Share

Once Upon A Billionaire's Fairytale
Once Upon A Billionaire's Fairytale
Author: mzchaotic

Chapter One

"Kung ayaw ninyong binubulabog kayo nang maaga, ay matuto kayong magbayad sa tamang oras! Ano? Maghihintay na naman ako kung kailan kayo magbibigay?!" galit na saad ni Aling Marites sabay hampas ng pintuan namin. Napapayuko nalang si Mama dahil sa hiya. Sumisilip rin kasi ang mga kapitbahay kaya nakaka-eskandalo talaga.

Napatingin si Aling Marites sa likuran ni Mama at nakita ako.

" Ikaw naman Amber, huwag masyadong ambisyosa! Naghihirap na nga kayo, inuuna mo pa ang pag-aaral! Walang yumayaman sa aral! Masyado lang kayong ambisyoso! Huwag pilitin kung hindi kaya," dagdag pa nito na nagpadagdag rin ng galit ko.

Pero dahil kami ang nangangailangan ay ngumiti ako kahit pilit." Huwag ka po mag-alala Aling Marites. Gagawa po kami ng paraan. Babayaran ka namin next week. " sabi ko nang nakangiti. Kahit ang totoo ay ansarap na niyang sabunutan.

"Kapag sa Lunes ay wala pa ang pambayad n'yo, mag-alsa balutan na kayo at papalayasin ko na kayo! Tandaan niyo 'yan!" nanggagalaiting sabi niya bago umalis at pinaypayan ang sarili.

Napatampal ako sa ulo ko dahil sa inis. Nilingon ako ni Mama.

"Pasensya ka na, anak. Gipit talaga tayo. Pati ikaw isinali pa niya," mahinang sabi ni Mama at niyakap ako.

Hindi ko napigilang makaramdam ng lungkot sa loob-loob ko. Alam na alam ko kung paanong pinagsisikapan nina papa at mama ang pagtatrabaho para kahit papaano ay maiahon mula sa kahirapan ang pamumuhay namin. Si papa ay isang security guard sa isang malaking construction firm, habang si mama naman ay isang online seller ng mga ukay-ukay.

"Kaunting tiis nalang, ma, makakaahon din tayo sa hirap. Third year na 'ko. Next year ay gagraduate na 'ko. Wala ka namang dapat alalahanin kina Ambrose at Amir dahil pareho silang scholar. Ako lang talaga ang hindi pinalad," pabiro kong saad sabay tawa.

Napasimangot si Mama at binatukan ako. Tama lang para maalog nang kaunti ang utak kong slightly used.

"Hayaan mo na, anak. You can't have everything. Perfect ka na niyan kung pati talino ay nasa sa'yo na," malambing na sabi ni mama sa'kin.

"Mama, huwag mo nang i-sugar coat 'yong kay ate. Ano nalang kami ni Amir? Ano pa bang kulang sa'min?" pabirong sabat ni Ambrose na inakbayan pa si Mama.

Pinandilatan ko siya ng mata at saka ako ngumisi. “Wala ngang perfect, ma, kaya I understand,” mahinang sambit ko. Nilingon ko si Ambrose at itinuro ang kaliwang mata nito. “Edi ikaw na ang g’wapo at matalino…” Humakbang ako palayo at saka muli siyang binelatan, “may muta ka naman!”

Tumakbo ako palayo at ramdam ko naman agad ang paghabol sa akin nito. Narinig ko rin ang paalala ni mama sa amin pero abala akong layuan si Ambrose.

Hinihingal kong kinuha ang gamit ko. Paalis na rin kasi ako kung 'di lang sana dumating si aling Marites.

Inilibot ko pa ang paningin ko sa buong kwarto para tingnan kung may naiwan ba ako. Nang masiguro kong wala na ay kinuha ko na ang backpack ko sa ibabaw ng tagping mesa na nagsisilbing “study table” ko at lumabas na ng k’warto.

Patakbo akong bumaba ng hagdan at nakasalubong si Papa. "Kakauwi n'yo lang po?" tanong ko sabay mano sa kanya. Halata ang pagod at antok sa mga mata niya.

