Share

5

Color

"What is this?" Iritable kong tanong sa editor ng kumapanya ko na sumadya pa talaga dito sa Peninsula Hotel para ipakita sakin ang mga palpak nyang draft ng article na kinakailangan naming ipublish bukas. "These.." Nakakunot akong nakatingin sa mga papel na hawak ko. "These are trash!" Hinagis ko ang mga papel at nagkalat sa sahig. "I thought you are better than that Mr. Cruz! Walang kasense sense yung sinulat mo!"

"I'm sorry Chairwoman." Natatarantang sabi nito sabay dampot sa article nyang walang kwenta. "Aayusin ko po."

"Dapat lang!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. "Hindi kayo pinapasweldo ng kumpanya para bigyan nyo ko ng mga basurang nyong artikulo!" Naglakad ako papunta sa lamesa at nagsalin ng red wine. "Get out of my face!"

"Opo!" Halos magkandarapa ang lalaki sa paglabas ng hotel room ko.

Hinawi ko ang kurtina na humaharang sa napakagandang tanawin na ibinigay ng kalikasan. Sobrang stress ako sa trabaho these past few weeks kaya mabilis maginit ang ulo ko. I'm a perfectionist when it comes to work at alam yon lahat ng empleyado ko pero may pailan ilan parin sakanilang palpak.

Simula ng ipamahala sakin ni Papa ang Newspaper company na pinatakbo, pinagpundaran nya ng pawis at dugo ay nalimitahan narin ang social life ko. Kahit nga simpleng clubbing ay hindi ko na magawa, bihira narin kami magusap at magkita ng mga kaibigan kong sina Ethan na hanggang ngayon ay single parin samantalang si Reese ay may happy ending na with Ginger.

"Colorlyn Ms. Benitez." May kumatok sa pintuan boses ng isang babae. "This Megan Imperial. The head of marketing of Versa." Nilagok ko muna ang wine bago buksan ang pintuan. Sinalubong ako ng mabangong amoy ng perfune ng magandang babae na nakatayo sa aking harapan. "Good morning." Bati nya at inabot sakin ang invitation card para sa gaganapin na Runway show mamayang gabi.

"Thank you!" Nakangiti kong sabi habang kinikilatis ang mamahaling invitation card, halatang pinagkagastusan. Well, Isa ako sa naimbitahan na manuod ng runway show ng Versa, siguradong tataas nanaman ang hormones ko nito i mean maiinspired ako magsulat para sa personal column ko. "White and Black theme right?"

"Yeah." Tumango si Megan at tumingin sa katabing kwarto ko. "Anyway. See you later Ms. Benitez." Ngumiti lang ako. "I have to check Ms. Gonzales." at umalis na para kumatok sa kabilang kwarto.

Hindi ko parin maiwasang matawa sa tuwing maaalala ko ang nangyari kagabi. Pinasok lang naman ako ng stalker. Well, i admit na maganda si Averi pero hindi ko gusto ang pagiging presko at bossy nya para utos utusan ako sa dapat kung gawin.

Hihiga sana ulit ako para matulog pero may bigla nanamang kumatok sa kwarto ko. Tinatamad akong bumangon at binuksan ang pintuan at nang nakita ko kung sino ito ay tinangka kong isara ang pintuan.

"Teka teka!" Mabilis nitong iniharang ang kanyang braso para pigilan ang pinto. "Ganyan ka ba mag greet ng kaibigan mo?"

"Anong ginagawa mo dito?" Buong pagtataka ko na tanong pero imbis na sagutin ako ay walang pasintabing pumasok si Ethan sa aking kwarto at naupo sa kama. "Paano mo nalaman na nandito ako?"

Ganito na kaming dalawa simula College kahit na para kaming tubig at langis na hindi pwedeng magsama pero nitong mga nakalipas na panahon ay unti unti rin kaming naging kampante sa isa't isa lalo pa at iisa lang yung babaeng una naming minahal. Si Reese.

"Jeez Colorlyn! Bakit ang dami mong tanong?" Natatawa na sabi ni Ethan sakin habang inililibot ang kanyang paningin sa kabuan ng kwarto. "I'm here dahil isinama ako ni Big Boss dahil kasama yung Anak nya sa gaganaping Runway show!" Napairap lang ako. "Baka chance ko na magkagirlfriend!"

Nagsalin ulit ako ng wine sa baso. "Magkakachance ka lang kung makikipagdate ka." Sinulyapan ko si Ethan. "Want some?" Ipinakita ko ang wine pero umiling lamang sya. "Wag puro si Reese iniintindi mo dahil may asawa na yong tao."

