayo ito sakin ng mapagtanto ang kanyang ginawa. "I didn't m--"

"It's okay," nanginig kong sabi at tumalikod ako sakanya. Pinagmasdan ko ang aking dibdib na pulang pula dahil sa paso.

"Wear this," inabot sakin ni Grace ang tshirt na saktong may nag doorbell. "Sino kaya to," tanong nya sakanyang sarili bago naglakad papunta sa pintuan.

Pagbukas palang ng pinto ay may yumakap na sakanya. Yung babaeng nasa club. Yung ex girlfriend nya.

"Jean. Ano ba!" pinaghalong gulat at inis ang nasa boses ni Grace. "Bakit ka ba nagpunta di--" nanlaki ang mga mata ko ng hinalikan ni Jean si Grace.

Parang bumagsak ang puso ko sa aking mga paa. Gusto kong maglaho pero pano nga ba?

Hinawakan ni Grace ang bewang ni Jean bago nya ito itinulak palayo.

"Grace... please..." pagmamakaawa ni Jean na may mga luha sakanyang mukha. "Can we at least talk?"

Napatingin si Grace sakin. Nakita ko ang pag aalinlangan sakanyang mata.

"It's okay Maam Grace," sumikip ang aking lalamunan. "I will just go and take a cab,"

"Sam..." hinawakan ni Grace ang kamay ko para pigilan akong maglakad.

Nagtitigan kami ni Jean at hindi ako nagpatalo sakanya. Pero bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan, bakit gusto kong durugin ang babaeng ito sa paghalik nya kay Grace? Hay. Hindi ko alam. Gayunpaman, kailangan ko ng umalis para bigyan ng space at privacy silang dalawa. Huminga ako ng malalim bago naglakad palayo at lumabas ng bahay.

To refresh my mind.. Music..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status