"Oo. Matagal kasi dumating yung karelyebo ko," mahinang sagot ni papa.

Umakyat si mama sa hagdan para sumunod kay papa. "Dumadalas na yata 'yan Roel. Abusado siya masyado. Kailangan mo nang sabihan ang boss niyo, " naiinis sa sambit ni Mama.

Napabuntong-hininga lang si papa. Alam namin na hindi niya kayang gawin 'yon. Ayaw niyang mapagalitan ang kasamahan niya sa trabaho. Or worse, baka masesante pa.

"Ayos lang naman ako. Pagsasabihan ko nalang siya," sagot niya at saka pumanhik sa taas.

Bumaba na rin ako at kumain. Nasa mesa na rin sina Ambrose at Amir. Naging mabilis ang bawat pagkilos ko dahil sa limitadong oras na mayroon ako. Ni hindi ko rin nagawang maramdaman kung talagang nabusog ako sa kinain ko.

"Ate," tawag ni Ambrose sa'kin kaya nilingon ko siya. "Mamayang uwian pwede bang ikaw na muna ang pumunta sa pinagtatrabahuan ni papa para kumuha ng sweldo niya? May group activity kasi kami mamaya. Baka matagalan ako," dagdag niya pa.

"Sige. Okay lang," sagot ko. Maaga-aga naman matatapos ang klase ko mamaya kaya pumayag na ako.

Napagdesisyunan rin namin na huwag nalang ipaalam kay papa ang nangyaring pagsugod ni Aling Marites.

Nang makarating ako sa school ay sakto ring kapapasok lang ng professor namin para sa unang subject. May panaka-nakang nagdaldaldalan kami kada break time. Ramdam na ramdam ko rin ang pagod nang matapos na ng panghuling klase namin para sa araw na ‘to. Inilabas ko ang cellphone ko para agad na i-text si Ambrose. Halos mataranta ako nang makitang konti na lang ay mamamatay na ang cellphone ko.

To: Ambrose

Paalis na'ko. Pwede mo bang tawagan si Papa para maabangan niya 'ko? Wala akong load pantawag. Isa pa lowbat na' ko. Sabihin mo sa may gate ako maghihintay.

“Ay!” Napatampal ako sa aking noo dahil saktong pagsend ng message ko para kay Ambrose ay ang pagkamatay naman ng cellphone ko. Napabuntong-hininga na lang ako at sinubukan pa itong buksan pero ubos na talaga ang kanina’y 10% pa na baterya. Sakit na rin ito ng cellphone ko dati pa kaya wala na rin akong magagawa.

Nagpasya na akong sumakay ng jeep papunta kay papa. Ilang sandali lang ay huminto na ito sa isang malaking building na pagmamay-ari ng isang sikat na construction company. Nagtatrabaho si papa rito bilang security guard. Halos sampong taon na rin siya rito.

Tumayo lang ako sa gilid ng gate at naghintay. May mangilan-ngilang mga trabahante rin ang palabas na dahil halos ala sais na nang gabi.

Sa'n na kaya si papa?

Napasandal ako sa may gilid ng gate. Wala man lang kasing maupuan o waiting shed dito. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang pindutin ang switch. Umilaw lang ito nang ilang segundo at namatay rin.

Palingun-lingun din ako sa may harap baka nando'n na si papa.

Ilang saglit pa ang lumipas at wala pa rin si Papa.

Napapatingala ako sa langit at makulimlim na ang kalangitan. Nagbabadya pa atang umulan.

Paano ko ba macocontact si Papa? Hindi kasi pwedeng pumasok sa gate pag walang ID.

Napalingon ako ulit sa loob at nakitang may lalaking nakatayo malapit sa guard.

Nakasuot ito ng kulay navyblue long sleeve polo na naka tuck in sa gray slacks at pinaresan naman ng leather shoes. Lampas balikat niya ang guard na nakatayo sa entrance kaya nagmukha siyang poste sa tangkad. Halatang may posisyon sa kompanya ang lalaki dahil sa porma at tindig nito na naghuhumiyaw ng otoridad. Hindi ko naman napigilang mailang nang makitang nakapako sa akin ang mga mata nito.

