Share

7

"So, how was the undercover thingy Sam?" biglang tanong ni Papa na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko namalayan na nakauwi na pala sila galing sa bakasyon. 

"Speaking of that," ibinaba ko ang hawak kong financial statements ng kumpanya at hinarap si Papa. "I have two suspect already," 

Pumasok si Papa sa loob ng kwarto ko. "Sino sila?" at tumayo sa aking tabi. 

"Paulo," sagot ko. "And-and Grace," nanikip ang dibdib ko isipin pa lang na si Grace ang nagnanakaw sa kumpanya. "Or pwedeng magkasabwat sila. Dahil laging hinahanap at pinupuntahan ni Paulo si Grace sa kung ano mang dahilan. Naoverheard ko rin si Paulo na may itatransfer daw sya as soon as possible while Grace is hiding a confidential papers," 

"I can't believe Grace will do that," malungkot na salita ni Papa. "And Paulo, I honestly didn't know what to say," 

"Can I ask a favor?" 

"Sure," 

"Give me an access sa Finance department and the employees personal information especially their bank account," 

"Anything you need Sam," tumayo ako at niyakap si Papa. He is a good person at hindi nya deserve na pagnakawan ay traydorin ng mga taong pinagkatiwalaan nya. Kaya ako mismo ang magbibigay ng aral sakanila. Gagamitin ko lahat ng koneksyon namin para mapalabas sa lungga ang magnanakaw. "I'm happy na nandito ka," 

"Of course, I will do everything for you guys," tinapik tapik ang kanyang likod. "I love you. So how was the trip?" 

"Oh it was great, sana sa susunod ay makasama ka nanamin sa pagbabakasyon," kitang kita ko ang mga pagliwanag ng mga mata ni Papa. 

"We need to plan for it," 

"May nakilala nga kaming napakagandang dalaga doon," tinitigan ako ni Papa ng kanyang mga mapanuring mata. "Sigurado akong magugustuhan mo sya," 

This is one of the good side na alam ng parents mo na you are gay or lesbians at tanggap na tanggap ka nila, na sila pa mismo ang maghahanap ng right girl for you pero syempre it doesn't mean na magugustuhan ko na ito dahil puso ko parin ang papakinggan ko. 

"Thanks Dad but I actually like someone," bigla akong natahimik ng marinig ang sinabi ko. Wait, Like? Iisang tao lang ang pumasok sa isip ko. Si Grace. "Never mind father," 

"Komplikado ba?" tanong ni Papa na may makahulugang ngiti sakanyang labi. Parang alam nya kung sino ang nasa isip ko. "I actually like her for you Sam," 

Namumula ang aking mukhang na umiwas ng tingin kay Papa. Hindi na ako nakapagsalita at inabala nalang ang sarili ko sa pag tingin sa computer pero ang isip ko ay lumilipad at malayo na ang narating. 

Sa totoo lang, hindi ko parin makalimutan ang paghalik ng Jean na yon kay Grace. Ang sarap nyang sakalin at ibaon sa lupa ng buhay. I had plenty of girlfriends pero lahat ng iyon ay serious relationship. Ayaw ko ng naguubos ng oras sa mga taong hindi naman worth it.

Baka nagkabalikan na silang dalawa, mukhang mahal pa ni Grace si Jean e. I have no right to get mad but still.. Agh. I hate this feeling. Hindi ito panahon para mainlove ako kay Grace at paano kung napatunayan kong sya nga ang magnanakaw sigurado doble o triple pa sakit na maidudulot nito sakin. 

Biglang kumalam ang sikmura ko sa dami ng iniisip ko. Hindi pa nga pala ako kumakain ng dinner. Bumango ako at lumabas ng kwarto pero muntik na akong madulas sa hagdaan ng makasalubong ko si Mama na may face mask. 

"Oh mother god!" gulat kong sabi habang hawak ang dibdib ko. "Why are you wearing that... face mask in the middle of the night," 

"Well," ipinakita ni Mama sakin ang hawak nyang baso ng tubig. "I got thirsty," napailing nalang ako. "May nakapagsabi nga pala sakin na dumating dito si Megan, where is she?" 

Napakamot nalang ako sa aking kilay. "Bumalik na sya sa France Mom, marami kaming naiwanang trabaho doon kaya hindi sya pwedeng magtagal dito,"

"Okay. Enjoy your team building tomorrow," sabi nito bago tuluyang pumanik sa second floor. 

