Share

7

Huwebes ngayon at ang ibig sabihin nito ay Happy Thrusday. The most awaited day of the week naming mga estudyante dito sa La Salle. Ito kasi ang araw na pwede kaming mag unwind, relax at magparty pagkatapos ng stressful week of school. It is the time when we go out, have drinks or even just chill with friends. 

Syempre yung iba more than that ang ginagawa at yan ang iniiwasan kong mangyari sakin. Mabuti nalang rin at matitino itong mga kaibigan ko. Yes, we drink but not too much. Alam namin ang limitation pagdating sa alak at party. 

Para kaming Charlie's Angels pagpasok namin sa bar na madalas naming puntahan na tatlo. Sabay sabay kaming naglakad, kaway dito kaway doon sina Ava at Maya na parang mga tatakbo sa pulitika  samantalang ako ay daretcho lamang tingin with my straight face. 

"Magsitigil nga kayo kakakaway," Saway ko sa kanila. Nakakahiya baka isipin ng mga tao, papampam kami meaning epal. "Humanap na tayo ng mauupuan bago pa may makauna satin."

Tumingin kami sa paligid ng punong puno na bar, napakaraming tao but we are still hoping na may malugaran pa kami. 

"Don tara!" Malakas na sabi ni Maya na halos sumigaw na dahil hindi namin sya marinig gawa ng malakas na tugtog. "Dalian natin!" Itinuro nya ang nagiisang cubicle na walang tao. So heto naman kami nagmamadali  maglakad na halos ikatapilok ko pa. Pagkarating namin sa cubicle ay sya ring magsulpot ng kaibigan ni Cassandra na hate na hate ni Maya. "Okay, wait. Kami ang nauna." 

"Says who?" Nakangising tanong nito kay Maya. Sa tagal ko na syang nakikita sa school, sa bar at kung saan saan pa but until now  hindi parin namin alam kung anong pangalan nya. 

"Maya.." Awat ko dito. "Let's find another place." 

Nakangiting tumingin sakin ang babae. Ngiting nambwibwiset. "Mabuti pa tong si Aubree marunong umintindi." Ibinalik nya ang atensyon kay Maya. "Umalis na kayo. This table is taken." 

"Aba!" Napaikot mata si Maya. "Sino ka ba para paalisin kami dito aber?" 

"Maya ano ba!" Mariin na bulong ni Ava at hinawakan ang kamay nito. "We are not here to make fight but enjoy!" 

Pero hindi tumitinag si Maya sa kanyang pagkakatayo, kahit kumurap ata hindi nya magawa. Kung nakakamatay nga lang ang tingin ni Maya baka kanina pa dead on the spot sa sobrang inis ang babaeng kaharap namin. 

"Blue.." Lahat kami napatingin sa likod na pinanggalingan ng boses and saw Cassandra standing there with all her beauty. Lumapit sya sa kaibigan nya na Blue ang pangalan. "What is happening?" 

"Nauna ako dito sa—" 

"Anong nauna Blue o kahit ano pang kulay yang pangalan mo. Wala akong pakialam." Umuusok ang ilong na sabi ni Maya na may kasama pang panlalaki ng mata. "Kami ang nauna dito!" 

Nakikinig lang si Cassandra at nagiisip kung ano ba ang dapat gawin since wala na talagang mauupuan dito sa loob ng bar. 

"Lipat nalang tayo," Suggest ko sa mga kasama ko. "Baka wala masyadong—"

"Maghati nalang tayo," Biglang salita ni Cassandra. "Kung ayaw nyo edi maghanap nalang kayo ng ibang bar." Naupo na sya sa cubicle at kumaway sa waiter. "Umorder ka na Blue." 

Nagkatinginan kaming tatlo nina Ava at Maya. Sa mata kami nagusap usap. Ganon talaga pag mga bestie. Eye to eye nalang. So nagkasundo kaming tatlo na tuluyang sumama kina Cassandra at makishare ng table since wala na talagang choice dahil punuan na ang bar. Umorder narin si Ava ng maiinom, shake sakin na may konting alcohol dahil ayaw ko namang malasing. I just want to relax and all but not get drunk. 

