Share

6

Averi

Sobrang naging successful ang naging Runway show ng Versa, hindi mapatid ang hiyawan ng mga tao para sa bawat modelo na rumarampa sa stage. Nakakapressure oo, pero sulit lahat ng dampi ng make up, pagbanat ng buhok at sakit ng paa dahil sa iba't ibang uri ng heels na sinusuot namin.

Kaliwa at kanan ang naging interview ko sa local at international media. Marami akong natatanggap na mga papuri but there always will be a critics.

But you know what really makes me happy? Iyon ay ang nakapanuod ng live sina Mama, Papa at Aubree ng first ever Runway show ko dito sa Pilipinas. Kitang kita ko sa mga mukha nila kung gaano sila napahanga at kaproud sakin. Agad nila akong sinalubong  pagkalabas na pagkalabas ng dressing room.

"I'm really proud of you Iha!" Halos mapunit ang mukha ni Papa sa laki ng pagkakangiti nito. "Marami na akong napanuod at nakitang picture mo sa mga Runway show Averi Anak pero iba parin pala kapag live para kang..."

"Dyosa." Singit ng kapatid kong si Aubree na napakaganda sa suot nyang black dress na tila binudburan ng glitters. Hindi na ako magtataka kung maraming magkandarapang lalaki sa kanya pero mukhang iisa lang ang gusto namin ni Aubree. "Those wings make you look like a Goddess. You are so beautiful and glamorous Ate Averi."

"I completely agree with them." Bigla kaming napatingin kay Mama nang magsalita ito. Maaliwalas ang kanyang mukha at bakas ang saya. "Kung nakita mo lang kung gaano ang paghanga sayo ng mga tao."

"Well, this calls for a celebration." Sabi ni Papa habang tinitignan kami isa isa. Iba talaga ang pakiramdam kapag kasama ang pamilya sa nakakamit nating tagumpay.

"Averi!" Humahangos na tawag ni Megan sa pangalan ko at bitbit ang kumpol ng mga rosas. "Someone gave this flowers to you." Sabay abot nya sakin ang rosas. "Beautiful isn't it?"

"Who gave this?" Kahit sanay na ako makatanggap ng kung ano anong regalo after the fashion show hindi ko parin maiwasan magtaka at maintriga.

Nagkibit balikat lang si Megan. "I don't know." Pero bakit pakiramdam ko nagsisinungaling sya?

"Don't be suprised Iha." Anang ni Papa. "Lahat ng lalaki at babae ngayong gabi ay nabighani mo."

"That is true bebe." Ngumiti si Megan. "Anyway Averi. I have a good news." Lahat kami ay naghintay sa ibabalita ng Head of Marketing ng Versa. "Someone bought your undergarment, actually the whole set of your costume ng opening!"

Nanlaki ang mata ko. "Sino?"

"It's anonymous but my staff told me na binili ito sa halagang one hundred thousands pesos." Kumindat si Megan sakin. "You have a secret admirer."

"I'm not suprised!" Sabat ni Papa. "Who would not? That is my daughter!" Napatawa kaming lahat sa sinabi ni Papa.

"Averi." Eleganteng inayos ni Megan ang kanyang buhok. "We have a Victory party. People are waiting for you, they want to meet the face of Versa."

Napatingin ako sa pamilya ko, nagbalak na kasi kaming kakain sa labas pero mukhang hindi ito matutuloy. Hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Sige na Averi."

"Are you guys sure?" Tinignan ko ang mukha nila isa't isa just to make sure na okay lang sakanila.

Tumango si Papa. "Yes Averi. We can celebrate tomorrow or everyday if you want Honey."

Niyakap ko sila. "Thank you so much. Babawi ako. I love you guys!" At naglakad na kami ni Megan papunta sa isang private hall ng hotel. Sa totoo lang, hindi ko maisip kung gaano kayaman si Samantha Imperial dahil sa engradeng party, mamahaling wine at iba't ibang international cuisine na hinahain ng mga waiters.

Bago kami makarating ni Megan sa kinaroroonan ni Sam ay hinarang na kami ng mga kilalang artista, politiko dito sa Pilipinas. Para akong sirang plaka na paulit ulit na sinasagot ang mga tanong nila.

"Are you interested in Showbiz?" Tanong sakin ng isang sikat na direktor. Matanda na sya at mukhang mabait. "By your looks Ms. Gonzales. Pwedeng pwede kang magartista."

Kahit kailan hindi ko pa naisip pumasok sa showbiz. Oo, maraming offer sakin kahit noong nasa Europe pa ako pero hindi ko tinaggap dahil may kontrata pa ako sa Management ng Victoria secret. "Bukas po ako sa lahat ng opportunities na darating sakin Sir."

