Nakasandal sa kanyang likod at mahigpit akong nakayakap kay Sir Liam. Hindi dahil nananyansing ako pero dahil natatakot akong mahulog. Napakabilis niyang magpatakbo ng motor at halos hindi ko na makita ang mga nadadaanan namin.
Sabay ng bilis na pagpapatakbo ni sir Liam, ay siya ring bilis ng pagtibuk ng puso ko. Dala ng nyerbos, at dala na rin ng sobrang pagkadikit ng katawan namin ngayon. Amoy na amoy ko ngayon ang pabangong gamit ni Sir Liam. Sa tingin ko nga ay didikit ito sa suot ko.
"We're here," sabi ni Sir Liam matapos iparada ang motor.
Bumaba ako ng tuloyan ng mamatay ang makina nito. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko dahil sa byahe. Hindi ako sanay na sumakay ng bigbike.
Gamit ang nanginginig na kamay ay tinatanggal ko ang lock ng helmet. Medyo matigas ito at mas pinapatagal pa ng sitwasyon ng kamy ko.
"Let me help you," sambit ni sir Liam sabay lapit sa akin at inabot ang loc
Nagising ako sa mahinang tapik sa pisnge ko. Unti-unti kong binubuka ang mga mata ko na mabigat pa rin dala ng antok. Kinusot-kusot ko ito at unti-unti na ring lumilinaw ang paningin ko. Halos mapabalikwas ako ng bangon ng masalubong ng tingin ko ang abuhang mga mata na nakatingin sa'kin. "S-sir Liam," bati ko sa kanya habang binababa ang paa ko aa sahig. "Don't move. I just brought you some food. Sabi nina Aling Gema you haven't taken your dinner yet," sabi nito. Dinner? Nakakunot ang noo kong tinignan ang oras sa cellphone ko. At totoo ngang gabi na. Alas nuwebe na ng gabi. Napansin ko ring may pitong misscalls sa phone ko. At nang macheck ko ito ay mas nahiya ako. Napayuko ako at napakamot ng ulo. "S-sorry po, sir Liam. Nakatulog ako kaya hindi ko napansin na tumawag ka pala," "Mom is very worried about you kaya I
The droplets of the cold shower awoken my senses. Halos wala akong tulog sa magdamagang pag-aayos ng presentation ko mamaya sa client namin. This is very crucial for the company's plan to expand overseas. I made sure that I have everything ready before I left the house. I was about to step inside my car when I noticed I don't have my phone with me. Dinukot ko ang laman ng bag pero wala pa rin. Nagmadali akong umakyat sa kwarto at tinignan ang bulsa ng suot ko kanina pero wala pa rin ito. I grabbed my spare phone and placed it inside my pocket. Siguro ay naiwan ko 'yon sa opisina. That bitch earlier is too annoying and I can't stand her. Nasa loob na ako ng kumpanya and currently inside the elevator when it opened. Pumasok naman si Ethan at nagtatakang tinignan ako. Nakakunot ang kanyang noo naa para bang hindi makapaniwalang nandito ako sa kanyang harapan. "Oh, you're here! I thought you're having plans with Amber?" he asked with a confused look. My brows furrowed in confusion. "A
Nakakabinging katahimikan. Malamig na sahig. Pilit kong inaaninag ang paligid pero imposible ito dahil sa nakapiring kong mga mata. Namamanhid ang aking kaliwang balikat dahil sa pagkakatagilid. Parehong mahapdi ang aking palapulsuhan at bukong-bukong dahil sa mahigpit na pagkakagapos. Gusto ko mang sumigaw pero hanggang ungol lang ang kaya kong gawin dahil sa telang nakatali sa aking bibig. Gusto kong umiyak dahil sa takot pero wala itong maidudulot na mabuti sa akin. Sinubukan kong pakiramdaman ang paligid ngunit isang nakakabinging katahimikan lang ang aking naririnig. Nakakapraning na katahimikan. Tahimik akong nagdasal dahil sa ngayon, 'yon lamang ang maaari kong gawin. Hindi pa ako pupuwedeng mamatay. Hindi kakayanin ni mama kung pati ako ay mapapahamak. Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ang mga papalapit na yabag ng mga paa sa hindi kalayuan. Naririnig ko rin ang paminsanang pagtatawanan ng mga ito. Papalapit ng papalapit ang