Kinausap niya ang guard at napansin kong itinuro niya ako. Pagkatapos nilang mag-usap ay nakita kong naglalakad na ang guard palapit sa'kin.

Nang malapit na siya ay lumapit ako sa bukana ng gate.

"Good evening po," bati ko sa kanya. Mukha naman siyang approachable dahil nakangiti siyang lumapit sa'kin.

"Dumidilim na, iha. May hinihintay ka ba?" tanong niya sa'kin.

"Opo. Anak po ako ni Armand Flores. Hinhintay ko po siya. 'Di ko po kasi matawagan dahil lowbat ako, " sabi ko.

"Sige, miss. Tatanungin ko sila ro'n." sabi niya bago umalis.

Nang makabalik si kuya guard sa kinaroroonan niya kanina ay napansin kong kinausap siya ulit no’ng lalaki. Nakita ko rin kung paanong kunin nito ang cellphone niya at may tinawagan. Makalipas ang ilang segundo ay sumakay na ang lalaki sa sasakyan niya. Naputol naman ang pagsunod ko sa kilos niya nang senyasan ako ng g’wardya na pumasok sa loob na agad ko namang ginawa.

Lakad-takbo akong pumasok sa gate at nakasalubong ko ang kotse nang lalaki. Huminto ako saglit at tinitignan ang papalapit na sasakyan. Mabagal lang siyang nagmamaneho sa gawi ko na para bang pareho kami nang iniisip.

Nasa tinted na bintana niya ang atensyon ko. Nakapako sa kanya ang paningin ko na para bang nasa akin rin ang paningin niya.

Nasapo ko bigla ang dibdib ko nang maramdamang mabilis ang pintig nito.

"Ay, hala!" para akong nagising sa realidad nang matanggal ang hoodie sa ulo ko nang inihip ito nang hangin. Sabay nang paglipad rin ng mahaba kong buhok.

Nang tumingin ako ulit ay nakalampas na siya.

Ano kaya itsura niya?

Dahan-dahan akong naglakad papunta kay manong guard. "Thank you po," sabi ko na nakangiti.

"Welcome iha. Papunta na rito 'yong papa mo, " sabi niya bago bumalik sa pwesto.

Sa wakas!

Hindi rin nagtagal ay lumabas na si papa.

"Anak, sorry. 'Di ko napansin na tumawag pala si Ambrose. Naka silent kasi ang cellphone ko. Nagtext din siya pero hindi ko rin nabasa agad," nag-aalalang sabi niya sa' kin.

"Ayos lang. Lowbat din kasi ako. Sira na kasi battery kaya laging lowbat," sagot ko at napangisi.

Napansin kong nalungkot siya sa sinabi ko kaya binawi ko rin. "Pero pag naka graduate na'ko, bibili talaga ako ng latest model. Malapit na! Kaunting tiis nalang," saad ko.

"Pasensya na, anak. Gipit pa talaga tayo ngayon. 'Pag natanggap ko na bonus ko, bibilhan kita ng bago," may bahid ng lungkot na sabi niya.

Niyakap ko si papa at hinalikan sa pisngi. "Huwag na po. Hindi ko rin matatanggap. Gusto ko kasi ako mismo ang bibili para sa sarili ko.' Di ba achievement 'yon?" sabi ko sabay kindat sa kanya.

Napatawa nalang si Papa. As much as possible ay ayokong humingi sa kanila ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan.

Ibinigay ni Papa ang puting envelope sa'kin. Kahit' di ko buksan ay alam ko na 'yon ang sahod niya.

"Hindi mo na naman inayos ang pagkakabuhol ng sapatos mo." sabi niya sabay yuko.

Inabot ni papa ang swelas ng sapatos ko at inayos. "Lagi mo' tong ayusin anak. Pa'no nalang lag nadapa ang unica hija ko at wala ako?" pagbibiro niya pa.

"E, 'di hahanapin po kita," sagot ko sabay tawa.