"Nakamove nanaman ako." Depensa ni Ethan. "And I'm happy for them especially now na magkakababy na sila." Lumapit ako kay Ethan at ginulo ko ang buhok nya para asarin ito. "Ano ba yan Color!"

"Too early for drama."

Tumayo si Ethan at inayos ang suot nyang collar shirt. "Tara!"

"Where too?" Nakataas kilay kong tanong habang ninanamnam ang napakabangong amoy ng wine. "Lalo kang hindi magkakagirlfriend nyan kung lagi kang nakadikit sakin at iisipin ng mga girls na boyfriend kita!"

Bigla akong tinitigan ni Ethan mula ulo hanggang paa. "Well..." May mapaglarong ngiti sa labi nya. "Are you really sure that you are Lesbian?" Lumapit si Ethan sakin. "Because you know," Ramdam ko ang init ng kanyang hininga na nagpatayo sa balahibo ko muka ulo hanggang paa. "We can work on it."

"I'm very independent woman who does not need a man in my life Ethan." Idinikit ko ang aking daliri sa dibdib ni Ethan at itinukak ko sya palayo. "But girls makes me weak in the knees especially while.."

"Shh." Saway ni Ethan at tumalikod sakin. Hindi ko mapigilang matawa dahil alam na alam ko kung paano sya patatahihimikin. "I don't want to hear the details." Naglakad si Ethan papunta sa pintuan. "Come on let's eat breakfast."

"I'm not hungry."

Huminto si Ethan sa paglalakad bago nya pa mabuksan ang pintuan at lumingon sakin. "Hindi ka kakain o gusto mong buhatin pa kita palabas ng kwartong to?"

Napabuga ako ng hangin sa inis. "You can't do that to me..."

"Don't make me do it Colorlyn." Matigas ang boses ni Ethan kaya alam ko na totoo ang sinasabi nya. "I know you love red wine pero wala ka ng ibang kinakain. Gusto mo bang magkasakit?"

Kung ibang tao siguro makakakita at makakarinig samin ni Ethan sigurado akong iisipin nila na couple kami.

Ibinaba ko ang wine glass. "Yes Father." Panguuyam ko kay Ethan sabay kuha ng aking bag. "At dahil pinilit mo ko, it's your treat!"

Kumain kami sa buffet restaurant at sinigurado kong mabubusog ako samantalang si Ethan ay parang ilang araw na hindi nakakakain at wala syang pakialam kung pagtinginan man sya ng mga tao dahil nakakailang balik na sya sa buffet table.

"Saan ka nadeploy?" Seryoso kong tanong kay Ethan.

"Huh? Anong nadeploy?"

"Parang galing ka sa gera eh." Sagot ko. Uminom muna si Ethan ng tubig. Hay. Sa wakas tapos na syang kumain kasi kanina pa ako naghihintay sa kanya. "Sulit na sulit yung binayad mo."

Nagkibit balikat si Ethan. "Sinulit ko lang yung bayad. Aba, napakamahal ng pagkain dito."

"What did you expect? Nasa mamahaling hotel tayo." Naiiling kong sabi.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng restaurant at napadako ang atensyon ko sa pintuan kung saan papasok ang ilang katao. Ilan sa kanila ay mga foreigners at iba ay filipino. Napahigpit ang hawak ko sa baso ng pumasok yung intruder kagabi sa kwarto ko. Kumuha sila ng pagkain at nang papunta na ang grupo sa lamesa na hindi kalayuan samin ay nagtama ang mata namin ni Averi.

Kita ko ang galit sa mata ng Averi pero isang matamis na ngiti ang isinagot ko sa kanya. I don't know why pero gustong gusto kong iniinis si Averi.

"Teka parang kilala ko yung babae na yon!" Itinuro pa ni Ethan ang sinasabi nya. "Sya nga! Hindi ako pwedeng magkamali!"

"Si Averi Gonzales?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

Mabilis na tumango si Ethan. Nakaramdam ata si Averi at bigla syang napasulyap sa direksyon namin. Kung nakakamatay siguro ang tingin ng babae na yon baka dead on the spot na kami ni Ethan.

"Grabe ang sungit nya talaga." Bulong ni Ethan na nasindak sa ginawa ni Averi. "Sayang. Sobrang ganda pa naman nya pero sobrang sungit rin."

Natawa akong bigla. "Let's go. May tatapusin pa akong papeles bago maging busy mamaya." Tumayo kami sabay akbay ni Ethan sakin. "Alisin mo nga yang braso mo sakin!" Inis na bulong ko sakanya pero hindi nya ginawa.

Kinuha ko ang pearl earrings ko at maingat itong isinuot sa tenga ko habang nakatingin sa full size na salamin sa harapan. Sinisigurado ko na maayos ang suot kong dress na simple pero elegante.

