Share

36

Kanina pa panay ikot at hanap ni Isabel kay Ashley sa loob ng club ngunit hindi nya parin ito makita at hindi sinasadyang nagkahiwalay sila ni Laura dahil sa lalong pagdagsa ng tao. Kaya nagmamadali syang bumalik sa table nila at nagbakasakali na nandoon na ang abogada. 

Ayaw na ayaw ni Isabel na nawawala si Laura sa kanyang paningin lalo na kapag nasa public places sila. Sa totoo lang ayaw nya talagang pumayag na mag clubbing sila tonight pero dahil alam nyang gusto rin ni Laura lumabas ay wala na syang nagawa. Kaya sinikap nalang ni Isabel na gawing triple ang pagbabantay kahit na ano pa man ang mangyari. 

"Jean!" Tawag ni Isabel sa nakakatanda nyang kapatid. Gumala gala ang paningin nya pero wala talaga si Laura at mag isa lang si Jean sa table nila. "Nasaan si Laura?" 

Kumunot ang noo ni Jean habang pinagmamasdan si Isabel. "Diba kasama mo?" 

"Nagkahiwalay kami."

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status