Hmm.. Hanggang sa panaginip ay naaamoy ko pa rin siya. "Ang bango-bango mo talaga," sabi ko habang nakapikit pa rin ang mga mata. Ayoko munang magising dahil ang sarap-sarap niyang singhutin.I Tumagilid ako sa bandang kanan at mas nanunuot sa ilong ko ang bango. Napapahagikhik ako sa tuwa na nararamdaman. Sana ganito palagi ang panaginip ko. Ang sarap tuloy hindi bumangon. "I don't want to interrupt your sleep but we're going to be late," ani isang boses. Napabalikwas ako ng bangon ng bumungad sa pagbukas ng mga mata ko ay ang mukha ni sir Liam na nakangisi. Na tila ba aliw na aliw sa nakikita. Bumaba ako sa higaan at tinakoana ang mukha bago dumiretso sa cr. Sa pagpasok ko ng cr ay siya ring oag bukas ni ssir Liam ng pinto para lumabas ng kuwarto ko. Nagmadali akong maligo at hinila ang isang kulay peach na bodycon dress at sinaoawan ng itim na blazer. Suklay-suklay ko ang aking buhok habang bumababa ng hagdan at nakitang nakaabang si sir Liam sa dulo nito. Tumingala siya at
"Kung ayaw ninyong binubulabog kayo nang maaga, ay matuto kayong magbayad sa tamang oras! Ano? Maghihintay na naman ako kung kailan kayo magbibigay?!" galit na saad ni Aling Marites sabay hampas ng pintuan namin. Napapayuko nalang si Mama dahil sa hiya. Sumisilip rin kasi ang mga kapitbahay kaya nakaka-eskandalo talaga.Napatingin si Aling Marites sa likuran ni Mama at nakita ako." Ikaw naman Amber, huwag masyadong ambisyosa! Naghihirap na nga kayo, inuuna mo pa ang pag-aaral! Walang yumayaman sa aral! Masyado lang kayong ambisyoso! Huwag pilitin kung hindi kaya," dagdag pa nito na nagpadagdag rin ng galit ko.Pero dahil kami ang nangangailangan ay ngumiti ako kahit pilit." Huwag ka po mag-alala Aling Marites. Gagawa po kami ng paraan. Babayaran ka namin next week. " sabi ko nang nakangiti. Kahit ang totoo ay ansarap na niyang sabunutan."Kapag sa Lunes ay wala pa ang pambayad n'yo, mag-alsa balutan na ka
"I came to formally apologize for what happened," pagpapakumbabang sabi niya nang makalapit na siya sa amin nina mama. Nakayuko siya at halos hindi makatingin nang direstso.Napaupo si mama sa sahig sa labis na pag-aalala. Hinahagod ni Ambrose ang likuran nito para mapakalma. Binigyan naman siya ni Amir nang tubig pero hindi niya ito pinansin."Dalhin niyo ako sa kanya," matigas na sabi ni Mama na direktang nakatingin sa lalaking kakarating lang. "Kailangan niya kami nang mga anak niya," sabi niya habang pinunasan ang mga pisngi na basang-basa ng luha. Inalalayan siya ni Ambrose na makatayo.Tumango ang lalaking kausap niya at masuyong tinignan si mama. "Ihahatid ko po kayo sa kanya," mapagkumbabang sagot niya."Huwag ka nang magbihis ate. Dadalhan ka namin nang pamalit mamaya. Mauna na kayo ni Mama." sabi ni Ambrose habang tinatapik ako sa likod dahil hindi mawala ang tingin ko kay mama.
Naguguluhang tinignan ko ang kamay niya na nasa braso ko. Naramdaman niya siguro ang pagkailang ko kaya binitiwan niya ako agad.Nilingon niya ng may seryosong tingin si Aling Marites. "By the way, isn't it illegal to rent out a property na hindi mo naman pag-aari?" tanong niya kay Aling Marites habang tinititigan niya nang masama ito at ang anak nitong lalaki."Ano ba'ng pinagsasabi mo? Amin itong lugar na 'to!" sagot niya na hindi man lang natinag kay ni Mr. Walton."The house, maybe. But as far as I know, WW Estate Holdings owns the land," sagot niya pa na ang tinutukoy ay ang kumpanyang pinagtatrabahuan ni Papa. "That only means, you're an illegal settler na pinagkakaperahan pa ang lupang hindi naman sa'yo. What a scam," sabi niya na nginingisihan lang si Aling Marites.Nanggagalaiti si Aling Marites at namumula na rin sa kahihiyan. Marami na kasing tao sa paligid at narinig lahat nang sinabi ni Mr. Wa
It's already way past midnight. Ngayon ko lang natapos ang mga documents na kailangan kong i-present for the business meeting.Tumayo ako mula sa swivel chair at lumipat sa mahabang couch. I loosened my necktie and unbuttoned my polo. I removed my shoes bago ko pinatong ang mga paa ko sa hinihigaan ko.I fished my phone from my picket at minessage ang driver na susundo sa bagong secretary. Sinabihan ko siyang dalhan ako ng kape bukas pag dating niya. When I saw the confirmation that it was sent, ay ipinatong ko na sa mesa ang phone ko. Dahil na rin sa pagod, unti-unti nang bumibigat ang talukap ko at mabilis akong nakatulog.Narinig ko na parang may kumakatok sa pinto. And because I was half awake, I didn't think it was real. I let myself doze off again when I heard someone twisting the door knob. Maybe it's just Samuel, the dirver. Kinusot ko muna ang mga mata ko habang kasalukuyang nakahiga pa rin nang magising ang diwa