"Hindi habambuhay nandito ako anak. Kaya sana, mag-iingat ka lagi. Huwag kang pasawa," sabi niya saka tumayo at ginulo ang buhok ko.

Kinabahan ako sa sinabi niya kaya kinurot ko ssiya sa braso.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan, Pa. Masamang biro 'yan. Naku! 'Pag talaga nangyari yan, mag-aasawa ako agad," sagot ko sa kanya na mas nagpatawa sa kanya.

"Wala ka ngang boyfriend, asawa pa kaya." natatawang sabi niya bago umalis.

"I love you, anak!" sabi niya pa at kumaway.

I waved back. Napangiti naman ako dahil sa pagiging sweet ni papa. Ngayon, alam ko na kung bakit patay na patay sa kaniya si mama.

Pagkatapos kong makausap si Papa ay umuwi na rin ako agad.

Nakarating ako ng bahay halos alas nuwebe na nang gabi. Pasalampak akong umupo sa sofa na ikinareklamo naman ni Amir na kasalukuyang nag-aaral. "Ano ba, ate! Nag-aaral 'yong gwapo e!" reklamo pa niya.

Napangiwi ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya. "G'wapo nga, torpe naman," oanunukso ko pa sa kanya na ikinatawa ni Ambrose.

"Boom! Sapol!" oanggagatong pa ni Ambrose na ikinangisi naman ni Amir.

"Nagsalita ang na friend zone," sabi niya sabay tawa na sinabayan ko naman.

Hinagis naman ni Ambrose ang notebook niya kay Amir na mabilis naman nitong nailagan.

Nakaramdam na ako nang kalam ng sikmura kaya tumayo ako para kumain.

Napapangiti akong tinitignan sina Ambrose at Amir na naghaharutan sa sala. Mahirap man kami sa pera, pero mayamang-mayaman naman kami sa pagmamahal. Hindi ito kayang tumbasan ng kahit ilang bilyong piso o toneladang ginto.

Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan ko. Umupo ako sa gilid ng higaan at sinaksak ang charger ng phone ko.

Naghilamos muna ako at nagbihis bago humiga. Nakapikit na ang mga mata ko nang may imaheng bigla na lang nabuo sa isip ko.

Sino kaya ang lalaking 'yon? Makikita ko pa kaya siya ulit?

Hindi ko namalayang nakatulogan ko na ang pag-iisip. Dahil na rin siguro sa pagod.

Maaga pa naman ng makatulog ako kagabi pero mataas na ang araw nang ako'y nagising. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at tumayo.

Nanalamin muna ako at tinali ang mahaba kong buhok na ngayon ay sabog-sabog. Palabas pa lang ako ng kwarto nang marinig ko si Mama na nagsisigaw sa baba.

Patakbo akong bumaba ng hagdan at kinabahan nang nakita si mama sa may pinto na may kausap na lalaki. Naka uniform pa ito kaya naalala ko na siya 'yong guard na tumulong sa'kin kahapon.

Lumapit ako agad at nakitang umiiyak si mama. Nang makita ko si mama sa gano'ng estado ay hindi ko napigilan ang matinding kabog ng dibdib ko. Parang may kung anong hindi ko magugustuhan.

"A-ano po ang nangyari?" tanong ko sa kanila. Naramdaman kong nasa likuran ko na rin si Amir at nakaakay si Ambrose kay Mama.

Unti-unting lumingon si mama sa amin at humagulgol. "May nangyari sa papa niyo. Kritikal ang lagay niya," nanghihinang saad niya.

Napakunot ang noo ko sa narinig. Nilingon ko ang lalaking kausap ni mama at nakayuko ito sa harap namin.

"Nasa'n siya?" tanong ko sa kanya. Bago pa siya nakasagot ay may humintong magarang sasakyan sa harap ng bahay namin.

Kagaya ito ng sasakyang nakita ko kahapon, na sa pagkakaalam ko ay isang Volvo XC40. Bumukas ang pinto nito sa driver's seat at dahan-dahang bumaba ang may-ari nito.

Anong ginagawa niya rito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status