"So we are expecting you tonight Colorlyn." Wika ni Papa na kausap over skype sa laptop na nakapatong sa kama. Magisa sya sa bahay ngayon at parating palang ang mga kapatid ko na uuwi galing Amerika at Europe. "Sigurado akong matutuwa sina Cerine at Almond."

Ngumiti ako pagkarinig sa pangalan ng mga kapatid ko na medyo matagal ko narin hindi nakikita. Puro kami babae at lahat ng pangalan namin ay ibinase sa kulay. "I will definitely going home tonight Papa pagkatapos na pagkatapos ng Runway show."

Tumango si Papa. "Very well, magpapahanda ako ng konting salo salo kaya wag ka masyadong magpapakalasing."

Mapaglarong iniikot ko ang mga mata ko. "Father.." Alam nya kasing red wine ang tumatakbo sa ugat ko imbis na dugo. "I'm not going to drink or anything because I have to drive."

"Colorlyn!" Sigaw ni Ethan mula sa labas ng kwarto. "Tara na! Malalate na tayo sa Runway!"

"Wait!" Kinuha ko ang aking gucci bag. "Papa. Alis na ako ha. See you later." Isinara ko na ang laptop at nagmamadalig binuksan ang pintuan. "Wow!" Tinignan ko ang aking kaibigan mula ulo hanggang paa. Bihis na bihis sya at sobrang gwapo. Siguro kung straight ako baka isa na ako sa nakapila sa paahan ni Ethan. "Is that you Ethan?"

Lalong iniliyad ni Ethan ang kanyang dibdib. "Okay ba? Makakabingwit kaya ako ng isa sa mga modelo mamaya?"

"Kung maayos ang tie mo." Inayos ko ang suot nyang kurbata. "Sigurado akong hindi lang iisang babae ang mauuwi mo."

Napatawa ng malakas si Ethan. "I'm not like you Colorlyn."

"Me like what?"

"A playgirl. Girls from left to right." Nakangising sagot ni Ethan at nagumpisa na kaming maglakad papunta sa venue ng Runway Show. "And in between."

"I'm just enjoying myself." Katwiran ko. "At saka kasalanan ko ba na sila yung lumalapit sakin?" Inalalayan ako ni Ethan bumababa ng hagdanan at papunta sa venue. "But it was before Ethan. Nagbago na ako."

Pumirma muna kami sa reception bago pumasok sa venue na punong puno ng tao at ramdam ang saya, excitement sa bawat mukha nila. Napatingin ako sa kulay pulang stage dahil sa ilaw, may mga poste na inspired by Spanish.

"Nasaan pala yung boss mo?" Bulong ko kay Ethan habang papaupo kami hindi kalayuan sa stage. Ang ganda ng naoili naming pwesto siguradong kitang kita ang mga modelo mamaya.

"Hindi ko alam." Sigaw na sagot ni Ethan dahil biglang tumugtog ang malakas na musika. "But I'm sure they are here."

Bago pa ako makasagot ay biglang tumugtog ang isang Spanish na kanta na nagpatahimik sa lahat ng tao.

"This is it!!" Parang psychopath na sabi ni Ethan.

"Good evening ladies ang gentlemen welcome to the first ever runaway show here in the Philippines and proudly present by Versa." Salita ng voice over.

Lalong nagdilim ang venue at naging pula ang stage na parang nagaapoy. Kasabay ng paglabas ng makapal na puting usok ang pagsulpot ng isang babae na nakasuot ng pulang pakpak at na nakatalikod habang kumukumpas kumpas ang kanyang kamay na babalutan ng pulang gwantes na may nakasabit na perlas.

Huminto ang musika at biglang humarap ang modelo na takip takip ang kalahati ng kanyang mukha ng pulang pakpak habang naglalakad.

"Oh my gosh." Nanghihinang bulong ni Ethan na titig na titig sa modelo.

Napalunok ako nang tuluyang alisin ng babaeng ubod ng sopistikada at glamorosa sa stage ang pakpak sa kanyang mukha. Walang iba kundi si Averi Gonzales na parang anghel na nakakapaso ang kagandahan at nakakatunaw ang tingin dahil sa kanyang berdeng mata.

Bagay na bagay sa kanya ang kulay pulang bikini at bra na gawa sa mamahaling tela. Walang syang abs pero babaeng babae ang kanyang dating na kayang magpanginig ng aking tuhod at legs na talaga namang sobrang kinis at kintab.

"Si.. si.." Hindi maipagpatuloy ni Ethan ang sasabihin dahil sa pagkabigla. "Si Averi yan di ba." Pero parang wala akong narinig dahil sa sobrang pagkahipnotismo ko kay Averi.



Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status