"Well the--" Natigilan ang matanda. "Hey. Carol!" Bati nito sa babaeng papalapit sa aming direksyon. "I'm really happy to see you!" Nagyakap ang sinasabi nyang Carol na hindi ko maitatanggi na maganda pero mukhang mataray.

"Ben. How are you?" Napakatamis ng boses ni Carol.

"I'm perfect Carol!" At bago pa ako maout of place ay ibinalik ng matanda ang kanyang pansin sakin. "Anyway. I would like you to meet Averi Gonzales."

"Oh lovely. You are so great sa Runway kanina. I have goosebump while watching you!" Excited na sabi ni Carol sakin at nagbeso beso kami.

"Thank you!" Mabuti nalang at mali ang akala ko na mataray sya dahil kabaliktaran pala. Naikuwento sakin ni Ben na isang sikat palang artista si Carol dito sa Pilipinas at ibang parte ng Asya. Naconvince ako ni Ben na magaudition para sa isang role sa gagawin nyang pelikula. Why not?

"Sit with us please." Malumanay na sabi ni Sam pagkakita nya sakin. Agad kong napansin ang magandang babae na nakaupo sa tabi ni Sam na medyo nakakapaso ang tingin. Siguro sya ang girlfriend ng napakagandang Imperial. Agh. Lucky.

Tahimik akong naupo sa tabi ni Megan na abala sa pagkain. Hinainan ako ng waiter na nagpakulo sa aking tyan. Hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga dahil kailagan flat ang stomach ko sa Runway show.

"Averi." Pukaw ni Sam sa atensyon ko. "This girl next to me is my girlfriend Grace." Hinawakan ni Sam ang kamay ng babaeng katabi nya at hinalikan ang kamay nito. "Grace, she is Averi Ginzales, the face of Versa."

Nanlamig ako sa tingin ni Grace pero naglaho ang pagkaliyo ko ng bigla syang ngumiti sakin. "Hello Averi. It's nice to meet you."

"The pleasure is mine." Nagkamay kami ni Grace.

"Oo nga pla Averi." Bulong ni Sam. "I just want to thank and congratulate you para sa isang napakagandang opening. Ginawa mong posible ang pinapangarap kong Runway opening show!"

Hindi ko mapigilang mapangiti. "I just gave my one hundred one percent Ms. Imperial" Mas mabuti na tawagin ko ng formal si Sam para hindi na ako tinititigan ng masama ng girlfriend nya. Trabaho lang naman ang namamagitan samin ni Sam. "My family was here and first time nila ako mapanuod ng live sa Runway kaya lalo akong nainspired. Besides, I want to show my Mom na tama yung desisyon ko na maging model."

"Oh your mother does not want you to do modeling?" Tanong ni Megan habang umiinom ng wine.

"Yeah." Nagkibit balikat ako. "She wanted me to work in our company but I disobey her. So I flew to Europe to chase my dreams to be one of the Angels of Victoria's Secret."

"Siguro magbabago na ang isip nila nang makita ka nila kanina sa Runway." Nakangiting wika ni Sam.

Tumango tango at inaalala ang reaksyon ni Mama kanina. Mukha namang okay na sa kanya kahit hindi nya sabihin sakin. "Hopefully."

"So do you have a boyfriend?" Biglang tanong ni Megan habang hinihiwa ang kinakain nyang steak.

Bigla akong napainom ng tubig. Masyadong maraming tanong si Megan. "I don't have boyfriend." Umaangat ang paningin ko para sulyapan ang magiging reaksyon ng mga kasama ko. "I'm lesbian."

"Oohh. Sister." Natatawang sabi ni Megan at tumingin kay Sam at girlfriend nito. "Welcome to lesbian world Averi."

Marami pang naging tanong sina Sam at Megan sakin siguro ito yung way nila para mas makilala nila ako, at ganon din ako sakanila which I would not mind.

Umiikot ang aking paningin habang naglalakad magisa sa maliwanag na parking lot. At least hindi nakakatakot, secure pa ang pakiramdam ko dahil sa mga security na palakad lakad sa paligid. Ayaw ko sanang uminom dahil magmamaneho pa ako pauwi pero napilit ako ni Megan.

At sa awa ng diyos ay nakauwi ako ng ligtas, madilim na ang buong kabahayan at muntik na akong atakihin sa puso ng makita si Mama na nakaupo sa living room na nakafacemask. Matyaga syang naghihintay sa paguwi ko.

"How was the party?" Bungad nyang  tanong sakin at ibinaba ang hawak nyang tasa ng tsaa. "Mukhang nakainom ka."

Walang salitang akong naupo sa tabi ni Mama at sumandal sa sofa. "Konti lang po." Tinanggal ko ang heels na kanina pa pumapatay sa mga paa ko. "Bakit gising ka pa Ma?"