"Oh gosh, oo nga pala may Team building kami bukas!" nanlalaki ang mata ko ng maalala na kailangan kong ayusin ang gamit ko para bukas. Mabuti nalang may gising pa kaming kasambahay para ipagluto ako ng makakain. 

Hindi pa man ako nakakasubo ay biglang sumulpot sina B1 at B2 at tumayo sa aking harapan. 

"Why are you guys doing here?" nagtataka kong tanong. "Wala ba kayong bahay o pamilya na uuwian?" 

Napakamot sila sa kanilang ulo. "24 hours po ang trabaho namin dito, may quarters naman po kami para makapagpahinga kapag tulog na kayo," 

"Hindi ba parang over exaggerated ang pagbabantay nyo sakin, hindi naman ako ang prinsesa ng England,"

"But you are the Heiress of multi-billion company in the country," seryosong sagot ni B2 habang nakatingin sa pagkain na nakalatag sa lamesa. 

At dahil alam kong nakakapagod ang sumunod sakin buong araw at gabi ay hindi naman siguro makakabawas sa kagandahan ko kung makakasabay ko ang dalawang ito sa pagkain. 

"Kumain na ba kayo?" 

Napatayo ng diretso ang dalawa. Iniisip kung oo o hindi ba ang kanilang isasagot. 

"Yes Maam," sagot ni B1 pero lumulunok ito ng malalim. 

"Okay. Uubusin ko nalang ang mga ito," at sumandok ako ng adobo. 

"I changed my mind," buntong hininga ni B1 at tumingin kay B2. "Kumuha ka ng plato dali baka magbago isip ni Sam!" 

Nagmamadali namang kumuha ng plato si B1 at naupo sila sa aking harapan. Hindi ko mapigilang mapangiti. Alam nyo kasi hindi naman mahalaga ang estado natin sa buhay para magkaroon tayo ng mga kaibigan. 

"Akala talaga namin matapobre ka," salita ni B1 habang ngumunguya ng pagkain. "Kasi kapag sinabing anak ng bilyonaryo at Heiress, unang papasok sa isip mo e matapobre, suplada at mapagmataas," pinagmamasdan ko lang ito. "Pero grabe, ibang iba ka!" 

"Kaya wag kang magdalawang isip na magsabi o pag utusan kami, lahat gagawin namin para sayo," dagdag ni B2. 

Napataas ang kilay ko. "As in lahat?" 

"Anything Sam! It's our job," 

Maaga palang ay gising na ako. Sinigurado ko na lahat ay kumpleto at sakto ang pang dalawang araw ko na damit. Sabay sabay kaming kumain ng agahan nina Mama at Papa bago kami pumunta sa aming mga trabaho. 

"This is the card key and USB na hinihingi mo kagabi," inabot ni Papa sakin ang mga ito.

Agad ko itong kinuha at pinagmasdan. "Malaking tulong ito sakin," 

"Mag ingat ka. Siguradong magdudulot ng gulo yan kapag nalaman na natin kung sino ang mag nanakaw," bilin ni Mama. 

Nilagay ko sa body bag ko ang card key at USB. "I will be careful Mom," tumingin ako sa orasan sa aking kamay. "Anyway. I have to go," tumayo ako at hinalikan sina Mama at Papa. "Ingat din kayo, tawagan nyo ako kung may problema ha," 

"10 feet away," paalala ko kina B1 at B2 na nakatayo sa pintuan ng kanilang sasakyan. Pumasok na ako sa aking kotse at nagmaneho papunta sa opisina kung saan kami magkikita kita. 

Ang una kong napansin ay ang tatlong aircon bus na nakaparada sa harap ng building ng makarating ako sa opisina. Marami naring tao sa labas at abala sa pag aayos ng kanilang mga gamit. Hindi ko mapigilang makaramdam ng excitement dahil first time ko makaranas ng team building. 

Pero parang nilipad ng hangin ang aking ngiti ng una kong nakita ay si Paulo. "Good morning Sammy!" plastik na plastik na ngiti nito habang nakatingin sakin. 

Isinarado ko ang pintuan ng aking sasakyan. "Good morning but don't call me Sammy," inis ko sabi kay Paulo at naglakad ako palapit kay Gwen na as usual ay kumakain nanaman.

"Hey, it's only a pet name," depensa ni Paulo na naglalakad sa aking tabi. 

Napahinto ako ng marinig ang sinabi ni Paulo at tinitigan ko sya mula ulo hanggang paa, side to side. "Do I look like a pet? Are we even close para bigyan mo ako ng pet name?" 

