Share

Chapter 1-First day of School

First day of school

"Kuya! Maganda ba doon? Malaki ba 'yon? Mababait ba sila? Kuyaaaa!" Kanina ko pa kinukulit si kuya pero hindi niya ako sinasagot, hmp. Unang araw kasi ng pasukan ngayon, at doon na ako mag aaral sa kanyang school, Uwwaaahhh! Excited na talaga ako!.

"Ang kulit mo, 'wag ka na magtanong makikita mo rin naman mamaya" Inis na sagot sa akin ni kuya.

Oo nga pala siya ang pangalawa sa aming magkakapatid at ako ang bunso, tatlo kami at ang mga nakatatanda kong kapatid ay parehas na lalaki. Ang panganay sa magkakapatid ay si kuya Zidd Jon Dioa at ang pangalawa naman ay si kuya Vidd Jan Dioa at ang panghuli ay ako, Aleandra Kaye Dioa. Hihi galing 'no? Pangalan ko lang naiiba? Maganda kasi ako, tse.

"Bilisan mo maglakad kung ayaw mong hindi makita ang Hianth Academy" Biglang sabi ni kuya Jan kaya tumakbo na ako ng mabilis pababa kaso pinanganak akong malas, nadulas ako sa hagdan kaya dire-diretso ang pag lagadog ng pwet ko sa hagdan. Ang sakit huhu.

"Ano ba 'yan? Bakit kasi takbo ng takbo!" Sigaw sa akin ni mommy habang ang mga kapatid ko naman ay tatawa-tawa lang. Mga walang kwenta talaga.

"Mommy 'yung hagdan kasi tinisod ako" Pag susumbong ko kaso nakatanggap lang ako ng isang malakas na batok.

"Ano 'yan buhay? Tumayo ka na diyan! At baka magusot ng tuluyan 'yang uniform mo" Busangot akong tumayo at sinamaan ng tingin sila kuya.

"Oh! Princess 'wag mo kaming tignan ng ganyan wala kaming piso" Lalo ko naman siyang sinamaan ng tingin. Biglang bumusina ang kotse namin kaya masaya akong tumakbo palabas at nakita ko naman si manong rowen na inaantay kami.

"Good morning manonnnggg!" Masigla kong bati sa kanya.

"Good morning din madam kaye" Napasama naman ang tingin ko sa kanya.

"Manong! How many times did I tell you na don't call me madam? I said 'di ba na kaye nalang?" Inis kong sabi sa kanya na ikinatawa niya kaya hinayaan ko na lamang siya at pumasok sa loob ng van. Sumunod naman sila kuya na magkatabi sa kabilang upuan. 

'Yan! Dapat ganyan, 'wag kayong lalapit sa akin papanget nyo kabonding!’.

Hindi ko mapigilan ang excitement ko. Sabi nila kuya malapit lang daw ang school mula sa bahay pero bakit parang ang tagal? Katulad ng pagmamahal mo na ang tagal niyang suklian.

'Sapul! 3 points, tagos sa heart'

Nakangiti kong pinag mamasdan ang mga nadadaanan namin. First time ko kasing makakapunta sa school nila kuya at hindi ko alam kung gaano kaganda ang loob non.

"Kuya! Sa tingin nyo? May magiging kaibigan ako doon?" Ngisi naman silang tumingin sa akin.

"Sana wala" Sabay nilang sabi kaya nilapitan ko sila at pinag papapalo.

"Anong wala ha!" Pinag hahampas ko lang sila nang biglang nag preno si manong, buti nalang at napa hawak ako kay kuya.

Paglingon ko sa labas agad na nag ningning ang aking mga mata dahil sa nakikita.

"Waah! Nandito na tayo!" Masaya kong sabi. Agad-agad akong lumabas at nakita ang ilang mga estudyante na mga nag papasukan sa entrance gate.

"Hoy, 'wag ka ngang malikot at baka maligaw ka. Malaki itong Hianth Academy kaya baka abutin kami ng isang araw kakahanap sayo" Sabi ni kuya Jon. Tumango na lamang ako habang namamangha parin sa kagandahan ng eskwelahan na 'to.

Hindi naman talaga sila malaki. OA lang talaga sila. Pati balita ko kada grade level ay dalawa lang ang section.

"Let's go" Pag-aya ni kuya Jan kaya lumapit ako sa kanya at kumapit sa kanya braso.

"Kuya! Grabe, ang laki" Namamangha kong sabi sa kanya habang nililibot ang aking paningin.

Pumunta na kami sa Principal's Office para kunin 'yung class schedule ko. Pagdating namin doon nakita namin ang secretary nito pero wala si Principal.

"Good morning" Bati namin sa kanya.

"Good morning" Umupo sila kuya sa may upuan kaya umupo na rin ako.

Mukhang alam na ng secretary ang pakay namin dito dahil may kinuha ito sa desk at binigay sa akin.

"Alendra Kaye right?" Tumango ako bilang sagot.

"Here's your class schedule. And to remind you, please before the sub time starts dapat nasa room ka na para iwas late narin" Nakangiti niya sagot.

"Sige po salamat po" Sinenyasan ko sila kuya na lumabas at sumunod naman ang mga ito.

"Waahhh! Kuya hindi talaga ako makapaniwala na dito na ako mag aaral!!" Tuwang-tuwa sabi ko habang inuuga silang pareho.

"Hoy kaye! Umayos ka ahh! Baka mamaya mag boyfriend ka uupakan talaga kita" Biglang sabi ni kuya Jan sa akin na ikinatango ni kuya Jon.

"Hmm" Sagot ko nalang.

"Anong hmm?" Yamot na sabi ni kuya Jan.

"Word" Piningot niya naman ng mahina ang aking tainga kaya sinamaan ko ito ng tingin.

Ako ay nasa first year high school pa lang na kung tawagin ay Grade 7 sina kuya Jan naman ay Grade 9 at si kuya Jon ay 10. At silang dalawa may girlfriend na at hindi ko sila bet para sa mga kuya ko! Tsk ang aarte akala mo naman kung sinong ipinanganak na walang kadumi-dumi sa katawan.

Tinignan ko ang Class Schedule ko at nakita na ang first subject ay Math! Huwaaah! My favorite.

"Kuya tignan mo oh! First subject namin Math! 'Yung favorite ko" Pinakita ko sa kanya ang papers at napangiwi naman siya.

"Bakit ba favorite mo ang math? Alam mo bang masakit sa utak 'yan?" Tanong niya.

"Oo! Pero nakaka enjoy din, kasi gumagana ang utak mo! At lahat ng katalinuhan mo ibubuhos mo dito at higit sa lahat! Nakaka enjoy mag bilang!" Inirapan niya nalang ako. Tsk palibhasa parehas nilang ayaw sa Math.

Pagdating namin sa room ko agad na nagpaalam sila kuya dahil baka malate pa sila.

"Ingat ka ah!" Sabi ni kuya Jon.

"Opo!" Niyakap ko silang dalawa at pumasok.

Naglakad ako papunta sa dulo at doon umupo. May dalawa akong babae na nakita ko nagkwekwentuhan at mukhang magkakilala na sila. Nakita nila akong nakatingin sa kanila kaya nginitian nila ako ganon din ginawa ko sa kanila hindi naman kasi ako snob ‘no.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status