Share

Chapter 4-Courting

Courting

"Tey, napapansin ko lang, kanina pa kasi tingin ng tingin sayo si Jethro. Ano meron?" Tanong ko sa kanya.

"Eh paano hindi titingin, may gusto 'yang si Jethro kay Teynisha" Pagpaparinig ni Ianne. Gulat ko silang tinignan nang lahat sila ay sabay-sabay na tumango.

"Lahat kayo alam?" Tanong ko sa kanila.

"Oo"

"Ang daya!" Maktol ko. "Bakit kayo may alam tapos ako wala?"

"Hindi ba sinabi sayo ni Teynisha?" Umiling ako. Tinignan naman ni Ianne si Tey nang nagtataka.

"E-eh kasi Kaye baka magalit ka. D-di ba may gusto ka kay Jethro?" Sa sobrang gulat ko muntikan na ako mahulog sa akin kinauupuan.

"A-anong may gusto?! Sino naman may sabi sayo?"

"Wala. Feeling ko lang may gusto ka sa kanya, close na close din kasi kayo no!" Napailing na lang ako sa mga pinag iisip ng mga ito. Ako? Magkakagusto don? Asa.

"Wala akong gusto don! Magkaibigan lang kami no. Pati sa pangit ng lalaking yon? Sa BTS na lang ako"

"And we know na asawa mo na sila" Sabat ni Meichell.

"Yes! Correct kayo diyan hahaha" 

"Hoy kate!" Biglang sumulpot na parang kabute si Jethro.

"Oh?! Bakit ba palagi mo nalang ako tinatawag? Alam mo bang nakakayamot yang pagmumukha at boses mo?" Yamot na sabi ko sa kanya.

"Mas nakakayamot ka!"

"Aba? Ikaw na nga pupunta dito iinsultohin mo pa ako? Sapak baka gusto mo?" Umamba ako ng suntol. Pero syempre hindi ko pa rin siya sinuntok, ayoko dumapo ang maganda kong kamay sa pangit niyang mukha.

"Tsk! Enge akong lima!"

"Excuse me? Ano ako nanay mo?" Taray kong sabi sa kanya.

"Oo, mukha ka naman nanay!" Binatukan ko siya kaya napadaing ito "Tsk! Diyan ka kay baby Teynish mo humingi oh!"

"H-ha?" Bigla itong namula.

Natawa ako sa mukha nito. Sa kakatawa ko nahahampas ko na siya sa kanyang braso "Hahahaha gago ang Lt ng mukha mo" 

"Masakit ah! Ikaw kaya hampasin ko?!" Inis na sigaw sa akin ni Jethro.

"Lalaki ka naman kaya ok lang yan hahahaha" Umalis na si Jethro pero ako ay tawa pa rin ng tawa. "Grabe akalain niyo yon? Kinikilig din pala ang lalaki?"

"Malamang! Tao din kaya sila!" Sabi ni Ianne sabay batok sa akin.

"Oh? Bakit ka nang batok?!" Inis na sabi ko.

"Wala lang, mukhang bola yang ulo mo eh" Inirapan ko siya at tinuon ang aking magandang mata kay Teynisha.

"Nanliligaw na ba sayo yon?" Tanong ko habang nginunguso ang panget na si Jethro.

"A-ah oo sabi niya" Nahihiya niyang sabi.

"Ang daya mo talaga! Hindi ka nagsasabi sa akin!" Kunwaring tampo kong sabi.

"E' hindi lang naman ako ang may nanliligaw dito ah!" Biglang sabi ni Teynisha.

"Bakit meron pa?" Tumango naman siya.

"Sino?!" 

"Si Nica!" Sabay-sabay na sabi nila.

'Mga kaibigan ko ba ito?'

"Hoy Nica sino iyan?" Sabi ko sa kanya habang siya ay tinuturo.

"Secret"

"Ayy wala to! Nagtatago. Sino nga?" Umiling pa rin ito.

"Sinabi sa inyo kung sino?" Tanong ko sa iba.

"Nah, she's not telling kung who ba yung guy" Conyong sagot na naman ni Meichell.

"Bakit ayaw mong sabihin?" Tanong ko kay Nica.

"Wala lang trip ko lang" Lahat kami ay napatunganga sa sinabi niya.

"Gaga ka! Lakas ng trip mo!" Singhal sa kanya ni Fatima.

                          ********

"Hoy Nica! Sabihin mo na kasi! Parang hindi kaibigan no?" Sumimangot pa ako para malaman niyang nagtatampo ako.

'Pasad girl'

"Bukas sasabihin ko" 

"Sabi mo yan ahh! Pag hindi talaga babatukan ka namin isa-isa!" Tumango siya at tinuloy na ang kanyang pagkain.

Habang kumakain kami ay biglang may umakbay sa akin, babatukan ko na sana kung hindi ko lang nakita na si Kuya Vidd pala na kasama si Kuya Zidd.

"Sige ituloy mo, susumbong kita kay mommy" Inirapan ko siya at sumubo sa aking pagkain.

"Problema mo?"

"Wala lang. Papalibre lang sana ako" Malakas kong inalis ang kanyang braso sa aking balikat.

"Ang dami niyong pera tapos sa akin pa kayo magpapalibre?"

"Tsk, Pag nagpapalibre ka ba nagrereklamo kami?" Natahimik naman ako sa sinabi ni Kuya.

"Aish!" Tumayo ako. "Bilis! Kumakain ako, nangiistorbo kayo"

Pumunta na kami sa counter at bumili ng pagkain. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, ang dami nilang binili! Ako mo mauubusan ng pagkain sa mundo.

"Hoy tama na nga yan! Balak niyo pa atang ubusin ang pera ko eh!" 

"Tigilan mo na kakabili mo Vidd, lagot tayo kay mommy pag inubos natin ang pera ni Kaye" Sita ni kuya Zidd  kay kuya Vidd.

"Ano ba yan! Uubusin ko nga ang pera niyang pangit na yan eh!" 

Binayaran ko na ang pinagbibili nila at bumalik na sa aming lamesa. Ang mga estudyante dito kanina pa nakatingin kina kuya.

'Hindi naman mga gwapo yan'

"Sige na! Alis na kami!" Hinampas ko ang kamay ni Kuya Vidd nang guluhin nito ang aking buhok.

"Epal" Bulong ko.

Umalis na sila ako naman ay pinagpatuloy na ang pagkain. Pero sadyang malapit sa akin ang salitang 'malas' ang isang pangit na unggoy na naman ang lumapit sa akin.

"Hoy! Ang dami mo palang pera! Kaninang limang piso lang hinihingi ko ayaw mo pa akong bigyan!" Sita sa akin ni Jethro.

"Excuse me? Mga kapatid ko yon  malamang ililibre ko!" Singhal ko sa kanya. "Pati hindi kita kadugo! Sino ka ba?"

"Sa gwapong kong ito hindi mo ako kilala?" Turo nito sa kanyang sarili. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Sino naman nagsabi na gwapo ka?"

"Sila!" Turo niya sa mga babaeng mga nanonood na sa amin.

"Naniwala ka naman? Ikaw napaka uto-uto mo! Mukha ka ngang sandok!" 

"Ako mukhang sandok?!" Pag uulit nito.

"Kakasabi ko lang diba? Bingi ka ba?"

"Tsk! Sama ng ugali nito, panget mo kabonding" Sabi nito sabay walk out.

'Laging nag wawalk out akala mo naman ikinaangas'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status