The whole time na nakaupo kami ay kaliwa at kanan ang lumalapit samin para ayain kaming sumayaw. Kung paramihan ang labanan mas marami ang lumalapit kay Cassandra pero isang kumpas lang ng kamay nya ay agad na umaalis ang mga ito. 

"Wala ka bang balak mag sayaw Aubree?" Tanong sakin ni Maya na namumula ang mukha dahil sa alak. "Nakakatatalong sayaw na kami ni Ava pero ikaw nagbubutas ng bangko." 

Nilunok ko muna ang kinakain kong strawberry. "As if namang sumasayaw ako. Alam nyo namang parehong kaliwala ang paa ko." Ewan ko ba kung bakit bigla akong napasulyap kay Cassandra and felt my heart swelled ng makita ko na she is looking at me too. "Enjoy lang kayo and let me be here," 

"Killjoy ka talaga Aubree." Iiling iling na sabi ni Maya sakin at hinatak nito si Ava sa gitna na parang mga hayop na nagwala sa dance floor. 

Naiwanan nalang kaming dalawa ni Cassandra sa cubicle. Nagsasayaw narin kasi yung kaibigan nyang si Blue. Since wala namang kibo ang Ice Queen ay hindi narin ako naglakas loob kausapin sya. We stay quite and i could not help but noticed na hindi nya pa nauubos ang isang baso na kanina nya iniinom. 

"Are you okay?" Curious ko na tanong kay Cassandra. Just making sure na okay lang sya. 

This time she looked at me making my heart jumped. "What made you think that im not okay?" Para tuloy nalunok ko ang dila ko dahil sa katarayan ni Cassandra. Sala sa init at sala aa lamig ang ugalit nya. Yung tipo nya yung napakahirap intindihin at pakisamahan. "Wag mo kong pakialamanan." 

I felt hurt and embarrassed the way she talked to me. Masama ba magtanong? Pero imbis na sagutin sya ng pabalang ay uminom nalang ako. Isang bote, dalawa. Sa alak ko ibinuntong ang inis ko. 

"Ang taray mo..." Hindi ko maintindihan kung bakit ko yun nasabi. Mukhang sa utak pumupunta ang alak na iniinom ko. Well, at least nagkakaroon ako ng tapang at lakas ng loob para kausapin si Cassandra. 

Minsan okay din na ilagay sa utak ang alak at hindi sya tyan. 

"What did you say?" Titig na titig na tanong sakin ni Cassandra, napahigpit rin ang kapit nya sa baso. 

Umiiling iling akong natawa. Oh gosh. I'm going crazy. "I said you are stupid!" Tumungga pa ako ng alak ngisang beses. "Akala mo kung sino ka—" 

Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla nyang hablutin ang collar ng damit ko at punong puno ng galit na tinignan ako. Inilapit ni Cassandra ang mukha sya sakin na halos isang pulgada nalang ang layo namin sa isa't isa. "You don't know Aubree me!" Her jaw tightened while looking at me. "So what?" Harsh ng pagkakasabi nya sakin. "Hindi porket magkapartner tayo sa special project ni Sr. Soltones at nakasundo mo si Ate Alex ay ibig sabihin nun close na tayo Aubree heck we are not even friends!" 

I saw something in her eyes, something like pain and sorrow.  Ano ba tong nagawa ko? Why i let my alcohol speak for me. Pero bigla kong naisip yung sinabi ni Ate Alex sakin. Wag ko daw sukuan ang dragon nyang kapatid. 

"Then tell me your secret." Hamon ko sa kanya. "Para maintindihan kita." 

Cassandra was taken aback and stared deeply on my face. She is battling with herself. "You don't have to.." Punong puno ng pait ang boses nya. "I won't let you in, never." Binitawan nya ang damit ko ng makita nyang papalapit sina Maya at Ava. 

Pareho kaming tumahimik ni Cassandra habang masayang naguusap ang mga kaibigan ko. Inabala ko nalang ang aking sarili sa paginom na hindi ko namalayang naparami na pala. 