Mabigat talaga ang dugo ko sa lalaki na ito e. Una, dahil maaaring isa sya sa nagnanakaw sa kumpanya namin. Pangalawa, dahil kay Grace. Hindi na nakakibo si Paulo nang naglakad na ako palayo sakanya at palapit kay Gwen na napakalaki ng pagkakangiti sa akin. 

"Late ka na ata!" inabutan ako ni Gwen ng damit. "Kailangan mo itong suotin mamaya," kinuha ko ito. "Bakit kayo magkausap ni Paulo?" 

"He just greeted me," simple kong sagot at iginala ang aking paningin. "Dumating na ba si Grace?" 

"Hindi ko pa sya nakikita baka late lang din," naupo kami ni Gwen bench at inalok nya ako ng cookies. "I made this, try it!" 

Nahiya naman ako tumanggi kaya tinanggap ko nalang ang chocolate cookies. "Hmmm..." napaungol ako ng malasahan ito. "Masarap nga!" 

"I told you!" proud na proud na sabi nito. "Baking is actually my first love," 

"You should pursue baking," 

"I wanted too but I can't," makangiti parin si Gwen pero pakiramdam ko ay sa likod nito ay may malungkot na kwento. "The work here is very demanding, ubos na agad ang oras ko lalo na kapag may pinatatapos si Grace," 

"I understand," sang ayon ko. Dahil kahit ako pagod din, gising ng napakaaga, byahe sa edsa na laging traffic at uwi ng gabi. Buti pa noong nasa France ako, hawak ko ang aking oras. "But you know, it's a promising investment.." napanganga kami ni Gwen ng may huminto na kotse at lumabas si Grace. Oo si Grace na nakasuot ng simpleng skinny jeans, fitted grey tshirt at sneakers pero alam nyo yung pinaka nakakabighani sakanya? E wala syang suot na eyeglasses kundi graded contact lenses. 

Parang tumigil ang ikot ng mundo naming lahat at ineenjoy ang napakagandang tanawin at niyakap ang pagbabago kay Grace. 

"Wow. Ang ganda nya talaga," bulong ni Gwen na hindi man lang kumukurap. "Kaya lang masungit parin," 

Parang asong lumapit si Paulo kay Grace at sabay silang naglakad patungo sa aming direksyon. Tila pinilipit ang lalamunan ko ng magtama ang paningin namin ni Grace. Hindi ko alam pero may bago sakanya na mahirap masabi, dapat ko ba itong ikasaya o ikalungkot. 

"Good morning," malamyos ang boses na bati ni Grace samin pero ang kanyang mata ay hindi naaalis sa aking mukha.

"Handa na ba kayo girls?" nakangiting tanong ni Paulo. "Excited na ako sa mga gagawin nating activities," at pinagmasdan nito si Grace na hindi naman sya pinapansin. "Siguradong best tandem kami Grace," 

"Grabe ang hangin!" bulong ko. 

"May sinasabi ka ba Sammy?" walang emosyon na tanong ni tanong ni Paulo sakin. 

Tumayo ako at tinitigan si Paulo. "Ang lamig e. Para akong magkakasakit," at hinablot ko ang kamay ni Grace. "Let's go baka liparin tayo ng hangin este maubusan ng mauupuan" wala naman itong nagawa kundi sumunod nalang sakin. "Gwen come on!" tawag ko sa aking kaibigan na ngiting ngiti naman sa kung anong dahilan. 

Sumakay kami sa pangalawang bus, wala pa masyadong tao.

"Teka. Bitiwan mo na ako Sam!" agad kong pinakawalan ang kanyang kamay. Naunang naupo si Grace sa tabi ng bintana at ako sa kanyang tabi. Wala na kaming kibuan. "Anyway Sam," napasulyap ako sakanya. "I want to apologize about yesterday," 

Siguro okay na sila ni Jean kaya blooming si Grace ngayon. 

"It is okay, don't worry about it," pilit ang ngiti ko at umiwas na ako ng tingin. "I'm happy na okay na kayo," 

"Yeah," tumango tango pa si Grace. Parang may tumarak sa puso ko. "We just talked about everything, expressed our sides so we can separate ways without hatred or burden," 

"So you guys...." 

Tumingin si Grace sa bintana ng bus. "Jean and I," naaninag ko ang kanyang ngiti sa salamin. "We are really done," 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status