"Hinintay talaga kitang makauwi."

"Is everything okay?" May pagaalala ko na tanong kay Mama. "May problema po ba?"

Pero imbis na sagutin ako ni Mama ay isang pisil sa kamay ang binigay nya sakin. "Nothing is wrong Iha but i want to apologized to you." Ramdam ko kung saan tutungo ang usapan na ito. "For not supporting you sa pag momodel kasi akala ko naglalaro ka lang at hindi mo sineseryoso ang ginagawa mo." May lungkot sa mukha ni Mama. "Pero kanina, kitang kita ng mga mata ko kung gaano ka kasaya, kung gaano mo ineenjoy ang ginagawa mo at kung paano mo pinahanga ang maraming tao."

Hindi ko maiwasan maging emosyonal. For me, napakaimportante ng blessing ni Mama at least mas lalo akong maiinspired sa trabaho. "Thank you Mom. Napakalaking bagay nito sakin."

"You don't have to thank me Iha." Huminga ng malalim si Mama. "Obligasyon at ikasisiya ko kung ano man ang mga bagay na makakapagpasaya sayo."

I will consider myself lucky dahil  tanggap nila ang gender prefernce ko. Aminin natin na hindi lahat ng katulad kong lesbian ay out. Una dahil pamilya mismo nila ay hindi sila tanggap o may pamilya sila na sobrang conservative at bawal maging bakla o tomboy dahil isa daw itong kasalanan.

But you know what, iisang beses lang tayong mabubuhay sa mundo at pano mo ito gustong gamitin? Ang makipagtaguan sa feelings at mabuhay ng may pagsisisi dahil hindi mo ginawa ang bagay na makakapagpasaya sayo? People will judge you anyway kaya do what makes you happy because you are not born to entertain the world.

Nagising akong may ngiti sa labi. Sobrang gaang ng pakiramdam at awra ko ngayon. Siguro dahil sa mga magandang bagay ng nangyari kahapon.

Hindi pa man ako nakakatayo sa kama nang biglang may kumatok at nagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Si Aubree. "Good morning Ate."

"Oh good morning little sister." Nagiinat kong bati habang tinignan ko si Aubree mula ulo hanggang paa. Nakasupt sya ng maiksing sport short, Cavalier jersey at rubber shoes. "What's up?"

"I'm going to a friendly badminton game." Nakangiting sagot ni Aubree. "Do you wanna come? Maraming magagandang girls don. I'm sure sobra mageenjoy ka don."

Natatawang kong binato ng unan si Aubree pero agad nya itong sinipa pabalik sakin. "I will go with you, now get out of my room."

"Hurry up, granny." Pangiinis nito bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Hindi na ako nagaksaya ng oras, naligo ako at nagsuot ng mas kumportableng damit. I used to play Badminton and tennis sa Paris dahil isa ito sa mabisang paraan para makapagpapawis at mapanatili ang maganda kong pangangatawan.

Nagpaalam kami ni Aubree kina Mama at Papa na kasalukuyang kumakain ng breakfast bago umalis.

"Why you look so happy?" Tanong ko kay Aubree na hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi habang nakaupo sa passenger seat side. "Para kang lumilipad sa langit ah."

Nakita kong nagblush si Aubree at umiwas ng tingin. "Of course happy ako dahil makakapagbonding tayo."

Alam kong kalahati sa katwiran nya ay totoo but i wanted to know why my sister is happy. "Are you inlove?" Lalong namula ang mukha ng kapatid ko. "Kay Cassandra ba?"

"Ate.." Buntong hininga ni Averi, para syang nagmamakaawa na tumigil na ako sa pagsasalita o dahil hindi nya alam ang kanyang sasabihin. "I honestly don't know."

My poor little sister. "What's wrong?" Medyo binigalan ko ang takbo ng sasakyan. "You can tell me anything."

Ilang segundo rin ang lumipas bago sumagot si Aubree. "I.. I think." Nagbukas sara ang kamay nya sa kaba. "I started to like Cassy."

"I kinda expected that." Walang preno kong sabi. "When i saw the two of you how you girls look at each other, alam ko na agad na may something kayo and that was the time na hindi pa kayo aware sa romance para sa isa't."

"But i can't." Naguguluhan na sabi ni Aubree. She looks so complicted and trust me, I have been there. "Yes, i know she likes me too but.."

"Then what's stopping you? I'm sure our parents would understand and support you like what they did to me."

"She is still inlove with someone else." Bulong nya. Napatingin ako kay Aubree at hindi ko mapaliwanag ang mukha nya. Parang nasa gitna sya ng kalungkutan at pagkadismaya. "Patuloy parin nyang minamahal ang isang tao na matagal ng wala, nakakulong parin sya sa pagmamahal at pangako ng nakaraan."