Wala na ako masyadong matandaan aside from Ava at Maya tried stopping me na uminom pa ng uminom dahil saobrang lasing na daw ako. Nawalang parang bula si Cassandra sa table namin. Very well. Dahil lalo lang akong nababadtrip kapag nakikita ko sya. Kaya ako napainom ng marami dahil sa mga pinagsasabi nya sakin. That girl is frustrating. 

"Dito Bree.." Aya ni Maya habang akay akay ako papuntang restroom. "Jesus. You are so heavy!" 

"Let her sit," Utos ni Maya. Inupo nila ako sa toilet at pinunasan ang aking mukha ng twalyang may malamig na tubig. "Patay tayo sa ate mo." 

"Ano ba kasing pumasok sa isip ng babae na yan para uminom ng marami." Dagdag ni Ava. Lumuhod sya sa aking harapan. Halata ang pagaalala sa mukha nito. "Bree.." 

"Si Cassandra.." I said before i could even stop my mouth. 

"Ha? Why are you looking for her?" Nagtataka na tanong ni Maya. "May ginawa ba sayo ang babaeng yon?" 

Pero walang magregister sa utak ko dahil sa sobrang kalasingan. Basta pinanunuod ko lang ang lahat na parang slow motion na teledrama. Bumalik na kami sa cubicle, pinagpahinga nila ako hanggang sa medyo nawala yung epekto sakin ng alak. Hindi narin umalis sina Ava at Maya they both stay with me until we are ready to go. 

"Kaya mo na bang magdrive?" Tanong sakin ni Maya habang inaalalayan nila akong maglakad palabas ng bar. "Or gusto mo samahan na kita?" 

"No Maya," I forced myself to smile kahit na medyo nagdodouble vision ako. Ayaw ko namang maging pabigat sakanila. Siguro naman makakarating ako ng buhay sa bahay. Ilang minuto rin lang naman ang byahe ko. "Kaya ko na." 

Huminto kami sa harapan ng kotse ko. "Are you sure?" Nag aalalang tanong ni Ava. "We can drive you home at balikan ko nalang yung sasakyan ko dito." 

Umiling lang ako. "No girls." Ngumiti ako. A drunken smile. "Don't worry about me, okay lang ako." 

"Papatayin kami ng ate mo kapag may nangyari sayo—" 

"Bree.." Biglang sumulpot si Bren sa harapan ko. Parang gusto ko ulit maglasing pagkakita ko palang sa mukha nya. Until now hindi ko parin sya kinakausap after what he did to me. "Can we please talk?" 

"Stay away Bren." Mariin na utos ni Ava kay Bren. Of course, they knew what happened. I told them everything. "Tigilan mo na si Aubree." 

"Ano bang pakialam nyo?" Angil na tanong ni Bren sa mga kaibigan ko na lalong nagpakulo sa aking dugo. "I just want to talk to her that is all!" 

"Aba, may pakialam kami dahil kaibigan namin sya!" Galit na sagot ni Maya at nagpamewang pa sa harap ni Bren. "Botong boto pa naman ako sayo siraulo ka tapos gaganyanin mo si Aubree!" 

"Umalis ka nga dyan Maya!" Inis na bulong ni Bren bago nya tabigin si Maya para makalapit sakin. "Let's just talk Bree." Hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit at amoy na amoy ang alak sa hininga nya. "Sumama ka sakin." 

"Let go off me!" I tried to push him away but his too strong for me. 

"Security!" Sigaw ni Ava para humingi ng tulong. Kahit pagtulungan naming tatalo si Bren ay hindi kami mananalo lalo pa at nakakuha sya ng tapang sa alak. "Tulungan nyo kami!"

"Bren you are hurting me!" Reklamo ko kay Bren dahil sumisikip ang pagkakahawak nya sa kamay ko at nasasaktan na ako. "Wala na tayong dapat pag usapan!" 

"Kahit saglit lang Bree, let me just explain!" Pagsusumamo ni Bren. "Please nama—" 

"Anong gulo to?"  May dumating na lalaki, gwapo at maganda ang pangangatawan. Hindi sya mukhang guard or bouncee dahil nakasuot ito ng americana at mukhang mayaman. "Why are you harassing her?" 

