Share

Chapter Twelve

Nakakabinging katahimikan.

Malamig na sahig.

Pilit kong inaaninag ang paligid pero imposible ito dahil sa nakapiring kong mga mata. Namamanhid ang aking kaliwang balikat dahil sa pagkakatagilid. Parehong mahapdi ang aking palapulsuhan at bukong-bukong dahil sa mahigpit na pagkakagapos. Gusto ko mang sumigaw pero hanggang ungol lang ang kaya kong gawin dahil sa telang nakatali sa aking bibig.

Gusto kong umiyak dahil sa takot pero wala itong maidudulot na mabuti sa akin. Sinubukan kong pakiramdaman ang  paligid ngunit isang nakakabinging katahimikan lang ang aking naririnig. Nakakapraning na katahimikan.

Tahimik akong nagdasal dahil sa ngayon, 'yon lamang ang maaari kong gawin. Hindi pa ako pupuwedeng mamatay. Hindi kakayanin ni mama kung pati ako ay mapapahamak.

Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ang mga papalapit na yabag ng mga paa sa hindi kalayuan. Naririnig ko rin ang paminsanang pagtatawanan ng mga ito. Papalapit ng papalapit ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status