"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.

"Cassandra's first love died in a car accident."

Bigla akong naspeechless, hindi ko alam kung paano magrereak. I feel bad dahil hindi man lang ako nakapag bigay ng advice kay Aubree hanggang sa dumating kami sa isang private court, may konting tao na naglalaro ng badminton.

May lumapit na lalaki samin at inabot ang isang dosenang shuttlecock at raketa.

"Let's start!" Excited ako dahil medyo matagal na noong huli akong nakapaglaro ng badminton.

"Not yet Ate. We are still waiting sa makakalaban natin."

"Ha? Why you did not tell me na may iba pa tayong kasama?"

"Oohh." Napatawa si Aubree. "I'm sorry Ate, I forgot." Inabot nya sakin ang raketa. "Cassy will bring her sister."

Nagkibit balikat nalang ako at naupo sa bench at hindi rin nagtagal na dumating si Cassy kasama ang isa nasiguro sa pinakamagandang babae sa na nakita ko sa tanang buhay ko.

"Sorry. Nalate kami."  Paumanhin ni Cassy at tila napako na ang paningin sa kapatid ko na si Aubree. "Natraffic kami. Ate ko po pala,"

Ngumiti ng pagkatamis tamis ang babae sa harapan ko. "Hello, I'm Alex." Sa akin lang nakafocus ang pansin nya. "You are really pretty up close." Medyo naguluhan ako sa sinabi nya. "Don't worry, I'm not a creepy stalker or something. Napanuod kita sa Runway show kagabi, you were splendid!"

"Thank you." Hindi ko maiwasang magblush, pagkatapos ng ilang minutong question and answer portion ay nagumpisa na kaming maglaro, magkapatid laban sa magkapatid. As expected, natalo kami ni Aubree. Hindi ko akalain na napakagaling ni Alex sa badminton, sobrang liksi nya parang may pakpak ang mga paa nya. Nagpapahinga nalang kami bago umuwi. Nalaman ko na may asawa at anak na si Alex kaya nilipad nanaman ang pagasa ko ng hangin. "Magrerestroom lang ako."

"Do you want me to go with you?" Tanong ni Aubree.

Umiling ako. "I will be okay." Hindi pa man ako nakakalayo ng bigla akong napahinto sa paglalakad dahil may tumamang shuttlecock sa noo ko. "What the-"

"Hey. Miss! Nasaktan ka ba?" May sumigaw sa likuran ko. Dahan dahan akong lumingon at umakyat agad ang dugo ko sa ulo nang makilala ko kung sino ang taong nasa aking harapan. Hindi ko nakakalimutan yung ginawa nyang panunukso sakin sa hotel. "Ooh. It's you Miss Gonzales."

"Kaya naman pala minamalas ako ngayon dahil nandito ka Colorlyn Benitez!" Bwiset kong sabi. "Bakit sa dinami dami ng lugar dito sa metro manila e laging ikaw ang nakikita ko."

Nakangiti lang si Color sakin parang pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwang tenga yung sinasabi ko. "Maybe we are meant for each other."

"In your dreams." Umikot ang mata ko sa inis. "Maybe you were the one who was stalking me or you are a psychopath."

"What?" Nakangiting tanong ni Color sakin sabay hakbang palapit sakin. Napalunok ako dahil ilang pulgada nalang ang layo namin sa isa't isa. "Psychopath?"

Kumabog ang dibdib ko nang maramdaman ko ang mainit ng kanyang hininga sa pisngi ko. "O..oo." napangiti si Color sa mabulol ko. "You are creepy psychopath."

"If you say the word psychopath again." Bulong ni Color sakin. Hindi ko mapaliwanag yung pakiramdam ng marinig kong binanggit nya ang pangalan ko. "I will kiss you."

"Don't you dare.." Bigla akong naconcious sa sarili ko dahil sa banta ni Color. "You can't do that!"

"Oh yes." Binitawan ni Color ang hawak nyang raketa para hawakan ang bewang ko. Suddenly, I felt a swirl of butterflies inside my stomach by her touch. "Just tell me Averi, do you want me to kiss you?"

"Wh-what.." Nilabanan ko ang aking sarili na wag tumingin sa mapupula at mapang akit na labi ni Color. "Of course not." Inalis ko ang kanyang kamay at marahan ko syang itinulak. "How dare you to talk to me like that you are psych--" Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil biglang dumikit ang malambot na labi ni Color sakin.

All of a sudden, my knee trembled and I forgot how to breath.

"Don't dare me Averi." Bulong ni Color bago sya tumalikod at naglakad palayo na parang walang mangyari.

Ang walang hiyang babae na iyon, magnanakaw ng halik!

"Your absence has gone through me like thread through a needle everything I do stitched with its color."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status