Agad na binitawan ni Bren ang kamay ko dahil sa takot sa lalaki. "I'm not..." 

Lumapit sakin sina Ava at Maya para yakapin ako. Tumayo ang lalaki sa gitna na namin ni Bren at pinagmasdan nya ito mula ulo hanggang paa. "You should treat women right and like a Queen not forcing or hurting them!" Sermon nito. "Saka pamilyar ka sakin.." Biglang tumakbo si Bren at sumakay sa kotse nya na parang talusinan. He is scared na makakaapekto ito sa career nya. "Mga kabataan ngayon!" Tumingi sya sakin at ngumiti. "Okay ka lang?" 

Tumango ako. "Thank you." 

Umiling ang lalaki. "Welcome and besides it's very wrong to force someone to talk to you especially if it's a woman." He looked behind us. "Right Cassy?" 

Lahat kami ay napatingin kay Cassandra na nakasandal sa kotse at nakatingin samin. "Thanks tito Matteo." Sabay ngiti at naglakad sya papunta sa direksyon namin. "You can leave now and please tell mom i will be late." 

"Mmo okay," Sang ayon ng lalaki na pangalan ay Matteo. "Don't get yourself in trouble okay? Call me if anything." Paaalala ng lalaki bago sumakay ng sasakyan at nagdrive palayo. Kaano ano naman kaya sya ni Cassandra?

"Give me the key?" Demand ni Cassandra sakin at nakalahad pa ang kamay sa harapan ko. 

Pinagmasdan kong maigi ang kanyang kamay pabalik sa mukha ni Cassandra. "Anong key?" 

Inis na nagbuntong hininga si Cassandra bago nagsalita. "Car key, your car key." 

"Why?" Buong pagtataka ko na tanong. 

"I will drive you home." Sagot ni Cassandra na hindi man lang tumitingin sakin. "So give it to me." 

"Why?" Wala na akong maitanong na iba kundi puro why. K

"Anong pinaplano mo kay Bree?" Curious na tanong ni Maya kay Cassandra. Sa aming tatlo, si Maya ang pinaka protective. "Wag mo ng ituloy kung may binabalak ka man." 

"Are you guys on drugs or something?" Hayan nagalit na si Cassandra. "I was just trying to help! But whatever!" Tumalikod sya at nagmamadaling naglakad. 

"Cassandra!" Tawag ko sa pangalan nya. Pero hindi sya lumingon. "Cassy!" This time huminto sya at dahan dahan akong nilingon na magkasakubong ang kilay. "Catch!" Hinagis ko sa kanya ang susi ng sasakyan na agad nya namang nasalo. "Tara na!" 

"Are you out of your mind Aubree!?" Bulong sakin ni Ava. 

"Don't worry girls," Paninigurado ko sa kanila. "Umuwi narin kayo," Niyakap ko sila. "Ingat sa pagmamaneho!" Hindi na sila nakareact ng sumakay na ako kasama si Cassandra. 

Hindi na ako nagsalita ng magumpisa na syang magmaneho. Ipinikit ko ang aking mata dahil umiikot parin ang paningin ko. I could not help but smile dahil sa concern na pinakita ni Cassandra sakin. Hindi naman talaga sya masamang tao. May pagkamoody lang talaga. Siguro yung pagtataray ni Cassandra ang nagiging defense mechanism nya para protektahan ang sarili. Nang medyo nakakatulog na ako ay sya namang pagdaan namin sa malubak and it cause me na mapasandal ang ulo ko sa balikat ni  Cassandra. 

I was waiting for her to recoil but it never happened. She just let me. Napadilat ako ng kaonti ng maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan at pagtigil sa pagtakbo. Inihinto ni Cassandra ang kotse sa malapit na park. I really want to know kung bakit kami naririto but i don't have the heart to ask her. Hindi dahil sa baka pagsungitan nya ulit ako but i felt relax and comfortable with her presence. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status